4th Watch Media

Oras Ng Katotohanan Classics

ORAS NG KATOTOHANAN has been the flagship program of the Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) through the leadership of our late Apostle Arsenio T. Ferriol. It was first aired in 1991 on television. What started as a humble weekly broadcast has grown into a powerful program that has touched many hearts and changed many lives. The program aims to relive apostle Arsenio's timeless lessons and messages in our generation.

Koniecznie odwiedź stronę podcastu i wesprzyj twórcę: podcasters.spotify.com

Autor

4th Watch Media

Kategoria

Religion

Strona podcastu

podcasters.spotify.com

Ostatni odcinek

20 lis 2026

Gdzie słuchać?

Podcasty w aplikacji Replaio Radio Już wkrótce

Podcasty trafią do aplikacji już wkrótce. Zainstaluj teraz i jako pierwszy zobacz nowe podejście do podcastów

Pobierz z Google Play Zainstaluj za darmo Android 10 mln+ pobrań · ocena 4,7+ iOS wkrótce

Odcinki

Ang Kaligtasan ang Pinakamahalagang Gawa ng Dios 20.11.2026

Sama-sama nating pakinggan at pagbulayan ang mahalagang mensahe tungkol sa “Ang Kaligtasan ang Pinakamahalagang Gawa ng Dios,” hatid sa atin ng ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol. Muli nating patibayin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng dalisay na Salita ng Dios. [File 2005]

Ang Mga Taong Papasok sa Kaharian ng Dios 13.11.2026

Sa panibagong episode ng Oras ng Katotohanan Classics, muli nating mapapakinggan ang mga aral na nagbibigay-liwanag, nagpapatibay ng pananampalataya, at gumagabay sa ating pamumuhay ayon sa Salita ng Dios. [File 2004]

Paghuhukom sa mga Banal at Paghuhukom sa mga Makasalanan 06.11.2026

Ano ang pagkakaiba ng paghuhukom sa mga banal at paghuhukom sa mga makasalanan? Ano ang sinasabi ng Salita ng Dios tungkol sa kahihinatnan ng bawat isa? Samahan ninyo kami sa pagtalakay sa mahalagang aral na ito mula sa mga pangangaral ng yumaong Apostle Arsenio T. Ferriol. Sama-sama nating saliksikin ang dalisay na Salita ng Dios upang higit nating maunawaan ang katotohanan tungkol sa Kaniyang pa...

Layunin ng Dios sa Pagkakaloob ng Kaniyang Espiritu Santo 30.10.2026

Muli nating pakinggan ang mga katuruan ng ating mahal na yumaong Apostle Arsenio T. Ferriol at dalisayin ang kahalagahan ng pagkakaloob ng Dios ng Kaniyang Espiritu Santo. [File 2004]

Ang mga Taong Maaaring Sumamba sa Dios. 24.10.2026

Muli nating pakinggan ang dalisay na aral ng Salita ng Dios sa pamamagitan ng pangangaral ng ating minamahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol sa paksang “Ang mga Taong Maaaring Sumamba sa Dios.” Samahan ninyo kami sa muling pagbabahagi ng katotohanan ng Salita ng Dios na magsisilbing gabay sa ating pananampalataya at sa tunay na pagsamba sa Kaniya.

Ang Gawain sa Pagmimisyon 16.10.2026

Muling tunghayan at pakinggan ang mga dalisay na aral ng katotohanan tungkol sa gawain ng pagmimisyon, hatid sa atin ng Mabuting Puno ng Sambahayan, ang ating minamahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol. Samahan kami sa muling pag-aaral ng Salita ng Dios dito lamang sa Oras ng Katotohanan Classics! (File 2004)

Sino nga ba si Jesus? 10.10.2026

"Ang pagkakilanlan, awtoridad, mga karapatan, at kapangyarihan ng ating Panginoong Jesucristo."Ating panoorin at pakinggan muli ang mga katotohanan ng dalisay na aral mula sa Mabuting Puno ng Sambahayan, ang yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, dito lamang sa Oras ng Katotohanan Classics.

Ang Mapalad na Pag-asa na Dili’t Iba’t ang Pagpapakitang Muli ng Kaluwalhatian ng Ating Dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo. 02.10.2026

Sa episode na ito ng Oras ng Katotohanan Classics, muli nating tanggapin ang maliwanag na katotohanan mula sa Salita ng Dios sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng Guro ng Oras ng Katotohanan, ang ating minamahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, na pinamagatang “Ang Mapalad na Pag-asa na Dili’t Iba’t ang Pagpapakitang Muli ng Kaluwalhatian ng Ating Dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesu...

