105.9 True FM
Think About It by Ted Failon
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Author
105.9 True FM
Category
Podcast website
Latest episode
Feb 25, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
#AlamNaThis (Aired January 9, 2024) 09.01.2024 13:04
Kung ang iba't-ibang departamento at opisina ng gobyerno ay halos magmakaawa na dagdagan ang kanilang pondo para sa taong 2024, ang DPWH ang pinagpala sa lahat sapagkat kahit sila ang pangalawa sa may pinakamalaking budget, dinagdagan pa sila ng daan-daang bilyong pisong pondo. Binusog ang DPWH subalit binawasan ng subisidiya ng gobyerno ang ibang ahensya na inaasahan ng mga nangangailangan. B...
‘Malinaw na Hilaw’ (Aired December 12, 2023) 12.12.2023 15:53
Matapos ang ilang beses na pag-urong ng implementasyon ng public utility vehicle modernization program, tuloy na tuloy na raw ang pagpapatupad ng programa. Oobligahin ng gobyerno ang mga jeepney at UV express driver at operators ng mga lumang pampublikong sasakyan na sumunod sa patakaran hanggang katapusan ng taon. Subalit ang pamahalaan mismo ang hindi tumupad sa kanilang importanteng tungkulin...
‘Mamuhay ng Buong Kapakumbabaan’ (Aired November 28, 2023) 28.11.2023 16:56
Naging matindi ang puna ng publiko sa abusong ginagawa ng mga motorista- pribado man o taga-gobyerno, sa pagdaan sa Edsa busway upang makaiwas sa matinding trapiko. Mula sa usaping ito ay lumutang ang pagbibigay ng pribilehiyo sa mga taong gobyerno na gumagamit ng protocol plates na maituturing namang kabiguan ng otoridad sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin. Saan ba nagmula ang paglalaan ng mga...
‘Huwag Kang Paku-corrupt’ (Aired November 14, 2023) 14.11.2023 13:46
Ang panukalang budget para sa confidential at intelligence funds para sa taong 2024 ay umaabot sa sampung bilyong piso. Sa halagang ito, maraming kapakipakinabang na proyekto na ang magagawa para sa mga Pilipino, kaysa abusuhin lamang ang pondo ng mga kurap na opisyal sa gobyerno. Kaya isang grupo ng concerned citizens ang nagsama-sama para manawagan at kumilos para sa tuluyang pag-aalis ng confid...
‘Tuwang-Tuwa sa Pagbabalatkayo’ (Aired October 31, 2023) 31.10.2023 12:43
Sa kabiguan ng pamahalaan na mabigyan ng oportunidad ang mga manggagawang Pilipino na magtrabaho at kumita nang marangal sa sariling bayan, maraming Pilipino ang tinitiis malayo sa pamilya upang magtrabaho abroad. Kapalit ng maliit na halaga, may mga OFW na itinataya ang kanilang kaligtasan at nananatili sa mga bansang talamak ang pang-aabuso para kumita at makapagpadala sa pamilya. Sa gitna ng hu...
‘Bakit Nangyayari Ito?’ (Aired October 17, 2023) 17.10.2023 15:50
Sinasabi ng DBM na napakasinsin ng paghahanda at pagbuo ng mga panukalang pambansang budget. Subalit bakit nakalusot at patuloy na nakalulusot sa pambansang budget ang mga doble, triple, at maging apat at limang beses na alokasyon para sa iisang proyekto sa ilalim ng DPWH? May iba't-ibang halaga ng alokasyon sa iisang proyekto ng DPWH, habang ang pondong para sana sa kalusugan at edukasyon ng...
‘Drama ng Mafia?’ (Aired September 26, 2023) 26.09.2023 9:53
Kapuna-puna na sa mga press release ng gobyerno tungkol sa mga nasasamsam nilang smuggled agricultural products, wala ni minsan silang nabanggit na pangalan ng smugglers. At sa lahat ng sinalakay nilang bodega na pinag-iimbakan umano ng mga produktong pang-agrikultura, kahit kailan ay hindi nila naibalita kung sino ang hoarder. Palaging ipinangangalandakan ng pamahalaan ang kanilang mga operasyon...
‘May Chance Pa?’ (Aired September 21, 2023) 21.09.2023 14:56
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ang unang dahilan ng food inflation o pagtaas ng presyo ng pagkain. Upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng butil na pangunahing pagkain ng Pinoy, naglabas ng Executive Order 39 ang Pangulo para magtakda ng price cap at inutusan ang National Food Authority na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa presyong hindi sila malulugi. Patuloy kasing umaasa ang mga...
