Driven By The Gospel
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Be sure to visit the podcast's website and support the creator: podcasters.spotify.com
Author
Driven By The Gospel
Category
Podcast website
Latest episode
Mar 4, 2025
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
August 3 - Kung Bakit May Katawan Ka? 31.08.2023 3:02
Kung Bakit May Katawan Ka Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. (1 Corinto 6:20, MBBTAG) Hindi basta-basta lang nilikha ng Diyos ang pisikal-materyal na sansinukob. May layunin Siya, at ito’y upang dagdagan ang mga paraan kung paano ilalabas at ipapakita ang Kanyang kaluwalhatian. “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag n...
July 27 - Kung Hindi Mo Lalabanan ang Pagnanasa 11.08.2023 4:45
Kung Hindi Mo Lalabanan ang Pagnanasa Talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili. (1 Pedro 2:11, MBBTAG) Nang hinarap ko ang isang lalaki tungkol sa kanyang pangangalunya, sinikap kong unawain ang kanyang sitwasyon, at nakiusap ako sa kanya na bumalik sa kanyang asawa. Pagkatapos ay sinabi ko, “Alam mo, sinasabi ni Jesus na kung hindi mo lalabanan ang kasalan...
July 20 - Biyaya para sa Bawat Pangangailangan 11.08.2023 3:48
Biyaya para sa Bawat Pangangailangan Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod. (Salmo 86:16, ASND) Biyaya sa hinaharap ang patuloy na sinusumamo ng mga nagdadasal na salmista. Paulit-ulit nila itong ipinagdarasal upang matugunan ang bawat pangangailangan nila. Binibigyan nila tayo ng magandang modelo ng pang-araw-araw na pag-asa sa...
July 13 - Ano’ng Nag-uudyok sa Iyo para Maglingkod? 11.08.2023 3:33
Ano’ng Nag-uudyok sa Iyo para Maglingkod? Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. (Galacia 6:8, MBBTAG) Ang pananampalataya’y may di-maampat na pagnanais na maranasan ang lahat ng puwedeng danasing biyaya ng Diyos. Kaya ang pananampalataya’y patuloy na tumutungo sa ilog kung saan pina...
July 6 - Paano Napagtagumpayan ni Cristo ang Kapaitan 11.08.2023 3:23
Paano Napagtagumpayan ni Cristo ang Kapaitan Nang siya’y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. (1 Pedro 2:23, MBBTAG) Walang sinuman ang nakaranas ng mas mabigat na pagkakasala laban sa kanya kaysa kay Jesus. Bawat katiting na galit sa Kanya ay hindi talaga nararapat. Walang...
June 29 - Ang Makapangyarihang Ugat ng Praktikal na Pag-ibig 11.08.2023 5:00
Ang Makapangyarihang Ugat ng Praktikal na Pag-ibig Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. (1 John 3:14) Kaya naman, pag-ibig ang patunay na tayo’y ipinanganak muli — na tayo’y mga Cristiano, na tayo’y ligtas. Minsan, ginagawa ng Biblia ang ating kabanalan at pag-ibig sa tao bilang kondisyon...
June 22 - Paano Tayo Dapat Makipaglaban para sa Kabanalan 11.08.2023 4:04
Paano Tayo Dapat Makipaglaban para sa Kabanalan Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. (Hebreo 12:14) May praktikal na kabanalan na kung wala nito’y hindi natin makikita ang Panginoon. Marami ang nabubuhay na parang hindi ito totoo. May mga nagsasabing sila’y Cristiano pero namumuhay nang walang kabana...
March 25 - Ang Disenyo ng Diyos sa mga Detour 11.08.2023 4:17
Ang Disenyo ng Diyos sa mga Detour At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (Colosas 3:17) Naisip mo na ba kung ano’ng ginagawa ng Diyos habang naghahanap ka sa maling lugar ng isang bagay na nawala mo’t kailangang-kailangan na? Alam Niya eksakto kung nasaan ito, pero hinahayaan ka Niy...
May 18 - Ang Liwanag Lampas sa Liwanag 05.08.2023 5:41
Ang Liwanag Lampas sa Liwanag “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa.” (Colosas 3:1-2, MBBTAG) Si Jesus ay nagbibigay ng ginhawa. Kaya ituon ang iyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit. Ngayo...
May 11 - Pumunta sa Piging 05.08.2023 3:18
Pumunta sa Piging Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh. (Mga Awit 34:8, MBBTAG) Sa mga nagsasabing hindi pa ninyo natitikman ang kaluwalhatian ng Diyos, sinasabi ko, natikman na ninyo ang marami sa appetizers nito. Tumingala ka na ba ng langit? Nayakap ka na ba? Naranasan mo na bang umupo sa harap ng mainit-init na apoy? Nakapaglakad ka na ba sa kakahuyan, naupo sa tabi ng lawa, humiga s...
May 4 - Isang Motibong Mapanganib 05.08.2023 4:31
Isang Motibong Mapanganib “Sino ang nakapagbigay ng anuman sa [Diyos] na dapat niyang bayaran?” Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! (Roma 11:35-36, MBBTAG) Pagdating sa pagsunod, ang pasasalamat ay isang motibong mapanganib. Madalas itong itakda ng may utang na loob. Halimbawa, “Tingnan mo kung gaano karami an...
April 27 - Mga Anak ng Umaawit na Diyos 05.08.2023 3:41
Mga Anak ng Umaawit na Diyos Umawit sila ng isang himno, at pagkatapos ay nagpunta sila sa Bundok ng mga Olibo. (Marcos 14:26, MBBTAG) Naririnig mo bang umaawit si Jesus? Bass ba Siya o tenor? May punto ba sa boses Niya? O buo at malinis ang tinis nito? Pumipikit ba Siya at umaawit sa Kanyang Ama? O tinititigan sa mata ang Kanyang mga alagad at ngumingiti sa kanilang malalim na pagkakaibigan...
