Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

The Linya-Linya Show

Comedy TL ↓ 431 episodes

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: www.linyalinya.ph

Author

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

Category

Comedy

Podcast website

www.linyalinya.ph

Latest episode

Nov 13, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 10M+ downloads · 4.7+ rating iOS soon

Episodes

130: Have Inay’s Day! - On Having a Supermom w/ Aika Robredo 09.05.2021

Mother's Day, pero bakit dalawang anak ang nag-uusap? Well, kanino pa nga ba natin maririnig ang pinaka-heartwarming na mga kwento tungkol sa mga nanay, kundi sa ating mga anak mismo? On this Mother's Day special, kasama natin si Aika Robredo-- anak ni Vice President Leni Robredo-- kaibigan, at dating kasamahan sa public service, may master's degree in public administration sa Harvard Kennedy Scho...

129: Si Patreng, ang Community Pantry, at ang diwa ng pagdadamayan w/ Ana Patricia Non 05.05.2021

"Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan." Sa gitna ng pandemya, lumitaw at nangibabaw ang linyang ito sa isang karatulang karton, kasama ang isang kawayang karitong pinipilahan ng maraming tao. Mapalad tayong makasama sa podcast si Patreng Non, ang nagtayo at nagtaguyod ng community pantry sa Maginhawa St., Quezon City, na ngayon ay kumalat at naging laganap na sa buong bansa....

Listen up yo, The Linya-Linya Show! 02.05.2021

Ano nga ba ang The Linya-Linya Show podcast? Listen up, yo. BOOM!

128: Stories from Home w/ Chai Fonacier - Buhay Bisaya and the beauty of regional languages and arts 29.04.2021

" Bisaya ka man, 'day? " " Bisaya at PROUD! " Nakakwentuhan natin ang actress, artist, singer at super proud Cebuana na si Chai Fonacier! Nagbahagi siya ng ilang #StoriesFromHome — pag-overcome sa ideyang "baduy" ang pagiging Bisaya, breaking barriers as a creative, ang journey niya bilang one of the stars ng Irish-Filipino film na Nocebo, ang ating "cultural IDs", at ang angking halaga at hiwaga...

127: Isang Umaga w/ Johnoy Danao: Musika at pag-asa sa panahon ng pandemya 23.04.2021

Kantahan at kwentuhan kasama ang nag-iisang Johnoy Danao tungkol sa musika, sa mga bigat na hinaharap natin ngayon, sa mani (?), at sa mga dahilan kung bakit tayo patuloy na kumakapit sa pag-asang dala ng Isang Umaga. 'Wag palampasin ang humahalina niyang harana (na kailangan na kailangan natin ngayon) sa umpisa at dulo (kasama ang bago nyang kanta!), at sana, mapa-BOOM! rin kayo sa effisode namin...

126: TULA SOMEBODY - Fr. Albert Alejo x Pochoy Labog 16.04.2021

Ngayong buwan, kung kailan ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan (ika-9 ng Abril), inihahandog natin ang ikaapat na yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino. Tampok ang mga tulang "Sanayang Lang ang Pagpatay,"Nagpapagabi Lamang Ako," at "Salot" ni Fr. Albert Alejo, SJ, o mas o mas kilala bilang Paring Bert. Isa siyang Heswitang pantas at manunulat, nagturo sa Ateneo de Davao Universi...

125: Sandali Lang - Magbalik-loob Ka 11.04.2021

Nasanay ka ba sa labas? Walang kamalay-malay na sumasabay na lang sa agos ng buhay? Kailan ka huling huminto at totoong sumandal sa sandali? Sinanay tayo ng mundo sa labas, pero ngayon, tila tinuturuan tayong magbalik-loob. Magbalik-loob. #TheLinyaLinyaShow #SandaliLang  FB Group: The Linya-Linya Show  http://instagram.com/@thelinyalinyashow  http://twitter.com/@linyalinya

124: Daddy Diaries - The Power of Dreams w/ Engr. Rene Sangalang 04.04.2021

Nung bata kami, around grade school to high school, pinasulat kaming magkakapatid ng tatay ko sa papel ng dreams namin-- 5 years, 10 years, and 20 years from now. Ano na'ng nangyari pagkatapos ng ilang taon? Bakit nya nga ba pinagawa sa'min 'yun? Ano nga ba ang "power of dreams"? Paano naman apektado ang dreams natin ngayong nasa gitna ng isang pandemic? Another meaningful #DadPod with my father,...

