Mon Sy

Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino

Education FIL ↓ 35 episodes

Mga kuro-kuro, agam-agam, at sabi-sabi na nagbubukas ng marami pang tanong sa larangan ng araling Pilipino. Panitikan at wika? Rizaliana at Batas Militar? Kasaysayan at heograpiya? Agham at matematika? Kulturang popular? Basta't mula sa Pilipino, tungo sa Pilipino, talakayin natin 'yan sa Salaysáyan! Batis ito ng asinkronong lektyur para sa mga klase ni Mon Sy, propesor ng araling Pilipino at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Author

Mon Sy

Category

Education

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Nov 12, 2025

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Limang Talinghaga para sa Ekopagsasalin 12.11.2025

Dala ng natatanging ekolohikal, heograpikal, at sosyo-historikal na konteksto ng Pilipinas, parehong mayabong ang saribuhay at “sariwika” ng bansa. Tinatayang higit sa 38,000 ang bilang ng mga vertebrate at invertebrate na species sa arkipelago. Naglalaro naman sa 130 hanggang 187 ang bilang ng mga wika sa bansa. Buhat ng posisyong ito, maituturing na matabang lupa ang Pilipinas para sa pagninilay...

Si Rizal Pagkatapos ng Pambansang Halalan 2022: Diktadurang Marcos sa Kursong Philippine Institutions #NeverForget 08.04.2024

Mabisa ang kursong Rizal—Philippine Institutions (PI 100) sa ilang mga pamantasan—bilang lunsaran ng pagpapalalim ng kaunawaan ng pagbabaluktot ng kasaysayan at pagtatagisan ng mga kapangyarihan. Maituturo ba, halimbawa, ang kasaysayan ng Batas Militar sa Pilipinas at diktadurang Marcos sa mga talakay hinggil kay Rizal? Oo. Rak.

Eko-pagsasalin ng “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao” (1876) ni Friedrich Engels 17.02.2024

Nilalayon ng papel na ito na isalin ang sanaysay na “The Part Played by Labour in the Transition from Ape to Man” (1876) ni Friedrich Engels (28 Nobyembre 1820 – 5 Agosto 1895) mula sa salin nito sa wikang Ingles tungo sa Filipino. Kilala si Engels bilang katuwang ng pilosopo’t ekonomistang pampolitika na si Karl Marx. Gayunman, hindi matatawaran ang ambag niya sa mga larangan ng antropolohiya, ka...

Batas Militar at ang Golden Age ng Neoliberalismo't Kroniyismo #NeverForget 31.03.2023

Walang kamayaw na pinaulit-ulit ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Pambansang Halalan 2022 na natamasa ng Pilipinas ang Golden Age ng ekonomiya noong panahon ng Batas Militar ng lumang administrasyong Marcos. Ngunit totoo nga bang Golden Age ito? At kung oo, para kanino ito golden? Suriin natin ang datos na makapagpapaliwanag sa kung paano hinubog ng neoliberalismo at kroniyismo an...

Pagmumulto ng Batas Militar sa Panitikang Pambata #NeverForget 11.02.2023

Sabi noon ng pamilyang Marcos, walang mga aklat na naisulat o pelikulang nagawa hinggil sa karumal-dumal na diktadura ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ngunit napakaraming likhang-sining ang naging saksi at tumatayong daluyan ng pag-alala sa Batas Militar noong deakda '70 at '80. Kabilang na rito ang ilang mga aklat pambata na isinulat ng mga progresibong awtor upang ikuwento sa bat...

Maikling Kasaysayan ng Buhay ni Jose Rizal 30.12.2022

Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda. Kay haba ng pangalan ngunit tila kay ikli ng buhay. Talakayin natin ang ilang mga highlight sa tatlompu’t limang taong buhay ng isang manunulat, bayani, at dakilang henyo ng lahing Malayo.

Mga Pihit ng Araling Pilipino noong Mahabang Dekada '70 01.09.2022

Noong 2014 sa Philippine Studies Conference sa Kyoto, Japan, nabatid na mayroong pagpihit sa direksyong tinatahak ng Araling Pilipino o Philippine Studies. Sa parehong kumperensya, pinukaw ng kritikong si Resil Mojares ang isipan ng mga Pilipinista gamit ang isang tanong: kung pumipihit nga ang Araling Pilipino, hindi ba dapat ay tanungin natin kung saan ito nanggaling bago alamin kung saan ito pa...

