4th Watch Media
Oras Ng Katotohanan Classics
ORAS NG KATOTOHANAN has been the flagship program of the Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) through the leadership of our late Apostle Arsenio T. Ferriol. It was first aired in 1991 on television. What started as a humble weekly broadcast has grown into a powerful program that has touched many hearts and changed many lives. The program aims to relive apostle Arsenio's timeless lessons and messages in our generation.
Author
4th Watch Media
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 8, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Ilang Mahahalagang Dahilan Kung Bakit ang Makasalanan ay Dapat na Lumapit sa Dios 08.07.2026 31:59
Gaya ng nasusulat sa Roma 3:23, 'Walang matuwid, wala kahit isa.' Lahat ng tao ay nagkakasala, lahat ay may mga kahinaan. Ngunit ang malaking biyaya, ay may Dios na mabuti, mahabagin at mapagbiyaya. Sa episode na ito ay ating balikan ang naging mensahe ng yumaong Guro ng Oras ng Katotohanan, Apostol Arsenio T. Ferriol patungkol sa “Mahahalagang Dahilan kung Bakit ang Makasalanan ay Dapat n...
Ang Kinasasaligan ng Kaligtasan na Ginawa ng Dios para sa mga Mananampalataya sa Sanlibutan 03.07.2026 37:02
Sa episode na ito, sama-sama nating pakinggan ang mensaheng dala ng Guro ng Oras ng Katotohanan, Apostol Arsenio T. Ferriol. Ito ay pinamagatang "Ang Kinasasaligan ng Kaligtasan na Ginawa ng Dios para sa mga Mananampalataya sa Sanlibutan". Minsan pa itong magdadala ng kalakasan at pagpapatibay sa ating mga pananampalataya.
Ang Katapatan ng Dios na Ama sa Kaniyang mga Anak 25.06.2026 35:27
Nitong linggo ay ipinagdiwang natin ang Father's Day. Tunay na hindi madali ang maging isang ama. Araw-araw silang nagsisikap, nagsasakripisyo, at nagtatrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang kanilang pagmamahal, paggabay, at pagtitiyaga ay nagiging pundasyon ng isang matatag na tahanan. Higit sa lahat, ang isang mabuting ama ay hindi lamang nagbibigay ng pangangai...
Paano ba Tayo Tinatanggap ng Dios paglumalapit sa Kaniya sa Pamamagitan ni Jesucristo? 25.06.2026 39:26
Ito ay isang katanungang binigyang-linaw ng yumaong Guro ng Oras ng Katotohanan, Apostol Arsenio T. Ferriol. Ating sama-samang panoorin at pakinggan ang makabuluhang episode na ito na magbibigay ng aral at kalakasan ng pananampalataya sa ating lahat.
Ang Panawagan ng Dios 09.06.2026 38:17
Ngayong Linggo ay ating ipinagdiriwang ang kalayaan ng ating bayan. Ating inaalala ang kahalagahan ng pagiging malaya mula sa anumang pagkaalipin at pang-aapi ng mga taong gustong sakupin ang ating bansa. Ngunit higit sa bagay na ito, dapat nating higit na maunawaan na may mas dakilang kalayaan na kaloob ang Dios; ang kalayaan mula sa kasalanan. Sa episode na ito ng Oras ng Katotohanan Classics, m...
Ang Pangangailangan ng Pananampalataya 02.06.2026 39:05
Sa panahong maraming pagsubok at kawalang-katiyakan, ang tunay na pananampalataya ang nagsisilbing matibay nating sandigan. Samahan po ninyo kami sa isang natatanging yugto ng Oras ng Katotohanan Classics habang muli nating pinakikinggan ang makapangyarihang mensahe ng yumaong lingkod ng Dios, Apostle Arsenio T. Ferriol, tungkol sa pananampalataya—isang pananampalatayang nagtitiwala sa Dios sa git...
The Legacy Lives On: Walking in the Apostolic Footsteps III 26.05.2026 45:25
Sa buong buwan na ito ng Mayo, sama-sama nating ginunita ang buhay at ministeryong iniwan ng lingkod ng Dios, ang minamahal na Apostle Arsenio T. Ferriol—isang buhay na naging ilaw, inspirasyon, at gabay sa napakaraming mananampalataya. Ngayong tayo’y nasa huling linggo ng paggunita sa anibersaryo ng kanyang pag-panaw, muli nating buksan ang ating mga puso sa mga alaala at mensaheng nagpapatunay n...
