Norma Hennessy
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano
Story narratives of historical and heroic inspirational figures around the globe in two Philippine language versions: Tagalog and Ilocano.
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Romano Kristiyano 4 Konstantino (Augustus) 25.07.2025 30:51
"Si Emperador Constantius Chlorus, na ama ni Konstantino, ay namatay sa Eboracum (York na sa modernong panahon) habang nasa kampanya silang mag-ama laban sa tribung Pikta (Picts) ng Britanya. Bago nalagutan ng hininga si Emperador Constantius inihayag niya ang kanyang suporta kay Konstantino na siya ang hahalili sa kanya sa kanyang posisyon sa pamunuan. Naghabilin din siya kay Konstantino at ipina...
Romano Kristiyano 3 - Constantius Chlorus 30.06.2025 32:10
"... Sa mga panahon ng kapanganakan ni Konstantino, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng lupon ng apat na pamunuan o tetrarkiya . Binubuo ito ng dalawang nakakatandang emperador o augustus at dalawang nakababatang diputado o caesar: ang mga ito ay sina Augustus Diocletian ( Gaius Aurelius Valerius Diocletianus) , Caesar Maximian, at mga nakababatang diputado’ na sina Galerius at Constantius Chl...
Romano Kristiyano 2 - Konstantino (Intro) 30.06.2025 11:35
"...Marahil ay naririnig na ninyo ang kanyang pagalang nababanggit. Siya ay bantog sa pangalang Dakilang Konstantino at ang kanyang buong pangalan ay FLAVIUS VALERIUS AURELIUS CONSTANTINUS." "...Itinuturing siya sa kasaysayan na Dakilang Konstantino - isang nabubukod tanging emperador na nabuhay sa kasaysayan ng sibilisasyong Kanluran. Hindi masukat ang kahalagahan ng kanyang ginampanan sa kasaysa...
ROMANO KRISTIYANO 1-Constantinus Ponte Milvio 25.06.2025 27:29
Unang Kabanata M ay isang tulay na bato sa Ilog ng Tiber sa hilagang bahagi ng Roma sa Italya na tinawag na Ponte Milvio o sa Latin ay Pons Milvius . Sa panahong Imperyo Romano, ang tulay na ito ay mahalaga sa Roma hindi lamang sa pang-ekonomiya kundi gamit ito ng militar sa mga estratehiko nitong operasyon at kampanya. Dito naganap ang tinatawag sa kasaysayan na “Labanan sa Milvia” na nangyari no...
Imperio Romano J Caesar 25 Post Hoc at Pagbalik Sulyap 11.06.2025 47:56
POST HOC AT PAGBALIK SULYAP (PAGKATAPOS NG PANGYAYARI) Sa nakaraan: Naipaalam kay Gaius Octavianus (Octavian) ang pagkamatay ng kanyang impong na si Julius Caesar at dahil nasa Appolonia siya (modernong Albanya) na nagtatapos ng kanyang pag-aaral sa militar at akademya noong natanggap niya ang balita, siya’y nagpasyang iwanan ang kanyang pag-aaral at nagtungo sa Italya. “…Samantala, sa tanghalang...
Imperio Romano J Caesar 24 “Eidus Martiae” 07.06.2025 36:35
EIDUS MARTIAE 44 BC (EIDES OF MARCH) SALAGIMSIM NA MADILIM SA KALAGITNAAN NG MARSO (ANG PAGTATAPOS) Si Caesar ay ginawaran ng Senadong Romano ng sampung taong termino bilang diktador noong Setyembre ng taon 46 BC. Subalit noong dumating ang Pebrero ng taon 44 BC, siya ay hinirang na diktador nang panghabambuhay o dictator perpetuo. Habang lumawak at lumakas ang kanyang kapangyarihan, naging kapans...
Imperio Romano-J Caesar 23 (Hippo Ragus-Munda) 03.06.2025 35:02
“…Tumangging makipagdigmaan si Gnaeus Pompeius laban sa hukbo ni Caesar sa lantad na kapatagan bilang pagsunod niya sa payo sa kanya ni Labienus kaya napilitang nagpatuloy ng kampanyang digmaan si Caesar sa taglamig. Sa unang bahagi ng taon KUWARENTA’Y SINGKO BAGO KAPANAHUNAN NG PANGINOON (45 BC), ang partidong panig kay Caesar sa mga mamamayan sa Ategua ay nagmungkahi na isuko na lamang nila ang...
Imperio Romano J Caesar 22 (Sa Thapsus, si Cato at si Juba) 30.05.2025 43:44
“… Sa ibaba ng kampo ni Scipio ay ang bayan ng Tegea kung saan ay naglagay si Scipio ng kanyang garisondoon na may apat na raang kabayo. Nagkahamunan ang lupon ni Scipio at ang hukbo ni Caesar kung saan maraming mga tauhan sa panig nis Scipio ang nalagas.” “…Dumating si Caesar sa sadyang lugar at natagpuan niya ang armi ni Scipio na nakapormasyong handa sa digmaan sa unahan ng mga hukay ng mga pag...
