Kara David
I-Listen with Kara David
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.
No dejes de visitar la web del podcast y apoyar a su creador: podcasters.spotify.com
Autor
Kara David
Categoría
Web del podcast
Último episodio
15 de oct. de 2026
¿Dónde escuchar?
Podcasts en la app Replaio Radio Muy prontoLos podcasts llegarán muy pronto a la app. Instálala ahora y sé el primero en descubrir una forma totalmente nueva de vivir los podcasts
Episodios
Glaiza De Castro, ikinuwento sa unang pagkakataon ang pinagdaanan na sakit ng yumaong ama | i-Listen 15.10.2026 39:17
Hulyo nitong nakaraang taon nang ibahagi online ni Glaiza De Castro ang pagpanaw ng kanyang ama. Sa unang pagkakataon ay emosyonal na ikinuwento ng aktres kay Kara David ang pinagdaanan na sakit ng ama at kung paano niya tinanggap ang pagpanaw nito habang siya’y nasa ibang bansa. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kara David, nagbalik-tanaw kasama ang batang naitampok sa 'I-Witness' matapos ang 20 taon | i-Listen 07.10.2026 39:13
Taong 2007 nang unang makilala ni Kara David si Lily Ambrosio para sa dokumentaryo ng ‘I-Witness’ na ‘Sa Mga Mata ni Ekang.’ Tatlong taong gulang pa lamang noon si Lily o ‘Ekang’ kung tawagin, nang mamulat siya sa mundo ng ipinagbabawal gamot dahil sa ina niyang runner ng droga. Ang bahay nila ay nagsilbing tambayan ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Pinatay ang kanyang ina sa loob...
Rochelle Pangilinan, naiyak nang ikuwento ang mga aksidente sa SexBomb reunion concert | i-Listen 30.09.2026 46:47
Isa marahil sa pinakahihintay ng bawat batang pinalaki ng SexBomb Girls ay ang kanilang five-day reunion concert na nagsimula noong December 2025 hanggang nitong February 2026. Pero ang hindi alam ng nakararami, sa likod ng bawat sold out night ng five-day reunion concert ay katakot-takot na mga aksidente onstage at backstage! Ang ilan sa mga hindi makakalimutan na sorpresa noong ‘Get Get Aww Rawn...
Pokwang, hindi makauwi ng bansa nang pumanaw ang anak na may brain tumor | i-Listen 23.09.2026 37:47
Bago makilala bilang komedyante at aktres si Marietta Subong o “Pokwang,” naging OFW muna siya sa iba’t ibang bansa bilang entertainer. Nagtatrabaho siya sa Abu Dhabi nang malaman na may brain tumor ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng anak ni Pokwang ang operasyon at pumanaw. Dahil sa laki ng gastusin ay hindi nagawa ni Pokwang na umuwi para sa libing nito. Ang hugot sa bawat pag...
Sassa Gurl, proud anak ng kasambahay; niregulahan ng sariling bahay ang ina! | i-Listen 09.09.2026 36:14
Nakilala ang content creator na si Sassa Gurl dahil sa kanyang nakatutuwang videos o kung tawagin ng karamihan ay ‘kanal humor.’ Pero bukod sa pagiging ‘Mima ng Bayan’ sa kanyang mga naka-naka, isa ring proud nakshie si Sassa Gurl! Ang kanyang ina kasi, naitaguyod ang kanyang pag-aaral mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Babaeng nakikipaglaban sa Parkinson's Disease, isa nang author at motivational speaker | i-Listen 02.09.2026 32:07
20-anyos si Marites Valencia Odarbe nang ma-diagnose ng Parkinson's Disease. Nakakaranas si Marites ng matinding tremors o paggalaw sa kanyang kamay at paa, pagkaputol-putol ng pananalita at minsa'y paninigas ng kalamnan. Pero sa kabila ng kondisyon niya, isa nang book author at motivational speaker si Marites upang magsilbing boses ng mga taong may kaparehas na pinagdadaanan. Pakinggan ang matapa...
