Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

The Linya-Linya Show

Comedy TL ↓ 431 episodes

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: www.linyalinya.ph

Author

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

Category

Comedy

Podcast website

www.linyalinya.ph

Latest episode

Nov 13, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 10M+ downloads · 4.7+ rating iOS soon

Episodes

155: Don't sweat the What If's w/ Victor Anastacio 05.11.2021

Nagbabalik ang tambalang Ali at Vic sa isang sweat-free and irresistibly fresh episode! Dito, nag-share kami ng kanya-kanyang “What If’s”— mga bagay na naudlot sa pandemya tulad ng trabaho, landi, relationships, at mga lakad; at kung paano namin patuloy na pinaghahandaan ang mga ito sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon. Nag-deep dive kami sa halaga ng self-care at hygiene-- ng “what is” kaysa “what...

154: Sa totoo lang, can a long distance relationship work in a pandemic? 30.10.2021

Sa totoo lang, does distance make the heart grow fonder, or grow farther apart? Gaano kahalaga ba ang distansya-- physically and emotionally-- sa progress ng isang relationship? Ano-ano ang common perceptions sa isang LDR na kailangan nating irevisit at pag-aralan? Ano-ano ang implications nito ngayong nasa pandemic tayo? Posible bang gumana ang ganitong set-up sa panahon ngayon, o kailangan muna...

153: Being EXTRA in a world full of "pwede na" w/ Lyqa Maravilla 27.10.2021

Paano nga ba maging "extra" sa mundong tila nasanay nang maging "pwede na"-- sa sarili, sa kapwa, at sa bansa? Ano ba'ng ibig-sabihin ng pagiging "extra" at "pwede na" sa kultura natin, at sa konteksto ng pandemya? Paano kaya nagkaganito, ano'ng implication nito, at ano'ng magagawa natin? Samahan si Ali, isang aminadong "average guy" at si Coach Lyqa, na laging sinusubok maging "extra"-- sa isang...

152: TULA SOMEBODY - Jerry Gracio x Mela Habijan 22.10.2021

Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Kaya naman, inihahandog natin ang ikalimang yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino bilang joint celebration ng nagdaang Pride Month at Buwan ng Wika. Sabihin na nating isa itong pagdiriwang ng pag-ibig at ng panitikan. Tampok ang mga tulang karamihan ay mula sa kanyang librong "Hindi Bagay," ang makata natin sa episode na ito ay si Jerry...

151: Sa totoo lang, when should age matter in love? 15.10.2021

Sa isa na namang fresh na fresh na Sa Totoo Lang episode, pinag-usapan namin ni Doc Gia Sison ang isa sa mga pinaka-common (pero bihira pa ring pag-usapan) na stereotype pagdating sa romantic relationships-- edad. Should it matter? Kung sakali, kailan ba ito dapat nagkakaroon ng halaga at bigat? Paano nga ba natin mas maipapaabot ang pagtanggap at pagyakap sa differences, tulad ng age gap, when it...

150: LUALHATI BAUTISTA - Kamalayang panlipunan mula Dekada '70 hanggang panahon ng pandemya 08.10.2021

Sa ika-150 episode ng The Linya-Linya Show, ang makakasama natin: Isang premyadong nobelista, isang makata, isang icon sa Panitikang Pilipino, na isa ring mapagmahal na ina at lola, at kaibigan, si Ma’am Lualhati Bautista. BOOM! Mula sa kanyang mga alagang pusa, sa dahilan ng kanyang pagsusulat, sa mga isyung panlipunan, sa mga pagkakapareho’t pagkakaiba ng karanasan noong Martial Law hanggang nga...

149: VP LENI ROBREDO - Sa likod ng paglilingkod at sa pagkapit sa pag-asa 28.09.2021

Sa episode na 'to, nakasama natin sa isang magaan at nakakagaan-ng-loob na kwentuhan ang isang bigating guest– ina, abogado, at ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, si VP Leni Robredo. BOOM! Naging masaya at malaman ang usapan namin-- mula sa prusisyong "rock on" hanggang sa sayawang barangay; sa kwentong bahay hanggang sa buhay nanay; sa kanyang tungkulin bilang ikalawang pinakamataas na opisyal...

148: STRESS DRILON!: How to manage stress and find true happiness w/ Ces Drilon 19.09.2021

Tambak na trabaho? Nawasak na puso? Petsa de peligro? Balitang ansakit sa ulo? Hay, nakaka-STRESS DRILON talaga minsan ang buhay! Buti na lang, kasama natin sa show ang veteran journalist, seasoned host, online personality, at overall iconic superwoman-- the one, the only, Ms. Ces Drilon! Paano nga ba natin haharapin ang mundong parang araw-araw tayong sinusubok ng sangkatutak na stress? Mula Alam...

