105.9 True FM

Think About It by Ted Failon

News TL ↓ 196 episodes

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!

Author

105.9 True FM

Category

News

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Feb 25, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

‘Kabuktutan sa party-list’ (Aired October 8, 2024) 08.10.2024

Ang diwa ng party-list system sa Saligang Batas ay para magkaroon ng representante sa Kongreso ang mga miyembro ng lipunan na tinaguriang marginalized, o mga sektor na hindi binibigyang halaga, at underrepresented, o mga sektor na kulang ang representasyon. Ngunit sa nagdaang party-list elections, lalong lumilinaw ang katotohanan na nasasalaula na ang busilak na adhikain ng party-list system. Sa p...

‘Kumunoy ng pangako’ (Aired September 24, 2024) 24.09.2024

Ipinangako ng mga taong gobyerno na nag-apruba sa Executive Order No. 62 noong Hunyo na ang kautusan na ito ay magpapababa sa presyo ng bigas at magpapatatag sa supply nito. Kaya sa harap ng maingay na protesta ng iba't-ibang grupo sa sektor ng agrikultura, itinuloy ang pagpapatupad sa EO 62,  na nagmamandatong ibaba ang taripa o buwis sa pag-aangkat ng bigas sa 15%, mula 35%. Dahil dito, umaa...

'Dishonor the tradition' (Aired September 17, 2024) 17.09.2024

Sa naganap na mga hearing kamakailan lamang sa 2025 budget ng DOTr at DPWH, tila nagulat at naguluhan ang ilang miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nawalan ng pondo ang malalaki at pangunahing proyekto ng dalawang ahensya na ito—mga reaksyon na mahirap tanggapin dahil sila rin naman ang gumawa at nag-apruba sa pambansang budget noong nakaraang taon. Ang paghahanda sa taunang pambansang...

'SILA-SILA RIN, EH!’ (Aired September 3, 2024) 04.09.2024

Isa sa mga diwa at adhikain ng ating demokrasya ay ang prinsipyo ng checks and balances. Sa tatlong sangay ng gobyerno, poder ng Kongreso na aralin, suriin, at pangalagaan ang paggasta sa pera ng bayan. Kung totoo ngang gumagana ang prinsipyo ng checks and balances sa Pilipinas, bakit mabilis na inaaprubahan ng mga mambabatas ang budget ng iba't-ibang mga departamento na nakitaan ng COA ng ire...

‘INHUSTISYA!’ (Aired August 20, 2024) 21.08.2024

Paglago ng ekonomiya, pagbaba ng antas ng kahirapan—iyan ang malugod na inanunsyo ng ating gobyerno kamakailan lamang. Ngunit kung susuriin ang 2023 Poverty Statistics na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang mga rehiyon na may mas mataas na inflation rate at mas mababa pa sa P450 ang daily minimum wage, ay siya ring mga rehiyon na marami ang bilang ng mga Pilipinon...

"Mga kasabwat?" (Aired August 8, 2024) 08.08.2024

Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay nagkakaroon ng budget hearing kung saan dapat hinihimay nang lubos ang bawat departamento, at ang mga programa ng mga departamentong ito na paglalaanan ng pera ng bayan. Ang Kamara at Senado ang nag-aapruba sa paglalaan ng bilyon-bilyong piso para sa flood management, flood control at flood mitigation projects. Ngayon inuusisa ito ng Senado, saan daw napunta...

"Basura sa gobyerno" (Aired July 30, 2024) 30.07.2024

Mula 2016 hanggang 2023 aabot na sa 854 bilyong piso ang kabuuang halaga na inilaan ng bayan para sa flood control at flood management program ng gobyerno. Magkaiba pa ang budget ng DPWH at MMDA at mistulang bumabaha ang pera ng bayan na inilalaan para sa problema ng pagbaha. Pero sa halip na mabawasan ay bakit lalong tumitindi pa ang pagbabaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan tuwing may m...

"Servant of the People?" (Aired July 25, 2024) 26.07.2024

Noong Lunes, July 22, napanood ng mga Pilipino ang marangya at engrandeng SONA ng Pangulong Marcos Jr. Isang araw lamang pagkatapos nito mga imahe na ng reyalidad sa paghihirap ng mga Pilipinong sinalanta ng Bagyong Carina at habagat ang lumantad sa atin. Sa SONA, full force ang paggamit sa resources ng gobyerno. Sa malawakang pagbabaha kahapon sa Metro Manila at karatig lalawigan, may mga nagtata...

