Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 249: "Scandal" 07.12.2021 56:46
Masarap magmamahal ngunit kapag ikaw ay nasakal, matuto kang bumitaw. Pero sa pagbitaw ni Aya, banta ang inabot niya kay Jed. Noong una, ayaw pa ni Aya na mawala si Jed sa kanya kaya pumayag siyang isuko sa binata ang kanyang pagkababae. At makalipas ang ilang buwan, napilit ulit si Aya na i-video ni Jed ang ginagawa nila sa pag-aakalang mananatiling pribado ang mga videos na iyun. At nang ma...
Episode 248: "Akasya" 29.11.2021 1:08:46
May pag-ibig talaga na kahit gaano katotoo at kasigurado ay hindi mo mailalaban. Ganyan ang pag-ibig ni Amelia at Roger. Dahil bata pa sila nang panahong sila ay nagkakilala at nag-ibigan, hinadlangan ito ng mga magulang ni Roger dahil ayaw nilang isang katulong ang makatuluyan ng kanilang anak. Handa man lumaban si Roger para kay Amelia, mukhang sila ang ayaw ipaglaban ng tadhana. Hanggang kailan...
Episode 247: "Sadya" 22.11.2021 55:28
Tama bang sa iba mo iganti ang galit mo para sa isang tao? Dahil sa kanyang ama, walang masayang alaala si Bela sa kanyang pagkabata. Ito rin ang rason kaya nagkaroon siya ng galit sa mga lalaki. Lahat ng karelasyon ni Bela ay hindi niya sineryoso, pati ang sarili niya ay hindi niya na rin natutunang pahalagahan. Plano niyang magdala ng sakit ng ulo sa tatay niyang ayaw siyang pakawalan. Ngunit it...
Episode 246: "Pagsuko" 15.11.2021 1:00:58
Paano ka magmamahal nang tama kung wala nitong nagturo sa iyo? Dahil bunga si April ng pananamantala, hindi siya binigyan nang lubos na pagmamahal ng kanyang mama. Nang makaipon nang kaunti, tumakas siya sa mental abuse ng kanyang ina pero pisikal na pang-aabuso naman ang inabot niya sa relasyon na kanyang napasukan. Buong buhay ni April gusto niya lang mahalin at magmahal pero mukhang hirap ...
Episode 245: "Abandonado" (Halloween Special 2021) 08.11.2021 1:14:47
Respeto. Ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan nating ibigay hindi lang sa mga tao kun'di pati sa lahat ng nakapaligid sa atin. Hindi lang daw tayo ang nakatira sa mundong ito, mayroon ding hindi nakikita ng ating mga mata. Sa ngalan ng views, itong mga nilalang na ito ang gustong ma-document ni JD para sa kanyang vlogs. At dahil sa biglang paggambala ng grupo ni JD sa isang aban...
Episode 244: "Purpose" 01.11.2021 1:03:26
Mahirap daw magkaroon ng maayos na kinabukasan ang isang tao na may masaklap at bayolenteng nakaraan. Ganyan ang kabataan ni Jake. Pero sa kabila ng madilim na parte ng buhay niyang iyun, nagdala ng liwanag si Giselle. Si Giselle ang unang tao na nagtiwala at naniwala sa kanya kaya na-inspire si Jake na magbago. Sa kanilang pagsasama naramdaman niya ang tunay at lubos na kasiyahan. Lumipas ang pan...
Episode 243: "Bayad Utang" 25.10.2021 48:08
Dahil sa hirap ng buhay, napilitan si Rachel at ang kanyang nanay na makipagsapalaran sa Maynila. Ngunit nang unti-unti na sana silang nakakaraos sa buhay ay bigla namang nawalan ng trabaho si Rachel dahil sa pandemya. Buti na lang at mabait ang landlord nilang si Mang Simon. Bilang pagsunod sa batas, hindi muna ito naningil ng upa sa kanyang mga tenants kaya gayon na lang ang pasasalamat nila. Pe...
Episode 242: "Kalaro" 18.10.2021 1:07:40
Ang mga bata ay parang blank canvas kung saan ang pintor ang bubuo ng mga linya, hugis, at kulay na gusto niya sa painting niya. Katulad ng pintor ay ganito rin ang trabaho ng matatanda na dapat gumagabay sa paglaki ng mga bata. Pitong taon pa lamang si Elias nang una siyang yayain ng kanyang ninang Loren na 'maglaro'. Hindi niya maintindihan sa una pero nagustuhan niya naman ito kaya tinuloy ...
