Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Society FIL ↓ 30 episodes

Ang Sunday habit ng pamilyang Pilipino, may podcast na!

Author

Jessica Soho

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jun 24, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Mga magulang ni Rene “Bobet” Baterbonia, nagsalita na! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 24.06.2026

MGA MAGULANG NG YUMAONG ATLETANG SI RENE “BOBET” BATERBONIA, NAGSALITA NA! Sa panayam ng #KMJS, ibinahagi ng mga magulang ni Rene “Bobet” Baterbonia—isa sa mga atletang pumanaw mula sa Ateneo de Manila University—ang kanilang mga hindi nila malilimutang mga alaala ng kanilang anak. Ikinuwento rin nila kay Jessica Soho ang pagnanais nilang malaman ang buong katotohanan sa imbestigasyon. Panoorin an...

Chinese actress na gumanap bilang si Linda Walker, kilalanin! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 15.06.2026

CHINESE ACTRESS NA GUMANAP BILANG SI LINDA WALKER NA SI ZHANG YINGFEI, KILALANIN! Ang Chinese actress na si Zhang Yingfei na sumikat bilang si Linda Walker sa Chinese micro-drama na ‘The Genius Heiress’ at naging bahagi ng trending meme, nasa #KMJS na!  Ano kaya ang reaksyon niya sa kasikatan ng kanyang vertical drama sa Pilipinas? Kumusta ba siyang estudyante sa totoong buhay? Kumasa rin siya sa...

Sen. Erwin Tulfo, nagsalita sa gitna ng tinaguriang “senate wars” | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 11.06.2026

SEN. ERWIN TULFO, NAGSALITA SA GITNA NG TINAGURIANG "SENATE WARS" Habang patuloy na umiinit ang hidwaan sa liderato sa Senado, kasama na ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects, at sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara Duterte, Sen. Erwin Tulfo, ibinahagi kay Jessica Soho ang kanyang mga pananaw sa usaping ito. Ano ba ang epekto ng tensyon na ito sa man...

Mga guro, wala na raw maiuwing suweldo dahil lubog sa utang?! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 17.04.2026

MGA GURO, HALOS WALA NA RAW MAIUWING SUWELDO DAHIL SA PAGKAKALUBOG NILA SA UTANG?! BAKIT NGA BA HINDI MAKAWALA SINA MA’AM MULA SA IBA’T IBANG PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SISTEMA NG LOAN SA MGA PRIVATE LENDING COMPANIES? PAALALA: Maging disente sa pagkomento. Hindi bababa sa 50 guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Pilipinas, baon sa utang at wala na raw naiuuwing pera mula sa kani-kanilan...

Pilipinas, dapat na daw mag-develop ng sariling energy resources | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 01.04.2026

Pilipinas, dapat na daw mag-develop ng sariling energy resources | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast PILIPINAS, NAGDEKLARA NG NATIONAL STATE OF ENERGY EMERGENCY! SARILING ENERGY RESOURCES NG BANSA, DAPAT NA RAW BIGYANG-PRAYORIDAD NG GOBYERNO, AYON SA CENTER FOR ENERGY RESEARCH AND POLICY Nitong Marso 24, nagdeklara ang Pilipinas ng National State of Energy Emergency. Isa sa mga pangunahing dahilan n...

Magulang ng nasawing marine student, nakapanayam ni Jessica Soho | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 27.03.2026

MGA MAGULANG NG NASAWING MARINE STUDENT NA SI KENNETH ALCEDO, HINDI MATANGGAP ANG NANGYARI SA KANILANG ANAK. ANG KANILANG MENSAHE SA MGA SUSPEK, IBINAHAGI NILA SA #KMJS Kamakailan lamang, umugong ang balita ng pagkamatay ng isang 19-anyos na maritime student sa Cavite na si Kenneth Alcedo. Ang kanyang mga magulang, ibinahagi ang kanilang pagdadalamhati kay Jessica Soho. Ano ang kanilang mensahe pa...