'Papalakpak ka rin ba?' (Aired July 18, 2024) 19.07.2024

Para saan ba ang State of the Nation Address (SONA)? Reunion ba raw ito ng mga dinastiya na ang turing sa gobyerno ay family business? Ito ba ay fashion show ng mga milyonaryo at bilyonaryong mambabatas? Magkano ba ang totoong gastos ng bayan sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa July 22, 2024? Ano ba ang totoong “State of the Nation”? Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ang pangunahin...

'Bakit Bayan Na Naman...?' (Aired July 11, 2024) 11.07.2024

Mula 2021 hanggang sa kasalukuyan, umabot na ng 89.9 billion pesos ang subsidiya ng gobyerno na hindi pa nagagamit ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth. Dahil dito binabawi ng Department of Finance ang naturang subsidiya, na galing naman sa koleksyon ng gobyerno sa sin taxes. Gagamitin daw ng gobyerno ang 89.9 billion pesos para sa unprogrammed appropriations o proyekto ng gobye...

'Sino ang Pahamak?' (Aired June 20, 2024) 20.06.2024

Mula nang ilunsad ng Department of Transportation ang PUV modernization program noong 2017, nakailang ulit nang nagbanta ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang mga driver-operator ng mga pampublikong sasakyan na hindi susunod sa modernisasyon. April 30, 2024 ang ikawalong itinakdang deadline ng pamahalaan para sa PUV modernization at nagbanta muli ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang unconsolidated PUVs...

'POGO: Benepisyo o Perwisyo?' (Aired June 13, 2024) 13.06.2024

Pera ang sinasabing dahilan ng mga nagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Perang kinikita ng PAGCOR at ng pamahalaan mula sa POGO. Sa harap ito ng lumalakas na panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng POGO sa Pilipinas dahil sa tumitinding kriminalidad na kinasasangkutan ng mga POGO workers na karamihan ay mga dayuhang Chinese. Sa pinakahuling pagsalakay na ginawa ng...

'No Ease of Doing Business' (Aired June 4, 2024) 04.06.2024

Nagsimula ang konstruksyon ng dalawampu't dalawang kilometrong Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 noong 2016 at ipinangalandakan ng Kalihim noon ng Department of Transportation na makapagsisimula ang operasyon ng tren sa huling bahagi ng 2019, subalit hindi ito nagkatotoo. Sa katunayan, 2008 pa nagsimula ang plano ng MRT-7 subalit lubusan nang naantala ng higit dalawang dekada ang proyekto nang...

'Padalos-dalos na naman' (Aired May 23, 2024) 23.05.2024

Hindi pa man bumababa sa bente pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas kagaya ng ipinangako ng noo'y tumatakbong Pangulong Marcos Jr., may ipinapangako na naman ngayon ang ilang taong gobyerno na kayang pababain hanggang trenta pesos per kilo ang bigas kung maipapasa ang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). RTL na ginawang solusyon ng nakaraang administrasyon sa problema ng mataas na inflat...

'Global Boiling' (Aired May 9, 2024) 10.05.2024

Tapos na ang global warming, at dumating na ang panahon ng global boiling. Naitala na pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng mundo ang mga taong 2014-2023, at walang duda na ang kasalukuyang taon ay maisasama bilang isa sa pinakamainit na taon. Tatlong beses na bumilis ang pag-init ng mundo mula 1982, na ngayo'y nagdudulot ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng sangkatauhan. Sa Pilip...

'Dynasties are Forever?' (Aired April 25, 2024) 25.04.2024

Minamandato ng ating 1987 Constitution ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para maging lingkod bayan sa pamamagitan ng pagbabawal ng political dynasties. Pero kailangan ng batas na tutukoy dito. Ang kaso, higit tatlong dekada na mula nang ipatupad ang konstitusyon, bigo pa rin ang Kongreso na magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasties. Mga dinastiya na ayon sa m...

'Napasubo?' (Aired April 18, 2024) 19.04.2024

Ang April 30 deadline para sa consolidation ng mga prangkisa ng lahat ng public utility vehicles sa bansa ay wala na raw extension pa. Inabot na nga ng walong extension ang deadline subalit wala pa ang Route Rationalization Plan na siyang pinakaimportanteng bahagi ng PUV Modernization Program. Ito ang sisiguro na magiging maayos ang pamamasada ng mga PUV sa lahat ng ruta sa buong Pilipinas. Ito ri...

