105.9 True FM

Think About It by Ted Failon

News TL ↓ 196 episodes

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!

Author

105.9 True FM

Category

News

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Feb 25, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

“Mitsa” (Aired September 20, 2022) 20.09.2022

Sa paglipas ng taon, pababa nang pababa ang self-sufficiency ratio ng bansa pagdating sa produktong agrikultural ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino, habang tumataas naman ang ating import dependency. Importasyon ang laging solusyon ng gobyerno sa krisis sa pagkain kahit nabubulukan ng produkto ang ating magbubukid, na isinisisi pa sa kanila ng mga matataas na opisyal ng Kagawaran n...

‘Pasahan...Sisihan...Na Naman’ (Aired September 6, 2022) 06.09.2022

Humarap na sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga opisyal ng DepEd at Procurement Service ng DBM hinggil sa binili nilang 2.4 bilyong pisong halaga ng laptops na di umano'y overpriced at outdated. Isa sa naging mainit na tanong ng mga Senador ay kung bakit pumayag ang DepEd na mula sa P35,000 na halaga ng bawat laptop ay itinaas ito ng DBM-PS sa presyong nasa P58, 000 ang isa, p...

‘May Makulong Naman Kaya’ (Aired August 30, 2022) 30.08.2022

Sa banta ng krisis sa supply ng asukal, nagkaroon ng kabi-kabilang  pagdalaw ang Bureau of Customs sa malalaking bodega ng asukal. Tinawag ng Malacanang na "artifical" o hindi totoo, ang sinasabing kakapusan sa supply ng asukal na dulot lang umano ng hoarding ng traders na umiipit sa supply upang tumaas ang presyo nito. Sa katanuyan, aabot na sa higit isang milyong sako ng asukal ang nadiskub...

“Buy Now, Plan Later” (Aired August 23, 2022) 23.08.2022

Taong 2020 nang magkaroon ng inisyatiba ang Department of Information and Communications Technology na tumulong sa sektor ng edukasyon sa panahon ng pandemya,  sa pamamagitan ng pagbibigay ng tablets,  laptops at pocket wifi. Maganda ang adhikain ng programa subalit hindi naging maayos ang implementasyon na humantong sa oversupply at overstocking ayon sa ginawang pagsusuri ng Commission...

Logic and Common Sense (Aired August 16, 2022) 16.08.2022

Kung ikaw ay may budget na P58,000 para pambili ng laptop, pipili ka ba ng laptop na mabagal, mababa ang specs at outdated? Sa simpleng paggamit ng sentido komon,  hindi ka bibili ng outdated na laptop kung perang galing sa sweldong pinaghirapan mo ang ipambabayad mo.  Pero ang Department of Education at DBM-Procurement Service,  tila hindi gumamit ng logic at common sense sa paggam...

Hindi Maanomalya? (Aired August 11, 2022) 11.08.2022

Sa inilabas na 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit sa Department of Education at Procurement Service ng DBM, pumutok ang balita tungkol sa kwestyunableng mga laptop na binili ng DepEd na may kabuuang halaga na 2.4 bilyong piso galing sa pondo ng Bayanihan 2 fund. Inilarawan ng COA ang mga laptop na binili para sa public school teachers para sa distance learning na 'pricey' at 'outdated...

Korapsyon sa Agrikultura (Aired August 4, 2022) 04.08.2022

Sa halos lahat ng talumpati sa tatlumpu't limang State of the Nation Address ng mga nagdaang Pangulo, mula kay Pangulong Corazon Aquino hanggang sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, laging nababanggit ang programa para sa agrikultura. Pero ang laging ipinapangako na farm-to-market roads at iba pang pasilidad para sa magsasaka, nauwi sa korapsyon ang ilang bilyong pisong pondo tulad ng pork barrel...

DPWH: Departamentong Paborito Part 2 (Aired July 26, 2022) 26.07.2022

Sa 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit, lumalabas na ang DPWH ay may mababang utilization rate dahil sa higit 700 bilyong pisong pondo ng kagawaran, nasa 258.4 bilyong piso ang hindi nila nagasta hanggang katapusan ng 2021. Habang sa mga imprastraktura na pinaglaanan ng pera ng DPWH sa buong bansa, libo-libo ang mga proyektong nakita ng COA na hindi pa nasimulan o unimplemented, delaye...

