105.9 True FM

Think About It by Ted Failon

News TL ↓ 196 episodes

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!

Author

105.9 True FM

Category

News

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Feb 25, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

‘Ang Pangarap Niyo...’ (Aired March 23, 2023) 23.03.2023

Inaabangan ng marami nating kababayan ang bente pesos kada kilo ng bigas na ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong panahon ng kampanya. Pero para sa isang grupo ng mga magsasaka, ang pangakong ito ay maisasakatuparan lamang kung mapapababa ang production cost ng pagsasaka ng palay. Paano naman kasi makapagbebenta ang isang negosyante ng bente pesos per kilo ng bigas, kung ang farm gate...

‘Sulit Nga Ba?’ (Aired March 14, 2023) 14.03.2023

Umabot na sa 13.7 trilyong piso ang pambansang utang ng Pilipinas. Sa kabila ng laki ng ating utang, binabalak ng Kamara de Representante na gumasta ng siyam na bilyong piso para sa pag-aamyenda ng ating saligang batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con. Sulit naman daw ang gagastusin ng taong bayan para rito dahil ang Con-Con ang susi sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa. Pero...

‘Programang Hinog sa Pilit’ (Aired March 7, 2023) 07.03.2023

Isinusulong ang PUV Modernization Program upang mapalitan ang mga luma at tradisyunal na pampublikong sasakyan para sa ikagiginhawa ng pagbiyahe ng mga mananakay. Subalit sa isang pag-aaral ng isang retiradong Propesor sa UP, lumalabas na may ilang importanteng bagay na hindi nabigyan ng pansin sa pagpapatupad ng programa, kagaya ng presyo, kalidad at dami ng kakailanganing modernized PUVS. At han...

‘Sounds Familiar? Gets Mo! (Aired February 28, 2023) 28.02.2023

Pagkatapos ng kontrobersyal na Sugar Oder No. 4 na inilabas ng SRA noong Agosto ng nakaraang taon, mayroon na naman ngayong Sugar Oder No. 6 na nais paimbestigahan sa Senado at Kongreso. Bago pa man kasi dumaan sa legal na proseso ang Sugar Order No. 6, may dumating nang imported na asukal sa pantalan at tanging Undersecretary ng DA ang nagpasya kung sinong importers ang  mabibigyan ng alokas...

‘Sampol...Sampol?’ (Aired February 21, 2023) 21.02.2023

Taong 2013 nang mag-umpisa na ang imbestigasyon ng Kamara de Representante tungkol sa cartel at ilegal na pag-iimbak o hoarding ng mga produktong agrikultural, partikular sa bawang. Ang modus sa bawang noon ay siya ring modus operandi sa sibuyas ngayon na dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas. Subalit sampung taon na ang nakakaraan, hanggang ngayon ay wala pa ring nasasampolan ang gobyerno. Sa d...

‘MIF: Ano Ba Talaga?’ (Aired February 7, 2023) 07.02.2023

Ipinapangako ng mga mambabatas na nagsusulong ng Maharlika Investment Fund ang investment return na magbibigay ng mas maraming proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas. Pero hanggang sa ngayon ay hindi nila maipaliwanag kung sa paanong paraan kikita ang perang puhunan na magmumula sa Landbank, Development Bank of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas at PAGCOR. Ayon sa isang financial ex...

‘Bottomline: Political Will’ (Aired February 2, 2023) 02.02.2023

Sa dinami-dami ng smuggled na produktong agrikultural na nasasabat ng Bureau of Customs, at pagkakaroon ng batas na Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, nakapagtataka na wala pa ring smuggler na nakakulong hanggang ngayon. Malinaw man ang probisyon ng batas kontra-smuggling, nais pa rin ng ilang Senador na palakasin pa raw ito sa pamamagitan ng pag-aamyenda ng umiiral na batas. Batas ba talaga...

‘Underacting Secretary?’ (Aired January 24, 2023) 24.01.2023

Sa pag-upo bilang Pangulo ng Pilipinas ni Bongbong Marcos Jr., sinabi niya na gagawin niyang agriculture hub ang Pilipinas, at para matutukan ang sektor ng agrikultura, siya mismo ang magsisilbi bilang Acting Secretary ng Department of Agriculture. Subalit sa loob ng pitong buwan ng pag-aktong Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura ni Pangulong Marcos Jr., nanatili ang problema ng ASF sa mga baboy at...

