Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Society FIL ↓ 83 Folgen

Ang Sunday habit ng pamilyang Pilipino, may podcast na!

Besuch unbedingt die Website des Podcasts und unterstütze die Macher: www.gmanetwork.com

Autor

Jessica Soho

Kategorie

Society

Podcast-Website

www.gmanetwork.com

Neueste Folge

30. Sep 2026

Wo hören?

Podcasts in der App Replaio Radio Bald verfügbar

Podcasts kommen bald in die App. Installiere sie jetzt und erlebe als Erster einen ganz neuen Blick auf Podcasts

Bei Google Play herunterladen Kostenlos installieren Android fast 10 Mio. Downloads · Bewertung 4,8 iOS bald

Folgen

Rochelle Pangilinan, naiyak nang ikuwento ang mga aksidente sa SexBomb reunion concert | i-Listen 30.09.2026

Isa marahil sa pinakahihintay ng bawat batang pinalaki ng SexBomb Girls ay ang kanilang five-day reunion concert na nagsimula noong December 2025 hanggang nitong February 2026. Pero ang hindi alam ng nakararami, sa likod ng bawat sold out night ng five-day reunion concert ay katakot-takot na mga aksidente onstage at backstage! Ang ilan sa mga hindi makakalimutan na sorpresa noong ‘Get Get Aww Rawn...

Pokwang, hindi makauwi ng bansa nang pumanaw ang anak na may brain tumor | i-Listen 23.09.2026

Bago makilala bilang komedyante at aktres si Marietta Subong o “Pokwang,” naging OFW muna siya sa iba’t ibang bansa bilang entertainer. Nagtatrabaho siya sa Abu Dhabi nang malaman na may brain tumor ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng anak ni Pokwang ang operasyon at pumanaw. Dahil sa laki ng gastusin ay hindi nagawa ni Pokwang na umuwi para sa libing nito. Ang hugot sa bawat pag...

Sassa Gurl, proud anak ng kasambahay; niregulahan ng sariling bahay ang ina! | i-Listen 09.09.2026

Nakilala ang content creator na si Sassa Gurl dahil sa kanyang nakatutuwang videos o kung tawagin ng karamihan ay ‘kanal humor.’ Pero bukod sa pagiging ‘Mima ng Bayan’ sa kanyang mga naka-naka, isa ring proud nakshie si Sassa Gurl! Ang kanyang ina kasi, naitaguyod ang kanyang pag-aaral mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Babaeng nakikipaglaban sa Parkinson's Disease, isa nang author at motivational speaker | i-Listen 02.09.2026

20-anyos si Marites Valencia Odarbe nang ma-diagnose ng Parkinson's Disease. Nakakaranas si Marites ng matinding tremors o paggalaw sa kanyang kamay at paa, pagkaputol-putol ng pananalita at minsa'y paninigas ng kalamnan. Pero sa kabila ng kondisyon niya, isa nang book author at motivational speaker si Marites upang magsilbing boses ng mga taong may kaparehas na pinagdadaanan. Pakinggan ang matapa...

TJ Monterde, nakipagsapalaran sa Maynila dala ang gitara at notebook mula Cagayan de Oro | i-Listen 26.08.2026

Mula Cagayan de Oro, dala ang kanyang gitara, notebook at lakas ng loob, nakipagsapalaran ang singer-songwriter na si TJ Monterde sa Maynila. Kasama ang kanyang matalik na kaibigan, churchmate at kalaunan ay naging longtime guitarist niyang si Makoy Portado, sa isang maliit na apartment sa Mandaluyong ay nagsimula silang mangarap na marinig ng marami ang kanilang musika. Ang kuwento sa likod ng mu...

Bianca Umali, naulila sa magulang sa edad na 10; living independently na sa edad na 16?! | i-Listen 19.08.2026

Limang taong gulang si Bianca Umali nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer at 10 taong gulang naman siya nang mamatay ang ama sa heart attack. Kaya naman ang nagsilbing magulang ni Bianca… ang kanyang Lola Vicky! Pero sa edad na 16, bakit nga ba pinili ni Bianca na humiwalay na sa kanyang lola at maging independent? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See ac...

Binata, pinanganak at lumaki sa kulungan dahil nakapiit ang nanay at lola | i-Listen 13.08.2026

Sa kulungan ipinanganak at lumaki si Paul Gangcuangco Pili dahil nakapiit sa Women’s Correctional ang kanyang Nanay Aleth at Lola Naty. Ano nga ba ang buhay ng isang batang lumaki sa loob ng kulungan, malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at napaliligiran ng mga PDL o person deprived of liberty at ng mga jail guard? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privac...