The Legacy Lives On: Walking in the Apostolic Footsteps II 24.05.2026 57:30
Ngayong ikalawang taong anibersaryo ng pagpanaw ng ating minamahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, isang espesyal na pagkakataon ito upang ating muling balikan ang isa sa mga makasaysayang programa na kanyang pinasimulan. Ang Oras ng Katotohanan, na nagdadala ng walang daya at dalisay na Salita ng Dios. Sama-sama tayo sa isang natatanging episode ng programang ito—isang Memorial Tribute na...
The Legacy Lives On: Walking in the Apostolic Footsteps 23.05.2026 1:29:39
Ating inaalaala ang buhay, pagkatawag, at ministeryo ng ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol. Sa kaniyang buhay ay nakita natin ang katapatan, sakripisyo, at tunay na paglilingkod sa gawain ng Dios. Hanggang ngayon, ang kaniyang mga naging paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa Iglesia.
Ang Kahalagahan ng Pagkasugo 06.05.2026 43:36
Bilang pag-alaala sa buhay, pagkatawag at ministeryo ng ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol, mabuting bagay na maunawaan nating lubos ang pagkatawag sa kanya ng Dios bilang Apostol. Ating balikan ang isa sa kanyang mga naging mensahe na pinamagatang “Ang Kahalagahan ng Pagkasugo”, dito sa programang Oras ng Katotohanan Classics.
Anong Mayroon ang Evangelio, Anong Mayroon ang Mabuting Balita 01.05.2026 34:47
Muli nating balikan ang isa sa mga makahulugang mensahe ng Panginoon na dinala ng ating yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol. “Anong Mayroon ang Evangelio, Anong Mayroon ang Mabuting Balita”. Ating sama-samang panoorin at pakinggan dito sa Oras ng Katotohanan Classics. (File 2002)
Ang Kahalagahan ng Pagiging Kabahagi ng Katawan ni Cristo 28.04.2026 33:44
Sa ating buhay, dumarating ang mga hamon at pagsubok. Ngunit sa kabila nito, ang bawat isa na tumanggap kay Cristo ay may tiyak lugar sa Kanyang Iglesia. Ang ating pananampalataya ang tumutulong sa atin upang maging matatag, mapagpakumbaba, at handa sa paglilingkod sa ating Panginoon. Ngayong gabi, ating tatalakayin Ang Kahalagahan ng Pagiging Kabahagi ng Katawan ni Cristo. Ating pakinggan ang mak...
Juan 20:31 08.04.2026 44:31
As we deeply reflect on the significance of what our Lord Jesus Christ accomplished on the cross—a sacrifice that cannot be matched by any human effort, this is a time for sincere meditation, repentance, and turning back to God, where we are called to examine our hearts, our lives, and our faith. Ito po ang Oras ng Katotohanan Classics, minsan pa nating pakinggan ang mensahe ng Dios na dala sa ati...
Saan Idinaragdag Yaong mga Nabautismuhan? 02.04.2026 34:20
Ayon sa Gawa 2: 41-42, Kaya't ang mga tumanggap ng kanyang salita ay binautismuhan at nadagdag nang araw na iyon ang may tatlong libong kaluluwa. Nanatili silang matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama, sa pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin. Ang talata na ito ay nagsasabi tungkol sa pagkatanggan ng kaligtasan, kung saan mayroong kinalalagyan ang isang taong nabautis...
Ano ang Kahulugan ng Bautismo? 01.04.2026 35:11
Ang bautismo ay isang mahalagang hakbang sa pagsunod matapos tanggapin ang Panginoon bilang Tagapagligtas. Ating pakinggan ang mensaheng dala ng ating yumaong Apostol Arsenio Ferriol patungkol sa Kahulugan ng Bautismo dito sa programang Oras ng Katotohanan Classics.
Ang Dakilang Layunin ng Ating Panginoon sa Kaniyang Pagparito sa Ating Sanlibutan 31.03.2026 29:03
Tayo ngayon ay sumasalubong sa Lenten Week—isang banal na panahon kung saan mas malalim nating ginugunita ang paghihirap, sakripisyo, at dakilang pag-ibig ng ating Panginoong Jesucristo. Sa panahong ito, tayo ay inaanyayahang huminto sa ating mga gawain, magnilay sa Kanyang ginawa sa krus, at suriin ang ating sariling buhay—upang tayo’y makapagbalik-loob at lalong mapalapit sa Dios. Sapagkat ang K...