DPWH: Departamentong Paborito (Aired July 21, 2022) 21.07.2022

Sa mga nagdaang taon, laging pumapangalawa sa DEPED ang DPWH sa mga departamentong binibigyan ng pinakamalaking pondo mula sa ating pambansang budget. Ito ay sa kabila ng taun-taong pagsita ng Commission on Audit sa DPWH dahil sa mga proyektong hindi natatapos, pati na mababang utilization rate ng ahensya. Samantalang ang Department of Agriculture na pangunahing ahensya na kailangang tumugon sa fo...

‘Mga Plastic...’ (Aired July 14, 2022) 14.07.2022

Bilang tugon sa climate change, balak ng pamahalaan na patawan ng buwis ang single-use plastics, kaya sangkaterbang panukala na naman ang nakaabang na ihahain sa papasok na kongreso. Pero alam niyo ba na dalawampu't dalawang taon na ang nakakaraan nang maipasa ang batas kontra single-use plastic na RA 9003 o ang Ecological  Solid Waste Management Act of 2000 na inoobliga ang National Solid Wa...

Build Now, Apply Permit Later (Aired July 7, 2022) 07.07.2022

Sa bisa ng Presidential Proclamation 296, idineklara na isang protected area ang Upper Marikina watershed noong 2011. Sa kabila nito, pinayagan ang operasyon ng large-scale quarrying sa Upper Marikina watershed na tinututulan ng environmentalists at ilang city Mayors ng Metro Manila. Maliban diyan, nagsulputan ang mga resort at establisyemento na ilegal na nagpatayo ng istraktura sa Masungi Geores...

‘Huwag Tayo Pauto’ 29.06.2022

Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay apektado sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo, malaking tulong sa pangangailangan ng Pilipinas ang pag-ani ng langis na nasa ilalim ng ating karagatan sa West Philippine Sea. Pero sa halip na makinabang, walang napala ang Pilipinas sa higit tatlong taong kasunduan sa China para sa joint oil and gas exploration project sa West Philippine Sea, maging ang mga...

Independent? (Aired June 23, 2022) 23.06.2022

Taong 1994 nang unang ipanukala sa Kongreso ang National Land Use Act na dapat pipigil sa land conversion ng mga lupang pang-agrikultura sa Pilipinas at paglatag ng panuntunan sa wastong paggamit ng kalupaan sa bansa, subalit inabot na ng tatlong dekada ay hindi pa rin naipapasa ang batas. Sa 17th Congress, bagamat nakalusot sa kamara, at kahit makailang ulit nang naipanawagan mismo ni Pangulong R...

Urgent! Fuel Cost Unbundling (Aired June 16, 2022) 16.06.2022

Isinulong sa kongreso ang panukalang fuel cost unbundling na maglalantad kung anu-ano ang basehan ng mga oil company sa pagpe-presyo sa produktong petrolyo. Maliban kasi sa value added tax at excise tax na ipinapataw ng gobyerno, may gastusin ang bawat kumpanya ng langis na ipinapatanong sa presyo ng bawat litro kasama ng kanilang kita. Kung matuloy ang unbundling o paghihimay sa presyuhan ng gaso...

Magna Carta of Commuters (Aired June 14, 2022) 14.06.2022

Isinusulong ng isang Non-profit Organization ang pagkakaroon ng batas na Magna Carta of Commuters. Adhikain nito na makaranas ng komportable at ligtas na pagbiyahe ang mga pangkaraniwang mamamayan gamit ang public transportation. Kasama sa adhikain ng panukala ang pagbibigay halaga sa pagbibisekleta bilang alternatibong paraan ng pagbiyahe. Subalit kasama sa panukala ang pag-oobliga sa mga opisyal...

Tax Balato (Aired June 9, 2022) 09.06.2022

Sa halos linggo-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene, nabuhay muli ang panawagan na suspendihin ang koleksyon ng excise tax na ipinapataw sa bawat litro ng produktong petrolyo. Pero sa kabila ng bilyun-bilyong pisong koleksyon ng gobyerno mula sa buwis sa langis, hindi sumang-ayon ang kasalukuyang administrasyon sa panukalang tigil-koleksyon ng excise tax. Bagkus ay mistulang...

Kalayaan? Kaibigan? (Aired June 2, 2022) 02.06.2022

Nagsampa ng Diplomatic Protest ang Pilipinas laban sa tatlo't kalahating buwang fishing moratorium na ipinatupad ng China sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ito ay nangangahulugang bawal tayong mangisda sa sarili nating teritoryo kahit pa ang deklarasyon ng moratorium ay walang basehan sa batas ayon sa Department of Foreign Affairs. Hindi lang pangingisda sa karagatang sakop ng ating teri...