Imperyo Romano J Caesar 21 (Atrisyon sa Aprika) 28.05.2025 30:45
POSCAST 21 Sa nakaraan, sinundan ni Caesar ang mga kaaway niyang Optimates sa Aprika. Pagdating niya doon, nagkaroon ng labanan ng ‘tugisan’ kung saan ang magkabilang panig ay nagtaktikahan. May mga menor na mga sagupaan habang ang magkabilang kampo ay nagpatuloy na nagpalakas ng kanilang mga hukbo sa iba-ibang pamamaraan. Naging labanan ito ng patibayan na kung saan ang hukbong Optimates na sa mg...
Imperio Romano J Caesar 20 (Sa Uzita) 24.05.2025 45:13
Podcast 20 ( Sa Uzita) “….Mula ika a-uno ng Enero, nagdatingan ang karagdagang mga tauhan sa hukbo ni Caesar. Noong ika kuwatro ng Enero, nagkasagupaan ang kampo ni Caesar at ng mga Optimates. Ang puwersang Optimates ay pinamunuan ni Titus Labienus. Sa nangyaring bakbakan, nasugatan ng mapanganib si Heneral Petreius sa kampo ng Optimates. Maraming mga nabawas sa puwersa ni Caesar subalit napabalik...
Imperio Romano J Caesar 19 (Aprika) 23.05.2025 34:25
“… Pagkatapos niyang mai-ayos ang pamunuan, sinundan ni Caesar ang lupon ng mga Optimates sa Aprika upang minsanang resolbahin ang oposisyon sa kanyang pamunuan. Lumapag siya sa Hadrumentum, sa may silangang pampang ng modernong Tunisia sa Aprika….Abalang -abala sa panahong iyon ang grupong Optimates sa kanilang pagpapalaki ng kanilang hukbo at sa kanilang pakikipag-alyado sa mga bayan. Nakuha rin...
Imperio Romano J. Caesar 18 (Ruspina) 21.05.2025 34:37
“… Mula sa Turkiya, bumalik si Caesar sa Roma upang isaayos ang kanyang otoridad at resolbahin ang mga ibang mga kumplikadong mga problemang pulitika doon. Kabilang sa salimuot na kanyang kailangang tugunan ay ang panganib ng kawalang katatagan na dulot ng patuloy na pag-organisa ng mga kapanig dati ni Pompey na mga Optimates na nagtungo sa Aprika. Ang oposisyong ito ay pinamunuan nina Nakababatan...
Imperio Romano - J Caesar 17 (“Veni, Vidi, Vici” ) 17.05.2025 26:12
Labanan sa Zela ( “Vino, Vidi, Vici”- “Ako’y Dumating, Tumingin, Nanagumpay” ) “…Marahil ay naalimpungatan si Caesar mula sa kanyang mataga-tagal ding pagtigil at indulhensiya sa kaharian ng Ehipto at sa piling ni Cleopatra. Sa kanyang pagtigil doon pagkatapos na umupo sa pamunuan si Cleopatra, siya’y nalibang sa karangyaan, piyesta, maluhong paglayag sa Ilog Nile at ibang wagas ng pagtamasa ng ka...
Imperio Romano J Caesar. 16 (Ehipto & Cleopatra) 16.05.2025 42:14
“Habang si Caesar ay nasa Alexandria, marami sa mga dating opisyal ni Pompey, na noong nawala na ang kanilang pinuno, sila ay nagpuntahan kay Caesar upang sumuko. Tinanggap ni Caesar sila ng mabuti…. Ang astang ito ni Caesar ay malaki ang kahalagahan at maraming dulot na mga epektong wagas namakakasagot sa kanyang mga pakay na gawin. Ang wagas ng pagkamatay ni Pompey ay nagdulot ng malaking aral a...
Imperio Romano J Caesar 15 (Si Pompey) 13.05.2025 34:35
PART 15 SI POMPEY (ANG PAGTAKAS NI POMPEY) Pagkapuwersang pinasok ng mga tao ni Caesar ang mga pandepensang trinsera ng kampo ni Pompey, nagulat ito. Kaagad niyang hinubad ang kanyang kasuotang heneral. Sumakay siya sa kanyang kabayo at parang sibat siyang lumabas sa likurang lagusan ng kampo. Sumunod na nag-takbuhan ang kanyang lehiyon. Nagtungo siya sa direksiyon ng bayan ng Larisa. “…Alerto at...
Imperio Romano J Caesar 14 (Dyrrhachium & Pharsalus) 08.05.2025 36:07
PART 14 DYRRHACHIUM AT PHARSALUS Pagkatapos masugpo ni Caesar lahat ang mga kaanib ni Pompey sa mga lugar na sinugod niya sa Hispania, nagpa-silangan siya para tumawid siya sa Dagat Adriatiko noong Enero ng 48 BC. Samantala, habang nangangalap ng mga karagdagang hukbo si Pompey, si Caesar ay patawid sa Adriatico subalit siya’y naudlot at naharang siya sa Gresya kasama ang pitong lehiyon ng hukbo....
