105.9 True FM

Think About It by Ted Failon

News TL ↓ 196 episodes

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!

Author

105.9 True FM

Category

News

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Feb 25, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

"Large-scale na panloloko?" | Aired November 18, 2021 18.11.2021

Patuloy ang pagkalugi ng mga magsasaka kahit na kabi-kabila ang panghuhuli at pagsalakay umano ng Bureau of Customs sa mga bodegang ginagawang imbakan ng mga smuggled na gulay. Dapat bang purihin ang Customs sa mga raid na ito? Eh bakit patuloy pa rin ang walang habas na large-scale agricultural smuggling sa kabila ng mabigat na parusang kakaharapin ng mapapatunayang nagkasala dito? May napakulong...

"Isa ka rin bang...tanga?" | Aired November 16, 2021 16.11.2021

Nahihirapan ka sa buhay at ang naiisip mong solusyon ay ang mga pulitiko na nagmimistulang patron na nagpapanggap na tagapagligtas sa kahirapan? Wala ka bang napapansin? Hndi ba't tila pinagsasamantalahan na ng ilang opisyal ang kahirapan ng mamamayan na kung minsan ang tingin sa kanila ay bobo? Think about it.

Mandatory o Voluntary? | Aired November 11, 2021 11.11.2021

Laban o bawing desisyon sa pag-oobliga sa paggamit ng face shield, bakit nga ba tila magkataliwas ang desisyon ng IATF at ilang lokal na opisyal kung gagawing mandatory o voluntary ang paggamit nito? Nagpapataasan nga ba ng ere ang National government at LGU's na dapat sana'y nagkakaisa ng direksyon sa paglaban sa pandemya? Politika at pandemic corruption nga kaya ang dahilan ng pagtatalong ito? T...

"The vaccine conundrum" | Aired November 9, 2021 09.11.2021

Mandatory vaccination para sa 4.2M household beneficiaries ng 4Ps, posible kaya kahit wala sa probisyon ng batas na sumasaklaw dito? Eh ang “no vaccine” preference policy kaya na nais ipatupad sa mga lokal na pamahalaan? Hindi paglalabas ng gobyerno ng impormasyon ukol sa 44.5M doses ng sinovac dahil umano sa sinasabing non-disclosure agreement, ilan na kaya ang naiturok at mga natitira pa? Paano...

Presyuhan ng langis (Part 2) | Aired November 2, 2021 02.11.2021

Pagsulong ng DOE sa unbundling o ang paghimay sa gastusin ng mga oil companies sa kanilang operasyon upang malaman ang kanilang kinikita o tubo sa bawat litro ng gasolina, maipatupad kaya? Ngunit hindi ba ito nangangahulugan ng regulation sa industriya ng langis? Hindi ba't deregulated na ito sa ngayon? Ano ba talaga? Think about it.

Presyuhan ng langis | Aired October 28, 2021 28.10.2021

Siyam na sunod na Linggo nang may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kaya umabot na ito sa bagong record high na presyuhan mula noong 2018 ayon sa datos ng DOE. Umaangal na rin ang mga motorista partikular ang mga PUV drivers sa patuloy na pagtaas ng gasolina at diesel. Panahon na ba para ibasura ang Oil Deregulation Law o kaya ay suspindehin ang ipinapataw na excise tax sa langis sa ila...

Dolomite beach: Maglalahong ningning? | Aired October 26, 2021 26.10.2021

Daan-daang milyong pisong halaga ng pera ng bayan na ang ginastos para sa paglalagay ng artipisyal na buhangin na ngayon ay tinaguriang Manila Baywalk dolomite beach. 389 million pesos na pera ng bayan ang inilaan na dito at may kasunod pa umanong 269 million pesos. Sa tuwing bumabagyo bumabalik ang itim na buhangin sa dolomite beach, paano na kung ubos na ang pondo para sa pagtatambak ng artipisy...