‘Pagkukubli sa Aninaw’ (Aired September 14, 2023) 15.09.2023 14:21
Para sa transparency o aninaw kung paano pinapangasiwaan at ginagasta ng gobyerno ang pera ng bayan, kaya isinasama sa probisyon ng pambansang budget ang pagsasapubliko ng Commission on Audit ng kanilang annual audit report kung paano ginugol ang pondo ng mga ahensya ng pamahalaan. Subalit nakakadismaya na ang probisyong ito na isa sa mga sandata laban sa korapsyon ay gustong alisin ng Ombudsman....
‘Executive Disorder’ (Aired September 7, 2023) 07.09.2023 17:26
Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na ang dahilan ayon sa Pangulo ay ang di masawata na smuggling at hoarding, naglabas ang Pangulo ng Executive Order 39 na nagmamandato sa hangganan ng presyo ng bigas sa merkado. Sa unang tingin ay pabor ito sa kapakanan ng mamimili, subalit ito ay pinangangambahang magbubunga ng pagkalugi sa mga nagtitinda ng bigas, pagbaba ng presyo ng palay...
‘Inordinate Delay’ (Aired August 31, 2023) 31.08.2023 15:44
Ang kontrobersyal na PS-DBM Pharmally Deal at ang DepEd outdated and overpriced laptop procurement, ay ang dalawang bagong kontrobersyal na kaso na iniimbestigahan ngayon ng Ombudsman. Pero sa ating pananaliksik, maraming kaso ng katiwalian sa gobyerno ang inaabot ng napakaraming taon bago mailabas ang desisyon. May ibang kaso pa nga na nadidismiss sa Sandiganbayan dahil sa sinasabing inordinate d...
‘Kaibigang Manlulupig’ (Aired August 24, 2023) 24.08.2023 16:04
Hindi matatapos ang sigalot at tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea hanggat hindi kinikilala ng China ang ating panalo sa Arbitral Tribunal noong 2016. Patuloy na inaangkin ng China ang mga isla at karagatan sa West Philippine Sea na malinaw na nasa atin ang sovereign rights. Malaki ang interes ng China sa mga isla at karagatan dito dahil sa usaping pang-ekonomiya, militar at depensa...
‘Baha...ng Pera at Masterplan’ (Aired August 8, 2023) 10.08.2023 13:25
Nagkakaroon na naman ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng kongreso tungkol sa nangyayaring pagbaha sa Central Luzon at sa Metro Manila dahil sa mga dumaang bagyo. Maingay din ngayon ang iba't-ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng baha at humihingi ng master plan sa flood control. Sa totoo lang, baha na tayo sa plano. Noon pa man ay may iba't-ibang plano nang inapru...
‘Baha...ng Pera at Masterplan’ (Aired August 8, 2023) 08.08.2023 13:10
Nagkakaroon na naman ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng kongreso tungkol sa nangyayaring pagbaha sa Central Luzon at sa Metro Manila dahil sa mga dumaang bagyo. Maingay din ngayon ang iba't-ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng baha at humihingi ng master plan sa flood control. Sa totoo lang, baha na tayo sa plano. Noon pa man ay may iba't-ibang plano nang inapru...
‘Bawasan Lang ang Takaw’ (Aired August 1, 2023) 01.08.2023 14:35
Sa tuwing sinasabing nagkukulang ng pera ang pamahalaan, maliban sa pag-utang, madalas ay dagdag na buwis agad ang naiisip ng gobyerno. Hindi pa nga natin mawari kung paano ginagasta ang nakokolektang Motor Vehicle User's Charge o MVUC, gusto na ng ilang kongresista at ni Pangulong Marcos Jr. na magpataw ng dagdag na Road User's Tax sa mga irerehistrong sasakyan sa LTO. Ang panukala, inapr...
Sawa na sa SONA?’ (Aired July 25, 2023) 26.07.2023 12:14
Mula nang maipatupad ang 1987 Constitution, natunghayan na ng mga Pilipino ang tatlumpu't pitong State of the Nation Address o SONA, ng mga nagdaang Presidente at kasalukuyang Pangulo. Kapansin-pansin na sa nagdaang higit tatlong dekada, paulit-ulit lamang ang mga isyung pang bayan at problema sa gobyerno na nababanggit sa SONA ng mga nauupong Pinuno ng bansa. At kung ano ang narinig ng mga Pi...