‘Sugar, Bakit Ka Mahal?’ (Aired January 19, 2023) 19.01.2023

Kasabay ng panahon ng production at milling ng local sugar producers sa bansa, ay ang pagdating ng tone-toneladang imported na asukal. Pero nakapagtataka na sa Bantay Presyo ng DA, umaabot pa rin sa humigit isandaang piso ang kada kilo ng asukal sa palengke at supermarkets. Ayon sa ating local sugar producers mababa ang millgate price dahil sa dami ng supply, pero wala umanong ideya ang grupo ng s...

‘Syndicated Onion’ (Aired January 17, 2023) 17.01.2023

Ang Pilipinas ay hindi self-sufficient sa sibuyas kaya ang Kagawaran ng Agrikultura ay nakasandal pa rin sa importasyon para punan ang pangangailangan ng bansa. Pero kung importasyon ang solusyon sa kakulangan, bakit pumalo sa walong daang piso ang presyo ng bawat kilo ng sibuyas sa palengke sa gitna ng sinasabing pagdagsa ng imported na sibuyas? Pagtataksil naman sa hanay ng lokal na magsasaka an...

‘Tsubibo ng China’ (Aired January 10, 2023) 11.01.2023

Mula taong 2016 hanggang 2022, naghain ang Pilipinas ng 388 diplomatic protests laban sa China dahil sa dumaraming reports ng pamamayagpag ng Chinese Coast Guard at Chinese Militia vessels sa ating karagatan, at patuloy na pangha-harass ng mga ito sa mga mangingisdang Pilipino at maging sa Philippine Coast Guard. Ito ay sa kabila ng walong beses na pagkikita ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at...

‘Drama sa Sibuyas’ (Aired January 3, 2023) 04.01.2023

Makasaysayan at nakakadismaya ang pagsipa ng presyo ng puting sibuyas sa halagang 800 pesos kada kilo, at pulang sibuyas na pumalo na sa 720 pesos. Ang Department of Agriculture ay may Bantay Presyo na nagtatakda ng opisyal na retail price ng mga produktong agrikultural na mabibili sa mga palengke, pero ito ay hindi naman nasusunod. Kinumpirma naman ng grupong SINAG na karamihan sa mga sibuyas na...

‘Damay-damay’ (Aired December 20, 2022) 20.12.2022

Pumasa na sa third and final reading sa kongreso ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Act matapos bumoto ang 279 na kongresista na pabor sa panukalang batas na certified urgent ng Presidente. Subalit pinalitan man ito ng titulo at inalis man ang SSS at GSIS na isa sa mga pagmumulan ng paunang kapital, isang siyentista at ekonomista na ang nagsasabing ang Maharlika Investment Fund ay "be...

‘Maharlika Wealth Fund’ (Aired December 6, 2022) 06.12.2022

Maingay na pinag-uusapan ngayon ang panukala na pagkakaroon ng Pilipinas ng Maharlika Wealth Fund, kung saan ang inisyal na kapital na 275 billion pesos ay magmumula sa mga malalaking government financial institutions gaya ng Landbank of the Philippines, SSS at GSIS, maging sa National Government at Bangko Sentral ng Pilipinas. Maharlika Wealth Fund, kailangan ba ito ng Pilipinas ngayon na ang gob...

‘Oath of Office’ (Aired December 1, 2022) 01.12.2022

Ang oath of office o panunumpa sa tungkulin ay napakahalaga para sa mga halal na public officers bago sila magsimula ng panunungkulan. Ito ay pahiwatig na ang mga nahalal na lingkod bayan ay sumusumpa sa Diyos at sa sambayanan na gagampanan nila nang mabuti at buong katapatan ang kanilang panunungkulan, at nangangakong hindi gagamitin ang katungkulan para sa sariling interes, at anumang interes pa...

‘Insult to Intelligence’ (Aired November 29, 2022) 29.11.2022

Ang confidential fund ay nakalaan para sa surveillance activities ng civilian government agencies, habang ang intelligence fund naman ay para sa militar at security officials and personnel sa kanilang pangangalap ng mga impormasyon para pangalagaan ang seguridad ng bansa. At sa 5.268 trilyong pisong pambansang budget ng Pilipinas para sa 2023, ang kabuuang halaga ng confidential at intelligence fu...

Kasakiman ng Tao’ (Aired November 17, 2022) 17.11.2022

Ibinalita ng DENR ang pakikiisa umano ng Pilipinas sa tinaguriang One Planet Initiative na naglalayong lumikha ng mga solusyon para labanan ang lumulubhang climate change, at pangangalaga sa ecosystem at biodiversity ng kalikasan. Pero ang naiulat na adbokasiyang ito ay taliwas sa nakakabinging katahimikan ng ahensya sa nangyayari ngayong reklamasyon sa Manila Bay na isang deklaradong key biodiver...

