Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

The Linya-Linya Show

Comedy TL ↓ 414 episodes

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

Author

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

Category

Comedy

Podcast website

www.linyalinya.ph

Latest episode

Jul 11, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

388: Bara-Bara - Panalo sa Battle at sa Buhay w/ MHOT 09.01.2026

Panalo sa battle at sa buhay. Panibagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya. Kasama natin ang undefeated FlipTop battle emcee, 2017 Isabuhay Champion, at rap artist sa likod ng critically-acclaimed album na “Panalo Kasa” — mula Cavite pa para sa inyo, mag-ingay para kay MHOT!Kwentuhan tungkol sa Ahon 16, ang epic battle nila ni Tipsy D, ang pres...

387: Bara-Bara - Talas at Talastasan w/ KATANA 30.12.2025

Yo, check. Panibagong episode ng Bara-Bara — ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya .Kasama natin ang isang rap artist at battle emcee na nakilala sa kanyang unique brand of humor, malikhaing pagbusisi ng angles, matalas na pen game, at estilong may kombinasyon ng kwela at mala-halimaw na delivery. Reppin’ Las Piñas, at ngayon ay isa nang ganap na kampeon — ang FlipTop B...

386: Balitang Bata! w/ AHA Tondo Kids 24.12.2025

Bumisita ako sa Better World Smokey Mountain sa Tondo, Maynila para sa isang event ng AHA! Learning Center —at doon ko nakilala ang mga batang hindi lang cute at makukulit, kundi bibo, matatalino, at tunay na mga star students ng Tondo. Sila ang mga hosts ng Balitang Bata —isang youth-led radio podcast , created by kids, for kids , at pati na rin para sa mga kids at heart . Sa kanilang programa, t...

385: Buhay Solo w/ A$tro 17.12.2025

Sa episode na ’to ng The Linya-Linya Show, kasama natin si A$tro — isa sa mga pinakamalupit at pinakamasipag na rap artists ng Pinas na hinahataw ang hip-hop para buhayin ang pamilya at ang pangarap. Pinag-usapan namin ang roots niya sa Sampaloc at ang pag-usbong ng kanyang artistry sa Rizal; ang proseso at kwento sa likod ng mga kantang nagka-impact sa napakaraming listeners at ang iba't iba...

384: Bukás ang Bokasyon w/ Romar Chuca 10.12.2025

Biglaang podcast recording, kaya ipinagpasa-Diyos na lang namin ni Romar Chuca, also known as The Catholic Comedian, kung saan tutungo ang usapan namin. Turned out, naging catchup, processing (bilang Linya-Linya team member sya noon!), life updates, at paghimay ng mga naging lakbay nya da iba’t ibang mga pinasok nyang bokasyon. Syempre, pinag-usapan din namin ang book collaboration ni Romar Chuca,...

383: Bara-Bara - Iba Pa Rin ‘Pag Live w/ ANYGMA 03.12.2025

Bara-Baraks! Bumisita tayo sa Baraks, headquarters ng FlipTop para makausap ang presidente ng liga, si Anygma.  Inupuan namin para pagkwentuhan at pagnilayan ang malalaking events at milestones ng FlipTop, ni Anygma, at ng Filipino hip hop ngayong taon: — Ang pagrepresenta ng FlipTop sa Frankfurt Book Fair — Ang historic musice event na FlipTop Live — Ang nakakawindang na AHON 16 lineup at match-u...

382: Tuloy Lang sa Pagtindig at Paglaban w/ Kiko Aquino-Dee 26.11.2025

Sa panahong maraming Pilipinong tila pagod na, disillusioned, o parang nawawalan ng saysay ang “tindig,” nakakabuhay kapag may nakikilalang mga kabataang patuloy pa ring lumalaban. Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Kiko Aquino-Dee — isang part-time lecturer sa University of the Philippines Diliman; co-convenor ng Tindig Pilipinas; isa sa organizers ng Trillion Peso March...

381: Mga Munting Bulsa ng Pag-asa w/ Fr. Flavie Villanueva 21.11.2025

Totoong #blessed tayo sa episode na ‘to. Kasama natin si Fr. Flavie Villanueva, ang paring inilapit ang misyon ng simbahan sa lansangan. Siya ang founder ng Arnold Janssen Kalinga Center, na nagbibigay ng dignified care sa mga maralita at nawalan ng tahanan, at Dambana ng Paghilom, na nagbibigay ng makataong libingan at suporta sa mga biktima ng drug war. Mula sa kanyang personal na transformation...