April 20 - Takot Lumihis Mula sa Kanya 05.08.2023 5:07
Takot Lumihis Mula sa Kanya O napakasagana ng kabutihan mo, na iyong inilaan para sa mga natatakot sa iyo, at ginawa para doon sa nanganganlong sa iyo, sa lihim na dako ng iyong harapan, sila'y iyong ikubli! (Mga Awit 31:19, ABTAG2001) Pag-isipan ang dalawang mahalagang katotohanan sa Mga Awit 31:19. 1. Ang kabutihan ng Panginoon May natatanging kabutihan ng Diyos. Ibig sabihin, hindi la...
April 13 - Kausapin ang Iyong mga Luha 22.06.2023 4:05
Kausapin ang Iyong mga Luha “Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis, ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!” (Mga Awit 126:5-6) Walang malungkot sa paghahasik ng binhi. Hindi ito mas matrabaho kaysa sa pag-aani. Ang mga araw ay maaaring maging maganda. Puwedeng magkaroon ng matinding pag-asa ng an...
March 30 - Kapag Tinawag Niya, Iingatan Niya 12.05.2023 3:56
Kapag Tinawag Niya, Iingatan Niya Kayo’y gagawin [ng Panginoon na] matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon. (1 Corinto 1:8-9, MBBTAG) Saan ka nagde-depend para matiyak na ang iyong pananampalataya ay tatagal hanggang sa pagdating...
March 23 - Tinitiyak ng Kamangmangan ang Kasamaan 12.05.2023 4:31
Tinitiyak ng Kamangmangan ang Kasamaan Ipinagkaloob sa atin ng kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan. (2 Peter 1:3, ABTAG2001) Namamangha ako sa kapangyarihang iniuugnay ng Biblia sa karunungan. Pakinggan muli ang 2 Peter 1:3: “Ipin...
Mar 16 - Tatapusin ni Jesus ang Misyon 30.03.2023 3:38
“Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Wala akong alam na mas inspiring na pangako tungkol sa pagmimisyon kaysa sa salitang ito mula kay Jesus. Hindi: Dapat ipangaral ang ebanghelyong ito. Hindi: Puwedeng ipangaral ang ebanghelyong ito. Kundi: Ipapangaral ang...
Mar 9 - Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo 09.03.2023 5:17
Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo. (1 Pedro 5:6–7, MBBTAG) Bakit isang uri ng pagmamataas, o pride, ang pag-aalala tungkol sa hinaharap? Ganito ang puwedeng sagot ng Diyos (na paraphrase ng Isaiah 51:12): Ako — ang Panginoon,...
March 2 - Kumikilos ang Diyos Gamit ang Mabubuting Hangarin_mixdown 02.03.2023 4:49
Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, na kayo’y ariin ng ating Diyos na karapat-dapat sa pagkatawag sa inyo, at tuparin ang bawat hangarin sa kabutihan at gawa ng pananampalataya na may kapangyarihan. (2 Tesalonica 1:11, ABTAG2001) Ang paghahanap sa kapangyarihan ng Diyos para tuparin ang mabubuting hangarin natin ay hindi nangangahulugang hindi talaga tayo naghahangad, o hindi talaga...
Feb 23 - Ang Oras ng Di-Pangkaraniwang Panganib 23.02.2023 4:15
Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios. (1 Pedro 4:14, ASND) Maraming Cristiano sa mundo ngayon ang hindi alam ang life-threatening na panganib na dulot ng paniniwala kay Cristo. Nasanay na tayong maging malaya sa ganitong pag-uusig. Parang ganito na talaga dapat ang takbo ng buhay natin. Kaya m...
Feb 16 - Kapag Parang Imposible ang Pagsunod 16.02.2023 3:07
Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Dios. (Hebreo 11:17, ASND) Para sa marami sa inyo ngayon — at para sa ibang darating na ang panahon — ang pagsunod ay parang katapusan ng isang panaginip. Pakiramdam ninyo, kung gagawin ninyo ang sinasabi ng Salita ng Diyos o ng Espiritu ng Diyos na gawin ninyo, gagawin kayo misera...
Feb 9 - Mas Mainam Kaysa Pera, Sex at Kapangyarihan 09.02.2023 4:11
Kaya’t huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. (Mga Hebreo 10:35, MBBTAG) Kailangan nating pagnilay-nilayan ang pananaig ng Diyos bilang dakilang gantimpala natin sa lahat ng kayang ibigay ng mundo. Kung hindi, iibigin natin ang mundo tulad ng iba at mabubuhay tayo tulad ng iba. Kaya tingnan mo ang mga bagay na nagpapatakbo sa...
Feb 2 - Ang Cycle ng Pagpapatawad 03.02.2023 4:59
“At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.” (Lucas 11:4, ASND) Sino ba ang unang nagpapatawad kanino? Sa isang banda, sinasabi ni Jesus, “Patawarin n’yo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin.” (L...
Dec 30 - Binihisan at Binigyan ng Kapangyarihan 30.12.2022 4:11
Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Ame...
Nov 25 - Luwalhatiin ang Diyos sa Pagpapasalamat 22.12.2022 3:36
Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya. (2 Corinto 4:15) Ang pasasalamat sa Diyos ay isang masayang damdamin. Nakakaramdam tayo ng maligayang pagkakautang sa Kanyang biyaya. Kaya sa damdamin ng pasasalamat, tayo pa rin ang nakikinabang. Ngunit sa likas na kat...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.