[Sali-Saliksik] Mga Kilusang Panlipunan 13.08.2022

Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Marami nang mga naisulat hinggil sa samot-saring kilusang panlipunan tulad ng sa paggawa, pesante, kababaihan, kabataan, at katutubo. Alam mo bang puwede itong maging paksa ng pananaliksik? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng mga kilusang panlipunan.

[Sali-Saliksik] Aralin sa Pagsasalin 12.08.2022

Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Tiyak na nakabasa ka na ng mga aklat, nobela man o pananaliksik, na isinalin sa wikang Filipino o Ingles. Alam mo bang puwede itong maging paksa sa pananaliksik? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Aralin sa Pagsasalin.

[Sali-Saliksik] Kulturang Popular 11.08.2022

Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Babad ka ba sa radyo, telebisyon, social media, sinehan, mall, bar, lansangan, at iba pang daluyan ng kulturang popular? Marahil ay napukaw na ng mga ito ang interes mo. Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Kulturang Popular.

[Sali-Saliksik] Araling Rizal at Pagkamakabayan 10.08.2022

Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Interesado ka bang pag-aralan ang mga akda ni Rizal at iba pang bayani? Ang ideolohiya ng mga kilusang panlipunang makabayan? O ang iba’t ibang depinisyon ng bayan? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Araling Rizal at Pagkamakabayan.

[Sali-Saliksik] Araling Etniko at Foklor 09.08.2022

Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Marami nang mga naisulat hinggil sa mga pangkat etniko at kaalamang-bayan sa Pilipinas at sa daigdig. Pinapaksa ng mga ito ang wika, kultura’t paniniwala, kuwentong bayan, at tradisyong pasalita. Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Araling Etniko at Fo...

Subersibong Rizal at Bonifacio ayon sa mga Rebolusyonaryo 10.12.2021

Si Rizal ba ay repormista o rebolusyonaryo? Iyan ang kadalasang debate hinggil sa politikal na pagpoposisiyon ni Rizal. Masalimuot man ang hidwaang ito sa parehong mga iskolar at mga aktibista, malinaw para kina Jose Maria Sison, dating lider-kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas, at Tan Malaka, dating lider-kadre ng Partai Komunis Indonesia na subersibo si Rizal. Hinalaw ang episode na ito mula...

Saysay ng Salaysay: Mapagpalayang Kasaysayan ayon sa Kilusang Propaganda 06.05.2021

Sino ba ang nagsusulat ng kasaysayan? Kaninong interes sumasalig ang naisulat? Ano naman kaya ang mga danas, ideya, at pangyayari na hindi binibilang sa "opisyal" na kasaysayan ng isang pangkat? Balikan natin kung paano ginamit ni Rizal at ng iba pang kasapi ng dakilang Kilusang Propaganda ang pagsasalaysay upang limihin at pahiwatigan ang kalayaan. Rak.

Ilang Tala tungkol sa Kultura ng Pilipinas, at ang Alternatibo 06.05.2021

Ano kayang masasabi natin sa kultura ng Pilipinas? Kung nakaangkla ito sa mga tunay ng relasyon ng tao, sa produksyon at praktika ng mga Pilipino, mababanaag ba sa kultura ang mga tunggalian, kontradiksyon, sigalot, at mga sakit ng ating lipunan? At kung gano'n man, paano kaya natin ito mababago, o mababanuhay, para sa interes ng mas nakararami? Alamin natin. Rak.

The #DutertePalpak Legacy: Pagguho ng Ekonomiya sa Gitna ng Pandemya 28.03.2021

Isang taon na mula noong ipinataw ang lockdown sa Pilipinas, ngunit tumataginting pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Second surge na tayo ngunit hindi pa tayo ever nakapag-#FlattenTheCurve. Quarantine pa rin ang sagot laban sa pagkalat ng virus. Patuloy din ang redtagging at crackdown laban sa mga aktibista. Ngunit masasabi nating hindi lang COVID-19 response ang palpak noong nakaraan...

Ang Matsing, ang Pagong, at si Rizal: Mga Punla ng Panitikang Pambata 17.12.2020

Nabasa niyo na ba ang kuwentong "Ang Matsing at ang Pagong"? Napakarami na nitong bersyon at baryasyon, pero kung babalikan natin ang kasaysayan, masasabing si Jose Rizal ang nagpopularisa nito sa paglalathala niya ng kauna-unahang aklat pambata sa Pilipinas. Malaki ang papel ng pagsusulat at pagsasalin ng bayani sa pag-unlad ng natatanging anyong pampanitikan para sa mga chikiting. Rak.