380: Chicks2Go Chikahan w/ Hershey Neri & Ashley Rivera 14.11.2025

Nakabisita tayo sa napakagandang studio ng Chicks2Go, at nakakwentuhan natin ang dalawang makulit na hosts ng chart-topping podcast — Hershey Neri at Ashley Rivera! Makulit na online, mas makulit pa in person! Sa episode na ‘to, napunta ang usapan sa lahat ng relatable at nakakatuwang adulting topics: relationships, love life, pagiging tita, at kung paano nga ba harapin ang mga “kadiri pero gusto...

379: JAMES UPAW w/ James Caraan 07.11.2025

From hairline to hard time, tuloy pa rin ang punchline! Balik-kulitan tayo with standup comedian at certified KoolPal — James Caraan! Usapang investment sa sarili, kung paano harapin ang failure, at kung bakit minsan, okay ang mag-“trip-trip lang” basta masaya ka sa ginagawa mo. Kwentuhan 'to tungkol sa resilience at self-worth, pero syempre, umaapaw pa rin ng kalokohan. Sabi nga ni James, “charac...

378: Daddy Diaries - 60 Years of Karate in the Philippines w/ Engr. Rene Sangalang 31.10.2025

Sa special Daddy Diaries episode na ‘to, magkasama ulit kami ni Engr. at Sensei Rene Sangalang — para pag-usapan ang 60 years ng Okinawan Shorin-Ryu Karate sa Pilipinas ngayong 2025. Dito, binalikan namin ang kasaysayan ng Karate — mula Okinawa hanggang sa pagdating nito sa Pilipinas. Ibinahagi ni Daddy ang mga natutuhan niya mula sa huling biyahe niya sa Fukuoka at Okinawa, kung saan muli siyang...

377: Bara-Bara - Kuha mo? w/ Niña Sandejas 27.10.2025

Isa na namang character unlocked sa mundo ng Filipino battle rap at hip hop. Isang karangalan ang makasama at makapanayam natin ang lente sa likod ng mga pinaka-iconic na litrato sa mga eksena ng FlipTop, pati na sa local music scene at large. Isang music photojournalist na dalawang dekada nang humuhuli ng mga sandali at pumipitik ng mga saglit— mula rock concerts hanggang rap battles. Nakasama na...

376: Bara-Bara - Kwentong Kaskasan w/ SUPREME FIST 21.10.2025

It all started from scratch— literal. Kung nakapanood ka na nang FlipTop event nang live, malamang nakita mo na syang nagpapaapoy ng turntable at nagpapadagundong ng venue. O kahit sa YouTube uploads lang, narinig mo na malamang ang beats nya sa intro. New character unlocked tayo sa Bara-Bara, ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya— champion DJ, isang tunay na pioneer at...

375: Charuth Will Set You Free w/ Charuth 13.10.2025

Nakasama natin sa pod ang isa sa mga pinaka-nakakatawa, pinaka-relatable, at pinaka-makulit na content creators online — Charuth! With over 3 million followers on TikTok, she’s one of the most recognizable faces in the Filipino comedy scene. Bukod sa viral skits at witty humor, isa rin siyang commercial model, product endorser, at business owner (naks!)— may sarili siyang café sa Pasig — at active...

374: Bring it on, darling! w/ Brigiding 03.10.2025

BRING IT ON, DARLING! 🌈✨ Super special episode ng The Linya-Linya Show—kasama natin ang isa sa pinaka-celebrated drag queens in the Philippines: Brigiding! Fierce looks, fearless voice, at pasabog performances—isang tunay na icon ng Pinoy drag scene. LIVE ang kwentuhan natin sa kanya sa Linya-Linya HQ kasama ang ilan sa kanyang loyal fans as guests. Ilan sa mga pinagchikahan namin: - Drag 101: A...

373: Pagtaya, Pagtula, at Palawan w/ Dr. Ralph Fonte 26.09.2025

Mga ka-linya, iba naman setup natin ngayon. Wala tayo sa Linya-Linya HQ, at wala rin sa TPN Studio. Nandito tayo ngayon sa gitna ng ganda, ginhawa, at hiwaga ng Puerto Princesa sa Palawan. At syempre, special din ang guest natin. Hindi lang basta writer, hindi lang basta doktor. He’s both — isang makata at manggagamot. Award-winning poet, essayist, lyricist, performance poet, at Medical Doctor for...

372: Ang Buhay Ay Laging May Punchline w/ Nonong Ballinan 22.09.2025

PEPEPEM!!! After 7 long years, nakabalik na sa The Linya-Linya Show—at this time, solong-solo na natin—ang actor, stand-up comedian, Comedy Manila at The KoolPals legend: Nonong Ballinan! BOOM! Ilan sa mga napag-usapan namin: Journey niya mula simpleng komedyante hanggang maging bahagi ng #1 comedy podcast sa Pinas, at pag-perform sa maliliit na venue hanggang umabot na ngayon sa New Zealand! Umab...