Political dynasty: Demokrasya o Family business? | Aired October 21, 2021 21.10.2021

Kawalan ng progreso, laganap na kahirapan, karahasan at korapsyon...Ilan lang yan sa masamang epekto ng matatabang political dynasties. Anti-dynasty provision sa SK reform act, ito na kaya ang simula ng posibleng reporma para wakasan ang pamamayagpag ng Political clans? Malaki ang gagampanan dito ng uupong bagong presidente ng Pilipinas, ang iyo bang iboboto ay may malinaw na paninindigan laban sa...

Political dynasty: Thin, fat and obese | Aired October 19, 2021 19.10.2021

Inilahad sa isang pag-aaral na ang Political dynasty sa bansa ay patuloy na nananaba. Isa ito sa mga sinasabing dahilan sa paghina ng checks-and-balances sa ating demokrasya. Maipasa kaya ang Anti-Dynasty law sa Kongreso...sa Kongreso kung saan namumutiktik ang mga miyembro ng political dynasties? May pag-asa pa kayang matupad ang diwa ng saligang batas na nagbibigay ng pantay na oportunidad sa la...

Bawal magkamali | Aired October 14, 2021 14.10.2021

Pagkalaki-laking utang, bagsak na ekonomiya, kagutuman, kawalan ng trabaho, ilegal na droga, korupsiyon — Ilan lang 'yan sa mga problemang haharapin ng susunod na Presidente ng Pilipinas. Paano ka pipili sa mga kandidato sa pagkapresidente? Ano-ano ba ang mga katangian na dapat nating isaalamg-alang sa pagpili? O muli kang magpapadala sa mga arte, pananalita, at pagpapanggap? Think about it.

Pilitan, gulatan, palitan sa panguluhan? | Aired October 12, 2021 12.10.2021

Ang kandidatura para sa isang halal na posisyon lalo na sa panguluhan ay dapat pinag-iisipan at pinaghahandaan. Pero sa naganap na biglaang paghahain ng PDP-Laban ng COC sa pinakamataas na posisyon sa bansa, sa inyong palagay, maituturing ba itong mockery of the election process? Pero may butas nga ang batas sa substitution, dumaan kaya sa butas na ito ang PDP-Laban Cusi wing? Think about it. For...

Party-list system: Busilak na binaboy? | Aired October 7, 2021 07.10.2021

Busilak na adhikain ng Party-list system upang magkakaroon ng tinig ang mga marginalized at underrepresented sectors sa Kamara, nabababoy na nga ba? Panahon na ba para baguhin ang gabay sa kung sino ang maaaring tumakbo sa Party-list? Maging masinop at kilalaning mabuti kung sino-sino ang uupo sa isang Party-list na inyong ihahalal. Ito ba ay totoong kakatawan at makikipaglaban para sa inyong kapa...

Puslit na gulay | Aired September 30, 2021 30.09.2021

Umaaray na ang mga pobreng magsasaka sa talamak na pagpupuslit ng mga gulay sa bansa na nagkalat at ibinebenta sa mga palengke. Matunton kaya ng Department of Agriculture, Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry ang mga nasa likod ng smuggling na ito o patuloy na lang na magmamaang-maangan? Kailangan pa bang humantong sa isa na namang imbestigasyon sa Senado para magkaalaman kung si...

"Cutting corners?" | Aired September 28, 2021 29.09.2021

Hindi pagsunod sa proseso o "cutting corners" na sinasabing saklaw ng tinaguriang blanket authority sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, makatwiran ba? Pharmally Pharmaceuticals na nag-supply umano ng mga substandard at pa-expire nang mga produkto — ito ba ang sinasabi nilang legally, technically, at financially capable na supplier? Think about it.

Paano ang ending nito? | Aired September 23, 2021 23.09.2021

Mukhang hindi pa matatapos ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa ginawang pagbili ng DBM-PS ng mga medical supplies para sa DOH. Nailalantad ang ilang iregularidad. Pero ang tanong ng marami, ano ba ang ending nito? Think about it.

Huwag makalimot | Aired September 21, 2021 21.09.2021

Mga sangkap ng isang "tyrant" o mapaniil na lider, ating alamin. Martial law, golden age nga ba o pinakamadilim na kasaysayan ng Pilipinas? "Never again!" and "Never forget!" Hahayaan pa ba natin na mangyaring muli ang mapait na karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar sa pamumuno ng isang diktador? Think about it.