TJ Monterde, nakipagsapalaran sa Maynila dala ang gitara at notebook mula Cagayan de Oro | i-Listen 26.08.2026 38:17
Mula Cagayan de Oro, dala ang kanyang gitara, notebook at lakas ng loob, nakipagsapalaran ang singer-songwriter na si TJ Monterde sa Maynila. Kasama ang kanyang matalik na kaibigan, churchmate at kalaunan ay naging longtime guitarist niyang si Makoy Portado, sa isang maliit na apartment sa Mandaluyong ay nagsimula silang mangarap na marinig ng marami ang kanilang musika. Ang kuwento sa likod ng mu...
Bianca Umali, naulila sa magulang sa edad na 10; living independently na sa edad na 16?! | i-Listen 19.08.2026 41:09
Limang taong gulang si Bianca Umali nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer at 10 taong gulang naman siya nang mamatay ang ama sa heart attack. Kaya naman ang nagsilbing magulang ni Bianca… ang kanyang Lola Vicky! Pero sa edad na 16, bakit nga ba pinili ni Bianca na humiwalay na sa kanyang lola at maging independent? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See ac...
Binata, pinanganak at lumaki sa kulungan dahil nakapiit ang nanay at lola | i-Listen 13.08.2026 30:04
Sa kulungan ipinanganak at lumaki si Paul Gangcuangco Pili dahil nakapiit sa Women’s Correctional ang kanyang Nanay Aleth at Lola Naty. Ano nga ba ang buhay ng isang batang lumaki sa loob ng kulungan, malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at napaliligiran ng mga PDL o person deprived of liberty at ng mga jail guard? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privac...
Gloc-9, pinagbawalan kantahin ang 'Upuan' sa ilang shows at events?! | i-Listen 05.08.2026 33:30
Magsasalita na ang paborito nating makata at wala siyang apelyido! Filipino rap legend Gloc-9, ibinahagi kay Kara David ang kuwento sa likod sa ilang obra niyang kanta. Hit song na ‘Upuan,’ minsan daw na pinagbawalang kantahin ni Gloc-9 sa ilang shows at events?! Pakinggan ‘yan sa “i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
‘The Master Cutter’ star Shuvee Etrata, naging emosyonal kay Kara David?! (Full Episode) | i-Listen 31.07.2026 41:02
Sa likod ng malalakas na tawa at mga banat, isang kuwento ng sakripisyo at patuloy na paghilom ang ibabahagi ng Island Ate ng Cebu at #TheMasterCutter star na si Shuvee Etrata. Si Shuvee, emosyonal na ibinahagi ang kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pamilya. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Piolo Pascual, nag-akyat-bahay sa sariling bahay dahil sa kasambahay na si Moi Bien?! | i-Listen 22.07.2026 32:57
Bago makilala bilang aktres sa iba’t ibang pelikula at teleserye, nagsimula si Moi Bien bilang kasambahay ni Piolo Pascual kung saan halos dalawang dekada siyang namasukan. Ang hunk actor, minsan daw naging akyat-bahay sa sarili nitong tahanan nang makatulog si Moi! At ang naging daan para pasukin ni Moi ang pag-arte… dahil daw sa pamimilit nina Papa P at Direk Joyce Bernal?! Pakinggan ‘yan sa ‘i-...
Ice Seguerra, dumaan sa iba't ibang transitions sa buhay kabilang na ang pagpanaw ng ina | i-Listen 15.07.2026 38:00
Mula sa pagiging child star sa edad na tatlo, singer-songwriter at ngayo'y direktor, marami nang 'transition' sa buhay ang pinagdaanan si Ice Seguerra. Pero isa sa pinaka naging maingay na balitan tungkol sa pagbabago sa buhay niya ay nang siya'y maging isang transman. Kailan nga ba napagtanto ni Ice na bahagi siya ng queer community? At paano nga ba ito tinanggap ng kanyang magula...
Mimiyuuuh, dating pinapalayas sa inuupahan, ngayo’y may sarili nang bahay at kotse! | i-Listen 08.07.2026 29:12
IT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE! Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events. Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse! Pakinggan 'yan sa 'i-Lis...
Batang sinaksak sa Navotas, pumanaw na matapos ang 41 araw na pakikipaglaban sa ospital | i-Listen 01.07.2026 23:27
Babala. Sensitibo ang paksa. Nitong March 31 ay nagpaalam na maglalaro ang 5-anyos na si Francis Muleta sa kanyang magulang. Pero makalipas ang ilang oras, nakauwi na ang mga kalaro ni Francis pero hindi pa rin makita ang bata. Nang matagpuan si Francis ay puno na ito ng dugo, may mga saksak sa tiyan at gilit sa leeg. Matapos ang halos 41 araw na makikipaglaban sa ospital ay pumanaw rin si Franci...
