Driven By The Gospel

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Religion EN ↓ 163 episodes

Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: podcasters.spotify.com

Author

Driven By The Gospel

Category

Religion

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Mar 4, 2025

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android almost 10M downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

April 22 - Limang Dahilan para Hindi Matakot 22.04.2022

Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. (Lucas 12:32) Ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos na hindi tayong matakot tungkol sa pera o iba pang mga bagay ng mundo ay dahil ima-magnify ng kawalan ng takot — ang kalayaan mula sa anxiety — ang limang dakilang bagay tungkol sa Kanya. Una, ang kawalan ng takot ay nagpapakita na tinatangi n...

April 15 - Huwag Tumulad sa Mule 17.04.2022

Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda. (Psalm 32:9) I-picture ang mga anak ng Diyos bilang isang bukirin ng lahat ng klase ng hayop. Inaalagaan ng Diyos ang Kanyang mga alaga, ipinapakita Niya kung saan sila dapat pumunta, at nagbigay Siya ng barn para sa kanilang proteksyon. Pero may isang hayop sa bukid na binibigyan ang Diy...

April 8 - Ipaalam kay Satanas ang Kanyang Pagkatalo 17.04.2022

Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. (James 4:7) Dahil mas kitang-kita si Satanas sa panahon natin ngayon — malinaw na mas aktibo siya — mas mahalaga ang tagumpay ni Cristo sa mga nagtitiwala sa Kanya. Itinuturo sa New Testament na nang mamatay si Cristo at nabuhay muli, tiyak nang natalo si Satanas. Binigyan siya ng panahon para sa limitadong kalayaan, pero nasira na ang kanyang kapan...

April 1 | Dalawa sa pinakamalalalim nating pangangailangan 01.04.2022

Para sa iglesya sa Tesalonica, na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo. (2 Tesalonica 1:1) Bilang church, “nasa” Ama at “nasa” Panginoon tayo. Ano’ng ibig sabihin nito? Ipinapahiwatig ng salitang “Ama” ang pag-aalaga at paglingap at proteksyon at provision at disiplina. Kaya ang ibig sabihin ng “nasa” Ama ay maging nasa pangangalaga at proteksyon ng Diyos bilang ating Ama sa lang...

March 25 - Satisfied Magpakailanman 25.03.2022

“Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.” (Juan 6:35) Itinuturo ng tekstong ito ang katotohanang ang paniniwala kay Jesus ay pagkain at pag-inom mula sa kung ano si Jesus. Sinasabi pa nga nitong natutugunan ang pagkauhaw ng ating kaluluwa kay Jesus, kaya’t hindi na tayo nauuhaw pa. Siya ang katap...

Bakit Natin Dapat Panghawakan ang Ating Pag-asa 17.03.2022

Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin. Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. (Hebreo 6:17–18) Hindi in...

Dalawang Walang Hanggang Malakas at Mapagmahal na Katotohanan 10.03.2022

“Sa simula pa’y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.” (Isaiah 46:10) Ang salitang “sovereignty” (tulad ng salitang “Trinity”) ay hindi matatagpuan sa Biblia. Ginagamit natin ito upang tukuyin ang katotohanang ito: Ang Diyos ay ang tunay na may kontrol ng mundo, mula sa pinakamala...

Nagagalak ang Diyos na Gumawa ng Mabuti Para sa Iyo 04.03.2022

“Ako'y gagawa sa kanila ng isang walang hanggang tipan, at hindi ako hihiwalay sa kanila upang gawan sila ng mabuti . . . Ako'y magagalak sa kanila na gawan ko sila ng mabuti.” (Jeremiah 32:40–41, ABTAG2001) Isa ito sa mga pangako ng Diyos na binabalik-balikan ko kapag nadi-discourage ako. May naiisip ka bang mas nakahihikayat kaysa sa katotohanang nagagalak ang Diyos na gawan ka ng mabuti? Hindi...

Kapag Imortal Ka 18.02.2022

Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga’t hindi nila napapatay si Pablo. (Mga Gawa 23:12) Paano naman ’yung mga gutom na taong nangakong ’di kakain hanggang hindi nila naa-ambush si Paul? Mababasa natin ang tungkol sa kanila sa Mga Gawa 23:12, “Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga...

Ang Pinakamahusay na Anyo ng Pang-aalipin 11.02.2022

Ang alipin nang tawagin ng Panginoon ay malayang tao ng Panginoon. Gayundin naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo ay alipin ni Cristo. (1 Corinthians 7:22, sariling salin) Aasahan ko sanang pagpapalitin ni Paul ang “Panginoon,” na ibig sabihin ay Master, at “Cristo,” na ibig sabihin ay Messiah. Iniuugnay Niya ang ating kalayaan kay Jesus bilang ating Master (“malayang tao ng Pangin...

Limang Paraan na Nakatutulong ang Pagdurusa 04.02.2022

Ang sariling dati-rati’y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod. (Mga Awit 119:67) Ipinapakita sa talatang ito na nagpapadala ng paghihirap ang Diyos para tulungan tayong matutuhan ang Kanyang salita. Paano ito nangyayari? Paano tayo natutulungan ng pagdurusa na matutuhan at sumunod sa Salita ng Diyos? May di-mabilang na mga sagot, tulad ng di-mabilang na mga karanas...