Tatlong Pilipino, nagsilbi umanong espiya ng Tsina! | Kapuso Mo, Jessica Soho 27.03.2026

TATLONG PILIPINO, NAGSILBI UMANONG ESPIYA NG TSINA! Tatlong Pilipino ang nahuling umano’y espiya na nagtatrabaho para sa interes ng China. Paano nga ba sila nauwi sa pagtataksil sa sarili nilang bayan? Ang isa sa mga sangkot, nakapanayam mismo ni Jessica Soho at isiniwalat niya ang madilim na mundo ng espionage sa bansa. Panoorin ang video.

Ilang Iranian sa Pinas, hindi naniniwala sa kanilang gobyerno?! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 11.03.2026

ILANG MGA IRANIAN NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS, NAKAPANAYAM NI JESSICA SOHO! SA PANAYAM, IBINAHAGI NILA NA HINDI RAW SILA NANINIWALA SA KANILANG GOBYERNO AT SA MGA VIDEO NA INILALABAS NITO. BAKIT? Sa pagpapatuloy ng gulo sa Middle East bunsod ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran, kinumusta ni Jessica Soho ang ilang Iranians na naninirahan sa Pilipinas. Sa kanyang panayam, ibinahagi nila na hin...

Totoo bang binayaran ni Trillanes ang ICC para sa kaso ni dating Pang. Duterte? | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 03.03.2026

SONNY TRILLANES, HINARAP ANG ALEGASYON NA NAKATANGGAP DAW SIYA NG PERA MULA KAY ZALDY CO UPANG BAYARAN ANG ICC O INTERNATIONAL CRIMINAL COURT NA SIYANG MAY HAWAK SA KASO NG EXTRA-JUDICIAL KILLINGS NI DATING PANG. RODRIGO DUTERTE Sa pagsisimula ng pre-trial ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, 18 ex-marines ang umaming naging taga-deliver umano sila ni dating Rep. Z...

Ex-marines na naghatid umano ng pera kay Zaldy Co, nagsalita na! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 03.03.2026

MGA RETIRADONG MARINO, ISINIWALAT ANG KANILANG DIUMANO PAGTATRABAHO AT PAGHAHATID NG MALE-MALETANG PERA KAY DATING REP. ZALDY CO NA SIYANG ISA SA MGA SANGKOT UMANO SA KATIWALAAN SA FLOOD CONTROL PRJECTS Sa gitna ng pre-trial ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, 18 dating miyembro ng Philippine Marines ang lumapit sa media at isiniwalat ang kanilang diumano’y pagtatr...

Carla Abellana, ikinasal sa kanyang high school sweetheart | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 20.01.2026

CARLA ABELLANA, IKINASAL SA KANYANG HIGH SCHOOL SWEETHEART MATAPOS ANG 20 TAONG HINDI NILA PAGKIKIKITA. PAANO NGA BA MULING NABUHAY ANG KANILANG PAG-IIBIGAN? 20 taon na ang nakalipas nang maghiwalay ang aktres na si Carla Abellana at ang kanyang high school sweetheart. Pero nitong Disyembre, nagulat ang lahat sa balitang ikinasal si Carla kay Dr. Reginald Santos. Sa panayam ni Jessica Soho, ibinah...

Erice, bakit tinawag na ’heist’ ang unprogrammed appropriations | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 16.01.2026

CONG. EDGAR ERICE, BAKIT TINAWAG NA ‘BIGGEST, GRANDEST HEIST’ ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS SA 2026 BUDGET? Kamakailan, pinirmahan na ni Pangulong Marcos ang 6.7 trillion pesos na National Budget para sa taong 2026. Ngunit ang ilang grupo at kongresista, umalma lalo na sa usapin ng unprogrammed appropriations na inuugnay sa korapsyon at pagkaantala ng ilang proyektong magbibigay serbisyo sana sa...

Rep. Leviste, ano bang nalalaman sa ‘Cabral files’? | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 09.01.2026

CONG. LEANDRO LEVISTE, ISINIWALAT ANG KANYANG NALALAMAN TUNGKOL SA 'CABRAL FILES' AT SA MILYON-MILYONG NATATANGGAP NG MGA MAMBABATAS KADA TAON Sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, umugong ang balita na mayroon siyang hawak umanong mga sensitibong impormasyong patungkol sa mga kumita sa flood control projects. Sa panayam ni Jessica Soho kay Batangas 1st District na si C...