Batang nagnakaw ng itlog, nakulong; lalaki, nanirahan sa kalye nang bigong magkatrabaho | i-Listen 26.06.2026 33:46
Matapos ma-massacre ang kanyang pamilya ay nagpalit-lipat ng probinsya sa murang edad si Nestor Quilat at natutong magnakaw para lamang may pambili ng pagkain. Dahil wala pang juvenille justice act noon ay nakulong si Nestor sa kabila ng kanyang murang edad. Samantala, nanirahan naman sa kalye ng Maynila si George Busa nang bigo siyang makahanap ng trabaho. Naranasan din daw niyang maglakad ng hal...
BJ Forbes aka Tolits, pinalayas sa sariling bahay na naipundar niya mula sa pag-aartista | i-Listen 17.06.2026 32:00
Hindi man nanalo bilang grand winner sa ‘That’s My Boy’ contest ng Eat Bulaga noong 2003, nagsilbing pintuan ito para kay BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits para makapasok sa mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing at pagiging bibo ay iba’t ibang proyekto ang nabigay kay Tolits. Pero nang tumumal ang mga proyekto, lumipat sa alternative learning system (ALS) mula sa pagiging home school si Tol...
Macoy Dubs, binu-bully noon sa klase dahil sa pagiging beki?! | i-Listen 10.06.2026 33:27
Bata pa lang daw si Mark Averilla o mas kilala bilang Macoy Dubs nang malaman niyang bahagi siya ng LGBT community. Dahil daw rito, naging tampulan siya ng tukso. Kinakailangan pa raw magpanggap ni Macoy na nahimatay sa classroom para lang makalabas na sa klase! Paano nga ba sinabi ni Macoy Dubs sa kanyang pamilya ang pagiging bahagi ng queer community?
Lone survivor ng road crash, pinatawad ang driver na nakapatay sa kanyang mag-ina | i-Listen 03.06.2026 25:00
Marso noong nakaraang taon nang maging laman ng balita ang pag-araro ng isang bus sa ilang sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng 10 katao. Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Jerry Tuazon. At si Jerry ang nag-iisang survivor mula sa van na naipit ng nasabing bus. Sa kabila ng trahedyang ito, paano nga ba napatawid ni Jerry ang driver ng bus at nakabangon mula sa bangun...
Matet, naiyak habang nagla-live selling dahil sa isang komento tungkol kay Nora Aunor | i-Listen 27.05.2026 31:58
Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Ozone Disco Tragedy, wala pa rin daw napapanagot makalipas ang 30 taon | i-Listen 20.05.2026 29:24
Paalala. Sensitibo ang paksa. March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahe...
Daisy Reyes, nagtrabaho sa Japan sa edad na 16?! | i-Listen 15.05.2026 26:13
Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant. Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Rochelle Barrameda, inalala ang kapatid na sinemento sa drum at itinapon sa dagat | i-Listen 08.05.2026 23:52
Paalala. Sensitibo ang paksa. Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose. Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pag...
Ashley Rivera aka Petra Mahalimuyak, nananatiling happy pill ng kanyang inang may cancer | i-Listen 29.04.2026 34:44
Nitong Abril, ibinahagi ng online ng actress-comedienne na si Ashley Rivera ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa lung cancer. Sa pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya napigilang maging emosyonal nang pag-usapan ang pinagdadaanan ng kanyang nanay na itinuturing niyang ‘sunshine’ at best friend. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
Joy Barcoma, ang babaeng walang pahinga dahil kailangan raw suportahan ang pamilya | i-Listen 22.04.2026 33:27
Beauty, wit at humor -- 'yan si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na ngayo'y binansagag na "Pambansang Jusa" online. Pero sa likod ng kanyang nakakatuwang online post ay isang nakakaantig na istorya ng sakripisyo, katapangan at malalim na pagmamahal para sa kanyang pamilya. Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
Podcasts similares
Replaio no es editor de podcasts; los nombres de los programas, las portadas y el audio pertenecen a sus autores y se distribuyen a través de canales RSS públicos