Ang mga Pangakong Biyaya ng Dios 25.09.2026

Nasusulat sa Mateo 24:35: ”Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas." Isa sa mga dahilan ng matibay na pundasyon ng ating mga pananampalataya ay ang mga Salita ng Dios. Marami tayong karanasan na nagpapatotoo na ito ay tunay at tapat, kaya naman tinatawag din natin itong ‘Mapalad na Pag-asa’. Sa episode na ito, muli tayong palalakasin at aaliwin...

Growing in the Faith: Servant of Christ 11.09.2026

Isa sa katunayan ng ating paglago sa pananampalataya ay ang maging ganap na lingkod ng ating Panginoon. Sa episode na ito, muli nating tamuhin ang maliwanag na katotohanan na nagmumula sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga salita na mula sa mensaheng ibinahagi ng Guro ng Oras ng Katotohanan, ang ating minamahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol na pinamagatang “Growing in the Faith: Servant of...

Ang Maluwalhating Iglesia na Ihaharap sa Panginoon 28.08.2026

Sa ating patuloy na pagdiriwang ng ating mga pagkatawag sa Iglesia ng Panginoon, ngayong 4th Watchers Month, isang maganda at makabuluhang mensahe ang muli nating babalikan mula sa ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, ang Guro ng Oras ng Katotohanan. Bilang mga mananampalataya na naghihintay sa muling pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, nais natin na patuloy na mapagbuti ang ating mga p...

Ang Mapalad na Pag-Asa ng mga Banal 21.08.2026

Hindi maikakaila na sa dami ng mga kabigatang ating nararanasan sa buhay na ito, bilang mga mananampalataya, ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nakakapagpatuloy ay ang ating pagtitiwala sa pagtugon ng Dios sa ating mga daing at mga panalangin. Sa episode na ito, muli nating tamuhin ang pagpapalakas na nagmumula sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga salita na mula sa mensaheng ibinahagi ng Guro...

Ang Tunay na Sugo ng Dios 14.08.2026

Sa usapin ng pananampalataya, nakasalig ang katotohanan at katiyakan sa kung sino ang nagdadala nito. Hindi maaaring kung sino lamang. Dapat ay may kahalalan at may pagkatawag na nagmumula sa Panginoon. Sa episode na ito, ating pakinggan ang isa sa mga napakahalagang paksa na kailangan nating mapakinggan upang higit nating maunawaan ang Katotohanan. Ito ay pinamagatang “Ang Tunay na Sugo ng Dios”,...

Ang Pagkamapalad ng mga Anak ng Dios 07.08.2026

Sa buhay na puno ng hamon at kawalang-katiyakan, ipinapaalala ng Salita ng Dios na ang tunay na pagkamapalad ay hindi nasusukat sa mga bagay na panlupa, kundi sa pagkakaroon ng buhay na nakatalaga at tapat sa Panginoon. Ating pakinggan ang mensahe ng Dios, dala ng ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, ang Guro ng Oras ng Katotohanan. [File 2006]

You Can be Saved Now, You Can be Healed Now 31.07.2026

Ngayong episode ay muli nating balikan ang mensahe ng Guro ng Oras ng Katotohanan, ang ating yumaong Apostol Arsenio Ferriol, patungkol sa kaligtasan at kagalingan na tanging sa Dios lamang natin matatagpuan. “You Can be Saved Now, You Can be Healed Now”. (File 2007)

Ating Panghawakan at Panatilihing Matibay ang Kaligtasang Tinamo sa Ating Panginoong JesuCristo 23.07.2026

Ang Kaligtasan ng ating mga kaluluwa ay isa sa mga pinaka-dakilang regalo ng Dios sa atin. Ito ang patunay ng di nagmamaliw na pag-ibig Nya anoman ang ating pinagmulan. At sa bawat isa sa atin na nakatamo nito ay dapat na matutunan kung paano ito ingatan at lubos na panghawakan. Sa episode na ito, ating pakinggan ang naging mensahe ng ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, ang guro ng Oras ng K...

Kaligtasan 17.07.2026

Isa sa mga makahulugang mensahe na ating napakinggan at masarap na paulit-ulit na marinig ay ang patungkol sa kaligtasan. Isang regalo ng Dios na habambuhay nating ipagpapasalamat sapagkat ito ay sumisimbolo sa nagpapatuloy na habag at pag-ibig ng Dios. Sa episode na ito, muli nating buksan ang ating mga puso at isip sa mensahe ng Kaligtasan na tanging sa Dios lamang natin makakamtan. Ito ay dala...