Gloc-9, pinagbawalan kantahin ang 'Upuan' sa ilang shows at events?! | i-Listen 05.08.2026

Magsasalita na ang paborito nating makata at wala siyang apelyido! Filipino rap legend Gloc-9, ibinahagi kay Kara David ang kuwento sa likod sa ilang obra niyang kanta. Hit song na ‘Upuan,’ minsan daw na pinagbawalang kantahin ni Gloc-9 sa ilang shows at events?! Pakinggan ‘yan sa “i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

‘The Master Cutter’ star Shuvee Etrata, naging emosyonal kay Kara David?! (Full Episode) | i-Listen 31.07.2026

Sa likod ng malalakas na tawa at mga banat, isang kuwento ng sakripisyo at patuloy na paghilom ang ibabahagi ng Island Ate ng Cebu at #TheMasterCutter star na si Shuvee Etrata. Si Shuvee, emosyonal na ibinahagi ang kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pamilya. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Piolo Pascual, nag-akyat-bahay sa sariling bahay dahil sa kasambahay na si Moi Bien?! | i-Listen 22.07.2026

Bago makilala bilang aktres sa iba’t ibang pelikula at teleserye, nagsimula si Moi Bien bilang kasambahay ni Piolo Pascual kung saan halos dalawang dekada siyang namasukan. Ang hunk actor, minsan daw naging akyat-bahay sa sarili nitong tahanan nang makatulog si Moi! At ang naging daan para pasukin ni Moi ang pag-arte… dahil daw sa pamimilit nina Papa P at Direk Joyce Bernal?! Pakinggan ‘yan sa ‘i-...

Ice Seguerra, dumaan sa iba't ibang transitions sa buhay kabilang na ang pagpanaw ng ina | i-Listen 15.07.2026

Mula sa pagiging child star sa edad na tatlo, singer-songwriter at ngayo'y direktor, marami nang 'transition' sa buhay ang pinagdaanan si Ice Seguerra. Pero isa sa pinaka naging maingay na balitan tungkol sa pagbabago sa buhay niya ay nang siya'y maging isang transman. Kailan nga ba napagtanto ni Ice na bahagi siya ng queer community? At paano nga ba ito tinanggap ng kanyang magula...

Mimiyuuuh, dating pinapalayas sa inuupahan, ngayo’y may sarili nang bahay at kotse! | i-Listen 08.07.2026

IT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE! Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events. Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse! Pakinggan 'yan sa 'i-Lis...

Batang sinaksak sa Navotas, pumanaw na matapos ang 41 araw na pakikipaglaban sa ospital | i-Listen 01.07.2026

 Babala. Sensitibo ang paksa. Nitong March 31 ay nagpaalam na maglalaro ang 5-anyos na si Francis Muleta sa kanyang magulang. Pero makalipas ang ilang oras, nakauwi na ang mga kalaro ni Francis pero hindi pa rin makita ang bata. Nang matagpuan si Francis ay puno na ito ng dugo, may mga saksak sa tiyan at gilit sa leeg. Matapos ang halos 41 araw na makikipaglaban sa ospital ay pumanaw rin si Franci...

Batang nagnakaw ng itlog, nakulong; lalaki, nanirahan sa kalye nang bigong magkatrabaho | i-Listen 26.06.2026

Matapos ma-massacre ang kanyang pamilya ay nagpalit-lipat ng probinsya sa murang edad si Nestor Quilat at natutong magnakaw para lamang may pambili ng pagkain. Dahil wala pang juvenille justice act noon ay nakulong si Nestor sa kabila ng kanyang murang edad. Samantala, nanirahan naman sa kalye ng Maynila si George Busa nang bigo siyang makahanap ng trabaho. Naranasan din daw niyang maglakad ng hal...

Mga magulang ni Rene “Bobet” Baterbonia, nagsalita na! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 24.06.2026

MGA MAGULANG NG YUMAONG ATLETANG SI RENE “BOBET” BATERBONIA, NAGSALITA NA! Sa panayam ng #KMJS, ibinahagi ng mga magulang ni Rene “Bobet” Baterbonia—isa sa mga atletang pumanaw mula sa Ateneo de Manila University—ang kanilang mga hindi nila malilimutang mga alaala ng kanilang anak. Ikinuwento rin nila kay Jessica Soho ang pagnanais nilang malaman ang buong katotohanan sa imbestigasyon. Panoorin an...

