Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Episode 396: "Parang Bida" 16.09.2024

Sa panahon ngayon hindi na issue ang edad sa pagtupad ng mga naudlot na pangarap. Malapit na maging senior citizen si Carlota at isa sa mga goals niya ay ang makapagtapos ng college. Pero first day pa lang ng pasukan ay nagkaproblema na agad siya nang harangin siya ng security guard ng university. Pakinggan ang kwento ni Carlota sa Barangay Love Stories. 

Episode 395: "Crossroads" 09.09.2024

Sa wakas ay malalaman na nga ni Grace kung kanino niya nakuha ang sakit niyang HIV. At sa patuloy na pagbuti ng pakiramdam niya, mukhang bubuti ring muli ang relasyon sa pagitan niya at ng isa sa mga ex niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 

Episode 394: "Detour" 02.09.2024

First love ni Patrick si Grace pero hirap siyang patawarin ang dalaga dahil ginamit, niloko, at iniwan lang siya nito. Ang pangako ni Patrick sa sarili, hinding-hindi na siya makikipagkita kay Grace kahit kailan. Pero si Grace, pursigido ring makita si Patrick para malinawan na siya kung may sakit rin nga ba ang binata tulad niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories. 

Episode 393: "One Way Street" 26.08.2024

Nang malaman ni Grace na may sakit siya, naging misyon niya na ang pagbibigay awareness sa ibang tao tungkol dito. At dahil sa misyon na iyon, kailangan niyang makipagkita sa mahangin niyang ex boyfriend na si Roan. Nais niya kasing hikayatin ito na magpa-check sa doctor para makasigurado siya na hindi niya ito nahawaan o hindi si Roan ang nakahawa sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barang...

Episode 392: "No Entry" 19.08.2024

Ang pag-ibig ay nasa paligid lang pero madalas mahirap hanapin ang pag-ibig na nakalaan para sa iyo. Nakailang heartbreaks na si Grace kaya ang daily mantra niya sa life, 'Boys, No Entry'. Wala na sana siyang balak masilayan ni anino ng mga lalaking dumurog ng puso niya pero isang sakit ang pipilit sa kanyang makipagkita ulit sa kanilang lahat. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Storie...

Episode 391: "Broken Home" 12.08.2024

Sa panahon ngayon, parang privilege na ang pagkakaroon ng isang buong pamilya. Isa sana iyan sa mga pangarap ni Liezel. Pero imposible nang mangyari iyon kaya siya na lang ang bubuo ng sarili niyang pamilya kasama ang mga taong mahalaga sa kanya at pinahahalagahan din siya. Pakinggan ang kwento ni Liezel sa Barangay Love Stories. 

Episode 390: "Paruparo" 05.08.2024

Walang naghanda kay Jea at sa mga kapatid niya na makita ang mama nila na unti-unting dinadaig ng sakit na nilalabanan naman nila. At kahit pa walang planong bumitaw si Jea sa paggaling ng mama nila, kailangan niyang magdesisyon kung hanggang kailan siya magiging matigas para sa kanyang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jea sa Barangay Love Stories. 

Episode 389: "Butas ng Karayom" 29.07.2024

Biyuda na si Bella pero hindi naman naging mahirap ang buhay niya kasama ang kanyang unico hijo dahil sa pensyon ng yumao niyang mister. Bilang lalaki sa kanilang pamilya, protective si Max sa kanyang nanay Bella. Ngunit sobra-sobra ata ang pag-iingat ni Max dahil mahigpit siya sa lahat ng gustong manligaw sa kanyang ina. Pakinggan ang kwento ni Bella sa Barangay Love Stories.

Episode 388: "Tulad sa Koreanovela" 22.07.2024

Minsan hanggang imagination na lang ang kasiyahan na inaasam-asam mo. Tulad ni Winnie, para sa kanya pangarap na lang ang pagkakaroon ng lalaking magmamahal sa kanya. Matupad man o hindi ang pangarap na iyon, ayos lang dahil tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Ngunit nagbago ang ikot ng mundo nang muli niyang makita ang unang bully niya na siya ring childhood crush niya. Pakinggan ang kwento ni...