Noli Me Tangere bilang Dayagnosis (ft. Glenn Diaz) 14.12.2020

Noong panahong medyebal, ginamit ang berso upang ilarawan ang sakit na cancer absconditus, o "lihim na kanser." Ang kanser na ito ay lumalala sa bawat beses na magalaw ang mga namamagang bahagi ng katawan. Sa parehong palagay binabagtas ni Rizal ang kanser ng lipunan natin. Pakinggan natin ang ilang tala tungkol sa sakit at panitikan mula kay Glenn Diaz, isa ring nobelista at may-akda ng The Quiet...

Pakikipanayam Gamit ang Sariling Wika: Kaso ng LGBT at Ilokano (ft. Ash Presto) 06.12.2020

Komplikado ang usapin ng wika at kasarian, at lalo itong magbubuhol-buhol sa realisasyong napakaraming wika sa ating bansa at maaaring nagkakaiba ang kanilang pagsasalarawan ng identitad, oryentasyon, at ekspresyon. Para sa salaysayang ito, magbabahagi ang isang sosyolohista sa kaniyang karanasan sa pananaliksik kasama ng mga miyembro ng sektor ng LGBT gamit ang wikang kinalakihan nila. Pakinggan...

Si Pepay at ang Kababaihan sa Rebolusyong 1896 28.11.2020

Bagaman kinikilala ni Rizal ang mahalagang papel ng kababaihan sa pagbabagong panlipunan, limitado ang kaniyang peminismo ayon sa maraming kritiko. Gayunman, maaari nating balikan ang mga karakter tulad ni Pepay sa El Filibusterismo. Maipapakilala niya kaya tayo sa mga rebolusyonaryong babae noong ika-19 dantaon? Rak.

Tunggalian sa Wika at Praktika ng Inhenyeriya (ft. Ian Baytamo) 18.11.2020

Ang wikang Filipino ay maaaring maging wika sa teorya at praktika ng inhenyeriya. Nagbubunsod ng tunggalian sa pagitan ng propesyonal na inhenyero at mga manggagawa ang dikotomiya ng Filipino at Ingles, na reipikasyon naman ng tunggalian ng mga uring panlipunan. Makakasama natin ngayon ang isang inhenyerong mekanikal na nabatid ang naturang tunggalian sa pakikisalamuha niya sa mga manggagawa at ka...

Agham para sa Lahat? Wikang Filipino sa Astronomiya, Pisika, atbp. 16.11.2020

Handa ba ang wikang Filipino sa pagiging wika ng agham, matematika, at teknolohiya? Siguro, mas magandang itanong kung handa ba tayo na palawakin at palakasin ang sariling wika sa naturang domeyn. Pasinayahan natin ang rebolusyong intelektwal tungo sa agham para sa lahat! Rak.

Intelektwalisasyon bilang Pagpapalawak ng Wika 28.10.2020

Nasa wika ang susi para sa pag-unlad ng antas ng edukasyon ng bawat Pilipino, kaya naman dapat ito ay nagmumula sa sariling batis ng kaalaman at tiwalag sa absolutong pananalig sa mga dayuhang tradisyon ng kaalaman. Pag-usapan natin kung ano nga ba ang hangarin ng intelektwalisasyon ng wika, at kung ano ang maaring maging ambag ng “semantic elaboration” dito. Rak.

Pangil ng Misedukasyon (ft. Macky Salvador) 26.10.2020

Ang “edukasyon” ay nangangahulugang “pagkamulat.” Papaanong matatawag na “edukado” ang marami sa atin kung binubulag tayo ng sistema ng edukasyong meron tayo? Pakinggan ang lektyur ni Macky Salvador, na guro ng wika at panitikan sa Pamantasang De La Salle - College of St. Benilde. Umusbong ang kaniyang kolum mula sa mga sanaysay na "Ang Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino" ni Renato Constantino at “...

Agawan-base: Samut-saring Pagsipat kay Rizal bilang Bayani 25.10.2020

Institusyonalisado man ang pagkabayani ni Rizal, samut-sari na ang tumuligsa, tumawad, nagdagdag, nagbawas, at sumipat sa kaniya. Patunay lamang ito sa masalimuot na pag-aankop sa bayani sa harap ng mga pagbabagong panlipunan. Pagkuwentuhan natin ang ilang matitingkad ng bahagi ng "debate of the century" noong ika-20 dantaon. Sanggunian: Nilo Ocampo, "Pagtuligsa, Pagbawas, at Muling Sipat kay Riza...

Listen to the Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.