BJ Forbes aka Tolits, pinalayas sa sariling bahay na naipundar niya mula sa pag-aartista | i-Listen 17.06.2026

Hindi man nanalo bilang grand winner sa ‘That’s My Boy’ contest ng Eat Bulaga noong 2003, nagsilbing pintuan ito para kay BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits para makapasok sa mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing at pagiging bibo ay iba’t ibang proyekto ang nabigay kay Tolits. Pero nang tumumal ang mga proyekto, lumipat sa alternative learning system (ALS) mula sa pagiging home school si Tol...

Chinese actress na gumanap bilang si Linda Walker, kilalanin! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 15.06.2026

CHINESE ACTRESS NA GUMANAP BILANG SI LINDA WALKER NA SI ZHANG YINGFEI, KILALANIN! Ang Chinese actress na si Zhang Yingfei na sumikat bilang si Linda Walker sa Chinese micro-drama na ‘The Genius Heiress’ at naging bahagi ng trending meme, nasa #KMJS na!  Ano kaya ang reaksyon niya sa kasikatan ng kanyang vertical drama sa Pilipinas? Kumusta ba siyang estudyante sa totoong buhay? Kumasa rin siya sa...

Sen. Erwin Tulfo, nagsalita sa gitna ng tinaguriang “senate wars” | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 11.06.2026

SEN. ERWIN TULFO, NAGSALITA SA GITNA NG TINAGURIANG "SENATE WARS" Habang patuloy na umiinit ang hidwaan sa liderato sa Senado, kasama na ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects, at sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara Duterte, Sen. Erwin Tulfo, ibinahagi kay Jessica Soho ang kanyang mga pananaw sa usaping ito. Ano ba ang epekto ng tensyon na ito sa man...

Macoy Dubs, binu-bully noon sa klase dahil sa pagiging beki?! | i-Listen 10.06.2026

Bata pa lang daw si Mark Averilla o mas kilala bilang Macoy Dubs nang malaman niyang bahagi siya ng LGBT community. Dahil daw rito, naging tampulan siya ng tukso. Kinakailangan pa raw magpanggap ni Macoy na nahimatay sa classroom para lang makalabas na sa klase! Paano nga ba sinabi ni Macoy Dubs sa kanyang pamilya ang pagiging bahagi ng queer community?  Hosted on Acast. See acast.com/privacy for...

Lone survivor ng road crash, pinatawad ang driver na nakapatay sa kanyang mag-ina | i-Listen 03.06.2026

Marso noong nakaraang taon nang maging laman ng balita ang pag-araro ng isang bus sa ilang sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng 10 katao. Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Jerry Tuazon. At si Jerry ang nag-iisang survivor mula sa van na naipit ng nasabing bus. Sa kabila ng trahedyang ito, paano nga ba napatawid ni Jerry ang driver ng bus at nakabangon mula sa bangun...

Matet, naiyak habang nagla-live selling dahil sa isang komento tungkol kay Nora Aunor | i-Listen 27.05.2026

Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/pri...

Ozone Disco Tragedy, wala pa rin daw napapanagot makalipas ang 30 taon | i-Listen 20.05.2026

Paalala. Sensitibo ang paksa. March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahe...

Daisy Reyes, nagtrabaho sa Japan sa edad na 16?! | i-Listen 15.05.2026

Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant. Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Host...

Rochelle Barrameda, inalala ang kapatid na sinemento sa drum at itinapon sa dagat | i-Listen 08.05.2026

Paalala. Sensitibo ang paksa. Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose. Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pag...

Ashley Rivera aka Petra Mahalimuyak, nananatiling happy pill ng kanyang inang may cancer | i-Listen 29.04.2026

Nitong Abril,  ibinahagi ng  online ng actress-comedienne na si Ashley Rivera ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa lung cancer. Sa pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya napigilang maging emosyonal nang pag-usapan ang pinagdadaanan ng kanyang nanay na itinuturing niyang ‘sunshine’ at best friend. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’  Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more in...

Höre den Podcast Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast in Replaio

Radio und Podcasts in einer App - kostenlos und ohne Anmeldung. Installiere sie noch heute und verpasse den Start nicht

Bei Google Play herunterladen

Replaio ist kein Herausgeber von Podcasts; die Namen der Sendungen, Cover und Audioinhalte gehören ihren Autoren und werden über öffentliche RSS-Feeds verbreitet