Episode 387: "Bucket List" 15.07.2024

Mahirap lumaki sa mahirap na pamilya. At mas humihirap ito kapag may taong katulad ni Emma na gustong humila sa iyo pababa. Pero si Allen, pipiliin pa ring magpatuloy nang masaya upang tuparin ang lahat ng nasa bucket list niya. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories. 

Episode 386: "Higit pa sa Kadugo" 08.07.2024

Kahit gaano pa kayaman si Cedrick, hindi nito maitatago ang mabaho niyang pag-uugali. Simula nang mamasukan si Benny kina Cedrick, hindi nakakalimot ang kanyang amo na kutyain ang kanyang itsura. Kailan ba dapat pumalag ang taong tinatapakan na pati pagkatao? Matiisin si Benny pero mukhang mahahanap na niya ang dahilan para maging mabuti na rin sa sarili niya. Pakinggan ang kwento ni Benny sa Bara...

Episode 385: "Hiram na Sandali" 01.07.2024

Araw-araw bumubuo ng alaala ang bawat tao. Sinasariwa kapag mag-isa, kinakapitan minsan kung nanghihina na. Ngunit ang mga alaala ni Cora, unti-unti nang naglalaho. Sa kabila nito, handa ang asawa niyang si Geraldo na ingatan ang mga alaalang ito kahit pa mapanakit ang mga ito. Pakinggan ang kwento ni Geraldo sa Barangay Love Stories. 

Episode 384: "Paglaon" 24.06.2024

Masarap kapag nakasama mo hanggang sa pagtanda ang pinakamamahal mong kaibigan. Pero masakit naman kung magtatago ng damdamin hanggang sa pagtanda niyo. Sa abroad na tumanda si Ysang ngunit nanatiling matatag ang komunikasyon nila nina Mona at Atong. May sakit si Mona kaya uwing-uwi na si Ysang at sa kanyang pag-uwi, tatlong kahilingan ang pinakiusap ni Mona. Pakinggan ang kwento ni Ysang sa Baran...

Episode 383: "Stage 4" 17.06.2024

Ang relasyong nabuo dahil sa kasinungalingan ay mahirap magtagal maliban na lamang kung totoo na ang pagmamahal. Nang malaman ni Dex na hindi pala sa kanya ang batang ipinaako sa kanya ng asawa niya, sobra siyang nasaktan. Kaya bilang ganti, pinahirapan niya rin si Queen hanggang sa mawala ang galit niya. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories. 

Episode 382: "Stage 3" 10.06.2024

Matapos mapilitan si Dex na pakasalan ang babaeng nabuntis niya raw, hindi agad nawala ang galit, muhi, at inis na nararamdaman niya. Matagal pero natutunan rin ni Dex na pagkatiwalaan ang asawa niyang si Queen. At nang maging maayos at masaya na ang kanilang pamilya, mabubunyag ang sikreto ni Queen na wawasak kay Dex. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories. 

Episode 381: "Stage 2" 03.06.2024

Hindi inaasahan ni Dex na babalikan siya ng babaeng isang gabi niya lang nakasama. Nagbabagong buhay na si Dex sa piling ni Kate pero dahil sa isang pagkakamali, mapipilitan siyang magpanggap na boyfriend ng babaeng kanyang nabuntis. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.

Episode 380: "Stage 1" 28.05.2024

Past is past. Pero may nakaraan na hindi basta-basta lulubay kay Dex lalo pa't nagi siyang pakawala nung kabataan niya. Kung kailan naman siya nag-decide na magbabago na ay saka naman siya hahabulin ng buhay na sinusubukan na niyang kalimutan para sa babaeng gusto niyang pakasalan. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.

