Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

BLS Special: "The Estrella Story" (Full) 29.03.2024

Dalawang sugatang puso, tuturuan ang isa't-isa na umibig muli. Pero sapat ba ang kanilang mga oras o kailangan nang magmadali? Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. Episode 368: "Mahal Kong Buwan" Episode 369: "Aking Araw" Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" Episode 371: "Kalangitan"

BLS Special: "The Blessy Story" (Full) 28.03.2024

Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories. Episode 360: "Invisible String"...

Episode 371: "Kalangitan" (Part 4) 25.03.2024

Bilang apo ni Sol at Luna, malaki ang pagmamahal ni Estrella sa kanyang lolo at lola dahil sila rin ang tumayong magulang niya nang nawalan siya ng magulang. Kaya sinikap niya talagang maging isang nurse upang pagdating ng panahon, siya naman ang mag-alaga sa kanyang labs na labs na lolo Sol at lola Luna. At sana may panahon pa para doon. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. 

Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" (Part 3) 18.03.2024

Sa wakas ay nagkita rin si Sol at Luna. Naging magkaibigan silang dalawa hanggang sa nahulog ang dalaga sa binata. Pero si Sol, hindi pa raw nakakamove-on sa kanyang first love. Kaya ang BFF ni Luna, to the rescue! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.

Episode 369: "Aking Araw" (Part 2) 11.03.2024

Bihira lang makahanap ng kaibigang totoo na sasamahan ka sa kahit anong hamon ng buhay. Kaya nang magkagusto si Luna at Patricia sa iisang lalaki, hindi nagdalawang-isip si Luna na magpaubaya. Dahil para kay Luna, mas mahalaga ang pagkakaibigan nila ni Patricia kaysa sa nararamdaman niya para sa binata. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.

Episode 368: "Mahal Kong Buwan" (Part 1) 04.03.2024

Ang mayayaman ay ginawa raw para sa kapwa nila mayayaman. Kaya ang mga hikahos na tulad ni Sol ay hinding-hindi makakapiling ang mga kagaya ni Belen - ang babaeng matagal na niyang gusto. Pero kung kailan desidido na si Sol na kalimutan ang dalaga, ay saka niya naman malalaman na mukhang may pag-asa pa pala siya! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.

Episode 367: "Star Quality" 26.02.2024

Isang pangyayaring masakit sa tiyan ang magtutulak kay Angel or Angelito na magpanggap bilang isang beki. Dito niya makikilala ang future muse niyang si Star na verbally abused ng jowa. Kaya si Angel, makeover ang goal para sa alipin-ng-pag-ibig na si Star. Pakinggan ang kwento ni Angel sa Barangay Love Stories.

Episode 366: "Delivery Booth" 19.02.2024

Sa una lang masaya ang isang relasyon. Ganyan ang pakiramdam ni Yuri dahil ang kanyang boyfriend na si Aries, iba na ang kinikilos tuwing magkasama sila. At ang mas masakit pa, mukhang may iba nang nagpapakilig at nagpapasaya kay Aries kahit sila pa ni Yuri. Pakinggan ang kwento ni Yuri sa Barangay Love Stories.

Episode 365: "Magpakatotoo" 12.02.2024

Upang mabawasan ang malaking bayarin ni Demi sa kanyang inuupan, naghanap siya ng uupa rin sa kanyang extra room. Dahil diyan, naging housemate niya ang happy and jolly na si Lucky. Mabilis niya itong naging kaibigan at katuwang sa bahay. Hanggang sa kinailangan ni Lucky ng ipapakilalang girlfriend sa kanyang pamilya kaya ito namang si Demi, kusang-loob na inoffer ang sarili. Pakinggan ang kwento...

Episode 364: "Toyo" 05.02.2024

Alam ng buong barangay na gusto ni Kano si Jelay. Pero alam din ng lahat na ayaw ng dalaga kay Kano. Nang minsang makulitan si Jelay kay Kano, pinayagan niya itong manligaw kapalit ng maraming kondisyon. Ngunit hindi inaasahan ni Jelay na gagalingan ni Kano ang pagtupad sa mga kondisyong kanyang binigay. Pakinggan ang kwento ni Jelay sa Barangay Love Stories.

Episode 363: "Together Again" 29.01.2024

May mga ginawang desisyon si Blessy na lubos niyang pinagsisisihan. Pero kahit gaano pa siya magsisi ay hindi na niya mababalik ang panahon. Mabuti na lamang ay hindi siya iniwan ng mga mahal niya sa buhay pati na ng best friend niyang si Jessa. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.

Episode 362: "Falling Apart" 22.01.2024

Lahat ng relasyon ay dumaraan sa mabigat na pagsubok pero paano kung ayaw na ni Blessy ng karamay sa kanyang pinagdaraanan? Walang makakaalam sa sakit na nararamdaman ng isang ina kapag nawala ang kanyang anak ngunit imbes na magdamayan ay mas pinili ni Blessy na lumayo sa lahat pati sa asawa niyang si Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.

Episode 361: "Chance Encounter" 15.01.2024

Kailangan ba talaga ng bagong mamahalin para makalimot? Hindi nagawang makapagtapat ni Blessy sa taong iniibig niya at ngayong nagmo-move on na siya, gusto na siyang ireto ng BFF niya sa iba para umusbong na raw ang love life ni Blessy nang bigla naman siyang makita ulit ni Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.