123: I KNOW, WRITE? Kwentuhang Creative Writing and Podcasting w/ Carljoe Javier 26.03.2021

To the millions and millions of lizzners around the world: We have a special guest-- a writer, author, creative writing teacher, the former COO, and now, the CEO of PumaPodcast-- Mr. Carljoe Javier! Ano nga ba'ng pagkakapareho at pagkakaiba ng old school na pagsusulat noon, sa panahong may mas makabago nang teknolohiya ngayon? Ano naman ang tulong ng creative writing at storytelling sa pagproduce...

122 w/ Charles Tuvilla: Sa totoo lang, paano nga ba maging isang mabuting magulang? 19.03.2021

Sa totoo lang, paano nga ba maging mabuting magulang? Tama bang maging disciplinarian, o dapat bang maging mas maluwag at mas bigyan ng kalayaan ang mga bata? Susundin ba natin ang sariling karanasan nung bata habang pinalalaki ng sariling magulang kapag tayo na ang may anak? May nag-iiba ba sa parenting (o sa karanasan din ng mga anak sa kanilang magulang) ngayong nasa gitna tayo ng pandemic? Isa...

121: Kung ano-anong kabulastugan sa buhay at ang halaga ng kalokohan at katatawanan w/ KABULASTUGAN 12.03.2021

"Ang dami mo talagang kabulastugan sa buhay!" Malamang, narinig mo na 'yan noong bata, na malamang din, galing sa mga magulang o mas nakakatanda. Sa episode na 'to, nakasama natin ang pasimuno ng hit na humor social media page na KABULASTUGAN (follow @KABULASTUGAN on IG!). Kwentuhang online community, at seryosong talakayan sa tungkol sa pinoy humor, at sa epekto at halaga nito sa tao at lipunan....

120: TULA SOMEBODY - Lualhati Bautista x Etta Rosales 06.03.2021

Ngayong Women's Month, dalawang magiting, matapang, at huwarang Pilipina ang tampok natin sa ikatlong yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino. Tampok ang mga tulang "Pag-ibig at Paninindigan," "Babae," at "Kasal" ni Lualhati Bautista-- isang premyadong manunulat na mas nakilala sa kanyang mga nobelang "Dekada '70," "Bata, bata... Pa'no Ka Ginawa?," at "Gapo."-- mula sa kanyang unang...

119: "Manila, mag-ingay!" The weekend we soaked on so much Pinoy hiphop at The Fliptop Festival 28.02.2021

Kwento ng dalawang 'di-malilimutang araw sa #TheFlipTopFestival last February 2020. Unang online article/essay na nasulat ko at una ring story in Filipino ng ANCx. Ihanda na ang makapal na t-shirt, lawlaw na pantalon, sneakers, hoodie at cap-- samahan niyo akong balikan ang makasaysayang event na ito ng Filipino hiphop. #TheLinyaLinyaShow  #PoweredByGlobeStudios  thelinyalinyashow@gmail.com  http:...

118: Sa totoo lang, do “soulmates” exist? 25.02.2021

Totoo ba ang "soulmate"? May isang tao ba sa madilim na kweba sa isang sulok sa kabilang bahagi ng globo na kukumpleto sa'yo? At kung totoo man, nasaan na yung para sa'kin? Char. Hindi, what is a “soulmate” in a romantic context, really? Soul-searching at kwentuhang kaluluwa with Doc Gia Sison and Ali Sangalang-- sa pagbabasa ng liham mula kay Soul N. Heussaff-- sa isa na namang effisode ng specia...

117: LEARNING HOW TO LEARN - How to become a more effective learner w/ Lyqa Maravilla 18.02.2021

Sa dami ng available and accessible information na pwedeng malaman at matutuhan, lalo na online, saan at paano nga ba dapat magsimula? Siguro, bago matuto nang kung ano-ano, dapat munang matuto kung paano nga ba dapat matuto. We have on the show a very special guest-- a psychometrician, online educator, Youtube EduCreator (Team Lyqa), motivational speaker, teacher, author, and host-- Coach Lyqa Ma...

116: Livin' The Filipino Life - Rap Song Reaction & Review w/ Victor Anastacio 08.02.2021

The much-awaited podcast reaction and review of the tough-charting rap song "Livin' The Filipino Life" by Victor Anastacio & Comic Ali by self-acclaimed rappers themselves, Victor Anastacio and Ali Sangalang. Almost 2 hours of truthful, no-nonsense, critical commentary and technical review of this future-Granny awardee worldwide phenomenal hit.    "Thug life, o hug life, wala kaming...

115: Daddy Diaries - On inner peace, focus, and problem-solving w/ Engr. Rene Sangalang 04.02.2021

Finally, it's me and my Daddy! Simple at biglaan, pero napakamakabuluhang effisode kasama ang OG Sangalang-- Martial Artist, Motorcycle Enthusiast, Golfer-- ang haligi ng aming tahanan, at ang pinakamamahal kong ama, si Engr. Rene Sangalang! BOOM! Grabe. Life talk over kape, saba, at kamote. Nagbahagi siya ng mga payo tungkol sa inner peace, focus, and finding solutions to our problems. And of cou...