'Tip of the Iceberg' (Aired April 4, 2024) 04.04.2024

Nobyembre 2023 nang kumalat online ang mga litrato at video ng isang pula at isang asul na Bugatti Chiron na ibinibida sa mga kalye ng Metro Manila. Nagkakahalaga ng halos 170 million pesos ang bawat isang Bugatti at ang buwis na dapat bayaran para rito ay halos katumbas ng halaga ng bawat isang Bugatti. Kung hindi pa naging viral sa social media at naibulgar sa Senado na kwestyunable ang mga doku...

'Toys for the Rich Boys' (Aired March 7, 2024) 07.03.2024

Ferrari, Lamborghini, Porsche, at McLaren. Mga tinaguriang supercars! At meron pang hypercars kagaya ng Bugatti na ang halaga ng bawat isang kotse ay halos 170million pesos! Ibinibida sa ating mga kalsada ang mga kotseng ganito. Ang tanong: nagbayad ba ng tamang buwis ang mga may-ari nito? Dahil sa ginagawang imbestigasyon ngayon sa 2 Bugatti Chiron na naparehistro sa LTO ay lumabas ang katotohana...

‘Impunity for Corruption’ (Aired February 29, 2024) 29.02.2024

Bilang tugon sa mga nangyaring pandarambong sa kaban ng bayan noong panahon ng diktadurya, ipinasa ng Kongreso noong 1991 ang Plunder Law. Subalit hanggang ngayon, nagpapatuloy ang walang habas na pagnanakaw sa pera ng bayan. Talamak pa rin ang korapsyon. Sa pinakabagong report ng Transparency International, ang Pilipinas ay bagsak pa rin sa Corruption Perceptions Index. At sa baba ng antas ng Pil...

'Tama na... Sobra na!!!' (Aired February 22, 2024) 22.02.2024

Ang kaban ng bayan ay dapat laan sa mga mamamayang Pilipino at hindi nawawaldas para sa pansariling interes lamang. Ngunit sa bulok na kalakaran ng Kongreso sa pagdinig sa badyet ng bayan, may mga nakakalusot na bilyones sa mga proyekto na kahit ang mga ahensya ay walang alam na naglaan ng pera para dito. Ayon sa Seksyon 16, Artikulo VI ng ating Saligang Batas, dapat may journal ang Kongreso na na...

'Lubayan ang Konstitusyon' (Aired Feb. 15, 2024) 15.02.2024

Patuloy ngayon ang pagdinig ng Senado at Kamara para sa pag-amyenda ng Saligang Batas, partikular na ang mga economic provisions nito na naglilimita sa foreign ownership ng mga public utilities tulad ng tubig, kuryente, at telecommunications. Kung maaprubahan ang Resolution of Both Houses No. 6 ng Senado at Kamara, magpapatawag ng Constitutional Assembly ang Kongreso para sa mga pagbabago nito. Pe...

‘Bagong Pilipinas, Daw?’ (Aired January 30, 2024) 30.01.2024

"Bagong Pilipinas", ito ang pinangangalandakang tatak daw ng pamamahala at liderato ng kasalukuyang administrasyon na humihikayat sa pagbabago ng lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan para sa ikauunlad daw ng bayan. Pagbabago bang maituturing kung tuloy pa rin ang hakot system? At talamak ang kotongan at pagwawaldas sa pera ng bayan? Pagbabago bang matatawag ang pagpilit at panlilinla...

THINK ABOUT IT by TED FAILON ‘Laging Pera’ (Aired January 23, 2024) 23.01.2024

Anim na taon mula nang maisabatas ang Rice Tariffication Law, tinatayang aabot na sa higit 50 bilyong piso ang dapat na pondo ng Rice Competitiveness Enhance ment Fund (RCEF) na para sa mga pangangailangan ng mga magsasaka. Habang sa ilalim ng General Appropriations Act, bilyon-bilyong piso rin ang inilaan para sa iba't-ibang proyekto ng Department of Agriculture.  Sa kabila nito, wala raw per...

‘People’s Initiative’? (Aired January 16, 2024) 16.01.2024

Usap-usapan ang ipinapakalat ngayong papel na pinapipirmahan sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas na ang layunin ay baguhin ang isang probisyon sa ating saligang batas sa pamamagitan ng tinatawag na people's initiative. Talamak ang panlilinlang sa nga botanteng Pilipino para pumirma sa petisyon, na gumagamit pa sa mga programa ng gobyerno kagaya ng Tupad at 4Ps. Kapag nagkataon,  kaya mo bang...

Listen to the Think About It by Ted Failon podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.