‘Oplan Galugad Forever’ (Aired November 10, 2022) 11.11.2022

Kahit taun-taong kasama sa accomplishment ng Bureau of Corrections ang kanilang tinatawag na  "Search and Confiscation of Contrabands", madalas pa ring pumutok ang mga kontrobersya kaugnay sa hindi maayos na pagpapatakbo ng New Bilibid Prison. Nariyan ang tumambad noon na magagarang kubol ng ilang high-profile inmates sa maximum security compound ng bilibid, at anomalya sa pagpapalaya ng BuCo...

‘Trabaho Sa/Ng Gobyerno’ (Aired November 3, 2022) 04.11.2022

Gobyerno ang tumutugis sa mga pribadong kumpanya na hindi nagbibigay ng karampatang benepisyo sa mga empleyado, lalo na yung mga patuloy kinokontrata ang mga manggagawa kahit na mahalaga ang ginagampanan nilang trabaho. Pero tila mas masahol pa ang gobyerno sa paglabag sa karapatan ng mga mangagawang Pilipino, dahil base sa Inventory of Human Resources ng Civil Service Commission, aabot sa higit a...

‘Turuan sa Bukulan’ (Aired October 27, 2022) 27.10.2022

Pagkatapos ng limang hearing, tuluyan nang winakasan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang imbestigasyon tungkol sa isiniwalat ng COA sa kanilang Audit Report na 2.4 bilyong pisong halaga ng "pricey" at "outdated" na laptops na binili ng DepEd, sa tulong ng Procurement Service ng DBM. Sa mga hearing na isinagawa ng Komite na imbitado ang ilang opisyal ng DepEd at DBM-PS, pati kinatawan ng m...

“Praise Release” (Aired October 20, 2022) 21.10.2022

Naglabas muli ng press release ang Bureau of Customs tungkol sa nasabat umano ng ahensya na 76 containers sa Port of Manila na naglalaman ng 228 milyong pisong halaga ng imported refined sugar.  Pero bago ang lahat, ano na ba ang balita sa lahat ng ginawang "pagbisita" ng BOC sa iba't-ibang bodega sa Luzon at Mindanao mula Agosto hanggang Setyembre ng taon, na umano'y puno ng hoarded at smugg...

“Ipagpaliban...Para sa Bayan?” (Aired October 18, 2022) 18.10.2022

Sa bisa ng Republic Act 11935, ang nakatakda sanang Barangay at SK Elections ngayong taon ay ipagpapaliban at isasagawa na sa Oktubre 2023. Ang katwiran ng mga mambabatas sa pagpapaliban ay para makatipid at magamit raw ang pera para sa pangangailangan ng ating mga kababayan... Para sa bayan nga bang maituturing, kahit ipinagdiinan na ng Comelec na dodoble ang gastusin ng gobyerno kapag iniurong a...

“Bantay Presyo” (Aired October 13, 2022) 13.10.2022

#TedFailonandDJChaCha | Kahit sino siguro ang tanungin ngayon ay alam ang kahulugan ng salitang inflation, dahil ramdam ng lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. At nakakadismayang  malaman na napakalaki ng diperensya sa presyo ng mga gulay sa bagsakan nito sa Benguet, kumpara sa listahan ng Bantay Presyo ng Department of Agriculture sa mga pamilihang bayan sa Metro Manila. M...

“Irrelevant” (Aired October 11, 2022) 11.10.2022

Importante at karapatan ng taumbayan ang pagtatanong kung saan kumukuha ng pera ang isang opisyal ng gobyerno sa kanyang pangingibang bansa, mapa-personal trip o official visit man ito. Pero nang tanungin ng media kung sino ang gumastos sa naging byahe ng Pangulong Marcos Jr. kasama ang pamilya para manood sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore kamakailan lang, tinawag na "irrelevant" ni Executive S...

“Corruption Pa Rin...” (Aired September 22, 2022) 22.09.2022

Sa pinakahuling survey sa mga CEO, korapsyon pa rin ang nakikita ng business leaders na pinakamabigat na balakid sa economic recovery ng bansa. Kaya naman ang "accountability and transparency" at "fight against corruption" ang nais nilang unahin at dapat tutukan ng Marcos administration, at pumapangatlo lamang ang "attracting more foreign investments". Bago sana ibida ni Pangulong Marcos Jr. na in...

Listen to the Think About It by Ted Failon podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.