147: Usapang Sabaw, Bayaw, at Bayan w/ Jun Sabayton 13.09.2021

Sa episode na 'to, nakasama natin ang bukod-tanging artist, comedian, actor, director, at ang ultimate Bayaw ng Bayan– si Jun Sabayton! BOOM!   Masaya at swabe ang naging sabaw Friday night kwentuhan naming pasanga-sanga sa kung ano-anong interesanteng topics mula sa art at aktibismo, pulitika at plastic balloon, hanggang sa pagiging bayaw at pagmamahal sa bayan. Saan pa nga ba 'to patungo ku...

146: Hanash and Bash Daily - Kwentuhang Lockdown Comedy w/ James Caraan 03.09.2021

Bigyang-daan natin ang ating kool na kool na guest for today: Professional stand-up comedian, isa sa staple headliners ng Comedy Manila, at 1/5 ng The KoolPals – James Caraan! All-out tawanang puno ng insights ang episode na ‘to tungkol sa kwentuhang pets, mga larong bata, handling bashers with a touch of humor, doing stand-up-from-home, at ang pursigido at masayang pagpapatuloy sa komedya, regard...

145: Sa totoo lang, mahalaga nga ba ang "Love Language"? 27.08.2021

Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, napapanahon ang diskusyon namin ni Doc G tungkol sa pinakamatinding wika sa lahat– ang Wika ng Pag-ibig. BOOM! Sa fresh na fresh na episode na ‘to, tinalakay namin kung ano-ano ang mga Love Language at kung bakit ito mahalaga sa isang relationship. Isa-isa naming sinagot ang mabibigat na tanong: Paano nga ba natin magagamit ang love languages upang harapin at lampasa...

144: Two of a Kind w/ Smile Indias: Paano nga ba maging mabait sa mundong mapait? 19.08.2021

It's kind of a special episode dahil nakasama natin ang former Creative Director of the Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, Information Design Program Coordinator ng Ateneo de Manila University, ang tinaguriang #MarzyNgBayan, at isa sa mga pinakamalapit, pinakamalupit, at pinakamabait kong kaibigan — si Smile Indias. BOOM! Sa episode na ‘to, inexplore naming mga...

143: Sandali Lang - Ano'ng meron? 12.08.2021

Ano'ng meron? Madalas tayong tinatatanong nito--- pero sa panahon ngayon, bakit parang mas dumadalas ang wala kaysa meron? Ang nawawala, kaysa nahahanap. Ang umaalis kaysa dumarating. Sa ating paghinto at paghinga, sandali nating isipin ang mga bagay na nawala-- mga panahon at pagkakataong lumipas, mga tao na lumisan-- at alamin kung meron itong sinasabi sa atin. #TheLinyaLinyaShow #SandaliLang #P...

142: #Tumindig w/ Tarantadong Kalbo: Kwentong Komiks at ang Kapangyarihan ng Sining 05.08.2021

Nakakatindig-balahibo ang episode na 'to dahil nakasama natin ang visual artist, animator, at ang creator ng comics na Tarantadong Kalbo— si Kevin Eric Raymundo. BOOM! Masaya, malaman, at malalim ang naging kwentuhan namin ni Kevin, na kulang na lang yata ay maglabas kami ng kanya-kanyang case ng alak. Inuna namin ang pinakamatinding tanong: Kalbo ba talaga siya? Bakit ito ang napili niyang pamaga...

141: ANO’NG BALITA? - On Journalism, Broadcasting and the Importance of Press Freedom w/ Tina Marasigan 29.07.2021

BREAKING: Sa ulo ng nagbabagang balita — ang model, beauty queen, TV host, broadcast journalist, former UST Growling Tigers courtside reporter, forever Kapamilya, at ang pinakabago nating KapaLinya, si Tina Marasigan, kasama natin sa The Linya-Linya Show— BOOM!  Naging masaya at makabuluhan ang usapan namin tungkol sa buhay ng isang journalist dahil sa pagbahagi ni Tina ng mga kwento niya, ha...

140: BUSYKLETA - Buhay Bisikleta w/ Padyak-of-All-Trades Joselito delos Reyes 21.07.2021

Ops, teka. Busya ka ba? Hinay-hinay lang. Preno ka muna at makitambay sa ultimate bisikleta episode ng The Linya-Linya Show! Sa ride na 'to, nakasama ni Ali ang assistant professor, award-winning writer, lubak-conquering rider, at ang ating tinaguriang “Ultimate Social Media Bike Influencer” na si Sir Joey delos Reyes — BOOM! Pinagkwentuhan namin kung kailan at bakit siya nahilig sa pagba-bike at...

139: STRICTLY SPEAKING - Buhay Presidential Spokesperson w/ Atty. Abi Valte 15.07.2021

On this episode, we spoke with the former Spokesperson of President Benigno S. Aquino III, Atty. Abigail Valte. Masaya ang naging kwentuhan at naging malalim ang usapan kasama ang isa sa mga dati kong boss: Ano nga ba ang trabaho ng isang Presidential Spokesperson? Ano-ano ang qualification para sa napakahalagang role na ‘to? Gaano kaseryoso at ka-stressful ang trabaho? Ano ang ibig-sabihin ng “OC...

