Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network
The Linya-Linya Show
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com
Author
Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 11, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
413: Bara-Bara - I-angat. Iboses. Ilaban. w/ ILAYA 11.07.2026 2:25:35
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Ilaya— emcee, songwriter, at isa sa mga pinakamatagal nang boses ng conscious hip hop sa Pilipinas. Napag-usapan namin ang kanyang paglalakbay mula Taguig hanggang Rizal, ang pagpasok niya sa mundo ng hip hop, at ang mga impluwensyang humubog sa kanya bilang artist. Nagkuwentuhan din kami tungkol sa grupo niyang Uprising, at kung paano niya ginagam...
412: Manatiling Malikhain w/ Quiccs Maiquez 06.07.2026 1:45:14
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging malikhain? Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show , kasama natin ang world-renowned artist, designer, at creator ng TEQ63 na si Quiccs Maiquez. Mula sa graffiti at street culture hanggang sa designer toys na kinokolekta sa iba’t ibang panig ng mundo, kuwentuhan tayo tungkol sa pagbuo ng isang creative career na sabay na may artistic vision at business...
411: Pride & Punchlines w/ Inah Evans 19.06.2026 1:12:31
Ang pagbabalik ni Inah Evans sa The Linya-Linya Show! Marami nang nangyari mula noong huli natin siyang makasama— mula hosting, TV shows, podcast guestings, theater, improv, at stand-up comedy. Busy at blessed, ika nga. Sa dami ng hats na sinuot niya sa mga nakaraang taon, napagkuwentuhan namin kung paano niya bina-balanse ang iba’t ibang passions, projects, at opportunities na dumarating. Napag-u...
410: Truth, Trolls, and the Information War w/ Regine Cabato 12.06.2026 2:15:20
Ang nakasama natin sa show, si Regine Cabato— investigative journalist, researcher, former Washington Post reporter, Chevening Scholar, at isa sa mga Pilipinong matagal nang sumusubaybay at nagsusuri sa mga usapin ng disinformation, troll networks, technology, at democracy. Napag-usapan namin ang kanyang simulain bilang poet at journalist—at kung paano nagtagpo ang mga mundong ito sa kanyang traba...
409: The Spirit of Drinking w/ John Go 05.06.2026 1:41:05
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si John Go— long-time bar fly turned alcohol importer, distributor, educator, cocktail enthusiast, at certified spirits geek. Bilang mga taong mahilig uminom pero marami pang gustong matutuhan tungkol sa mundo ng alak, napunta ang usapan namin sa mas malalim na bahagi ng drinking culture— hindi lang bilang bisyo o libangan, kundi bilang kas...
408: Bara-Bara - Mula't Sapul w/ Marshall Bonifacio 29.05.2026 2:11:45
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Marshall Bonifacio— isa sa mga pinakarespetadong emcees ng liga, kilala sa teknikal niyang sulat, strategic angles, at mga labang madalas mapasama sa usaping classic o battle of the night. Napag-usapan namin ang kanyang buhay at paglalakbay— mula sa paglaki sa Mindanao, pagtatrabaho sa Cebu, hanggang sa paninirahan ngayon sa Luzon— at kung paano hi...
407: It's SEOUL good! w/ Reich Carlos 22.05.2026 1:29:21
Touchdown, Seoul! Nag-ikot kami ni Reich sa Seoul para mag-food trip, maghanap ng cocktail bars (nakapunta kami sa #1 bar in South Korea!), record stores, hobby shops, parks, museums, at mas makilala ang kultura ng Korea. At oo, isa sa pinakamasarap na ramen na natikman namin… sa South Korea pa talaga! Hindi man kami super fans ng K-pop, K-drama, o K-culture, K na K naman ang biyahe namin — mula s...
406: Kapag nanalo ako sa lotto.. - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio 15.05.2026 1:02:02
Sa episode na 'to ng Livin’ The Filipino Life, nagkuwentuhan sina Ali at Victor tungkol sa isang tanong na minsan, napapaisip tayong lahat: “Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa lotto?” Mula sa mga pangarap, “responsableng” plano, pati na ang mga luho, napunta rin ang usapan sa mas malalim na realities ng adulthood, trabaho, pressure, at kung bakit minsan, parang gusto na lang talaga na...
