105.9 True FM
Think About It by Ted Failon
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Author
105.9 True FM
Category
Podcast website
Latest episode
Feb 25, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Modus: Alokasyon sa importasyon (Aired Feb. 24, 2026) 25.02.2026 22:30
Sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO, nabisto na ang POGO operator sa Bamban, Tarlac ay gumamit ng market at barbecue vendors at call center agent bilang dummy incorporators. Habang sa flood control scandal, nabuko na ang ilang opisyal ng DPWH ay gumagamit ng mga construction company bilang dummy companies para sa flood control projects sa Bulacan. Dummy in...
Magpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025) 05.12.2025 21:57
Kulang ang pera ng gobyerno — iyan ang madalas sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan kaya hindi mabigyan ng sapat na pananalapi ang mahahalagang proyekto at programa na totoong pakikinabangan ng mga mamamayan. Subalit lumabas sa mga pagdinig sa Senado kaugnay ng mga proyekto ng DPWH at flood control, at sa pagbubunyag ni Senador Ping Lacson, na trilyon-trilyong piso sa pinaghirapang pera ng mga Pil...
‘Sasabog na: Poot ng bayan!’ (Aired October 30, 2025) 31.10.2025 22:26
Malinaw na isinasaad sa ating Konstitusyon na ang mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay hindi dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di-tuwiran sa ano mang kontrata na ipinagkaloob ng pamahalaan, sa loob ng taning ng panahon ng kanyang panunungkulan. Ngunit sa investigative reports ng media tulad ng online news website na Rappler, lumilitaw ang katotohanan na sa maramin...
Purgahin ang gobyerno! (Aired October 17, 2025) 17.10.2025 20:06
Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na kung siya ang tatanungin, bubuwagin at magtatayo na lang siya ng bagong Department of Public Works and Highways dahil paano mo lilinisin ang ahensya kung buong Pilipinas ay may korap na DPWH officials. Pero paano ba ang sistema ng korapsyon sa DPWH? Sino-sino ba ang lumalabas na mastermind o proponent, at nakakakuha ng mas malaking parte sa ki...
‘People of the Philippines -versus- the corrupt’ (Aired October 6, 2025) 06.10.2025 26:38
'Public office is a public trust. Today, the trust is broken.' Ito ang paninindigan ng Ateneo School of Government sa harap ng pinakamalaking iskandalo tungkol sa korapsyon na ngayon ay kinakaharap ng bayan kaugnay ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways. Nangyayari ang walang habas, walang takot, walang konsensya, at lantarang pagnanakaw na aabot sa trilyong pisong pera...
Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025) 18.09.2025 23:08
Mahigit 10 ghost at questionable projects na ang nadiskubre sa distrito ni dating Bulacan 1st DEO District Engineer Henry Alcantara na isa sa mga tinaguriang "BGC BOYS" o Bulacan Group of Contractors na ibinunyag ni Senator Ping Lacson na nagpapatalo umano ng milyon-milyon at nagpapapalit umano ng bilyon-bilyong piso sa mga casino. Pero kahit klaro na ang mga ebidensiya ay hindi pa rin s...
‘May aamin kaya sa mga walang hiya?’ (Aired August 13, 2025) 13.08.2025 18:56
Bilang pagtupad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang binitawang pangako sa SONA noong July 28 na susuriin at ilalabas ang listahan ng lahat ng flood control projects sa panahon ng kanyang panunungkulan, inilunsad ang 'Sumbong sa Pangulo' website noong August 11. Nagbigay rin ng ulat ang Pangulo ng mga paunang resulta ng ginawa nilang pag-aaral tungkol sa flood control projects ng D...
Mahiya kaya ang mga walang hiya? (Aired July 30, 2025) 31.07.2025 29:42
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa loob ng 15 taon, ang DPWH ay gumasta na ng humigit kumulang dalawang trilyong piso para sa flood management program, na katumbas ng P350 milyon na araw-araw na paggasta para ayusin ang problema sa pagbabaha. Pero bakit nga ba patuloy tayong binabaha kung palaki naman nang palaki ang perang inilalaan ng gobyerno para ayusin ang problema sa baha? Sa pinakahuling SONA...
