Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 421: "Fur Parents" 01.01.2025 44:08
Hindi biro ang pag-aalaga ng anak kaya imbes na magkaroon ng baby, nag-alaga na lang muna ng pusa sina Maiko at Jomel. Napakatagal din ng kanilang pagsasama sa iisang bubong hanggang sa na-realize daw nila na ayaw na pala nilang ipagpatuloy ang relasyon nila. Pero willing pa rin silang mag co-parent sa kanilang furbaby na si Yanyan. Pakinggan ang kwento ni Maiko sa Barangay Love Stories.
Episode 420: "Paluwagan" 30.12.2024 45:42
Masarap makasama sa buhay ang taong mahal mo pero kapag mahirap ang inyong estado, minsan nagkakaroon tuloy ng issue. Pangingisda ang hanapbuhay ni Dante kaya minsan mas matagal siya sa laot kaysa sa kanilang bahay. Mainit naman ang tahanang inuuwian niya dahil maasikaso ang kanyang kinakasamang si Amor. Pero nagbago ang lahat simula nang mapansin niya na napapadalas ang pag-aayos at paglabas-laba...
Episode 419: "Souvenir" 27.12.2024 53:47
Pagdating sa pag-ibig, hindi lang puro puso ang pinapairal dahil dapat pinapagana rin ang utak. At iyon ang ginamit ni Jojo sa relasyon nila ni Marie kaya nga nauwi sa proposal ang kanilang pagmamahalan. Habang pinaplano ang kanilang kasal, ang isa sa wedding supplier na nahanap nila ay ang pinakamamahal na ex pala ni Jojo. Damdamin pa rin kaya ang mangingibabaw o baka paganahin naman ni groom ang...
Episode 418: "Uling" 25.12.2024 51:01
Iba-iba ang paraan ng mga magulang sa pagpapakita ng pagmamahal nila. Para kay Priming, hindi niya masyadong hinihigpitan ang anak niyang si Volter dahil hindi rin naman umuobra sa binata ang mga pangaral niya. Kaya sinusuportahan niya na lang ang unico hijo niya sa mga gusto nito. Pero hindi habang buhay magiging mabait ang mundo kay Volter. Pakinggan ang kwento ni Priming sa Barangay Love Storie...
Episode 417: "Bipolar" 23.12.2024 1:04:18
Lahat naman siguro ng tao ay gustong makaranas ng pagmamahal pero kung ang gusto mo ay ikaw lang laging pinagbibigyan at inaalagaan, parang hindi na tama iyon. Sobrang mapagmahal si Ica pero hindi pa niya nararanasang mahalin nang tama. Kaya nang makilala niya si Elmer, nakita niya kung gaano ito kaiba magbigay ng atensyon kumpara sa present boyfriend niyang mahilig magpalibre at humingi ng pera s...
Episode 416: "Ilalim ng Kumot" 20.12.2024 38:30
May mga sakripisyo na masarap sa kalooban lalo kung para iyon sa taong mahal mo. Sila ang inspirasyon upang maging magaan ang pagdadala sa buhay. Kahit na mapanakit ang ina ni Jel, may mapagmahal naman siyang tatay at kapatid. Pero nang umalis ang kanilang ama para magtrabaho, sa ilalim ng kumot natatagpuan ng magkapatid ang proteksyon na hinahangad nila. Pakinggan ang kwento ni Jel sa Barangay Lo...
Episode 415: "Calling Card" 18.12.2024 47:59
Para magkaroon ng maayos na buhay, may mga taong gagawin ang lahat makapagtapos lang ng pag-aaral. Pero si Isabella, nakahanap ng taong magiging katuwang niya pero malaki ang agwat ng edad nila. Pakinggan ang kwento ni Isabella sa Barangay Love Stories.
Episode 414: "Isang Yakap" 16.12.2024 59:36
Kakosa ni Fredo si Buji. Pero para sa isang matanda na katulad ni mang Fredo, pamilya na ang turing niya sa binata lalo pa't si Buji lang ang tanging tumulong sa kanya nang makalaya silang pareho sa kulungan. Maraming taon na ang lumipas pero sigurado si mang Fredo na hindi pa rin siya napapatawad ng mga naiwan niyang anak. Kaya imbes na dalawin at magpakita sa kanila, nakuntento na lamang siya na...