Episode 241: "Buntis" 11.10.2021 58:26
Hindi madaling limutin ang pag-ibig na buong akala mo ay totoo na. Kaya minsan, kahit masakit pipilitin mong magtiis maisalba lamang ang pag-ibig na iyun. Ganun ang nangyari kay Jessa, nang makilala niya si Raul binigay niya ang sarili niya nang buong-buo sa pag-aakalang siya na ang natatanging pag-ibig para sa kanya. Ngunit nang malaman ni Raul na menor edad pa lamang si Jessa, ilang ulit niyang...
Episode 240: "Bangketa" 04.10.2021 57:11
Bata pa lamang si Anastacio nang mamatay ang kanyang mga magulang, tatlo silang magkakapatid at wala silang choice kun'di ang makitira sa masungit nilang tiyahin. Pero hindi nagtanggal ay tumakas sila sa bahay na 'yun dahil hindi na nila kaya ang pangmamaltrato sa kanila. Lumaking mag-isa si Anastascio dahil iniwan siya ng kanyang mga kapatid pero buti na lang ay nakilala niya si Lucas, ang k...
Episode 239: "Sekyu" 27.09.2021 51:10
Nagtatrabaho bilang isang security guard ng bangko si Arnel. Nang makita niya ang batang lansangan na si Dondon na pilit sinusubukang basahin ang tarpaulin ng milk tea, tinulungan niya ito. At doon nga nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa, pareho man silang may pinagdaraanang hirap sa buhay hindi iyun naging hadlang kay Arnel na tulungan si Dondon. Pangarap niya kasi sanang maging teacher, at si...
Episode 238: "Pamana" 20.09.2021 53:42
Nang ikasal si Evelyn kay Melbert, tumira muna sila sa bahay ng pamilya ni Melbert pero plano rin talaga nilang bumukod. Ngunit nang magkaroon na nga sila ng munti nilang bahay, hindi pa rin sila makaiwas sa gulo na dala ni Remjun at Cora na kuya at hipag ni Melbert. Nung minsang magkasakit si Melbert at hindi na talaga alam ni Evelyn kung saan siya makakahingi ng tulong, kay Remjun siya lumapit p...
Episode 237: "Huwaran" 13.09.2021 54:04
Walang magulang ang may gustong maligaw ng landas ang kanilang mga anak. Kahit naging rebelde si Susan noong kabataan niya, hindi ganung kinabukasan ang pinangarap niya para sa kanyang anak na si Shamara. Marumi, magulo, at nakakadiri - iyan ang pwedeng itawag sa nakaraan ni Susan. Naging kabit siya nang hindi niya alam at para sa kapakanan ng anak niya, pinagpatuloy niya ito kahit pa hindi niya g...
Episode 236: "Macho Dancer" 10.09.2021 58:32
Madalas ang mga taong humuhusga sa atin ay mga taong hindi natin kilala. Pero kapag mahal sa buhay na ang nangmamata sa atin, sino ba namang hindi masasaktan. Hindi kinakahiya ni Joey ang trabaho niya bilang macho dancer, lalo pa't alam niya sa sarili niya na wala naman siyang ginagawang masama. Dahil mabilis ang kita rito, ito ay trabahong hindi niya mabitawan agad kahit pa halos itakwil si...
Episode 235: "Mama's Boy" 23.08.2021 51:21
Nag-iisang anak lang si Angela. Kaya nang mabiyudo ang kanyang papa, hindi siya naging tutol na mag-asawa ito ulit dahil ramdam niya rin ang lungkot nito nang mawala ang kanyang mama. Madalas mag-away ang kanyang papa at stepmother at ang kanyang boyfriend na si Peter lang ang tanging napaglalabasan niya ng kanyang frustrations at iba pang problema sa buhay. Ngunit biglang nanlamig si Peter kay An...
Episode 234: "Sukob" 16.08.2021 58:46
Hindi naging madali ang buhay ni Karl noong kabataan niya. Kaya nang mapangasawa niya si Aly at nagsimulang bumuo ng sarili nilang pamilya, pinangako niya na magsisikap siya para ibigay ang magandang buhay sa asawa at anak niya. Kaya kahit hindi payag si Aly na magtrabaho si Karl bilang seaman, hindi niya ito napigilan. Totoong naibigay nga ni Karl ang maginhawang buhay sa kanyang mag-ina habang n...