Mateo 22:37-39 21.02.2026 37:34
We are reminded of one of the greatest teachings of Jesus found in Matthew 22:37–39, “Love the Lord your God with all your heart, with all your soul, and with all your mind… and love your neighbor as yourself.” Sa mensaheng ito, maipaalala nawa sa atin na ang tunay na pagmamahal ay hindi lang sinasabi, kundi isinasabuhay. Pag-ibig na tapat sa Diyos at pag-ibig na umaabot sa kapwa. Let us open our...
Roma 8:37 11.02.2026 36:46
We celebrate the victory, strength, and assurance we have in God. Narito ang mensahe ng Dios dala ng Guro ng 𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐜𝐬, ang ating yumaong 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐀𝐫𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨 𝐓. 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐢𝐨𝐥. (File 2001)
Restoration can Change our Hearts 03.02.2026 26:52
This Love Month, let us be reminded of a beautiful biblical truth: 𝑹𝒆𝒔𝒕𝒐𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒄𝒂𝒏 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒈𝒆 𝒐𝒖𝒓 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕𝒔. Hindi lang inaayos ng Diyos ang mga sirang sitwasyon sa buhay natin, pero binabago Niya rin ang puso natin. Whatever we’ve been through, God’s restoration is always possible. Pakinggan natin ngayon ang mensahe ng Dios na dala ng ating late 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐥𝐞 𝐀𝐫𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨 𝐓. 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐢𝐨𝐥 dito sa 𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐥𝐚...
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Bagong Taon? 30.12.2025 37:11
Habang papalapit ang pagtatapos ng taon, marami sa atin ang nagbibilang ng mga araw, gumagawa ng listahan ng mga bagong layunin, o naghahanda para sa masayang pagsalubong sa bagong taon. Ngunit sa gitna ng kasiyahan at mga kaabalahan sa mga paghahanda, magandang itanong:Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Bagong Taon? Ito ay gabi ng ating pagpasasalamat at pag-alala sa kabutihan ng Dios sa atin s...
John 3:16 23.12.2025 1:03:01
Ang kapaskuhan ay pumapatungkol sa dakilang pag-ibig ng Dios sa atin. Ating inaalala at ipinagdiriwang ang kapanganakan ng ating Panginoong Jesus, ang bugtong na anak ng Dios upang ating maging manunubos. Sa episode na ito, bahagi ng ating selebrasyon ang pagbibigay daan sa pakikinig sa dalisay na salita ng Dios mula sa Guro ng 𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐜𝐬, ang ating minamahal na yumaong 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐀...
Ano ang ibig sabihin ng Dios sa Pasko 18.12.2025 39:04
Christmas is the most wonderful time of the year. Aside from all the decorations, there’s something about it that is really captivating. Its true meaning. Kaya naman sa episode na ito, pakinggan natin ang isa sa mga naging mensahe ng ating minamahal na 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐀𝐫𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨 𝐓. 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐢𝐨𝐥, sa mensaheng pinamagatang, “Ano ang ibig sabihin ng Dios sa Pasko” dito sa programang, 𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐜𝐬.
Paano Maging Kalugod-lugod sa Dios 16.12.2025 43:18
Pagbibigay ng regalo ang isa sa ating mga paraan ng paggunita sa Kapaskuhan. Ngunit higit pa sa pagbabahagi ng ating mga biyaya sa iba ay dapat din nating alalahanin kung ano nga ba ang dapat na ating maibigay sa Dios na syang dahilan kung bakit may ganitong pagdiriwang. Ito ay walang iba kundi ang paghahandog ng ating mga sarili na kalugod lugod sa kanya. Sa Christmas episode na ito, ating paking...
Ano ang Katotohanan? Sino ang Katotohanan? 24.11.2025 28:43
Hinahanap mo ba ang katotohanan? Si Jesus ang Katotohanan na hindi nagbabago. (Juan 14:6) Minsan pa, ating pakinggan ang mensahe ng Katotohanan mula sa ating minamahal na Apostol Arsenio T. Ferriol. [File 2000]
Bakit ang Mabuting Balita ay Ipinaparal? Kapangyarihan ng Dios sa Ikaliligtas 24.11.2025 23:15
As believers, we don’t just receive the Word—we carry it. Sharing God’s truth spreads His light. Let us be reminded of the biblical significance of spreading the gospel to all people on this episode of Oras ng Katotohanan Classics. [File 1999]
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.