Driven By The Gospel

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Religion EN ↓ 163 episodes

Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: podcasters.spotify.com

Author

Driven By The Gospel

Category

Religion

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Mar 4, 2025

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android almost 10M downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Nov 18 - Ang Tumatagos na Kapangyarihan ng Salita 22.12.2022

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso. (Hebreo 4:12) Ang Salita ng Diyos ang ating tanging pag-asa. Sapat ang talas, buhay, at bisa ng magandang balita ng mga pangako ng Diyos at ang mga babala ng...

Nov 11 - Tayo ang Kanyang Sambahayan 11.11.2022

Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises. Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay. Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon. Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumun...

Nov 4 - Ang Tunay na Problema sa Pagkabalisa 04.11.2022

“Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!” (Mateo 6:30) Sinabi ni Jesus na ang ugat ng pagkabalisa ay di-sapat na pananampalataya — “kay liit ng inyong pananampalataya” — sa biyaya ng ating Ama sa hinaharap. Puwedeng ito ang isang reaksyon ng ilan: “Hindi ito magandang  bal...

Oct 28 - Radikal na Gantimpala 31.10.2022

“Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan.” (Mark 10:29-30) Ibig sabihin n...

Oct 21 - Ang Hiwaga ng Pag-aasawa 21.10.2022

“Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.” Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya.” (Efeso 5:31-32) Binabanggit ni Paul dito sa Efeso 5:31 ang Genesis 2:24, na sinabi ni Moses — at sinabi ni Jesus na nangusap ang Diyos sa pamamagitan ni Moses (Mateo 19:5) —...

Oct 14 - Nagpapagaling ang Diyos sa pamamagitan ng Pagpapababa Niya sa Tao 14.10.2022

“Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan, at ang nagluluksa'y aking aaliwin. Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man. Aking pagagalingin ang aking bayan.” (Isaiah 57:18-19) Sa kabila ng malubhang sakit ng tao na magrebelde at sadyang gawin ang kahit anong gusto niya, nagpapagaling ang Diyos. Paano Siya nagpapagaling? Sinasabi sa Isaiah 5...

Oct 7 - Tayo'y Nagihintay Siya'y Gumagawa 07.10.2022

Sapagkat hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pandinig, o ang mata man ay nakakita ng Diyos liban sa iyo, na gumagawa para sa mga naghihintay sa kanya. (Isaiah 64:4, ABTAG2001) Iilan lang ang nagbigay sa’kin ng higit na kagalakan kaysa sa katotohanan na gustong-gustong ipakita ng Diyos ang Kanyang kabanalan sa pamamagitan ng pagkilos para sa akin, at ang Kanyang gawain para...

Sept 30 - Ang Pinaka-mapagpalayang Natuklasan 30.09.2022

Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. (Filipos 3:1) Walang nagturo sa akin na nago-glorify ang Diyos sa pamamagitan ng ating kagalakan sa Kanya — na ang kagalakan sa Diyos ang mismong bagay na ginagawang karangalan ang ating papuri sa Diyos, at hindi ang pagiging hipokrito. Ngunit sinabi ito ni Jonathan Edwards na napakalinaw at makapangyarihan: Niluluwalhati rin ng Diyos ang Kanyang s...

Sept 23 - Pag-asa para sa mga Pinakamasamang Makasalanan 23.09.2022

“Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.” (Exodo 33:19) Kailangan ni Moses ng pag-asang talagang magkakaroon ng awa ang Diyos sa mga matitigas ang ulo na kakatapos lang sumamba sa mga diyos-diyosan at nilait ang Diyos na nagdala sa kanila palabas ng Ehipto. Para maibigay kay Moses ang pag-asa at kompiyansang kailangan niya, sinabi ng Diyos, “Mahahabag Ako sa nais K...

Sept 16 - Ang Huling Piging ng Kaluluwa 16.09.2022

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. (Mga Awit 27:4) Hindi puwedeng walang tugon ang Diyos sa nagsisising pananabik ng kaluluwa. Dumarating Siya at binubuhat ang pasanin ng kasalanan at pinupuspos ng kagalakan at pasasal...

Sept 9 - Libre Dapat ang Biyaya 09.09.2022

Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo? (1 Corinto 4:7) Isipin mo ang kaligtasan bilang bahay na iyong tinitirahan. Binibigyan ka nito ng proteksyon. Ito’y stocked ng pagkain at inumin na tatagal habang-panahon. Hindi ito kailanman mabubulok o masisira. Ang bintana n...

Sept 2 - Wasak at Nagagalak 02.09.2022

“Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.”  (Deuteronomio 7:6) Ano’ng magiging tunog ng mga doktrina ng biyaya — ang lumang terminong Puritan para sa Calvinistic na turo ng soberanong biyaya ng Diyos sa ating kaligtasan (TULIP) — ano ang magiging tunog ng mga doktrina ng biyayang ’yon kung ang bawat sanga ng punong ’yon ay...

July 29 - Ang Plano ng Diyos para sa mga Inuusig 29.07.2022

Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa mga lingkod, na papatayin ding tulad nila. (Revelation 6:11) Sa loob ng halos tatlong daang taon, lumago ang Kristiyanismo sa lupang basa ng dugo ng mga inuusig. Hanggang kay Emperor Trajan (around AD 98), pinapayagan pero hin...