138: Ang Pinakamalamig Na Podcast Episode sa Buong Daigdig w/ Victor Anastacio 05.07.2021

Ramdam nyo ba yung biglang-lamig ng panahon? Pasensya na. Nandito na kasi Ang Pinakamalamig na Rap Song sa Buong Daigdig nina Victor Anastacio, Comic Ali, at wait for it... Johnoy Danao lang naman. Sa pagbabalik ni Vic sa The Linya-Linya Show episode na 'to, nireview nila ni Ali kung bakit napakahalaga ng kantang ito sa hiphop history, at kung bakit nangatog, maging ang mga OG rappers na sina Ice...

137: Ang Speechwriters Group ni PNoy - Mga Talumpati't Dalamhati 29.06.2021

Walang mapaglagyan ang lungkot ko nang pumanaw kamakailan si dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Marami akong gustong sabihin tungkol sa Boss ko, kay PNoy, at sa naging karanasan bilang batang writer na nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho't makapag-ambag sa ilalim ng kanyang liderato. Kahit pa'no, gumaan-gaan ang pakiramdam ko nang makasama para makapagbalik-tanaw, makidalamhati (makatawa...

136: DADDY DUTIES - Usapang Fatherhood w/ Jim Bacarro 20.06.2021

Father's Day special with the papa of the cutest baby boys Pancho and Vito, the Managing Director of Linya-Linya, my business partner and bestfriend-- superdad Jim Bacarro! Happy Father's Day to the millionz and millionz of tatays around the world! Listen up, yo. BOOM! #TheLinyaLinyaShow   #PoweredByGlobeStudios   thelinyalinyashow@gmail.com    http://twitter.com/@linyalinya&nb...

135: Photography and The Power of Moments w/ Manny Tanglao and Kyle Quismundo 16.06.2021

Manny & Kyle. Analog & Digital. Photography & Pagmamahal. Ang daming mga pares sa non-scam episode na 'to, pero ba't single pa rin kaming lahat? Anyway, nakasama natin ang dalawa sa pinaka-close kong kaibigan, 28.5% of the band Cheats, founders of Silver Salt Labs, the Magpakyleanman Show duo, and photography enthusiasts Manny Tanglao & Kyle Quismundo-- BOOM! Pinagkwentuhan namin a...

134: Daddy Diaries - Zen and the Art of Motorcycle Riding w/ Engr. Rene Sangalang 12.06.2021

Narito na sa wakas ang third installment ng ating Daddy Diaries segment kasama ang tatay ko, walang iba kundi ang 70-year old motorcycle enthusiast na si Engr. Rene Sangalang -- BROOOOOM! Sa sobrang tulin ng takbo namin, naunahan na namin lahat magpost ng Father's Day episode. Haha! Samahan niyo kami sa swabe at walang paligoy-ligoy na usapan tungkol sa pagmomotor at sa biyahe ng buhay. Hawak ang...

133: Bahagi Ka Ng Bahaghari w/ Mela Habijan and Thysz Estrada - Celebrating Pride and the LGBTQIA+ Community 05.06.2021

"Magkakaiba tayong pare-pareho ang gusto: Pagmamahal." Ngayong Pride month, ipinagmamalaki ng The Linya-Linya Show na makasama ang dalawa sa pinakamakulay at pinakamaliwanag na bahagi ng bahaghari na sina Mela Habijan at Thysz Estrada. Ano nga ba ang Pride, at bakit natin ito ipinagdiriwang? Ano nga ba ang LGBTQIA+ community at ang kanilang matagal nang ipinaglalaban? Magkakahalong sigla at kirot,...

132: Sa totoo lang, kumusta ka? 28.05.2021

Pagkalipas ng matagal-tagal ding panahon, nagbabalik ang #SaTotooLang duo para sa tough questions, true stories, at real talk. Ang tough question: "Kumusta ka?" Kakaiba at first-time in #STL history ang nangyari: All-out buhos-puso spontaneous catchup with Doc Gia Sison tungkol sa kanya-kanyang naipong kwento— unexpected na mga pangyayari, nagpatong-patong na mga pasanin, at kung pa'no namin kinak...

131: Daring to Find Yourself - Buhay probinsya at buhay Maynila w/ Thea Rizaldo 18.05.2021

Had a Bohol-eautiful conversation with ex-PBB Otso housemate, fellow podcaster, proud Bisaya, and the Daring Dalaga, Thea Rizaldo. Pinagmunihan namin ang buhay probinsya at city life sa Pilipinas-- malapit sa nature vs. concrete jungle, tunog ng dagat vs. ingay ng kalsada, fiesta vs. night life-- na tunay ngang magkakaiba pero parehong may taglay na ganda.    We dare you to listen to thi...

Listen to the The Linya-Linya Show podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.