405: Online Reality Games w/ Pinoy Survivor League 08.05.2026 59:57
Sa episode na 'to ng The Linya-Linya Show, nakasama natin sina Jaymar Castro at Amber Garma ng Pinoy Survivor League hosting team, kasama si Vin Page, dating winner ng PSL, para ipakilala sa atin ang mundo ng Online Reality Games—isang komunidad at subculture na marami pala tayong hindi alam! Aminado ako: Pumasok ako sa usapang 'to nang halos walang alam tungkol sa PSL at ORGs. Pero habang...
404: Turo-Turo: Sa Lahat ng may Dinadalang Bigat 04.05.2026 46:27
Muling nagbabalik ang aking award-winning friends from the education sector, mga hinahangaang leaders ng ating panahon— sina Teach Jaton Zulueta at Teach Sabs Ongkiko. Ituring niyo ang Turo-Turo episode na ito na isang buntong-hininga sa patong-patong na pagsubok na nangyayari sa paligid at krisis sa buong mundo. Ituring niyo rin itong hinga at pahinga. Katulad ninyo, nararamdaman din namin ang bi...
403: Daddy Diaries - Life at 75 w/ Engr. Rene Sangalang 24.04.2026 34:05
Panibagong episode ng Daddy Diaries, kasama ang idol ko, si Daddy Rene Sangalang. Noong nakaraang October 2025, naabot nya ang isang milestone: 75 years old na sya! Sa loob ng pito’t kalahating dekada, nakakalap sya ng karanasan at kaalaman. Isang umaga, niyaya ko syang magrecord ng podcast— at habang nagkakape, ibinahagi nya ang learnings nya in life. Masayang kausap si Daddy, at ang dami kong na...
402: Bakit hobbies kitang mahal? - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio 17.04.2026 55:38
Sa bagong episode ng Livin’ The Filipino Life , kasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang halaga ng hobbies sa gitna ng magulong mundo. Nagkuwentuhan kami tungkol sa simpleng saya na dulot ng pagkakaroon ng pinagkakaabalahan—mula sa kung bakit mahalaga ang hobbies, hanggang sa pagiging busy sa home improvement, at kung paano ito nakakatulong sa mental health at overall na stability. Sa...
401: Mabuti Pa, Pag-usapan Natin ang Good Governance w/ Rappler 10.04.2026 1:48:19
Sa episode na ito, tampok ang live event ng Linya-Linya at Rappler noong Jan. 24, 2026, na ginanap sa Linya-Linya HQ. Pinamagatang “Mabuti Pa: Pag-usapan Natin ang Good Governance" ang roundtable discussion na ito, kung saan pinag-usapan kung paano nagagamit ng content creators at comedians ang humor, storytelling, at social media para maiparating ang mga usaping panlipunan, at kung paano nila nat...
400: Bara-Bara - The UMPH-Told Story w/ Kuya Kevs 03.04.2026 2:22:17
Panibagong Bara-Bara episode, hatid ng Linya-Linya at ng FlipTop Battle League. Nakasama natin si Kuya Kevs — aka DJ UMPH — ang matagal nang nasa likod ng lente ng FlipTop Battle League, ang most-viewed rap battle league sa buong mundo. Sanay tayong makita siyang tangan ang kamera, tahimik na kinukuhanan ang kasaysayan ng battle rap. Pero sa likod nito, may buhay at kwento si Kuya Kevs na hindi al...
399: Trentito, Trentita, Trentahin - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio 27.03.2026 56:25
Sa episode na ito ng Livin’ The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na ’to. Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—h...
398: Women, stand up!: Kwentuhang comedy at kababaihan w/ Lady Boses 23.03.2026 1:18:48
On this special Women’s Month episode, nakasama natin ang proud members ng Lady Boses podcast — sina Jeannie Laccay, Diana Aaron-Ong, at Khaye Asco — isang all-female collective ng stand-up comedians na patuloy na nagbibigay ng #Pekpektives sa buhay, trabaho, at comedy scene. Napag-usapan namin ang origin story ng Lady Boses, ang kani-kanilang personal journeys sa stand-up comedy, at kung paano ni...
397: Firm, Fierce, & Fearless: Maldita Pero Mabait Para sa Bayan w/ Karmina Constantino 13.03.2026 1:35:33
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang isa sa pinakarespetado at pinakamatapang na boses sa Philippine broadcast journalism— si Ms. Karmina Constantino. Kilala siya sa kanyang firm, fierce, at fearless na estilo ng pagtatanong. Sa harap man ng senador, spokesperson, o sinumang makapangyarihan, hindi siya tumitiklop. Diretsahan kung diretsahan—basta mahalaga ang tanong, at pa...
