105.9 True FM
Think About It by Ted Failon
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Author
105.9 True FM
Category
Podcast website
Latest episode
Feb 25, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
NLET Na Pinipilit (Aired April 7, 2022) 07.04.2022 15:36
Nagbaba ng polisiya ang pamahalaan na papayagan lamang mag-operate ang provincial bus companies kung gagamitin nila ang integrated terminal exchange kagaya ng nasa Sta. Rosa Laguna, PITX sa Paranaque at North Luzon Exchange Terminal o NLET sa Bocaue, Bulacan. Kumpara sa PITX na may agad kang masasakyan mula bus, sa NLET ay tanging P2P buses ang magagamit na transportasyon ng commuter papasok ng Ma...
Busilak na Binaboy 2 (Aired April 5, 2022) 05.04.2022 11:19
Sa Nationwide Survey ng Pulse Asia noong Enero 2022, lumalabas na 62% lamang ng mga rehistradong botante sa buong Pilipinas ang nakakaalam ng ibig sabihin ng Party-list System. Kamakailan, naglabas ng pag-aaral ang grupong Kontra Daya kung saan, sa 177 na tumatakbong Party-list groups, 120 ang kwestyunable. Ang Party-list ay dapat kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors, suba...
The Untouchables...Eh Ano Ngayon? (Aired March 31, 2022) 31.03.2022 13:41
Sa naging hearing ng senado noong March 28 kaugnay ng hindi masawatang agricultural smuggling sa Pilipinas, kinumpirma ng opisyal ng Department of Agriculture na hindi ito matigil-tigil dahil sa pakikialam ng "matataas na tao." Pero hindi niya inilantad ang pangalan ng "matataas na tao" na nasa likod ng smuggling at humiling pa ng executive session kung saan mga senador lamang ang makakaalam ng ka...
Iniibig na Naman Nila....Ang Mga Magsasaka (Aired March 24, 2022) 24.03.2022 17:08
Sa nararanasan nating pagtaas ng presyo ng produktong agrikultural, kinumpirma ng grupo ng magsasaka sa Benguet na mga middleman nanaman ang kumikita, dahil ang farm-gate price ay nananatiling mababa. Dagdag pa sa suliranin ng magbubukid ang talamak pa ring smuggling ng gulay na matagal na nilang inirereklamo sa gobyerno. Kapag walang eleksyon, laging kawawa ang magsasaka, laging huli ang agrikult...
Windfall Profit (Aired March 21, 2022) 21.03.2022 12:48
Linggo-linggo ay nagbabago ang presyo ng produktong petrolyo sa ating bansa, at ang pagbabago ay hango raw sa presyo naman ng petrolyo sa world market. Ngunit bakit ang bilis mag-omento at kung minsan ay sobra ang omento sa presyo per liter gayong ang nakaimbak na stock ng petrolyo ng oil companies ay nabili nila sa mas murang halaga. Sa nagdaang bigtime oil price increase maituturing bang malaki...
E-salot 3 (Aired March 9, 2022) 09.03.2022 15:49
Nais ng mga senador na pansamantalang suspendihin ang operasyon ng e-sabong habang iniimbestigahan ang pagkawala ng tatlumpu't apat na mga sabungero at indibidwal. Subalit ayaw pumayag ng PAGCOR dahil nanghihinayang sila sa 7.6 bilyong piso na isang taong kita ng gobyerno mula sa e-sabong, gayong lumalabas na ang kabuuang taya na nakokolekta ng e-sabong operators sa loob lamang ng sampung buwan ay...
E-Salot 2 (Aired March 1, 2022) 02.03.2022 12:55
Tatlumpu't isa na ang bilang ng mga taong nawawala na may kaugnayan umano sa operasyon ng e-sabong. Ito ay mula Abril 2021 hanggang Enero ngayong taon. Iisa umano ang operator ng mga sabungan na kanilang pinuntahan. At patuloy na dumarami ang mga ulat ng mga taong nalululong sa e-sabong, kasama na riyan ang mga menor de edad at mga alagad ng batas. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, bakit tahimik a...
Puslit na Gulay Pa More (Aired February 22, 2022) 24.02.2022 12:25
Humihingi nanaman ng tulong ang mga vegetable farmers sa Benguet dahil sa patuloy na vegetable smuggling na lubusang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka. Araw-araw umaabot sa 2.5 milyong piso ang nawawalang kita ng ating mga vegetable farmer dahil mas tinatangkilik sa merkado ang smuggled na carrots mula sa China. Alam ng mga vegetable farmer kung saan ang operasyon at bagsakan ng smuggled...
