Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 274: "Best Ex Ever" 30.05.2022 1:03:18
Sabi nila you can't be friends with your ex, pero para sa iba mas mabuti nang maging kaibigan ang taong dati mong minahal kaysa hayaan siyang mawala at tuluyang lumayo sa buhay mo. Immature pa sina Kisses at Reese nang simulan nila ang kanilang relasyon, kaya hindi nagtagal ay naghiwalay rin sila. Ngunit kahit na ganun ay hindi nito napigilan ang paglago ng kanilang friendship na maituturing na "t...
Episode 273: "Dalagang Ina" 23.05.2022 55:43
Bago pa isilang si Shane ay binawian na ng buhay ang kanyang ama. Kaya lumaki siyang sinasalo ang lahat ng galit at init ng ulo ng kanyang ina na naiwan mag-isa para buhayin siya. Kaya nang maagang mabuntis si Shane ng kanyang nobyo, natakot siyang ipagpatuloy ito dahil sa tingin niya ay hindi niya kayang maging isang mabuting ina para sa magiging anak nila. Pakinggan ang kwento ni Shane...
Episode 272: "Abot" 16.05.2022 53:04
Marami nang naging karelasyon si Epoy at lahat ng iyun ay nag-fail. Kaya nang makilala niya si Maricar, ginawa niya ang lahat para mapanatili kung anong meron sila kahit pa kabit lang siya. Nalaman ng buong opisina ang kataksilan nila at pareho sila nawalan ng trabaho. Hindi man afford ni Epoy ang maluhong buhay ni Maricar, ibibigay niya ang lahat para lang sa pinakamamahal niya. Pa...
Episode 271: "Star-Crossed Lovers" 09.05.2022 1:03:40
Nasira man ang pamilyang akala ni Gwen ay perpekto na, nakatagpo naman siya ng lalaking magmamahal at susuporta sa kanya. Kaso nga lang hindi pabor dito ang kanyang ama. Anong dahilan? Hindi rin alam ni Gwen at tila hirap na hirap ang papa niyang magpaliwanag. Iniwan na nga sila ng kanyang mama, pati ang lalaking minahal niya ay pilit na nilalayo ng kanyang ama. Pakinggan ang kwento ni&n...
Episode 270: "Pinakawalan" 02.05.2022 1:04:46
Dahil sa hirap ng buhay, pagtatrabaho sa abroad ang nakitang paraan ni Mimz para kumita nang mas malaking pera. Ito ay isang desisyon na matagal niyang iniwasan dahil ayaw niyang iwan ang kanyang pamilya at ang lalaki unang nagpatibok ng puso niya. Gusto ni Mimz na hintayin siya ni Renz pero tingin niya ay unfair iyun sa binata. Pakinggan ang kwento ni Mimz sa Barangay Love Stories.
Episode 269: "Battered Husband" 25.04.2022 50:21
Hindi mawawala ang away sa isang relasyon. Pero kung may kasama na itong sakitan, ibang usapan na iyun. Mahaba-haba rin ang panahon na hinintay ni Enrico para maging sila ni Wena. At dahil na rin sa wagas at tunay niyang pag-ibig para sa kanyang misis, hindi talaga siya bumitaw kahit pa mas naging malala ang pananakit nito sa kanya nang mawala ang first baby sana nila. Pakinggan ang kwento ni ...
Episode 268: "Third Party" 18.04.2022 39:39
Nasa kutson na, lumipat pa sa papag. Imbes na makipaghiwalay, nakipag-cool off lang muna si Oliver sa gf niyang si Kim. Diniretso niya na lang sana sa hiwalayan kung magtataksil lang din pala siya. Sa huli, nagmakaawa siya kay Kim na makipagbalikan muli. Tatanggapin ulit ni Kim si Oliver pero there's a catch. Pakinggan ang kwento ni Oliver sa Barangay Love Stories.
Episode 267: "Nalilitong Puso" 11.04.2022 54:48
First love ni Anne si Jeff, first relationship din. Pero kahit na gaano nila kagusto ang isa't-isa dahil hindi buo ang loob nila na ipaglaban at panatilihin ang pag-ibig na meron sila, nauwi rin ito sa hiwalayan. Sa muling pagsisimula ni Anne, babalik ulit si Jeff pero si Anne may bago nang karelasyon at hindi siya masaya, kaya tatanggapin niyang muli si Jeff. Pakinggan ang kwento ni Anne sa Baran...
