Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 299: "Pira-pirasong Puso" 21.11.2022 54:43
Dahil kinahihiya niya ang kanyang ina, lumaking rebelde si Febs. Naging kabit ang nanay niya noon at ni hindi nga nito nila alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Sa kabila ng pagsusumikap ng nanay ni Febs, hindi naibsan ang pagkamuhi niya rito. At habang tumatanda siya, hindi niya namalayan na sumusunod na pala siya sa yapak ng taong kinamumuhian niya. Pakinggan ang kwento ni Febs sa Barang...
Episode 298: "Obligasyon" 14.11.2022 1:13:49
Hindi panganay si Nel pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya, napilitan siyang kumayod nang maaga para matustusan ang pangangailangan nilang lahat. Kaya nang maging mag-asawa sila ni Marie, ang pamilya pa rin ni Nel ang laging nauuna. At dahil hindi pa magawang bumukod ng mag-asawa, kahit sumusobra na, sinusunod pa rin ni Marie ang biyenan niya at ang mapang-api niyang bilas. Pakinggan a...
Episode 297: "Insurance" 07.11.2022 1:04:29
Kung kailan naka-move on at nagsisimula na ulit sa buhay si Diane mula sa trauma at panloloko sa kanya ng kanyang boyfriend for 8 years, ay saka naman siya kokontakin ng insurance agent ng ex niya. Ang dahilan ay para i-claim ang naiwang insurance money ng yumaong si Jeffrey. Wala naman sanang problema ito kay Diane kaso may ibang asawa at mga anak na ang cheater niyang ex. Pakinggan ang kwen...
Episode 296: "Sumpa" (Halloween Special 2022) 31.10.2022 1:04:22
Sobrang kinilig si Jenna nang sa wakas ay magkaroon na siya ng nobyo. Pero laking gulat niya nang may magmakaawa sa kanya na makipaghiwalay na siya sa nobyo niya. May asawa na pala si Joe. Kahit na ganun, si Jenna pa rin ang pinili ni Joe kaya malakas ang loob ni Jenna tuwing lumalapit sa kanya ang misis nito. Sa sobrang galit, sumumpa ang asawa ni Joe na magiging impyerno ang buhay ng mga nagtaks...
Episode 295: "Kalunos-lunos" 24.10.2022 1:04:51
Kahit na mahirap, buong puso ang pagtulong ni Yna sa ate niyang si Camille at sa anak nito. Naging sakitin si Camille matapos manganak kaya si Yna na ang bumuhay sa munti nilang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap, mararanasan niya ang isang nakagigimbal na pangyayari na magpapabago ng kanyang pagtrato ng mga tao sa paligid niya. At hindi lang siya ang makakaranas nito, pati na rin ang...
Episode 294: "Sanggang Dikit" 17.10.2022 58:11
Isang malaking kasiyahan para kay Gideon ang magkaroon ng kapatid na tulad ni Garrett. Para sa kanya, ang kuya Garret niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Pero hindi pwedeng habang buhay makakasama niya ang best friend, protector, at number-one supporter niyang kuya. Pakinggan ang kwento ni Gideon sa Barangay Love Stories.
Episode 293: "Putok Sa Buho" 10.10.2022 54:30
Simula pagkabata, iba na ang trato kay Eryn ng kanyang ina. Galit, inis at pagkamuhi ang laging bumubungad sa kanya kapag ang nanay niya na ang kaharap niya. Sa murang edad, walang araw na hindi pinaramdam kay Eryn ang pagkasuklam ng kanyang kinilalang ina. Pakinggan ang kwento ni Eryn sa Barangay Love Stories.
Episode 292: "First Heartbreak" 03.10.2022 1:10:32
Alam ni Hana na ang buhay ay hindi madali kahit na maganda, mabait at matalino ka pa. Kaya naman nang narealize niya na mahal niya na ang best friend niya, hindi niya magawang magtapat dito lalo na nung nalaman niyang may gusto na itong ligawan. Pakinggan ang kwento ni Hana sa Barangay Love Stories.
Episode 291: "Polygamy" 26.09.2022 1:00:13
Kapag nagmamahal ang isang tao, kailangan ng lakas ng loob para maipagpatuloy ang pag-ibig na iyun. Pero ganun din sa paghihiwalay, matinding lakas ng loob at tapang ang kailangan para iwanan ang taong dahilan ng pagiging malungkot at miserable mo. Ngunit kahit na mahirap at nakakapagod, hindi pa rin magawang iwanan ni Angel ang taong nagdudulot ng sakit sa kanyang damdamin. Pakinggan ang kwe...