Paano Magsisi 28.01.2022

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan. (1 Juan 1:9, MBBTAG) Ang malabo’t pangit na pakiramdam na ikaw ay isang masamang tao ay hindi kapareho ng kombiksyon sa kasalanan. Hindi magkatulad ang guilty feeling at pagsisisi. Ngayong umaga, nagsimula akong manalangin, at naramdaman kong hindi ako karap...

Ang Anchor ng Kagalakan 21.01.2022

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin.” (Mateo 5:11, MBBTAG) “Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.” (Lucas 10:20, MBBTAG) Inihayag ni Jesus ang isang lihim na nagpoprotekta sa ating kaligayahan mu...

Ang Bintana ng Puso 14.01.2022

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. (Mga Hebreo 12:3, MBBTAG) Isa sa pinakapambihirang kakayahan ng isip ng tao ay ang kakayahang pagtuunan ang isang bagay na pinipili nito. Puwede tayong tumigil sandali at sabihin sa ating isip, “Pag-isipan ito, hindi iyan.” Kaya nating ituon ang ating pansin sa i...

Itinanggi at Ibinigay na Biyaya 07.01.2022

Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos. (Mga Gawa 14:22, MBBTAG) Hindi lamang pagod dahil sa pang-araw-araw na stress nagmumula ang pangangailangan para sa inner strength. Mula rin ito sa pagdurusa at paghihirap na dumarating paminsan-minsan. At dumarating nga ang mga ito. Hindi maiiwasang maidagdag ang pagdurusa sa panghihina ng puso sa daan papuntang langi...

Ano ang Iyong Layunin? 27.12.2021

Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. . . . At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (1 Corinto 10:31; Colosas 3:17) Sa pagbangon mo sa umaga at pagharap sa bagong araw, ano ang sinasabi mo sa iyong sarili tung...

Upang Ikaw ay Manampalataya 22.12.2021

Marami pang mga himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad na hindi nakasulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalatayang iyon ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya. Juan 20:30–31 Ito ang talagang pinaniniwalaan ko: Ang mga kasamahan natin na lumaki sa simbahan at kayang b...

Ang Kapanganakan ng Walang Hanggan 21.12.2021

“Kung ganoon, isa ka ngang hari?” sabi ni Pilato. Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan, upang magpatotoo tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.” Juan 18:37 Ang Juan 18:37 ay isang magandang talatang pampasko kahit na ito’y nagmula sa pinakadulo ng buhay ni Jesus sa daigdi...

Ang Pagkakaisa sa Pasko 20.12.2021

Kaya’t naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo. 1 Juan 3:8 Ang pagawaan ni Satanas ay naglalabas ng milyon-milyong kasalanan bawat araw. Binabalot niya ang mga ito sa malalaking eroplano at pinapadala sa langit at inilalatag sa harap ng Diyos at siya’y tumatawa nang tumatawa nang tumatawa. Ang ibang tao ay full-time na nagtatrabaho sa pagawaan ni Satanas. Ang iba’y umalis...

Ang Pasko ay para sa Kalayaan 19.12.2021

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila’y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila’y inalipin ng takot sa kamatayan. Hebreo 2:14–15 Naging tao si Jesus da...

Ang Christmas Model para sa Pagmimisyon 18.12.2021

Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. Juan 17:18 Ang Pasko ay isang modelo para sa mga misyon. Ang pagmimisyon ay salamin ng Pasko. Kung ano ako ay ikaw din. Halimbawa, panganib. Dumating si Cristo nang mag-isa, at hindi Siya tinanggap ng mga kalahi Niya. Ikaw din. Siya’y pinagbalakan nila nang masama. Ikaw din. Wala Siyang permanenteng tirahan...

Ang Pinakadakilang Kaligtasang Maaaring Maisip 17.12.2021

Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong tipan sa Israel at sa Juda. Jeremias 31:31 Ang Diyos ay makatarungan at banal at hiwalay sa mga makasalanang tulad natin. Ito ang ating pangunahing problema sa Pasko — at iba pang panahon. Paano tayo magiging tama sa harap ng isang matuwid at banal na Diyos? Gayon pa man, ang Diyos ay mahabagin at nangako sa Jeremias 31 (limang daang taon bago kay Crist...

Ang Pinakamatagumpay na Kabiguan ng Diyos 16.12.2021

Dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. Filipos 2:9–11 Minarkahan ng Pasko ang simula ng pinakamatagumpay na kabiguan ng Diyos. Lagi...

Buhay at Kamatayan sa Pasko 15.12.2021

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos. Juan 10:10 Nang sisimulan ko na ang devotional na ito, nakatanggap ako ng balitang pumanaw na si Marion Newstrum. Si Marion at ang kanyang asawa, si Elmer, ay matagal nang bahagi ng aming simbahan, mas matagal pa kaysa sa buhay ng karamihan sa aming...

Gagawing Totoo para sa Kanyang mga Anak 14.12.2021

Ayon sa Hebreo 8:6, Si Cristo ang tagapamagitan ng new covenant. Ano ang kahulugan nito? Ibig sabihin, nabayaran na’t sinigurado ng Kanyang dugo — ang dugo ng covenant (Lucas 22:20; Hebreo 13:20) — ang pagpapatupad ng mga pangako ng Diyos para sa atin. Ibig sabihin, ayon sa mga pangako ng new covenant, pinapatupad ng Diyos ang pagbabago ng ating sarili sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo. At ibig...

Listen to the Solid Joys Devotionals (Tagalog) podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.