Episode 266: "Love Scam" 04.04.2022 57:09
"Kung sino pa ang seryoso, sila pa ang madalas maloko." Ganyan ang love life ni Cyrus, kung kailan handa na siyang magpakasal ay saka naman siya iniwan ng dalawang babaeng pumasok sa kanyang buhay. Pero may mas masakit na katotohanan pa pala siyang mararanasan na dala rin ng dalawang babaeng ito. Pakinggan ang kwento ni Cyrus sa Barangay Love Stories.
Episode 265: "Placeholder GF" 28.03.2022 55:33
Maraming tao ang matalino pero pagdating sa pag-ibig, nagiging tanga. Walang ibang ginusto si Kate kun'di ang mahalin pabalik ng taong gusto niya. Pero kahit anong pag-aalaga at pagmamahal ang ipakita niya ay hindi talaga siya magawang seryosohin ni Joe. Ang mas masakit pa, okay lang kay Kate ang ganung set-up nila. Pakinggan ang kwento ni Kate sa Barangay Love Stories.
Episode 264: "Single Mother" 21.03.2022 1:02:42
Matapos mamatay ang asawa ni Miranda ay mag-isa niyang pinalaki ang apat nilang anak. Hindi naging madali ang buhay nila lalo pa't nagpatong-patong ang mga problema na kailangan niyang harapin. Hanggang sa tuluyan ngang nabawasan ang panahon niya para gabayan ang kanyang mga anak. Pakinggan ang kwento ni Miranda sa Barangay Love Stories.
Episode 263: "Pulang Bestida" 14.03.2022 1:06:32
Laging magkasama si Amy at ang kanyang lola tuwing bakasyon. Pero simula nang magkatrabaho si Amy, halos hindi na niya mabigyan ng oras ang tumatanda niyang lola. Ikaw, kailan mo huling dinalaw ang mga mahal mo? Pakinggan ang kwento ni Amy sa Barangay Love Stories.
Episode 262: "Nagbabalik" 07.03.2022 51:58
Dahil likas na matulungin ang ama ni Alek, buong akala niya ay normal lang na patuluyin ni tatay niya ang ex-girlfriend nito sa kanilang bahay. Pero ang dapat tatlong araw lang na pakikituloy nito ay naging isang linggo, hanggang sa umabot na nga ng buwan. Ano ang plano ng dating kasintahan ng tatay nila na para bang nanay na kung umasta sa kanilang tahanan? Pakinggan ang kwento ni Alek...
Episode 261: "Hopeless Romantic" 28.02.2022 1:07:20
Sa panahon ng pandemya, ang paghahanap ng pag-ibig online ay mas naging patok. Kaya kahit na-ghost na si Miko ng kanyang online gf, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makahanap ng bagong love life online. Pero si Celine na naging chatmate ni Miko, ayaw raw muna ng label. Mahihintay ba nila ang isa't-isa? Pakinggan ang kwento ni Miko sa Barangay Love Stories.
Episode 260: "Noche Buena" 21.02.2022 1:14:41
Pangarap ni Teng na makawala sa kahirapan at sigurado siya na sa Maynila niya iyun matatagpuan. Kaya kahit ilang ulit siyang pinigilan ng kanyang mga magulang, lumuwas pa rin papuntang Maynila si Teng kasama ang kasintahang si Rose baon ang kanilang munting naipon at malaking pangarap. Pakinggan ang kwento ni Teng sa Barangay Love Stories.
Episode 259: "Tadhana" 14.02.2022 1:00:38
Matagal nang kilala ni Erik ang babaeng kanyang papakasalan, si Leonor. Kaya nang bawian ito ng buhay, hindi siya magawang pakawalan ni Erik. Pero sabi nga ni Sofia na nakaranas ng parehong pangyayari, hindi mo kailangang palayain ang taong mahal mo kapag nawala siya sa iyo, sarili mo ang dapat mong palayain sa lungkot, sakit, at lumbay nang sa gayon ay matuto ka kung paano maging masaya ulit...
Episode 258: "Homewrecker" 07.02.2022 1:01:59
"Lumaki ako na walang tatay at sira ang pamilya. Kaya naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay deserve na maging masaya kasama ang mga magulang nila" - Ganyan ang pag-iisip ni Eunice kaya naman wala siyang preno sa pakikipagrelasyon lalo na kung pamilyado na ang lalaki. Pero kakayanin niya kaya ang kabayaran sa paglalaro niya ng apoy? Pakinggan ang kwento ni Eunice sa Barangay Love Storie...