396: Bara-Bara - Inside the Mind of the Milky Man w/ JONAS 06.03.2026 1:58:47
Isa na siguro sa pinakaseryosong episode na narecord natin sa kasaysayan ng Bara-Bara series. Purong bars at lyrizizim lang. Mga ka-Linya, mga ka-Bara– battle emcee, music artist, content creator, at isa sa mga pinaka-respetadong hurado sa balat ng battle rap– also known as the Milkyman, laging handang manggatas– mula Bulihan, Cavite pa para sa inyo, mag-ingay para kay JONAS! Binalikan natin ang k...
395: Walang Cut, Walang Retake: Local Arts & Theater w/ Jasmine Curtis-Smith 27.02.2026 1:10:21
We are lucky to have with us at The Linya-Linya Show, Jasmine Curtis-Smith—award-winning actress, theater performer, and advocate for meaningful storytelling. Kilala siya, hindi lang sa kanyang panlabas na ganda, kundi mas lalo sa kanyang husay, talino, at puso sa craft—sa bawat role na kanyang ginagampanan, na may lalim at may paninindigan. Pinag-usapan namin ang pagmamahal niya sa Philippine art...
394: Pakiusap lang, mag-usap-usap tayo! w/ Prof. Joselito delos Reyes & Jerry Gracio 20.02.2026 2:03:12
Sa pinakabagong episode ng The Linya-Linya Show , nakasama natin ang dalawang award-winning writers at guro— Prof. Joselito Delos Reyes at Jerry Gracio —para sa isang masayang pero makabuluhang kwentuhan. Pinag-usapan namin ang mga recent na balita sa pulitika, ang mga aral na dapat sana’y natutuhan sa mga huling kampanya, at ang halaga ng pag-uusap-usap ng iba’t ibang mga grupo at kampo, upang ma...
393: Pagbabasa, Pagsusulat, Pagsasalin w/ Edgar Calabia Samar 16.02.2026 2:06:36
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama muli natin ang award-winning writer, at dati kong guro, na si Edgar Calabia Samar—isa sa mga pinakamahusay na manunulat ng ating henerasyon. Nagkwentuhan kami tungkol sa pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalin— hindi lang bilang mga gawain, kundi bilang mga paraan ng pananatiling buo sa gitna ng magulong realidad. Pinag-usapan namin kung bakit hindi...
392: Bara-Bara - Bars Mula Baras w/ RUFFIAN 06.02.2026 2:18:49
Yo, check! Panibagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collaboration ng Linya-Linya at FlipTop Battle League. Sa episode na 'to, nakasama natin ang isa sa pinaka-solid na battle emcees ng bagong henerasyon — si Ruffian. Mula sa pagiging kampeon sa underground rap battle leagues, hanggang sa mabilis na pag-akyat sa FlipTop simula 2023, sunod-sunod na heavyweight na kalaban at classic battles n...
391: 2016 vs. 2026 - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio 30.01.2026 1:03:13
Kailan lang, nag-trending sa social media ang pagbabalik-tanaw sa mga post at litrato noong 2016. Maraming napa-throwback, napa-reminisce, at napa-“grabe, ang layo na pala.” Sa latest episode ng Livin’ The Filipino Life , ginawa rin ‘yan nina Ali at Vic — dalawang magtropang noon pa magkasama, parehong nagsisimula pa lang sa kani-kanilang mga karera, parehong hinahabol ang passion, at parehong wal...
390: BETA DAYS w/ GB Labrador 23.01.2026 2:10:41
Sa panibagong episode ng The Linya-Linya Show , kasama natin ang isa sa mga haligi ng Filipino stand-up comedy — standup comic, writer, podcaster, founder ng Comedy Manila , at miyembro ng back-to-back #1 comedy podcast sa bansa, The KoolPals — si GB Labrador! Bumalik kami sa kanyang pinagmulan: ang pagkabata sa 80s at 90s, panahon ng analog at Betamax. Ang kwento nya bilang batang Katipunan, na m...
389: Sa Likod ng Balita w/ Lian Buan 16.01.2026 2:13:22
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Lian Buan — investigative journalist ng Rappler, kilala sa kanyang matiyaga at matapang na pagbantay sa usapin ng hustisya, karapatang pantao, at pananagutan sa kapangyarihan. Nagkwentuhan kami hindi lang tungkol sa balita, kundi tungkol sa tao sa likod ng byline: saan siya nagmula, paano siya napunta sa journalism, at paano niya hinahar...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.