Episode 413: "Biglang Liko" 13.12.2024 52:41
Nang mabiyuda si Yolly, medyo nahirapan siyang buhayin ang apat niyang anak. Buti na lamang ay nandyan ang bayaw niyang si Danny upang tulungan sila sa pang araw-araw nilang buhay. Pero iba talaga ang motibo ni Danny dahil bukod sa pagtulong sa kanyang mga pamangkin, gusto niya ring tumayong haligi ng tahanan para kay Yolly. Pakinggan ang kwento ni Danny sa Barangay Love Stories.
Episode 412: "Sad Boi" 11.12.2024 42:52
Isang breadwinner si Pixie at ang boyfriend niyang si Kio, breadwinner din daw. Pero pagdating sa relasyon nila ni Pixie, pabuhat at manipulative siya. Walang masama sa sobrang pagmamahal ngunit mas mainam siguro kung titirahan mo pa rin ang sarili mo dahil baka mapanlamang din ang jowa mo. Pakinggan ang kwento ni Pixie sa Barangay Love Stories.
Episode 411: "May Nauna Na" (Part 4) 09.12.2024 1:00:04
Matagal nang minamahal ni Georgette ang kanyang ex boyfriend na si Lino. Si Lino na bigla na lang naglaho para ayusin daw ang kanyang buhay. At ngayong maayos na si Georgette, ngayong may bago nang lalaki na nagpapasaya at nag-aalaga ng kanyang puso, saka naman biglang babalik si Lino. Si Lino na matagal na nilang pinalaya pero ngayon ay handa na raw ipagpatuloy ulit ang mga planong iniwan niya. P...
Episode 410: "Silip" 06.12.2024 49:24
Ang pamilya ay tahanang binubuo ng pagmamahal, saya, disiplina, at pagkakaisa. Ngunit sa iba, ang pamilyang kanlungan sana ay kapahamakan pala. Nang maiwan mag-isa si Janesa sa piling ng kanyang ama, parang wala nang magandang nangyari sa kanilang pamilya. Bukod sa pinaghihigpitan siya ng kanyang tatay, winawaldas din nito ang perang pinaghihirapan niya sa trabaho. Pakinggan ang kwento ni Janesa s...
Episode 409: "Titser-Titseran" 04.12.2024 45:14
Ang buhay ay nagtuturo ng mga aral na wala sa eskuwelahan at ang nagsisilbing guro ay ang mga karanasan. Pangarap ni Pearl na maging guro pero kahit pa gaano kabuti ang hangarin niya para sa kanyang sarili at sa iba, may mga tao talagang dumarating upang hadlangan siya. Pakinggan ang kwento ni Pearl sa Barangay Love Stories.
Episode 408: "Di Tayo Puwede" (Part 3) 02.12.2024 56:27
'Nawala na parang bula' - ganyan ang nangyari kay Lino. Si Lino na hinihintay pa rin ng ex girlfriend niyang si Georgette na maiayos ang buhay upang maipagpatuloy nila ang naudlot nilang pagmamahalan. Pero paano ba hintayin ang taong parang wala naman nang balak bumalik? Handa pa ring maghintay si Georgette kahit tumigil nang umasa ang lahat. Pero sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon, dapat na...
Episode 407: "No Feelings Involved" 28.11.2024 40:02
Masarap ang makipaglaro lalo na kung pareho kayong magaling ng taong kalaro mo. Pero kapag puso na ang pinag-uusapan, mahirap itong paglaruan dahil tiyak na iiyak sa dulo ang taong natalo. Ikaw, naranasan mo na bang maging talunan sa laro ng pag-ibig? Pakinggan ang kwento ni Dwight sa Barangay Love Stories.
Episode 406: "Kaibigan Lang Muna" (Part 2) 25.11.2024 1:03:50
Matapos ang ilang buwan simula nang makipaghiwalay si Georgette kay Lino, muli niya itong nakita sa wedding shower ng kanilang kaibigan. Akala ng dalaga magiging mahirap ang pagkikitang iyon pero nang lapitan siya ni Lino para kausapin, natapos ang kwentuhan nila na magkasama silang umuwi. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
Episode 405: "Mahal Kita Pero" (Part 1) 18.11.2024 1:00:16
Boyfriend material si Lino, siya ang jowa na hinahanap ng marami. Kaya nang subukan ni Lino na ligawan si Georgette, hindi na nagpakipot pa ang dalaga. Masaya at maayos ang relasyon nilang dalawa hanggang sa malasing si Lino at mai-kuwento niya sa kanyang girlfriend ang 'issues' niya sa kanyang ama. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
Episode 404: "Happy Pill" 11.11.2024 57:57
Mahirap makahanap ng taong perfect match for you. Pero para sa mommy ni Marga, hindi mahalaga ang personality ng mapapangasawa mo dahil dapat kaya ka rin nitong buhayin. Sa madaling sabi, mayaman din ang gusto niya para sa kanyang unica hija. At si Marga, hindi kakayanin ang panggigipit sa boyfriend niya. Pakinggan ang kwento ni Marga sa Barangay Love Stories.