July 22 - Pangaralan ang Sarili 22.07.2022

Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya'y muling pupurihin ko, ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko. (Psalm 42:11, ABTAG2001) Dapat natin matutunang labanan ang kawalan ng pag-asa — ang pagkakaroon ng malungkot na espiritu. Ang labanan ay labanan ng pananampalataya sa future grace. Nilalabanan ito by preaching truth sa ating saril...

July 15 - Naglilingkod Tayo sa Pamamagitan ng Biyaya 15.07.2022

Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako ay ako, at ang kanyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat, bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. (1 Corinto 15:10, ABTAG2001)  Na-realize ni Paul na baka hindi maintindihan ang unang bahagi ng talatang ito: “Ako’y naglingkod nang higit kaysa k...

July 8 - Gustong-gusto ng Saving Faith and Pagpapatawad 10.07.2022

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. (Efeso 4:32) Ang pananampalatayang nagliligtas, o saving faith, ay hindi lang paniniwala na pinatawad ka. Tumitingin ang saving faith sa nakakakilabot na mukha ng kasalanan, at pagkatapos ay tumitingin sa kabanalan ng Diyos, at nauunawaan nito spiritually na ang pagpapataw...

June 24 - Kaya Kong Maging Kuntento sa Bawat Sitwasyon 24.06.2022

Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. (Filipos 4:11-13) Ang future grace na nilalaan ng Diyos sa pa...

June 17 - Anong Klaseng Panalangin ang Nakalulugod sa Diyos? 17.06.2022

Ngunit ito ang taong aking titingnan, siya na mapagpakumbaba at may nagsisising diwa, at nanginginig sa aking salita. (Isaiah 66:2, ABTAG2001) Ang unang tanda ng matuwid na puso ay nanginginig ito sa salita ng Panginoon. Tinitingnan ng Isaias 66 ang problema na sumasamba ang ilan sa paraang nakalulugod sa Diyos at ang ilang sa paraan na hindi. Inilarawan sa talata 3 ang masasama na nagdadala ng ka...

June 10 - Kapag Nagiging Pagrerebelde ang Pangangatwiran 13.06.2022

Sinasabi ng tamad, “May leon sa labas! Mapapatay ako sa mga lansangan!” (Kawikaan 22:13, ABTAG2001) Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin ng kawikaang ito. Inasahan kong sasabihin nito, “Sinasabi ng duwag, ‘May leon sa labas! Mapapatay ako sa mga lansangan!” Pero sabi rito, “tamad,” hindi “duwag.” Kaya, ang kumokontrol na damdamin dito ay katamaran, hindi takot. Pero ano ang kinalaman ng katamara...

June 3 - Pananampalataya para sa Imposible 06.06.2022

Lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. (Roma 4:20-21) Sa isip ni Paul ay may espesyal na dahilan kung bakit niluluwalhati ng pananampalataya ang future grace ng Diyos. Sa madaling sabi, ang dahilan ay ito: Ang God-glorifying faith ay pagtitiwala na nakatuon sa hinaharap, sa integridad at kapangya...

May 27 - Tunay vs. Huwad na Pananampalataya 27.05.2022

Si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon, hindi upang harapin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:28, ABTAG2001) Ang tanong sa ating lahat ay: Kasama ba tayo sa “marami” na ang mga kasalana’y pinasan ni Cristo? At maliligtas ba tayo sa Kanyang muling pagbabalik? Ang sagot sa H...

May 20 - Paano Kasusuklaman ang Iyong Buhay 20.05.2022

Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana. Ang taong nagpapahalaga sa kanyang sarili lamang ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 12:24-25) “Ang taong hindi nagpap...

May 13 - Ang May Kagagawan ng Lahat 13.05.2022

Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. (Efeso 1:4-5) Ang karanasan ni Charles Spurgeon ay hindi higit sa kakayahan ng sinumang ordinaryong Kristiyano. Si Spurgeon, na nabuhay mula 1834 hanggang 1892, ay isang contemporary at kaibigan nina George Mueller at Hudson Taylor. Naglingkod siya sa Metrop...

May 6 - Ang Tunay na Kaalaman 06.05.2022

Umuwing masaya ang lahat upang magdiwang . . . sapagkat naunawaan nila ang ipinaliwanag sa kanila. (Nehemiah 8:12)   Ang tanging kagalakang nagre-reflect sa kahalagahan ng Diyos at umaapaw sa pag-ibig na lumuluwalhati sa Diyos ay nakabatay sa tunay na kaalaman sa Kanya. At hanggang maliit o may kapintasan ang ating kaalaman, ang ating kagalakan ay magiging mahinang echo ng tunay na kahusayan...

April 29 - Ang Araw ay Malapit Na 29.04.2022

Malalim na ang gabi, at ang araw ay malapit na.  (Roma 13:12, ABTAG2001) Ito ay salita ng pag-asa para sa mga nagdurusang Kristiyano. Ito ay salita ng pag-asa para sa mga Kristiyanong napopoot sa kanilang sariling kasalanan at hinahangad na hindi na sila magkasala. Ito ay salita ng pag-asa sa mga Kristiyanong umaasa sa pagkatalo at pagtapon sa lawa ng apoy sa huling kaaway, si Kamatayan (Reve...

Listen to the Solid Joys Devotionals (Tagalog) podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.