Episode 233: "Maibabalik Pa Ba?" 09.08.2021 1:09:09
Ano ang mas madaling ibalik, pag-ibig na naubos o tiwalang hindi na buo? Limang taon nang magkarelasyon si Neil at Candy kaya nang malaman ni Candy na halos isang taon na pala siyang niloloko ng pinakamamahal niya, parang na rin gumuho ang mundo niya. Sa huli na-realize ni Neil na si Candy pa rin pala ang mahal niya kaya sinuyo niya ito nang sinuyo hangga't masungkit niyang muli ang puso ni Candy....
Episode 232: "Pitong Maria" 02.08.2021 1:10:18
Lalaking magpapatuloy ng pangalan ng angkan, iyan ang madalas gusto ng mga padre de pamilya. Bago pa mabuntis sa unang pagkakataon ang asawa ni Godo, lalaki na talaga ang matagal niyang panalangin. Pero kahit na babae ang naging anak nila sa una, pangalawa, hanggang sa pang apat na beses ay hindi pa rin nawala ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak na lalaki. Ngunit paano kung dumating nga ang hi...
Episode 231: "Bastarda" 26.07.2021 48:21
May mga bagay na hindi natin makontrol sa buhay katulad ng pagpili kung sino ang ating magiging mga magulang. Ang ama ni Linette ay isang kilalang tao sa kanilang probinsya ngunit nang pinagbuntis siya ng kanyang ina ay buntis na rin ang totoong asawa ng kanyang ama. At nang makunan ang legal na asawa, napagkasunduan nilang lahat na si Linette ang ipalit sa nawala nilang anak upang makaiwas sa isk...
Episode 230: "OFW" 19.07.2021 58:37
Hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa abroad ay pera ang naiuuwi sa kanilang pamilya. Ang iba sa kanila ay pasa at sugat ang tanging baon pagbalik ng Pilipinas at meron pa nga na malamig na katawan na lang ang mayayakap ng kani-kanilang pamilya. Isa si Cora sa mga OFW na nakaranas ng pagmamaltrato sa ibang bansa pero pinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya mamamatay sa bansa ng mapang-abuso ni...
Episode 229: "Inosente" 12.07.2021 57:44
Marami ang gustong bumalik sa kanilang pagkabata pero may mga tao rin na tinatakbuhan at pilit na kinakalimutan ito. Walong taong gulang pa lamang si Martin nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. At dahil busy ang kanyang mama sa paghahanap-buhay, tuwing umaga ipinagkakatiwala ng kanyang mama si Martin sa kanyang Tita Aida. Lubos na akala ng kanyang mama na ligtas at maayos ang kalagayan ni Ma...
Episode 228: "Hiram Na Ina" 05.07.2021 1:09:50
Isang biyaya ang kakayanang makapagluwal ng panibagong buhay sa mundo. Pero kakayanin mo bang ipahiram ang iyong sinapupunan para sa batang hindi naman sa iyo? Hindi nagkaroon ng happy ending si Pearl sa first love niyang si Michael. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kapatid niyang si Patricia ang magkakamit noon sa piling ni Michael. Ang mas masakit pa, dahil nawalan ng kakayanan si Patricia na...
Episode 227: "Live Show" 28.06.2021 56:02
Hanggang saan kayang protektahan ng isang ina ang mga anak niyang babae laban sa kinakasama niyang lalaki? Hindi aakalain ni Aira na sa mura niyang edad ay magta-'trabaho' na siya tulad ng kanyang mama Kaylin. Sa pagpipilit ni Lauro, ang lalaking kinakasama ni Kaylin, nakumbinse ang nanay ni Aira na pagkakitaan nila ang bata. Ang kanilang trabaho, ang pagbebenta ng aliw online. Sa takot na baka pa...
Episode 226: "Bugbog" 21.06.2021 55:19
Hindi masama ang mag-asawa ulit para magkaroon ng katuwang sa buhay. Pero paano kung ang akala mong katuwang ay siya pa palang mas magpapahirap sa mahirap nang buhay ng mga anak mo? Wala pang isang taon nang makahanap ulit ng babaeng mamahalin ang tatay ni William at Nina simula nang mamatay ang nanay nila. Wala naman sanang problema noong una pero nagbago ang lahat nang maging stay-in sa trabaho...
Episode 225: "Duwag" 13.06.2021 1:01:36
Huwag kang maghabol sa taong hindi ka kayang ipaglaban, dahil sa pag-ibig hindi lang dapat isa ang matapang. Maingat si Letty sa pagbibigay ng tiwala, pero minsan kahit nag-iingat ka, naloloko ka pa rin sa huli. Bagong salta lang sa Maynila si Letty nang makilala niya si Nando. Si Nando na kung mamuhay ay parang binata pero inililihim pala nito na may pamilya na siya sa ibang lugar. Kagaya ng mga...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.