Kara David

I-Listen with Kara David

Society FIL ↓ 42 episodes

Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.

Author

Kara David

Category

Society

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Jul 8, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Mimiyuuuh, dating pinapalayas sa inuupahan, ngayo’y may sarili nang bahay at kotse! | i-Listen 08.07.2026

IT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE! Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events. Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse! Pakinggan 'yan sa 'i-Lis...

Batang sinaksak sa Navotas, pumanaw na matapos ang 41 araw na pakikipaglaban sa ospital | i-Listen 01.07.2026

 Babala. Sensitibo ang paksa. Nitong March 31 ay nagpaalam na maglalaro ang 5-anyos na si Francis Muleta sa kanyang magulang. Pero makalipas ang ilang oras, nakauwi na ang mga kalaro ni Francis pero hindi pa rin makita ang bata. Nang matagpuan si Francis ay puno na ito ng dugo, may mga saksak sa tiyan at gilit sa leeg. Matapos ang halos 41 araw na makikipaglaban sa ospital ay pumanaw rin si Franci...

Batang nagnakaw ng itlog, nakulong; lalaki, nanirahan sa kalye nang bigong magkatrabaho | i-Listen 26.06.2026

Matapos ma-massacre ang kanyang pamilya ay nagpalit-lipat ng probinsya sa murang edad si Nestor Quilat at natutong magnakaw para lamang may pambili ng pagkain. Dahil wala pang juvenille justice act noon ay nakulong si Nestor sa kabila ng kanyang murang edad. Samantala, nanirahan naman sa kalye ng Maynila si George Busa nang bigo siyang makahanap ng trabaho. Naranasan din daw niyang maglakad ng hal...

BJ Forbes aka Tolits, pinalayas sa sariling bahay na naipundar niya mula sa pag-aartista | i-Listen 17.06.2026

Hindi man nanalo bilang grand winner sa ‘That’s My Boy’ contest ng Eat Bulaga noong 2003, nagsilbing pintuan ito para kay BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits para makapasok sa mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing at pagiging bibo ay iba’t ibang proyekto ang nabigay kay Tolits. Pero nang tumumal ang mga proyekto, lumipat sa alternative learning system (ALS) mula sa pagiging home school si Tol...

Macoy Dubs, binu-bully noon sa klase dahil sa pagiging beki?! | i-Listen 10.06.2026

Bata pa lang daw si Mark Averilla o mas kilala bilang Macoy Dubs nang malaman niyang bahagi siya ng LGBT community. Dahil daw rito, naging tampulan siya ng tukso. Kinakailangan pa raw magpanggap ni Macoy na nahimatay sa classroom para lang makalabas na sa klase! Paano nga ba sinabi ni Macoy Dubs sa kanyang pamilya ang pagiging bahagi ng queer community? 

Lone survivor ng road crash, pinatawad ang driver na nakapatay sa kanyang mag-ina | i-Listen 03.06.2026

Marso noong nakaraang taon nang maging laman ng balita ang pag-araro ng isang bus sa ilang sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng 10 katao. Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Jerry Tuazon. At si Jerry ang nag-iisang survivor mula sa van na naipit ng nasabing bus. Sa kabila ng trahedyang ito, paano nga ba napatawid ni Jerry ang driver ng bus at nakabangon mula sa bangun...

Matet, naiyak habang nagla-live selling dahil sa isang komento tungkol kay Nora Aunor | i-Listen 27.05.2026

Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Ozone Disco Tragedy, wala pa rin daw napapanagot makalipas ang 30 taon | i-Listen 20.05.2026

Paalala. Sensitibo ang paksa. March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahe...

Daisy Reyes, nagtrabaho sa Japan sa edad na 16?! | i-Listen 15.05.2026

Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant. Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Rochelle Barrameda, inalala ang kapatid na sinemento sa drum at itinapon sa dagat | i-Listen 08.05.2026

Paalala. Sensitibo ang paksa. Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose. Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pag...

Ashley Rivera aka Petra Mahalimuyak, nananatiling happy pill ng kanyang inang may cancer | i-Listen 29.04.2026

Nitong Abril,  ibinahagi ng  online ng actress-comedienne na si Ashley Rivera ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa lung cancer. Sa pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya napigilang maging emosyonal nang pag-usapan ang pinagdadaanan ng kanyang nanay na itinuturing niyang ‘sunshine’ at best friend. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ 

Joy Barcoma, ang babaeng walang pahinga dahil kailangan raw suportahan ang pamilya | i-Listen 22.04.2026

Beauty, wit at humor -- 'yan si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na ngayo'y binansagag na "Pambansang Jusa" online. Pero sa likod ng kanyang nakakatuwang online post ay isang nakakaantig na istorya ng sakripisyo, katapangan at malalim na pagmamahal para sa kanyang pamilya. Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Ginang, nagka-temporary amnesia matapos ma-stroke habang buntis | i-Listen 15.04.2026

Ang inaakala na simpleng sakit sa ulo na dulot ng pagbubuntis ni Teacher Jennifer Bangona, sintomas na pala ng stroke! Mas tumindi pa ang sakit ng ulo niya nang nasa paaralan siya hanggang sa kinailangan na siyang dalhin sa ospital. Dito ay dalawang operasyon na ang ginawa sa kanya nang sabay — isang brain operation at isang caeserian delivery para sa kanilang first baby. Pakinggan ‘yan sa ‘i-List...

Batang palaboy to teacher! Lalaki, naranasang kumain ng basura noon?! | i-Listen 08.04.2026

Matapos ma-demolish ang bahay noong 2003, naging tahanan nina Jude Natividad ang lansangan. Pero gaano man kahirap ang buhay nila noon ay hindi sumuko si Jude na makapagtapos ng pag-aaral. Ang batang palaboy lang noon, isa nang ganap na guro ngayon! Ang kuwento ng katapangan at pagpupursigi ni Teacher Jude, pakinggan sa 'i-Listen with Kara David.'