Disinformation = Fake News (Aired February 15, 2022) 15.02.2022 11:52
February 15, 2022 Ang disinformation ay sinadyang pagpapakalat ng maling impormasyon na kilala ngayon sa tawag na fake news. Ito ay sinasadyang kasinungalingan na paulit-ulit ipinapakalat, na kinalaunan ay pinapaniwalaan na ng mga tao. Ngayong papalapit ang pambansang halalan ang paniniwala sa kasinungalingan ay kumikitil sa ating kalayaan... Kalayaan na pumili ng kandidato, dahil papaano na...
The Ordinary Thief vs. The Political Thief (Aired February 10, 2022) 10.02.2022 11:39
Kung nagnakaw, bakit hindi nakakulong? Ito ang tanong ng iba, tanong na madalas din gamitin para ipagtanggol ang mga pulitikong inaakusahan ng pagnanakaw sa pera ng bayan. Mainam na malinawan ang taumbayan sa pagkakaiba ng ordinary thief, pangkaraniwang magnanakaw sa political thief o pulitikong magnanakaw! Ito ang paliwanag sa tanong na "kung nagnakaw bakit hindi nakakulong?"
Pagsugpo sa Korapsyon (Aired February 8, 2022) 08.02.2022 14:00
Korapsyon. Lagi na lang ito ang pinaguusapan at pinagdedebatehan ng mga kandidato sa pangulohan sa tuwing sasapit ang halalan. Pangako na wawakasan ang korapsyon sa pamahalaan. Ngayon na humaharap na naman sa atin ang mga nagnanais maging Pangulo ng Pilipinas, sino sa kanila ang may "moral ascendancy"? May dangal at karapatan para magsabi sa mga taga gobyerno na huwag kayong magnakaw? Pilipino, pa...
Import Pa More (Aired February 3, 2022) 03.02.2022 13:43
Importasyon. Iyan ang laging solusyon ng pamahalan sa tuwing tumataas ang presyo ng isda sa mga palengke bunsod daw sa kakulangan ng supply. Bakit nga ba kulang ng supply? Hindi ba't may mga nauna pang inangkat na isda na aabot sa 60,000 MT? Anyare dun? Import pa more? THINK ABOUT IT...
SALN (Aired January 27, 2022) 27.01.2022 14:57
Ang pagsusumite ng SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ay mandato ng saligang batas. Layunin ng paghahain ng SALN na supilin ang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan at pagpapayaman ng mga kawani ng pamahalaan sa masamang paraan. Bakit ang iba ay itinatago ang SALN sa publiko? Gaano ka importante ang isyu ng pagsasapubliko ng SALN ng...
Mandatory ba ang Pagpapabakuna? (Aired January 25, 2022) 25.01.2022 14:01
Sunod-sunod ang mga inilabas na mahigpit na patakaran laban sa mga hindi pa bakunado. Nariyan ang mainit na pinag-uusapang 'no vax, no ride' ng DOTr at mga ordinansa ng iba't-ibang lokal na pamahalaan. Pero teka muna, may batas bang nagsasabi na mandatory ang pagpapabakuna laban sa COVID-19? Paano na kung lumawak pa ang sakop ng "no vaccine, stay home" policy ng gobyerno? Think about it.
“Kalamidad Pagtapos ng Kalamidad” Part 2 06.01.2022 17:01
Sa pagtama ng pinakahuling mapanalantang bagyo na Odette sa bansa, naobserbahan nanaman ang kabagalan at pagkukulang ng pamahalaan pagdating sa disaster response. Lumulutang muli ang panukala na magtatag ng Department of Disaster Resilience. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act kung saan nakasaad ang institutional na tugon ng gobyerno tuwing m...
“Kalamidad Pagkatapos ng Kalamidad" 04.01.2022 17:41
Taun-taon nasa dalawampung bagyo ang humahagupit sa Pilipinas na nag-iiwan ng bilyong pisong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura. May programang pabahay naman ang gobyerno sa mga matinding sinalanta pero ang target beneficiaries pabalik-balik pa rin sa dating tirahan na deklaradong danger zone. Sa dinami-dami ng ating pinagdaanang kalamidad, masasabi bang natuto na tayo mula sa atin...
Walang komunikasyon | Aired December 21, 2021 21.12.2021 11:53
Nahaharap nanaman sa pagsubok ang ating bansa matapos hagupitin ng bagyong Odette ang ilang lugar sa Kabisayaan at Mindanao. Gaano nga ba kahalaga ang linya ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad na tila laging nawawaglit sa isipan ng mga lokal na pamahalaan at naaalala lamang kapag nasalanta na ng bagyo ang kanilang nasasakupan? Pagkukulang noon, pagkukulang pa rin ngayon. Kailan ba tayo matutut...