Episode 290: "Revelation" 19.09.2022 1:00:20
May iba’t-ibang klase ng pag-ibig at hindi lahat ng ito ay dapat na pinaglalaban, lalo kung sa simula pa lang ay mali na ito. Dahil maagang naulila sa ama, kinailangan ng mama ni Josh at Aira na magtrabaho sa ibang lugar para matustusan ang kanilang pamilya. Dahil magkasamang lumaki, naging malapit nang husto ang magkapatid. At sa kanilang pagtanda, kasabay na umusbong ang pag-ibig ni Aira sa...
Episode 289: "Huwag Susuko" 12.09.2022 56:57
Amang lasenggo at inang cheater, iyan ang mga magulang ni Mae. Dahil dito hindi naging madali ang buhay nilang magkakapatid lalo pa nang iwan sila ng kanilang mama sa kamay ng mapanakit nilang ama. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban sa buhay kahit pa aksidente siyang nabuntis ng kanyang kasintahan. Pakinggan ang kwento ni Mae sa Barangay Love Stories.
Episode 288: "Milagro" 05.09.2022 1:01:55
Ang isang anak ay kayaman ng mga magulang lalo na kung hirap magka anak ang mag-asawa. Kaya nang biyayaan ng sanggol sina Arceli at Domeng, abot langit ang tuwang kanilang nadama, lubos talaga nilang inaruga ang kanilang miracle baby. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapapahamak ang pinakamamahal nilang anak sa piling ng kanyang tiyuhin. Pakinggan ang kwento ni&nb...
Episode 287: "When Love Blooms" 29.08.2022 1:09:48
Dahil mahirap ang buhay, focus lang sa pagtatrabaho ang flower shop vendor na si Dahlia. Gusto niya mang ma-experience din ang pag-ibig na nagpapasaya sa iba ay wala siyang panahon para dito. Pero nang ma-meet niya ang masungit na si Alec na ayaw sa mga bulaklak, 'di nila aakalain na may pag-ibig palang uusbong sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Dahlia sa Barangay Love Stories.
Episode 286: "Hatol" 22.08.2022 57:20
May mga tao na gagawin ang lahat magkaroon lamang sila ng anak. Pero may mga tao ring nagiging magulang kahit hindi pa sila handa. Pareho itong naranasan ni Elena at ng kanyang asawa. Ang batang binitawan nila noong hindi pa sila handa ay ang batang aasam-asamin pala nila sa kanilang pagtanda. Pakinggan ang kwento ni Elena sa Barangay Love Stories.
Episode 285: "Heartthrob" 15.08.2022 1:06:18
The typical-bookworm Lovelle meets the crush-ng-bayan Deo. Kahit hindi makapaniwala si Lovelle ay magsisimula ang kanilang love story. Malaki ang contribution ng looks sa confidence ng isang tao. Pero imporante rin ang assurance na pinaparamdam sa iyo ng mahal mo para maging confident ka sa sarili mo at sa relasyon niyo. Pakinggan ang kwento ni Lovelle sa Barangay Love Stories.
Episode 284: "Sagad" 08.08.2022 1:01:15
Minsan, hindi natin hinahanap ang pag-ibig pero kusa itong dumarating. Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay totoo dahil ang iba ay gusto lang manggamit at manlinlang, katulad ng pag-ibig ni Lester kay Faye. Pero kahit na ganun, magagawa pa rin ni Faye na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Pakinggan ang kwento ni Faye sa Barangay Love Stories.
Episode 283: "Agwat" 01.08.2022 59:08
Nang mamatay agad ang pinakamamahal na asawa ni Manuel, sinabi niyang hindi na siya muling magmamahal. Iyun ay hanggang sa makilala niya si Clara na madalas ding dumalaw sa puntod ng yumao nitong ama. Mahirap makipagrelasyon sa taong malayo ang agwat sa edad mo. Pero minsan, mahirap makipagrelasyon dahil hindi mo alam kung hanggang kailan kayo magkakasamang dalawa. Pakinggan ang kwento ni&nbs...