From tambay to leading man! Ano ang nagpapaiyak kay Empoy Marquez? | i-Listen 01.04.2026

'Stowka' o stowaway ang tawag ni Empoy Marquez sa kanyang sarili bagong pasukin ang mundo ng showbiz. Dahil sa mga kaibigan niya... nakuha sa isang audition si Empoy na naging daan para tahakin niya ang showbiz. Pero sa pag-uusap nila ni Kara David, bakit tila naging emosyonal si Empoy sa kanyang ikinukuwento? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David'

Buboy Villar at pamilya niya, natulog sa lansangan para makapag-audition noon | i-Listen 25.03.2026

Bata pa lang daw si Buboy Villar ay laman na siya ng iba't ibang singing contest sa Cebu. Nang malaman ng kanyang nanay na may isang singing contest sa Maynila ay ibinenta nila ang kanila bahay pati ang kanilang alagang manok para may pamasahe papuntang Maynila. Dahil walang kakilala sa Maynila, pansamantala nilang naging tirahan ang lansangan habang nag-o-audition si Buboy! Pakinggan 'yan...

Tuesday Vargas, inamin na na-diagnose ng ADHD, PTSD at autism | i-Listen 18.03.2026

Trigger warning: Mentions of self-harm and depression. Minsan nang nag-viral online ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang mental health struggles. Sa panayam kay Kara David, ikinuwento ni Tuesday ang karanasan niya bilang isang taong may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, autism at post-traumatic stress disorder (PTSD) at kung paano niya ito...

Street vendor ng mani, napagtapos sa pag-aaral ang anim na anak! | i-Listen 11.03.2026

Mula face masks, mani hanggang scrunchies o panali sa buhok -- lahat ng iyan ay naitinda na ni Tatay Ronnie sa kalsada para kumita. At sa pagiging street vendor niya ng mahigit 15 taon, napagtapos ang kanyang anim na anak sa pag-aaral! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Dating labandera, isa nang guro para sa mga out of school youth ngayon! | i-Listen 04.03.2026

Dala ng kahirapan ay kinakailangan ni Marissa Fajardo na rumaket bilang labandera noon para magkaroon ng pamasahe papasok ng unibersidad. Ang pagtitiyaga niya, nagbunga nang siya'y makapagtapos bilang guro. Ngayon, isa na siyang Alternative Learning System o ALS teacher para sa mga out of school youth. Ang nagsisilbi nilang mga classroom... minsan raw ay sementaryo, ilalim ng puno o bakanteng...

Fr. Flavie Villanueva na dating nalulong sa droga, ngayo'y tumutulong sa biktima ng EJK | i-Listen 25.02.2026

14-anyos nang unang gumamit si Fr. Flaviano Villanueva ng ipinagbabawal na gamot nang siya’y napunta sa maling barkada. Pero sa tulong ng Diyos ay nakalaya sila mula sa pagiging alipin ng droga at ngayo’y tumutulong sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) dahil sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong dinidinig ang kaso ni Duterte sa Inte...

Jo Berry, hindi lang daw pang circus at comedy ang mga katulad niyang little person | i-Listen 18.02.2026

aong 2018 nang bumida si Jo Berry sa Kapuso series na ‘Onanay’ kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor at Primera Kontrabida Cherie Gil. Bilang isang baguhang aktres noon, ano-ano nga ba ang paghahanda niya sa tuwing kasama sa eksena ang mga batikang aktres? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Ginang, hiniwalayan ng kanyang long-time boyfriend dahil sa nawawala niyang paningin?! | i-Listen 11.02.2026

Dahil sa glaucoma ay unti-unting nawalan ng paningin si Josefina Olorocisimo. Bago pa man tuluyang mabulag ay naghiwalay pa si Josefina Olorocisimo at kanyang naging nobyo ng 11 taon.  Gayunpaman, nawalan man siya ng abilidad para makakita ay nagkaroon siya ng mas malalim na pananaw pagdating sa buhay, pag-ibig at paglilingkod sa kapwa.  Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Aira Bermudez, pataas nang pataas ang bahay noon sa Tondo dahil sa kinikita sa SexBomb | i-Listen 04.02.2026

Taong 2003 nang unang magkita sina Kara David at SexBomb Aira Bermudez para sa I-Witness. Makalipas ang halos dalawang dekada, muling nagkausap at nagkakuwentuhan ang dalawa bago ang “Get, Get Aw Concert” ng SexBomb ngayong Pebrero. Ano-ano na nga ba ang nagbago sa buhay ni SexBomb Aira? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Krystel Go, may tugon sa mga hindi kumbinsido sa 2025 MMFF Best Actress award niya | i-Listen 28.01.2026

Isinilang na may Down Syndrome si Krystel Go na bumida sa 2025 MMFF Best Picture ‘I’mPerfect.’ Dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, kinilala siya bilang Best Actress. Gayunpaman, marami ang bumatikos nang matanggap niya ang award na ito. Ang tugon niya sa mga basher, pakinggan sa ‘ ‘i-Listen with Kara David.’

Lalaki, naibenta pati ang ref at kawad ng kuryente para sa sugal | i-Listen 21.01.2026

Dahil sa pagsusugal at droga, naibenta na raw ni Lisandro Fajardo lahat ng ari-arian pati ang kawad ng kuryente para matustusan ang kanyang mga bisyo. Gumamit din si Lisandro ng bagong pangalan para takasan ang mga pinagkakautangan! Paano nga ba siya nakabangon mula sa pagkalulong sa sugal at ipinagbabawal na gamot? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Listen to the I-Listen with Kara David podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.