Prime suspects sa PrimeWater? (Aired July 10, 2025) 10.07.2025 20:22
Ang PrimeWater Infrastracture Corporation na sinasabing pagmamay-ari ng pamilya Villar ay kasalukuyang umabot na sa pitumpu't pito ang kontrata sa iba't-ibang local water districts sa buong bansa. Bago pa man ipinag-utos ng Pangulong Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa kanilang operasyon dahil sa katakot-takot na reklamo mula sa mga mamamayang apektado ng pangit nilang serbisyo, naglabas na...
Leadership Crisis = Learning Crisis (Aired June 25, 2025) 26.06.2025 15:29
Nakababahala ang inihayag ng isang opisyal ng United Nations Children's Fund (UNICEF) na may totoo at malawakang krisis sa edukasyon ang Pilipinas. Kahit ang Pangulong Bongbong Marcos ay umamin na napabayaan talaga ang edukasyon sa bansa na nagresulta sa kakulangan sa mga silid-aralan, kakulangan sa mga guro, libro, at mababang marka ng mga Pilipinong mag-aaral sa Program for International Stu...
'Bigong-Bigong Mamamayan' (Aired May 22, 2025) 23.05.2025 25:25
Upang matulungan ang mahihirap na Pilipino na makabili ng murang bigas, at tulungan na mabawasan ang stock ng bigas sa mga napupunong bodega ng National Food Authority (NFA), ipinanganak ang proyektong 'Benteng Bigas Meron na!'. Pero hindi simple ang programang ito dahil para maibenta ng bente pesos per kilo ang NFA rice sa Kadiwa ng Pangulo, kakailanganin ng malaking pera para sa subsidi...
‘Eleksyon: Pinto ng mga oportunista!’ (Aired May 8, 2025) 08.05.2025 17:12
Napakasimple lamang ng kwalipikasyon sa Pilipinas para maging isang halal na lingkod bayan. Ito ay para magkaroon ng patas na oportunidad ang mga Pilipino – mahirap o mayaman, mataas man ang pinag-aralan o hindi–na lumahok sa halalan at mabigyan ng pagkakataon na manungkulan sa pamahalaan. Subalit ang adhikaing ito ay nawalan na ng kabuluhan dahil sa paghahari ng mga nagtatabaang dinastiya sa pul...
‘Abonado na naman ang taong bayan!’ (Aired March 26, 2025) 31.03.2025 17:32
Taong 2017, nagsimula ang konstruksyon ng Unified Grand Central Station o tinatawag na common station. Pagkatapos ng ilang debate kung saan ito dapat itayo, ito ay itinatayo ngayon sa pagitan ng SM North Edsa at Trinoma kung saan magtatagpo-tagpo ang LRT-1, MRT-3 at MRT-7. Matagal na sanang tapos ito at napapakinabangan ng mga mananakay ng MRT-3 at LRT-1, subalit sa pag-upo ng bagong Transportati...
‘Bugok na regulatory board?’ (Aired March 12, 2025) 12.03.2025 22:05
Naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2024-040 na inoobliga ang lahat ng mga driver at konduktor ng lahat ng pampublikong sasakyan na sumailalim sa labing-anim na oras na lecture at training na ibibigay ng LTFRB-accredited driving schools. P2,000 ang Minimum Prescribed Fee para sa naturang lecture-training. Dagdag gastos na naman ito para sa mga drayber at konduktor, maging mga operator. Ang...
‘Pahiya ang gobyerno?’ (Aired March 6, 2025) 06.03.2025 19:04
Taong 2017, isinulong ng administrasyong Duterte ang PUV Modernization Program. Mula 2017 ay nagkaroon na ng siyam na extension sa deadline ng industry consolidation o ang pagbuo ng mga korporasyon at kooperatiba ng jeepney drivers at operators kung saan ang hindi susunod ay awtomatikong tanggal ang prangkisa. Higit 86% na raw ang nakapag-consolidate sa buong bansa. Pero sa 86% na ito, ilan ang t...
‘Impeachment trial: Forthwith patagalin?’ (Aired February 13, 2025) 13.02.2025 19:33
Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso, bago ang kanilang recess para sa Halalan, nilagdaan ng 215 na mga Kongresista ang Verified Complaint for Impeachment para papanagutin si Vice President Sara Duterte sa anila'y Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, and other High Crimes. Kung inabot ng dalawang buwan bago tuluyang ma-impeach ng Kamara ang B...