Episode 257: "Probinsiya" 31.01.2022 1:02:31
Nang mawala ang daddy ni Dimple, walang ibang choice ang kanyang mommy kun'di ang dumoble-kayod para sa kanilang pamilya. Kahit na mahirap at malalayo sila sa isa't-isa, pumayag magtrabaho sa ibang bansa ang kanyang mommy, kaya iniuwi niya sa probinsya si Dimple para iwan ito kay Mamang. Hindi man naging madali ang simula ng buhay probinsya ni Dimple kasama ang kanyang lola, ito naman ang isa sa p...
Episode 256: "ImpakTITA" 24.01.2022 28:20
Marami siguro ang mayroong kamag-anak na mahilig makialam sa buhay ng iba katulad na lamang ng tita ni Dana. Halos lahat na lang sa buhay niya ay ginagawang isyu ng kanyang tita, simula sa kanyang trabaho, love life, social media posts, pati na rin ang kanyang timbang. Buti na lang suportado pa rin si Dana ng kanyang mama. Pakinggan ang kwento ni Dana sa Barangay Love Stories.
Episode 255: "Sacrifice" 18.01.2022 41:51
Mahirap mawalan ng magulang lalo na kung ikaw ang dahilan kung bakit sila napahamak. Aminado si Maris na lumaki siyang spoiled at daddy's girl. Dahil din sa ugali niyang ito kaya nakatagpo ng panganib ang kanyang daddy. Walang araw na lumipas na hindi siya nagsisisi sa kanyang nagawa. Ngunit may isang tao na mas malaki ang galit sa kanya, ang kanyang mommy. Pakinggan ang kwento ni Maris sa Ba...
Episode 254: "Babawiin" 10.01.2022 1:00:57
Bata pa lamang si Yana ay alam na niya na isa siyang ampon. Ngunit kahit na ganon ay hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya ng kanyang nanay Elena. At sa pagbabalik nga ng totoong ina ni Yana, kahit ayaw niyang sumama sa inang nagluwal sa kanya, pinilit siya ng kanyang nanay Elena para mabigyan sila ng chance na makilala ang isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Yana sa...
Episode 253: "Tahanan" 27.12.2021 54:33
Nang biglang umuwi ang papa ni Geraldine galing abroad, hindi niya alam ang gagawin niya sa tuwang kanyang nadarama. Pero ang permanenteng pag-uwi pala nito ay dahil nakonsensya siya sa kasalanang nagawa niya sa kanyang mag-ina habang nagtatrabaho siya sa malayo. Mahirap magpatawad at lalong mas mahirap para kay Geraldine na makitang mawasak ang munting pamilyang kanyang iniingatan at inaasam-asam...
Episode 252: "Mapusok" 20.12.2021 59:25
Matagal nang gusto ng NBSB na si Vina na magkaroon ng boyfriend. Kaya nang mapansin siya ng kanyang crush na si Justin, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at siya na ang nanligaw. Ngunit hindi dito pabor ang kanyang pinsan/bff na si Althea dahil sa usap-usapang manyak at chickboy daw si Justin. Sa kabila nito, walang nakapigil kay Vina na habulin ang akala niyang 'the one' para sa kanya. Hanggang s...
Episode 251: "Pinagkatiwala" 13.12.2021 58:48
Simula nang bumaba ang grades ni Jackie sa school, akala ng kanyang mommy ay kailangan niya ng gabay ng isang ama. Kaya naman inilapit niya si Jackie kay Brother Kelvin, ang Pastor ng kanilang simbahan, sa pag-aakalang matutulungan nito ang dalaga. Paano kung ipagkatiwala ka ng iyong ina sa taong may balak pala na masama sa iyo? Pakinggan ang kwento ni Jackie sa Barangay Love Stories.
Episode 250: "Pag-Asa" 08.12.2021 1:06:26
Wala nang hihigit pa sa pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya, ganyan ang nasa isip ni Hannah. Kaya nang mawala ang kanyang mama, malaki ang naging epekto nito sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang ama. Hanggang sa magkawatak-watak na nga sila nang ibahay ng kanyang ama ang bago nitong girlfriend. Nang bumukod si Hannah, akala niya doon na magtatapos ang masasakit na pangyayari sa buhay n...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.