Pangako Sa’yo (Aired May 24, 2022) 24.05.2022

Isa sa mga ipinangako noong panahon ng kampanya ni presumptive  President Bongbong Marcos Jr. ay ang pagbaba ng presyo ng bigas sa dalawampung piso kada kilo. At para mangyari ito sa kanyang administrasyon, kailangang mag-ambagan ng mga Pilipino upang makalikom ng bilyong pisong pondo na subsidiya ng gobyerno sa bawat kilo ng bigas. Panibagong pondo ang kakailanganin para rito gayong sa kasal...

Mga Aklat Para sa Lahat (Aired May 19, 2022) 19.05.2022

Lumawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga aklat pambata na kasama sa #NeverAgain book bundle ng Adarna House matapos ang "red-tagging" na ginawa ng ilang mga opisyal ng gobyerno laban sa publishing house ng mga libro. Pinapalabas na ang CPP-NPA-NDF ang nasa likod ng paglimbag ng mga aklat na ito na nagtuturo umano sa mga kabataan na maging radikal laban sa gobyerno. Subalit nilimbag ang mga a...

Pilipinas Kong Mahal (Aired May 17, 2022) 17.05.2022

Nasa probisyon ng ating saligang batas ang pagbabawal ng dinastiya, pero walang kaukulang batas para maipatupad ito na nagresulta sa nagtatabaang dinastiya sa ehekutibo at lehislatura ng mga probinsya, lungsod at bayan dito sa Pilipinas. At kung dati ay nagsasalitan lang sa puwesto ang magkakamag-anak na pulitiko, ngayon ay sabay-sabay na silang tumakbo at nanalo sa iba't-ibang posisyon sa kanilan...

Huwag Tumangis (Aired May 12, 2022) 12.05.2022

Tapos na ang panahon ng halalan at marami nang naiproklamang kandidatong nanalo para sa lokal na pamahalaan, habang hinihintay ang proklamasyon ng mga nanalong Senador, Party-list Representatives, maging ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo. Nanalo ba ang iyong kandidato, o ikaw ba'y lumuluha ngayon? Huwag kang tumangis... Ipahinga ang iyong isipan at katawan dahil nasa ibang yugto na tayo nga...

Paano Kumikilos ang Trolls? (Aired May 4, 2022) 04.05.2022

Sa panayam kay Dr. Jonathan Ong, isang professor na nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa trolls, ipinaliwanag niya kung paano kumikilos ang mga ito at nagagamit ng mga kandidato bilang makinarya sa pagpapakalat ng propaganda.

NLET na Pinipilit Part 2 (Aired April 28, 2022) 28.04.2022

Naglabas ng show cause order ang LTFRB laban sa mga kumpanya ng bus na hindi bumabyahe sa kanilang ruta dahil may window hours lamang na pinapayagan silang gamitin ang kanilang pribadong terminal na nasa loob ng Metro Manila. Ipinipilit pa rin kasi ng mga ahensya ng DOTr, LTFRB at MMDA na tangkilikin ng provincial bus operators at commuters ang itinalaga nilang Integrated Terminal Exchange, partik...

Ah...Basta...Bahala Na (Aired April 21, 2022) 21.04.2022

Napakabigat ng problemang pang-ekonomiya na kailangang harapin ng susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas. Ayon sa chief economist ng DOF, kakailanganin ng apatnapung taon upang mabayaran ang inutang ng kasalukuyang administrasyon na nagkakahalaga ng 1.31 trillion pesos, para sa COVID-19 response. Apat na dekada o dalawang henerasyon para sa 1.31 trillion pesos... paano pa kaya ang...

Pag-asang Sinakluban ng Pagkadismaya (Aired April 19, 2022) 19.04.2022

Nakaramdam ng pag-asa ang mga magbubukid na malutas ang agricultural smuggling nang magkaroon ng pagdinig kaugnay dito ang Senado. Subalit sa ikatlong pagdinig, ang pag-asa ay nauwi sa pagkadismaya. Ang opisyal kasi ng Department of Agriculture ay bumawi sa nauna nyang sinabi na sangkot ang matataas na tao sa smuggling ng gulay. Pati ang National Intelligence Coordinating Agency na matagal nang na...

Listen to the Think About It by Ted Failon podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.