Episode 379: "Masidhi" 21.05.2024

Maayos ang pagsasama nina Paulina at Dado. Pero dahil may mga pangarap sila na hindi matupad dala na din ng kakulangan sa pera, may mga nangyari na hindi tama para sa isang relasyon. Pakinggan ang kuwento ni Pauline sa Barangay Love Stories.

Episode 378: "Alaga" 13.05.2024

Dalawa na lamang sa buhay ang mag-lolang sina Lola Mia at Patrick, pero kailangan munang iwan ni Patrick ang lola niya para magtrabaho sa barko. Kaya si Ramona, ang newly-hired caregiver ni lola, ang naging bagong kasangga ni lola. At kay Ramona niya rin naikwento ang nakaraan niyang hindi niya maisabi sa pinakamamahal niyang apo. Pakinggan ang kwento ni Ramona sa Barangay Love Stories. 

Episode 377: "Electra" 06.05.2024

Mapalad ang bata na lumaki sa  isang buo at maayos na pamilya. Pero hindi ganun si Monica, hindi siya pinalad na makilala ang kanyang ama. Hanggang sa magkasakit ang kanyang nanay, napilitan siyang ipaubaya si Monica sa tatay nitong matagal nang walang alam sa kanya. Naging maganda naman ang relasyon ng mag-ama, ngunit si Monica parang mas lumalalim pa ang tingin sa kanyang ama.  Pakinggan ang kwe...

Episode 376: "Pahina ng Buhay" 29.04.2024

Maraming aral ang pwedeng maituro ng matatanda. Nasa tao na lang kung makikinig siya sa payong binigay sa kanya o ililihis ang gawa. Caregiver ni lolo Fonso sina Delia at Allan at sa mga panahon na silang tatlo ay magkakasama, maraming naibahaging karanasan sa buhay si lolo Fonso dahil araw-araw nilang binabasa ang diary ng yumaong asawa ni lolo. Pakinggan ang kwento ni Delia at Allan sa Barangay...

Episode 375: "Pagmamahal at Responsibilidad" 22.04.2024

May mga bagay na kaya mong palampasin kapag gumawa ng mali ang kapatid mo. Pero kapag sa iba na niya ito ginawa, kahit papaano may responsibilidad kang pagsabihan ito. Mahal na mahal ni Wendel ang nag-iisa niyang kapatid, bilang kuya kaya niyang magsakripisyo para kay Darwin. Pero hinding-hindi kukunsintihin ni Wendel ang panlolokong ginagawa ni Darwin sa sarili nitong girlfriend. Pakinggan ang kw...

Episode 374: "Intensyon" 15.04.2024

Katulad ng marami, sinubukan ni Matt na makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asang kikita siya nang mas malaki rito. Pero kakarating pa lang niya sa siyudad at wala pa nga siyang nahahanap na trabaho ay nadisgrasya agad si Matt! Pakinggan ang kwento ni Matt sa Barangay Love Stories. 

Episode 373: "Isang Bakod" 08.04.2024

Ilang buwan nang hindi nakakabayad sa upa si Arthur kaya halos araw-arawin ni Ms. Connie ang paniningil. Hindi naman pasaway na tenant si Arthur, mahirap lang talaga ang buhay dahil pandemic. Kaya nang may dumating na bagong uupa, malaking ginhawa ang naramdaman ni Ms. Connie. Ang hindi alam ni Arthur, isang malaking ginhawa rin iyun para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Arthur sa Barangay Love S...

Episode 372: "User-Friendly" 01.04.2024

Masarap sa pakiramdam ang mga kaibigang katulad ni Art, maaasahan at lagi kang dadamayan sa anumang iyong pinagdaraanan. Pero si Raymond, walang balak suklian ang katapatan ng kanyang kaibigan. Pakinggan ang kwento ni Art sa Barangay Love Stories. 

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.