Betrayal of Public Trust? | Aired September 14, 2021 14.09.2021

Karapatan ng taumbayan na malaman ang nilalaman ng SALN ng mga opisyal at kawani ng gobyerno. Bakit nga ba ito ipinagkakait ng Ombudsman na siyang tinaguriang protector of the people o tanodbayan? Bakit kailangang itago, dahil ba mayroong itinatago? Pinoprotektahan nga ba ng Ombudsman ang interes ng taumbayan o interes lang ng mga nakatataas at makapangyarihan? Think about it.

#TUMBLINGpaMORE | Aired September 9, 2021 09.09.2021

Not once, not twice, not thrice... but many, many times na pag-urong sulong, laban o bawi ng IATF sa kanilang inilalabas na regulasyon para sa umano'y kaligtasan ng mamamayan laban sa Covid-19. Ilang beses pa bang mauulit ito? Ilang beses pa bang malilito at mahihilo ang mga tao sa pag-tumbling ng mga desisyon ng IATF? Think about it.

Paano kung walang COA? | Aired August 31, 2021 31.08.2021

Sakripisyo at paghihirap ng mga COA auditors upang malantad ang paggasta ng mga taong gobyerno sa perang pinaghirapan ng taong bayan. Umano'y overpricing sa pagbili ng DBM-Procurement service ng mga surgical mask, face shield, PPE at iba pang medical supplies... May managot kaya? Think about it.

"We are not beggars" | Aired August 26, 2021 26.08.2021

Pinuno ng DOH, kinailangan pang manduhan ng Presidente ng Pilipinas bago aksyunan ang karampatang benepisyo at special risk allowance na nakalaan at pinagpaguran ng mga healthcare workers. Hindi kaya't too late the hero na ito dahil punung-puno na ang mga healthcare workers sa sinasabing pagpapabaya sa kanila ng DOH, matuloy kaya ang mass resignation? Think about it.

"Red Flags" | Aired August 24, 2021 25.08.2021

Mga tinaguriang red flags sa iba't ibang departamento ng gobyerno ayon sa COA report, bakit hindi iniimbestigahan ng PACC at Ombudsman? Mga nagpabaya at umabuso sa paggasta sa pera ng bayan, may managot kaya? Think about it.

"Criminal Act" | Aired August 17, 2021 17.08.2021

Paulit-ulit na kapabayaan ng DOH at pagbalewala sa mga batas at panuntunan na nagreresulta sa pagkasayang ng mga biniling gamot na naka-imbak lang at nag-expire na sa kabila ng maraming Pilipino na nangangailangan na walang pambili ng gamot. 2020 COA audit report kaugnay sa deficiencies o pagkukulang ng DOH sa paggamit ng bilyong pisong halaga ng kanilang pondo, makalusot nanaman kaya sila o palul...

"Urgent: Central Database" | Aired August 12, 2021 12.08.2021

Obligasyon ng DOH at DICT sa paggawa ng central database ng mga nabakunahan at pagkakaroon ng iisang klase ng vaccine card, anyare? Pasakit sa mga OFW para makabalik sa kani-kanilang trabaho sa labas ng bansa sa gitna ng pandemya, kailan kaya matatapos? Think about it.

Mga salita... | Aired August 10, 2021 10.08.2021

Mainit na usapin sa pagitan ng UP OCTA-Research at DOH sa isyu ng nangyayaring pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila at iba pang lugar. Bakit nga ba ilag na ilag ang gobyerno na ituring na mayroon ng community transmission ang Delta variant sa Pilipinas? Think about it.

“Lockdown Season: Episode 4” | Aired August 5, 2021 05.08.2021

Pagdedeklara ng ECQ o lockdown, kaya ba nitong pigilan ang bagsik ng Delta variant o naipagpapaliban lang ang pagkalat ng naturang virus? Matutuloy kaya ang Merry Christmas sa Metro Manila? #ThinkAboutIt

Listen to the Think About It by Ted Failon podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.