Episode 403: "Bakanteng Hukay" (Halloween Special) 04.11.2024 1:03:03
Panahon na naman para dalawin nina Brando ang puntod ng mga kamag-anak nila. Habang naglilinis sa puntod ng kanyang lolo, may nakitang gintong kwintas si Brando. Para sa tulad niyang hindi naniniwala sa multo o anumang pamahiin, walang pagdadalawang-isip niyang binulsa ang kwintas upang ito ay ibenta. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
Episode 402: "Whipped" 28.10.2024 1:00:49
Para sumarap ang buhay mag-asawa, dapat puno ito ng pagmamahalan. Pero baka magbago ang timpla ng inyong pagsasama kapag may kontrabida. Hindi boto si lola Connie kay Tristan na napangasawa ng mahal niyang apo. Matapos ang kasal, tumira si lola Connie sa condo ng newly weds na may isang layunin, ang subukin at pahirapan ang bago niyang grandson-in-law. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay L...
Episode 401: "Twisted" 21.10.2024 1:03:36
May mga relasyon na mas matibay dahil nagsimula sa pagkakaibigan pero hindi naging applicable kay Tristan at Lumi iyon. Sinubukan naman nilang maging maayos na magkarelasyon pero hanggang BFF lang talaga ang kaya nila. Supportive pa rin naman sila sa kasiyahan ng bawat isa lalo nang mabalitaan nila ang muling pagbabalik ni Chelsea, ang dalagang tinitibok ng puso ni Tristan. Pakinggan ang kwento ni...
Episode 400: "Touched" 14.10.2024 58:16
Madalas sa panliligaw hindi mo alam kung titigil ka na o susuyuin pa ang isang dalaga na nagsasabing ayaw niya sa iyo. At dahil sa paulit-ulit na pagsabi ni Chelsea na hindi niya type si Tristan, tuluyan na nga niyang tinigil ang panliligaw para makipagkaibigan na lang sa kapatid ng kanyang kaibigan. Sakto naman na nagtapat na rin kay Tristan ang childhood BFF niyang si Lumi na matagal na palang m...
Episode 399: "Teased" 07.10.2024 1:04:39
Sabay nang nagbinata si Tristan at ang bestfriend niyang si Jake. May nakababatang kapatid si Jake na hindi naman naging ka-close ni Tristan dahil nag-abroad ito. At nang bumalik si Chelsea sa Pilipinas, pakiramdam ni Tristan ay handa na ulit siyang magmahal. Buti na lang todo support si Jake sa kanya. Pero uubra kaya si dentist Tristan sa inglesera at party girl na si Chelsea. Pakinggan ang kwent...
Episode 398: "Gintong Butil" 30.09.2024 57:33
Sa hirap ng buhay ngayon, hindi mapagsabay ng iba ang paghahanap ng pag-ibig at paghahanap ng pera. At sa katulad ni Pinang na 'nalipasan na ng panahon', parang ayaw niya na ring pagbigyan ang sarili niyang kiligin. Pero hindi papayag sa ganun si Kaloy dahil masugid niyang liligawan ang astig na tricycle driver na si Pinang. Pakinggan ang kwento ni Pinang sa Barangay Love Stories.
Episode 397: "Bilbil" 23.09.2024 1:00:08
May mga tao pa ring mahilig mangutya dahil sa panlabas na itsura pero si Johanna, wapakels sa mga taong ganoon. Mataba si Johanna at confident siya sa kanyang sarili. Kaya nang makilala niya ang total package na si Dennis, feeling niya naman ay may pag-asa siya sa gentleman at super-duper bait na binatang ito. Pakinggan ang kwento ni Johanna sa Barangay Love Stories.
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.