‘Love the Philippines?’ (Aired July 4, 2023) 04.07.2023 13:19
Kamakailan lamang ay inilunsad ng Philippine Department of Tourism ang bagong slogan na Love the Philippines. Pero hindi pa man nakakabwelo ang bagong slogan, nauna nang kumalat sa ibang panig ng mundo ang balitang paggamit ng DOT ng mga imahe galing sa ibang bansa para sa promotional video ng turismo ng Pilipinas. Bukod sa mga ulat ng perwisyo sa paliparan kung saan kilala rin ang Pilipinas, ang...
‘Wanted: Unlicensed Nurses’ (Aired June 20, 2023) 20.06.2023 12:04
Pinaplano ng Acting Secretary ng DOH na punuan ang 4,500 na bakanteng posisyon para sa lisensyadong nurses sa Kagawaran ng Kalusugan sa pamamagitan ng pagkuha ng nursing graduates na may diploma at maging ng mga hindi pa nakapasa sa board exam. Tinututulan ito ng grupo ng mga nurse sa Pilipinas dahil sa mga panganib na kaakibat nito. May mga kwalipikado namang nurses na nananatili ngayon sa bansa...
‘MIF: Paki-explain Please’ (June 8, 2023) 08.06.2023 15:47
Kinukwestyon sa Senado ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund kahit wala itong test of economic viability na nasasaad sa ating Saligang Batas. Kailangan ito upang maiwasan na mabangkarote ang itinatatag na mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno. Hindi naging malinaw sa panukala kung paano babawiin ng Maharlika Investment Fund ang ilalaan nitong puhunan umano sa pagtatayo ng mga kalsada at mga i...
‘MIF: Benepisyo o Perwisyo?’ (Aired May 30, 2023) 30.05.2023 18:34
Patuloy ang pangangalandakan ng mga nagsusulong ng panukalang Maharlika Investment Fund tungkol sa mga benepisyong maibibigay nito sa bayan. Sinertipikahan pa ngang 'urgent' ng Pangulo ang panukala. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong naririnig na detalyadong paliwanag kung paano nga ba ito kikita at makakatulong sa pagpalaunlad ng bayan? Sa kabila ng mga pagtutol sa Maharlika Inv...
Suggested retail price para sa sibuyas (Aired May 23, 2023) 23.05.2023 14:07
Nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price para sa pula at puting sibuyas, at nagbanta laban sa mga nagtitinda na hindi susunod sa SRP. Sa kabila ng mga inilantad ng House Committee on Agriculture and Food na matitibay na ebidensya laban sa kartel ng sibuyas, tanging pagtatakda ng SRP ang magagawa ng DA? At sa halip na mapagsamantalang traders at wholosalers ng sibuyas a...
‘Butas sa Batas’ (Aired May 9, 2023) 09.05.2023 11:07
Inihahanda na ng Sugar Regulatory Administration ang distribusyon ng sinasabing smuggled na 4,000 metric tons na puting asukal na ibebenta sa Kadiwa stores nationwide. Ibebenta na ang smuggled sugar, eh kumusta naman ang smugglers? Ngayon, nakatuon ang atensyon ng ilang mambabatas sa pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act. Bakit, sa batas ba ang problema o sa nagpapatupad ng batas? Kahit n...
‘Turuan sa Gobyerno’ (Aired May 2, 2023) 04.05.2023 11:50
Inanunsyo ng LTO ang extension ng validity ng mga Driver's License ng mga Pilipino hanggang Oktubre trenta'y uno ngayong taon dahil nagkaubusan daw ng plastic cards. Nag-aabiso na rin ang hepe ng LTO na kakapusin din ang supply ng mga plaka ng motorsiklo at mga sasakyan ngayon ding taon. Nagtuturuan ang DOTR at LTO pagdating sa isyu ng malaking backlog sa plaka at kakapusan sa supply ng...
‘The War Within...’ (Aired April 25, 2023) 25.04.2023 12:39
Matapos ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inamin nya mismo na nabigo siya sa kanyang pangako na masawata ang problema sa ilegal na droga sa bansa. At wala pang isang taon sa pag-upo ang bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinapubliko ng kalihim ng DILG ang ika niya ay malawakang pagtatakip ng mga alagad ng batas sa tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan...
‘Walang Cover-up?’ (Aired April 18, 2023) 18.04.2023 17:13
Oktubre 2022, ibinida ng DILG at PNP ang tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan ng bansa kung saan nakasabat ang PNP ng halos isang toneladang shabu na aabot sa halagang 6.7 bilyong piso. Pero makalipas lamang ang anim na buwan, ang accomplishment ng gobyerno ay napalitan ng eskandalo matapos ibulgar ni DILG Secretary Benhur Abalos ang umano'y malawakang pagtatakip ng pambansang pu...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.