Bureau of Customs (and Traditions) | Aired December 16, 2021 16.12.2021 13:10
Pinakinggan na ng Senado ang matagal nang hinaing ng mga vegetable farmers kaugnay sa talamak na smuggling ng mga gulay sa ating bansa. Umaksyon na kaya ang Bureau of Customs matapos ang imbestigasyong ito o igigiit pa rin ng kanilang Commissioner na malinis at sinisira lamang ang kanilang ahensya dahil walang mailabas na pangalan ang mga nag-aakusa? Eh sino ba ang unang dapat mag-imbestiga sa kor...
Sarsuwela ng BOC | Aired December 14, 2021 14.12.2021 11:01
Anu-ano? Sino-sino? Saan-saan? At papaano nga ba nakakalusot ang mga smuggled agricultural products sa mga pantalan? Iyan nga ang dapat alamin sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa talamak at hindi matigil-tigil na smuggling sa ating bansa. Panay ang huli at press release ng Bureau of Customs sa kanilang mga nasasabat pero bakit wala namang naipapakulong? Sarsuwela nga lang ba ito at papogi? Makuh...
Surveys | Aired December 9, 2021 14.12.2021 15:42
Laganap ngayon ang pagkalat ng fake news at propaganda para sa interes ng iilan kung saan naglalabas pa ng umano'y mga survey para mapaniwala na malakas ang kanilang kandidato. Paano nga ba kilatisin ang mga election survey at ano ang mga palatandaan na ito ay kwestyunable? Kailan masasabi na ang isang survey ay kayang magrepresenta ng buong populasyon? Malapit na ang halalan kaya laging tandaan n...
The Ordinary thief vs. The Political thief | Aired December 7, 2021 07.12.2021 12:47
Kung magnanakaw, bakit hindi nakakulong? Ito nga ang karaniwang linya ng mga nagtatanggol sa mga magnanakaw. Alam kaya ng mga taong ito ang mga tunay na pangyayari o sadyang nagbubulag-bulagan lang sa katotohanan? Ano nga ba ang pagkakaiba ng ordinary thief at political thief? Hahayaan niyo ba na kayo pa mismo ang pipili ng magnanakaw sa perang pinaghirapan nating lahat? Think about it.
"E-Salot" | Aired December 2, 2021 02.12.2021 13:03
Pagkasira ng maraming buhay at pamilya dahil sa pagka-adik sa E-Sabong. Kumikita man ang PAGCOR sa E-Sabong, paano naman nila kukwentahin ang pinsalang ibinubunga nito sa pamilyang Pilipino? Pakinggan kaya ng PAGCOR ang panawagang itigil ang operasyon ng mga E-Sabong o sadyang mas importante sa kanila ang pera na ang karamihan ay galing sa dugo at pawis ng pangkaraniwang Pilipino? Think about it.
"Doble tara?" | Aired November 25, 2021 25.11.2021 16:08
Nangako na ng imbestigasyon si Senate President Tito Sotto upang matukoy ang ugat at utak ng talamak na agricultural products smuggling. Mabulgar na kaya ang dahilan kung bakit walang takot ang mga smuggler lalo't hanggang sa ngayon ay walang mailabas na mga pangalan ang Bureau of Customs sa kung sinu-sino ang kanilang mga kinasuhan? Mabuking na din kaya ang galaw ng ilang tauhan sa Aduana na uman...
“Gawi ng manlulupig” | Aired November 23, 2021 24.11.2021 16:52
Hindi matapos-tapos na sigalot, tensyon at pag-angkin sa West Philippine Sea kahit malinaw na nasa atin ang sovereign rights nito, ano nga ba ang interes ng China sa karagatang ito? Patuloy din ang pambu-bully sa mga mangingisdang Pinoy at iba pang mga nais pumasok sa pinag-aagawang teritoryo sa kabila ng mga diplomatic protest na inihain ng Pilipinas laban sa China. Ganito ba ituring ng China ang...
“Gawi ng manlulupig” | Aired November 23, 2021 23.11.2021 16:36
Hindi matapos-tapos na sigalot, tensyon at pag-angkin sa West Philippine Sea kahit malinaw na nasa atin ang sovereign rights nito, ano nga ba ang interes ng China sa karagatang ito? Patuloy din ang pambu-bully sa mga mangingisdang Pinoy at iba pang mga nais pumasok sa pinag-aagawang teritoryo sa kabila ng mga diplomatic protest na inihain ng Pilipinas laban sa China. Ganito ba ituring ng China ang...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.