DOH Sec. Herbosa, nagpaliwanag sa 400 health center na 'di napapakinabangan | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 24.11.2025

DOH SECRETARY TEODORO "TED" HERBOSA, SINAGOT ANG ISYU PATUNGKOL SA 400 OUT OF 600 HEALTH CENTERS NA HINDI UMANO NAPAPAKINABANGAN Kamakailan, naging usap-usapan ang tungkol sa mga ipinatayong 400 out of 600 health centers na hindi umano napapakinabangan. Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi ng Department of Health (DOH) Secretary na si Dr. Teodoro "Ted" Herbosa ang kanyang mga...

PH Healthcare system, nasa ICU na ayon kay Dr. Tony Leachon | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 18.11.2025

HEALTHCARE SYSTEM SA PILIPINAS, NASA ICU NA AT MALAPIT NANG MAMATAY, AYON KAY DR. TONY LEACHON. MAHIGIT P130 BILLION NA PARA SA HEALTHCARE SYSTEM NG MGA PILIPINO, KINUHA RAW NG GOBYERNO?! Ang Internist at Cardiologist na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, kilala sa pagiging kritikal at matapang na tagapagsulong ng reporma sa sistemang pangkalusugan ng ating bansa. Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho,...

Ang mapapait na karanasan ni Eman Pacquiao bago pasukin ang boxing | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 10.11.2025

ANAK NG PEOPLE’S CHAMP AT DATING SENADOR MANNY PACQUIAO NA SI EMAN PACQUIAO, IKINUWENTO ANG ILANG MAPAPAIT NA KARANASAN NG KANYANG KABATAAN BAGO PASUKIN ANG LARANGAN NG BOXING Ang bagong mukha ng boxing at anak ng ‘People’s Champ’ Manny Pacquiao na si Eman Pacquiao, nakapanayam ni Jessica Soho. Dito, ibinahagi niya ang ilang mapapait na karanasan sa kanyang buhay bago sumalang sa industriya ng box...

Kuya Kim, emosyonal na ibinahagi ang mga alaala ni Emman Atienza | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 03.11.2025

KUYA KIM, EMOSYONAL NA IBINAHAGI ANG MGA ALAALA NG YUMAONG ANAK NA SI EMMAN Nitong Oct. 24, marami ang nagulat nang ianunsyo ni Kuya Kim Atienza at ng kanyang asawa na si Felicia ang pagpanaw ng kanilang bunsong anak na si Emman. Sa pag-uwi ng mga abo ni Emman sa Pilipinas, nakapanayam ni Jessica Soho si Kuya Kim. Emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya at maging ang masas...

Father Eugene, ibinahagi ang ilang nakakakilabot niyang karanasan sa exorcism | Kapuso Mo, Jessica Soho 27.10.2025

FATHER EUGENE, IBINAHAGI ANG ILANG MGA NAKAKAKILABOT NA DIUMANO'Y PAGSAPI NG DEMONYO SA ISA SA MGA MAGKAKAIBIGANG NAGLARO RAW NG SPIRIT OF THE GLASS! Si Father Eugene David na isa sa mga exorcist ng Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, nakapanayam ni Jessica Soho para sa #KMJSMulto. Sa panayam, ibinahagi niya ang ilan niyang nakakakilabot na mga karanasan sa pagsagawa ng...

Ate Gay, mas naniniwala na may himala dahil sa pag-impis ng bukol | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 23.10.2025

KOMEDYANTENG SI ATE GAY, MAS NANINIWALA NA RAW NGAYON NA MAYROONG HIMALA DAHIL SA PAG-IMPIS NG KANYANG BUKOL SA LEEG NA DULOT NG STAGE 4 CANCER Ang komedyanteng si Ate Gay, ibinahagi kamakailan na mayroon siyang stage 4 cancer. Sa kanyang pagbahagi ng kuwento sa #KMJS, napakaraming anghel raw ang tumulong sa kanya upang malabanan niya ang kanyang sakit. Katunayan, ang 10cm na bukol sa kanyang leeg...