Imperio Romano J Caesar 13 (Utica & Bagradas) 03.05.2025 28:09
MASSALIA AT APRIKA (UTICA AT BAGRADAS) “Samantala, habang nasa Hispania na abala sa Ilerda si Caesar, ang mga taga Massilia na noon ay kinubkob ng hukbo ni Caesar sa pamumuno nina Gaius Trebonius at Decimus Junius Brutus Albinus ay nagtipon ng kanilang mga sasakyang pangkaragatan sa otoridad ni Domitius. Naglagay siya sa mga ito ng mga mamamana, mandirigmang taga Gaul at mga desperadong Romano na...
Imperio Romano 12 JCaesar (Brundisium,Massalia & Ilerda) 30.04.2025 31:24
Part 12 Imperio Romano-Julius Caesar Labanan sa Brundisium, Massalia at Ilerda 49 BC, Marso BRUNDISIUM “Noong ika siyam ng Marso (49 BC), nakarating si Caesar sa Brundisium (siyudad ng Brindisi sa pampang ng Calabria sa Karagatang Adriatiko) na ngayon, at nalaman niya na naipadala na ni Pompey ang karamihan ng kanyang armi patawid sa Dagat Adriatiko patungong Epirus sa Gresya. Nakapagpabakwit na r...
Imperio Romano-J Caesar 11 (Rubicon) 26.04.2025 33:22
Sa nakaraan, nasugpo na ni Caesar ang boong katribuhang katutubo sa Malayong Gaul kung saan siya namalagi bilang pro konsul o gobernador ng dalawang termino magmula taong (50BC) . Nai-ayos niya na ang otoridad ng Pamunuang Roma doon at siya’y tinatawag na ng senado at pamunuang Roma at pinapabalik na siya bilang pribadong mamamayan. Pinagbibitiw na rin siyang kumandante ng hukbo ng mga lehiyon na...
Imperio Romano -J Caesar (Uxellodunum) 25.04.2025 31:53
Part 10 - Uxellodunum “Si Caesar ay nanatiling abala sa teritoryong Gaul na kanya noong hinati ng tatlong bahagi - Gallia Celtica, Gallia Belgica at Galla Aquitania. Noong dumating ang tagsibol sa taong 51 BC, sumuko na sa mga Romano ang mga katutubong Belgae. Ang pagkawasak ng. tribung ito ay nasa puntong malayo nang mangyari na maghimagsik silang muli. Subalit mayroon noong dalawang pinuno ng tr...
Imperio Romano Julius Caesar 9 (sub episode 7B) 16.04.2025 33:42
PART 9 IMPERIO ROMANO - JULIUS CAESAR (Sub episode 7B) Continued: DIGMAAN SA GAUL Walong taon magmula 58 BC hanggang taon 50 BC isinaganap ni Julius Caesar ang kampanyang panlupig sa mga katutubong tribu sa Gaul. Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC) , ang mga Suebi at mga Aedui SA BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis (57 BC), ang mga Belgae s...
Imperio Romano Julius Caesar 8 (sub episode 7A) 15.04.2025 24:33
PART 8 (Sub episode 7A) IMPERIO ROMANO JULIUS CAESAR DIGMAAN SA CARRHAE Habang abala si Caesar sa pagresolba ng mga pag-aalsa ng mga tribu sa Gaul noong TAON 53 BC, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Romano at ng Imperyo ng Partha o Arsacid na lugar na ngayon ng Iran. Ang nangyaring digmaan ay naganap sa sinaunang bayan ng CARRHA E, na lugar na ngayon ng Harran sa Turkiya. Ang nananakop na huk...
Imperio Romano Julius Caesar 7 12.04.2025 23:54
part 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul ) “ Sa nakaraan, naipakilala si Gaius Julius Caesar, isa sa pinakabantog, pinakakatangi-tanging taong nabuhay sa mundo sa sibilisasyong kanluranin; naging dakila sa pagiging pinunong stratehiko sa militar, manlulupig ng teritoryo at pinuno sa pamunuan sa kasaysayan. Isa rin siyang mahusay na manunulat at orador o mananalumpati.” “…Mabilis ang pag-angat ni Caesar d...
Imperyo Romano Jullius Caesar 6 12.04.2025 28:31
IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR PART 6 (Digmaan sa Gaul at sa Britanya) “Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga taon. …” “…Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya at siya ang nagpalaki sa kanyang tatlong anak na si Caersar at kanyang dala...
Imperio Romano -Julius Caesar Part 5 09.04.2025 27:50
IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR PART 5 59 BC Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang “rebolusyon,” simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya. Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano ay siyang nagpanimula ng mala...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.