‘Political thieves: Firing squad?’ (Aired February 5, 2025) 05.02.2025 15:06
Walang habas at hindi na natitigil ang korapsyon sa Pilipinas na siyang dahilan ng patuloy na paghihirap ng napakaraming pamilyang Pilipino. Kaya isang mambabatas ang nagsusulong ng batas na magpapataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad, para sa mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang korap at nagnakaw sa kaban ng bayan. Sa pamamagitan nito, matigil na kaya ang mga politikong mag...
‘Puro pangako, puro paasa!’ (Aired January 23, 2025) 23.01.2025 16:46
Sa inilabas na Executive Order No. 62 ni Pres. Bongbong Marcos noong Hunyo 2024 na nagbaba ng taripa sa imported rice, inasahan ng gobyerno na bababa rin ang presyo ng bigas sa mga palengke. Bilyon-bilyong piso na ang nawalang pera ng bayan dahil sa pagpapababa ng taripa subalit hanggang ngayon ang pangakong mababang presyo ng bigas ng Kagawaran ng Agrikultura ay hindi pa rin nangyayari. Bagkus a...
‘Kabuktutan sa demokrasya’ (Aired January 15, 2025) 15.01.2025 26:17
Sinasabing may demokrasya sa Pilipinas sapagkat inihahalal natin ang mga lider ng bansa sa pamamagitannnt umano'y malayang halalan. Subalit demokrasya rin ang madalas na pangsalag ng mga dumidepensa kapag may kumukwestyon sa ginagawang pagpapatakbo ng gobyerno sa Pilipinas. Sa kasalukuyang komposisyon ng mga nagtatabaang dinastiya sa Senado at Kamara de Representante at mga lokal na pamahalaan, a...
Mga swapang sa pera (Aired December 19, 2024) 23.12.2024 23:11
#TedFailonandDJChaCha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Ang Universal Health Care Act at ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang dapat sana'y sandalan ng mga Pilipino sa panahon ng pagkakasakit. Subalit bigo sila sa pagpapatupad ng mandatong ito. At mas lalo pang magtitiis ang mga Pilipino sa barat na benepisyo ng PhilHealth dahil sa susunod na taon ay wala nang ilalaan...
‘Sabwatan sa pera ng bayan’ (Aired December 3, 2024) 03.12.2024 15:38
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Bicameral Conference Committee. Bicam. Ang pagpupulong ng mga kinatawan ng House of Representatives at Senado, para pag-usapan at desisyunan ang hindi pinagkakasunduang mga probisyon sa isang panukalang batas gaya ng panukalang pambansang budget. Iminamandato ng ating Konstitusyon — maliban lamang sa usaping may kinalaman sa pambansang...
‘Kuntsabahan na naman!’ (Aired November 27, 2024) 27.11.2024 14:21
Inyo bang naaalala ang dalawang hypercar na Red at Blue Bugatti na tumawag sa atensyon hindi lamang ng publiko kundi maging ng Senado dahil nalantad na ang dalawang bugatti ay smuggled at ang mga plaka at rehistro ay kwestyunable? Ibinebenta na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga isinukong hypercar pero wala pa ring balita kung sino ang mga smuggler at mga kasabwat sa BOC at Land Transportation Off...
'Impeachment?' (Aired November 5, 2024) 05.11.2024 20:32
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Umuugong ang usap-usapan tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa hindi maipaliwanag na paggasta ng confidential funds ng tanggapan ng bise presidente at ng DepEd sa panahon ng panunungkulan niya bilang kalihim ng ahensya. Ang impeachment ay isang paraan ng pagpapanagot sa m...
‘Kasakiman = Kalamidad’ (Aired October 29, 2024) 29.10.2024 18:29
Kahirapan at mataas na antas ng korapsyon–ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nanguna ang Pilipinas sa pinakabagong World Risk Index o listahan ng mga bansang mas matindi ang nararanasang epekto sa pagtama ng mga sakuna. Naaabuso ang salitang "resilient" na katangian ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad kaya kapag natapos na ang bagyo at nakapamudmod na ng relief goods ang pamahalaan at ang...
“Uto-utong bayan?’ (Aired October 22, 2024) 23.10.2024 22:25
Lumalabas sa pinakahuling pagtatanong ng Social Weather Stations (SWS) na higit 16 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ngayong taon lamang, ang Kongreso ay naglaan ng higit 160 bilyong piso para sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mga programang 4Ps, AKAP at AICS, na kung susuriin ay halos pare-pareho naman ang mga benepisyong ibinibigay—mga programa...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.