Diokno reveals where unprogrammed appropriations may be going | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 20.10.2025

AKBAYAN REPRESENTATIVE CHEL DIOKNO, ISINIWALAT KUNG SAAN POSIBLENG NAPUPUNTA ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS FUND Aprubado na ng Kamara ang 6.7 trilyong pisong panukalang 2026 National Budget. 287 ang bumoto na sumang-ayon sa panukalang ito habang 12 ang bumotong ‘no,’ kanilang na si Akbayan Rep. Chel Diokno. Ang isa sa sinabi niyang dahilan ay ang 243 billion na halagang inilaan para sa unprogram...

Honasan, bakit sinabi na nakadikit na sa ating kultura ang korapsyon? | Kapuso Mo, Jessica Soho 13.10.2025

DATING SEN. GRINGO HONASAN, NA MINSAN NANG SINUBUKANG PABAGSAKIN ANG GOBYERNO, BAKIT SINABI NA NAKADIKIT NA SA ATING KULTURA AT SISTEMA ANG KORAPSYON? Sa idinaos na kilos-protesta nitong Setyembre, may ilang mga retiradong heneral at opisyal ng Armed Forces of the Philippines na diumano’y kaalyado ng mga Duterte ang nanghimok sa Chief of Staff ng AFP na mag-withdraw ng suporta sa administrasyon. A...

Lacson, ibinunyag ang isyu sa ‘congtractors’ at anomalya sa budget | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 06.10.2025

SEN. PING LACSON, IBINUNYAG ANG NALALAMAN TUNGKOL SA ‘CONGTRACTORS’ AT MAANOMALYANG INSERTIONS SA BUDGET Bago nagbitiw sa pwesto bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nakapanayam ni Jessica Soho si Sen. Ping Lacson. Ang mga nalalaman ni Lacson kaugnay ng insertions sa maanomalyang infrastructure projects, kanyang isiniwalat! May nalalaman din nga ba si Pang. Bongbong Marcos sa mga inser...

Dizon, nagsisisi ba na naging DPWH Sec; Magalong, bakit nagbitiw? | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 29.09.2025

VINCE DIZON, NAGSISISI BA NA NAGING KALIHIM NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS? MAYOR BENJIE MAGALONG, BAKIT NAGBITIW BILANG SPECIAL ADVISER NG ICI O INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTURE DPWH SEC. VINCE DIZON, BAGUIO CITY MAYOR BENJIE MAGALONG, SINAGOT ANG MGA ALEGASYON TUNGKOL SA KANILA  Nakapanayam ni Jessica Soho si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bago siya nagbitiw sa puwesto...

Cong. Kiko Barzaga, sinagot ang mga paratang ng ilang mambabatas | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 22.09.2025

CONG. KIKO BARZAGA, SINAGOT ANG ILANG PARATANG SA KANYA NG ILANG MAMBABATAS Ang Cavite’s 4th District Representative na si Cong. Kiko Barzaga, nakapanayam ni Jessica Soho. Sa kanyang full interview, sinagot niya ang ilang paratang sa kanya na pagiging isang nepo baby at hindi siya mentally fit na maging isang mambabatas. Isa si Cong. Kiko Barzaga sa mga mambabatas na kabilang sa henerasyong Gen Z....

Mayor Vico Sotto, ipinahayag ang saloobin sa isyu ng korapsyon | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 15.09.2025

MAYOR VICO SOTTO, IPINAHAYAG ANG KANYANG SALOOBIN SA MAG-ASAWANG DISCAYA AT SA ISYU NG DIUMANO KORAPSYON SA GOBYERNO Si Mayor Vico Sotto, nakapanayam ni Jessica Soho. Ipinahayag niya ang kanyang mga saloobin patungkol sa mga isyu ng mga Discaya at ang mga alegasyon ng korupsyong kinasasangkutan ng mga ito, May pag-asa pa nga ba tayong makaahon sa korapsyon? Ang FULL INTERVIEW ni Mayor Vico Sotto p...

Listen to the Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.