Mon Sy

Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino

Education FIL ↓ 35 episodes

Mga kuro-kuro, agam-agam, at sabi-sabi na nagbubukas ng marami pang tanong sa larangan ng araling Pilipino. Panitikan at wika? Rizaliana at Batas Militar? Kasaysayan at heograpiya? Agham at matematika? Kulturang popular? Basta't mula sa Pilipino, tungo sa Pilipino, talakayin natin 'yan sa Salaysáyan! Batis ito ng asinkronong lektyur para sa mga klase ni Mon Sy, propesor ng araling Pilipino at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Author

Mon Sy

Category

Education

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Nov 12, 2025

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Bakit Kailangan ng Kabataan si Rizal 12.10.2020

Bakit? Dahil pambihira siya! Sipatin natin ang ilang mahahalagang aral sa buhay mula sa kaniyang talambuhay. Halaw ang episode na ito sa sanaysay na "Ano ang Saysay ni Rizal sa Kabataan Ngayon" ni Cerise Crudo-Guerrero. Rak.

Pag-usbong ng mga Baryason ng Wika (ft. Jecon Dreisbach) 04.10.2020

Bakit nga ba umuusbong ang iba’t ibang baryason ng wika? Anong mga penomenong espasyo-temporal ang sangkot sa patuloy at malikhaing pagbabago ng mga wika? Alamin natin ito kasama ni Jeconaiah Dreisbach, isang sociolinguist at mananaliksik sa antas doktoral sa Universitat Oberta de Catalunya. Rak.

Kasaysayan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pilipinas 29.09.2020

Paano nga ba umusbong ang mga problema na hinaharap ng lipunang Pilipino? Pinapatampok sa episode na ito ang isang malaking bahagi ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino . Papasadahan dito ang kasaysayan ng Pilipinas sa perspektiba ng pananakop at pag-aklas.

Mga Uring Panlipunan sa Pilipinas 28.09.2020

Bakit nga mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang mga Pilipino? 'Yan ang sinusubukang sagutin ng unang bahagi ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino . Sa episode na ito, ipapaliwanag ang mga iba't ibang uring panlipunan sa Pilipinas. Rak.

Ang Tatlong Ugat ng Kahirapan 27.09.2020

Mayaman ang Pilipinas, ngunit dahil sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, naghihirap ang mga Pilipino. Tatalakayin ng episode na ito ang isang mahalagang bahagi ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino na may tuon sa IPBK--ang tatlong "ugat ng kahirapan."

Linggwistiks Starter Pack 21.09.2020

Mga batayang konsepto...at problema sa pag-aaral ng wika at pagsasakahulugan.

Realismo at Rizal 20.09.2020

Ano ba ang realismo bilang isang kilusang pampanitikan? Paano ito ginawang balangkas ni Rizal sa kaniyang dalawang nobela upang isiwalat ang pang-aapi ng mga kolonisador? Alamin natin.

Neoliberalismo at mga Patakaran sa Edukasyon 15.09.2020

Bakit nga ba tinaguriang sentro ng mga Inglesero ang Pilipinas? Pag-usapan natin kung paano ito naging bahagi ng neoliberal na opensiba sa edukasyon.

Panahon at Nacion: Pagkabansa sa Nobela 14.09.2020

Humalaw tayo mula kina Anderson, Hau, Garcellano, atbp. upang machekirawt ang ugnayan ng nobela at bansa, mula sa genesis hanggang sa pagtuligsa ng huli.

Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino (Trailer) 13.09.2020

Listen to the Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.