114: PERA PRESSURE - How to manage money wisely with Salve Duplito 29.01.2021

Gusto niyo bang yumaman?! OMG. Ako rin, e! Pera biro! Kaya naman, inimbitahan natin sa show ang Financial Beshie ng Bayan na si Salve Duplito. BOOM! Kwentuhang interest at investments-- interested kaya sa'kin si crush? Invested na kasi ako, e. Wiw! Biro lang. Bago isipin ang pagpapayaman, hinimay muna namin ang basics pagdating sa finances— kung paanong maging matalino sa paggastos at pag-ipon, ta...

113: Sa totoo lang, paano nga ba lalaban sa panahong sukong-suko ka na? 21.01.2021

Paano nga ba tayo patuloy na lalaban ngayong taon kung sukong-suko na tayo? Ali and Doc Gia talk about the importance of keeping on trying and continuing to fight onwards, but also how we will literally not be able to do this without slowing down, taking a break, and confiding in people we trust. Para sa mga fellow-mandirigma ng makabagong panahon-- mga naka-WFH, office workers, frontliners, entre...

112: Sandali Lang - Magpaka-ngayon Ka 06.01.2021

Naghahabol ka ba lagi? Nasa gitna ng napakaraming nangyayari? Kailan ka huling sumandal sa sandali? Kahit saglit. Bakit di mo gawin ngayon? Ito na ang hinihintay mong pagkakataon. Huminto. Huminga nang malalim. Tumingin sa malayo. Makinig. Makiramdam. Kahit sandali lang. #TheLinyaLinyaShow FB Group: The Linya-Linya Show http://instagram.com/@thelinyalinyashow http://twitter.com/@linyalinya

111: Aray vs. Tagumpay - The 2020 Social Dishwashing Year-ender 29.12.2020

Let's wash the year away while we wash our dishes-- BOOM! Muling nagbabalik ang #SocialDishwashing para sa kahuli-hulihang effisode natin sa nakakalokang taong 'to. Bukod sa usual sharing of our latest DISHcoveries, pagmunihan natin ang iba't ibang pangyayari sa 2020 — both good and bad, aray man o tagumpay. At mula rito, piliin sana nating umusad papasok sa bagong taon nang may baong pag-asa (at...

110: MACOY AVERILLA - On serving conscientious content and the Aunt we all deserve 23.12.2020

Isang matinding Pamasko —  an episode with the one and only Macoy Dubs! BOOM! What makes up compelling, entertaining, and relevant content? Ito ang pinag-usapan natin kasama ng henyong nagbigay buhay sa pinakamamahal nating si Aunt Julie. We talk about our "why" for delivering fun content that pushes for critical thinking while honoring our true selves and what we stand for-- lahat, habang naghuhu...

109: Sa totoo lang, what's the real deal with platonic relationships? 15.12.2020

Sa totoo lang, naisip mo na ba ang lalim at halaga ng linyang "sa totoo lang"?   Ito na ang pinakabagong segment ng The Linya-Linya Show featuring the tandem of Ali Sangalang and Doc Gia Sison! BOOM! Usapang totoo lang— tough questions, true stories, and real talk. Sa'ting unang #SaTotooLang episode, sinubukan naming talakayin ang age-old question: "Can men and women really be JUST friends?"...

Episode 108: Ali and the Chocolate Factory - On Creativity, Entrepreneurship, & Embracing Our Dynamic Selves w/ Hershey Neri 08.12.2020

Guys, share ko lang yung swerte ko kasi nakakuha ako ng Golden Ticket sa Hershey Neri Chocolate Factory! WOO! Tinour tayo ng writer, freelancer, host, advocate, at Chocnut-enthusiast na si Hershey Neri sa mundo niya— ang leaps of faith at challenges ng pagiging isang creative at entrepreneur, clever tips para maging happily productive, at ang advantage and value of being the Jack of All Trades. As...

Episode 107: Standup Comedy Shorts Vol. 1 - On Dating, Online Shopping, at iba pang Kasabawan 02.12.2020

Short standup comedy set habang naka-shorts.  Konting pampasaya lang sa nakakalokong panahon. Ito ang *attempt* nating sumubok mag-standup, ala-open mic. Bilang mahirap pang lumabas ngayon, at wala pang masyadong events, bakit hindi natin gawin dito sa podcast, in front of the millions and millions of lizzners of The Linya-Linya Show? Sa unang set na 'to, nagkwento ako tungkol sa dating, sa b...

Listen to the The Linya-Linya Show podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.