Ilang Mahahalagang Dahilan Kung Bakit ang Makasalanan ay Dapat na Lumapit sa Dios 08.07.2026

Gaya ng nasusulat sa Roma 3:23, 'Walang matuwid, wala kahit isa.' Lahat ng tao ay nagkakasala, lahat ay may mga kahinaan. Ngunit ang malaking biyaya, ay may Dios na mabuti, mahabagin at mapagbiyaya. Sa episode na ito ay ating balikan ang naging mensahe ng yumaong Guro ng Oras ng Katotohanan, Apostol Arsenio T. Ferriol patungkol sa “Mahahalagang Dahilan kung Bakit ang Makasalanan ay Dapat n...

Ang Kinasasaligan ng Kaligtasan na Ginawa ng Dios para sa mga Mananampalataya sa Sanlibutan 03.07.2026

Sa episode na ito, sama-sama nating pakinggan ang mensaheng dala ng Guro ng Oras ng Katotohanan, Apostol Arsenio T. Ferriol. Ito ay pinamagatang "Ang Kinasasaligan ng Kaligtasan na Ginawa ng Dios para sa mga Mananampalataya sa Sanlibutan". Minsan pa itong magdadala ng kalakasan at pagpapatibay sa ating mga pananampalataya.

Ang Katapatan ng Dios na Ama sa Kaniyang mga Anak 25.06.2026

Nitong linggo ay ipinagdiwang natin ang Father's Day. Tunay na hindi madali ang maging isang ama. Araw-araw silang nagsisikap, nagsasakripisyo, at nagtatrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang kanilang pagmamahal, paggabay, at pagtitiyaga ay nagiging pundasyon ng isang matatag na tahanan. Higit sa lahat, ang isang mabuting ama ay hindi lamang nagbibigay ng pangangai...

Paano ba Tayo Tinatanggap ng Dios paglumalapit sa Kaniya sa Pamamagitan ni Jesucristo? 25.06.2026

Ito ay isang katanungang binigyang-linaw ng yumaong Guro ng Oras ng Katotohanan, Apostol Arsenio T. Ferriol. Ating sama-samang panoorin at pakinggan ang makabuluhang episode na ito na magbibigay ng aral at kalakasan ng pananampalataya sa ating lahat.

Ang Panawagan ng Dios 09.06.2026

Ngayong Linggo ay ating ipinagdiriwang ang kalayaan ng ating bayan. Ating inaalala ang kahalagahan ng pagiging malaya mula sa anumang pagkaalipin at pang-aapi ng mga taong gustong sakupin ang ating bansa. Ngunit higit sa bagay na ito, dapat nating higit na maunawaan na may mas dakilang kalayaan na kaloob ang Dios; ang kalayaan mula sa kasalanan. Sa episode na ito ng Oras ng Katotohanan Classics, m...

Ang Pangangailangan ng Pananampalataya 02.06.2026

Sa panahong maraming pagsubok at kawalang-katiyakan, ang tunay na pananampalataya ang nagsisilbing matibay nating sandigan. Samahan po ninyo kami sa isang natatanging yugto ng Oras ng Katotohanan Classics habang muli nating pinakikinggan ang makapangyarihang mensahe ng yumaong lingkod ng Dios, Apostle Arsenio T. Ferriol, tungkol sa pananampalataya—isang pananampalatayang nagtitiwala sa Dios sa git...

The Legacy Lives On: Walking in the Apostolic Footsteps III 26.05.2026

Sa buong buwan na ito ng Mayo, sama-sama nating ginunita ang buhay at ministeryong iniwan ng lingkod ng Dios, ang minamahal na Apostle Arsenio T. Ferriol—isang buhay na naging ilaw, inspirasyon, at gabay sa napakaraming mananampalataya. Ngayong tayo’y nasa huling linggo ng paggunita sa anibersaryo ng kanyang pag-panaw, muli nating buksan ang ating mga puso sa mga alaala at mensaheng nagpapatunay n...

The Legacy Lives On: Walking in the Apostolic Footsteps II 24.05.2026

Ngayong ikalawang taong anibersaryo ng pagpanaw ng ating minamahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, isang espesyal na pagkakataon ito upang ating muling balikan ang isa sa mga makasaysayang programa na kanyang pinasimulan. Ang Oras ng Katotohanan, na nagdadala ng walang daya at dalisay na Salita ng Dios. Sama-sama tayo sa isang natatanging episode ng programang ito—isang Memorial Tribute na...

Słuchaj podcastu Oras Ng Katotohanan Classics w Replaio

Radio i podcasty w jednej aplikacji - za darmo, bez zakładania konta. Zainstaluj już dziś i nie przegap premiery

Pobierz z Google Play

Replaio nie jest wydawcą podcastów; nazwy audycji, okładki i audio należą do ich autorów i są rozpowszechniane przez publiczne kanały RSS