371:Larong bata! - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio 12.09.2025

Balik-bata with Victor and Ali sa The Linya Linya Show! Dito, pinag-usapan nila kung paano nag-iba ang mundo ng laruan noon at ngayon—mula sa action figures, teks, at pogs, hanggang sa kids today na mas hooked sa gadgets at online games. Sariwain ang saya ng paglalaro offline, at tuklasin kung paano naging serious hobby ang toy collecting. Plus, bakit nga ba sayang kung binenta o nawala ang mga lu...

370: Bara-Bara - Ang Basehan ng Bawat Hurado w/ BATAS 05.09.2025

Yo, check! Balik tayo sa isa na namang episode ng BARA-BARA, collab ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League. Kasama natin ngayon ang 2x Isabuhay champ, rap artist, respetadong hurado, at miyembro ng Illustrado at UPRISING—si BATAS! Ikalawang salang nya na sa podcast, pero unang beses sa Bara-Bara. Kwentuhan tayo tungkol sa lipat-buhay niya sa Canada, kung paano nakakaapekto sa kanya ang p...

369: Turo-Turo - Kwentong Classroom w/ Jaton Zulueta & Sabs Ongkiko 29.08.2025

Balik-eskwela na naman, pero imbes na excited, maraming estudyante at guro ang humaharap sa matinding problema— kulang na classrooms, sira-sirang pasilidad, at mga paaralang apektado pa ng baha at sunog. Sa episode na ‘to, tatalakayin natin ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas: bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang classroom shortage? Paano naapektuhan ang quality ng learning ng mga mag-aaral d...

368: Ano’ng bago? w/ Red Ollero 22.08.2025

Ano’ng bago sa inyo? Kay Red Ollero— standup comic, host, podcaster, model, actor— maraming bago. Masaya ang naging kwentuhan nila ni Ali sa TPN Studio. Mula sa usapang pizza (at sa pagiging pi-savvy nya), sa kanyang naging creative block mula noong ma-feature sa Netflix, hanggang pagpivot sa pagsusulat at pag-produce sa FPW (Filipino Pro Wrestling) at pagiging promoter ng Comedy Manila. Litaw tal...

367: Breaking News and Breaking Barriers w/ Rappler's Pia Ranada Robles 15.08.2025

From Malacañang press rooms to mountain peaks. Sa special episode na ‘to, kasama natin si Ms. Pia Ranada Robles ng Rappler—award-winning journalist, fearless truth-seeker, at certified climber. Pinag-usapan namin ang kanyang journey sa journalism, ang matitinding pagsubok na hinarap nya during the Duterte years, ang pag-cover sa Marcos Jr. admin, at kung paano niya tinitingnan ang kasalukuyan at h...

366 - AI, talaga ba? - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio 08.08.2025

Sa episode na ‘to, nagbalik si Victor Anastacio para sa isang makukit pero malaman na usapan with Ali tungkol sa A.I.—oo, 'yung Artificial Intelligence, hindi Ali & Intellectwalwal. Lelz. Pinag-usapan nila kung paano nakakatulong ang AI sa trabaho, creativity, at daily life... pero hindi rin nila pinalampas ang dark side: job displacement, deepfakes, at 'yung simpleng fact na minsan, a...

365: Ibalik ang Tula sa Puso ng Madla w/ National Artist for Literature Rio Alma 01.08.2025

Sa pagsalubong natin sa Buwan ng Wika ngayong Agosto, isang karangalan para sa Linya-Linya ang makatuwang para sa isang espesyal na kolaborasyon ang premyadong makata, guro, kritiko, at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario, o mas kilala sa kaniyang sagisag na Rio Alma ✍️ Mapalad din tayong makausap at makakwentuhan si Sir Rio sa The Linya-Linya Show. Nagmula ang...

364: Nag-#1 tayo?! w/ Ali Sangalang 25.07.2025

ng daming nangyayari. Kaya eto, isa na namang mabilisang kwentuhan tungkol sa mga ganap nitong mga nakaraang araw at linggo. Isang malaking milestone ang ipinagdiriwang natin—isang episode ng The Linya-Linya Show ang umabot sa #1 sa Spotify charts at #2 naman tayo sa top podcast shows nationwide! Para sa inyo ’to, mga ka-Linya. Salamat sa palaging pakikinig at suporta. <3 Sa episode na ’to, may...

Listen to the The Linya-Linya Show podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.