Episode 282: "Pagpag" 25.07.2022 50:58
Marami ang mas naghirap dahil sa pandemya at isa dun sina Nida at Jojo. Matapos nilang mawalan ng trabaho, nanirahan sila sa kanilang tricycle at kumapit sa mga pagpag maitawid lanmang nila ang araw-araw. Bukod sa pagpag, kinaya rin ni Nida na kumapit sa isang gawain na labag sa kanyang kalooban. Para kay Nida, mas madaling sumuko kaysa lumaban pero ang mister niya, piniling ilaban silang dal...
Episode 281: "Ikalimang Utos" 18.07.2022 1:12:19
Malaki ang obligasyon ng mga magulang sa kanilang anak. Ngunit walang obligasyon ang anak sa kanilang mga magulang. Liban na lamang kung napalaki sa katuwiran ang anak, tiyak na hindi ito makakalimot na igalang, mahalin, at suportahan ang kanyang mga magulang katulad ng ginawa ni Bless sa kanyang nanay at tatay kahit may mga kapansanan na ito. Pakinggan ang kwento ni Bless sa Barangay Lo...
Episode 280: "Materialistic" 11.07.2022 58:23
Nang biglang bawian ng buhay ang papa ni Karina, nahirapan ang kanyang mama na itaguyod siya dahil sa mga naiwang utang ng kanilang padre de pamilya. At nang hindi na makuha ni Karina ang dating karangyaan at 'pagmamahal' na nais niya sa piling ng kanyang mama, kay Anjo niya ito nahanap. Maganda naman ang naging simula nila ni Anjo pero magbabago ito sa pagdating ng tatay ni Anjo. Pakinggan a...
Episode 279: "Pinagtagpo" 04.07.2022 56:42
Ang gusto lang naman ni Marie ay magkapagtrabaho nang maayos at tahimik para makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Pero simula nang makilala niya si Ryan, lagi siyang nasasangkot sa gulo. At ang mas kinaiinis pa niya ay may gusto raw sa kanya si Ryan kaya hindi siya nito tinatantanan. Pakinggan ang kwento ni Marie sa Barangay Love Stories.
Episode 278: "Dalawang Isip" 27.06.2022 55:52
Lampas na sa kalendaryo si Lyca pero NBSB pa rin siya. Mas inuna ang pamilya kaya hindi naasikaso ang sarili niyang love life. Pero kahit na ganun ay never naman siyang na-pressure pero nainis, oo, sa laging pagtatanong ng mga kamag-anak niya kung kailan siya mag-aasawa. Kaya nang ma-meet niya si Erwin na mas bata sa kanya, maging willing kaya si Lyca na babaan ang standards niya para magkajowa na...
Episode 277: "Parokyano" 20.06.2022 56:35
Mahirap maging mahirap. Lahat gagawin ni Dado para mapakain ang kanyang pamilya kahit pa magbenta siya ng katawan. Kaya nang makilala niya si Tonya, isang mayaman na naghahanap ng lalaking tutugon sa pangangailangan ng kanyang laman, guminhawa bigla ang buhay ni Dado pati ng kanyang pamilya. Pero sa pagbabalik ng ex girlfriend ni Dado, makukuntento pa rin kaya siya sa kaligayahan na dulot ng pera?...
Episode 276: "Bagong Simula" 13.06.2022 52:23
Pagtitiis at mahabang pasensiya, iyan ang ilan sa mga kailangang ugali kung papasok ka sa isang relasyon. Pero hindi na nakapagtiis si Cristine kaya nakipag-break siya sa kanyang boyfriend na si Ronnel. Ang inaasahang bagong pag-ibig na magpapasaya sa kanya, mas nagdala lang ng mas malalim na sakit sa puso niya. Buti na lang handa pa rin si Ronnel na magsimula ulit sila ngunit handa na r...
Episode 275: "Lumalaban" 06.06.2022 1:02:01
Hindi inaasahan ni Carla na matutupad ang kanyang hiling na sana ay mawala na ang kanyang nanay para wala nang mang-utos at magpagalit sa kanya. Pero hindi naman talaga ganun ang nais niyang mangyari. Ang pagpanaw ng madiskarte niyang ina ay malaking kawalan para sa kanilang pamilya kaya kahit na mahirap, pinilit ng kanyang tatay na patapusin silang lahat sa pag-aaral. Pakinggan ang kwen...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.