Episode 360: "Invisible String" (Part 1) 08.01.2024

Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.

Episode 359: "Wagas na Pag-ibig" 02.01.2024

From childhood best friends, to childhood sweethearts, hanggang sa naging official na nga ang relasyon nina Eddie at Clara. Walang ibang gustong mangyari si Eddie kun'di ang pakasalan at tumandang kasama ng kanyang greatest love na si Clara. Pero kahit gustuhin rin ito ni Clara, iba ang plano ng tadhana. Pakinggan ang kwento ni Eddie sa Barangay Love Stories.

Episode 358: "Saging ni Santa" 25.12.2023

Walang hanggan ang pagmamahal ni Ernesto, isang single father, sa kanyang mga anak na babae. At tulad ng ibang magulang, kailangan niya pa rin itong disiplinahin upang hindi sila maligaw ng landas. Pero sa pagtibok muli ng kanyang puso, mukhang ito pa ang makakasira ng relasyon nilang mag-aama. Pakinggan ang kwento ni Ernesto sa Barangay Love Stories.

Episode 357: "Ngiti" 18.12.2023

May isang magandang pamilya si Angelika kasama ng kanyang mga magulang. Pero nang nahirapan siyang maka-move on sa pagkawala ng kanyang ama, gimik ang naging solusyon niya at si Edsel ang nagi niyang takbuhan. Pero sa paglabo ng kanilang buhay mag-asawa, nakahanap ng bagong takbuhan si Angelika. Pakinggan ang kwento ni Angelika sa Barangay Love Stories.

Episode 356: "Repeat" 11.12.2023

Ang tunay raw na kaibigan, kayang isakripisyo ang sariling buhay para sa kanyang kaibigan. Parang si Tonton lang na pinaubaya na ang sarili niyang kasiyahan pati ang buhay na rin upang matulungan ang best friend niyang si Darling na basta na lamang iniwan ng boyfriend nito kahit buntis. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.

Episode 355: "Mukbang sa Lamay" 04.12.2023

Mahirap ang buhay at dahil sobrang hirap talaga nito para sa magkakaibigang sina Onyok, Pong, at Natoy...burol ang hanap nila para makakain nang libre at minsan, may take-home pa! Pero hindi lang pagkain sa lamay ang naiuuwi nila dahil si Onyok mukhang dinidikitan din ng mga patay na pinaglalamayan nila. Pakinggan ang kwento ni Onyok sa Barangay Love Stories.

Barangay Love Stories: Best of 2023 29.11.2023

Limang kwento ng pag-ibig, buhay, at pag-asa na muling kukurot at tatatak sa inyong mga puso. Episode 329: Right Time Episode 323: Ikalawang Tagpo Episode 312: Love Letter Episode 322: Ipinagkasundo Episode 335: Acceptance is the Key

Episode 354: "Walang Maitatago" 27.11.2023

Ang stepsister ni Des na si Weng, plinano ang pang-aagaw sa buhay na meron si Des. Walang kaala-alam si Des na may masamang balak pala sa kanya ang bago niyang kapatid. Kaya itong si Des, tuloy-tuloy ang pagkahulog sa mga patibong na gawa ni Weng. Pakinggan ang kwento ni Des sa Barangay Love Stories.

Episode 353: "Dugtong ng Kaputol" 20.11.2023

Buo nga ang pamilya ni Deo pero malupit naman ang asawa niya sa kanilang anak. Kaya si Eli, sa ibang pamilya nakahanap ng pagmamahal. Suportado naman ni Deo ang kanyang anak pero ang pamilyang napalapit sa kanila nang lubos ay may mas malalim pa palang koneksyon sa pamilya nila. Pakinggan ang kwento ni Deo sa Barangay Love Stories.

Episode 352: "Aliw 13.11.2023

Hindi lahat ay pinapalad na lumaki sa isang payapa at maayos na pamilya. Bata palang ay saksi na si Amos sa bangayan ng kanyang ina at ama. Kaya sa pagtanda niya, yosi at alak ang naging takbuhan ni Amos para makalimot sa mga problema. Kaso hindi lang pala siya ang mapapahamak ng mahal-na-mahal niyang bisyo. Pakinggan ang kwento ni Amos sa Barangay Love Stories.

Episode 351: "Perfect Combination" 06.11.2023

Masaya nang unang makilala ni Emong at ng kanyang nanay-nanayan na si aleng Lelay ang bagong tindero na si mang Marty. Habang tumatagal, parang tatay na nga rin ang naging turing ni Emong kay mang Marty hanggang sa biglang nagbago ang pakikitungo ni nanay Lelay sa kanyang tatay Marty dahil daw sa selos. Pakinggan ang kwento ni Emong sa Barangay Love Stories.

Episode 350: "Roleplay" 30.10.2023

Ang pakikipagrelasyon ay kasiyahan dapat ang dulot hindi sakit sa ulo at katawan. Mahal ni Isagani ang nobya niya pero hindi niya masabayan ang hilig nito sa kama. Pakinggan ang kwento ni Isagani sa Barangay Love Stories.

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.