Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

EP 446: "Prediksyon" with Papa Dudut 28.02.2025

Madaling mahulaan ang ugali ng iba lalo na kung ang pinag-uusapan ay pamana. Nakakalungkot lang isipin na lumalabas ang katotohanan kapag pera na ang pinag-usapan. Pakinggan ang kwento ni Regina sa Barangay Love Stories.

EP 445: "Pusong Tumibok" with Papa Dudut 26.02.2025

Hindi naman pwedeng puro puso ang pairalin pagdating sa taong mamahalin. Dapat pinag-iisipan din dahil kailangan ng utak kapag tuyo na ang damdamin. Pakinggan ang kwento ni Gregorio sa Barangay Love Stories.

EP 444: "Naligaw na Gabay" with Papa Dudut 24.02.2025

Pamilya. Mahirap pabayaan ang pamilya kahit pa konsumisyon sila. Likas na sa mga pinoy ang unahin ang kanilang pamilya. Pero para kay Ralph, bilang siya lang ang may maayos-ayos na pamumuhay sa kanilang mag-anak, oo tutulong siya katulad ng turo sa kanya pero may hangganan pa rin dapat ang kabutihan niya. Pakinggan ang kwento ni Ralph sa Barangay Love Stories.

EP 443: "Gummy Bear" with Papa Dudut 21.02.2025

Kapag binigyan ka ng iyong pamilya ng isang maayos na buhay, huwag mo itong sirain dahil lang sa kapusukan. Pero buti na lang at nakalaya si Nerissa sa magulong pag-ibig na pinasukan niya. Pakinggan ang kwento ni Nerissa sa Barangay Love Stories.

EP 442: "Gunita" with Papa Dudut 19.02.2025

Si Jasmin ay batang lumaki sa isang masaya at pamilyang puno ng pagmamahalan. Hanggang sa magkaproblema ang kanyang ama. Kahit bata pa, hindi naglihim sa kanya ang kanyang mama bagkus ay lagi niyang pinapaliwanag kay Jasmin kung ano ang nangyayari sa kanilang tahanan. Kaya nang dumating ang panahon na hindi na talaga kaya ng kanyang mama, suporta pa rin ang kanyang ipinakita. Pakinggan ang kwento...

EP 441: "Nakatagong Bahaghari" with Papa Dudut (Valentine Special) 17.02.2025

Paano nga ba talaga umibig? Minsan hindi rin talaga ito maipaliwanag ng iba tulad na lang nang muling ma in-love si Shauna. Noong unang beses pa lang na makita niya si Luis, parang alam na niya agad na ito na ang lalaking para sa kanya. Pero kahit gaano pa katapang ang isang tao, kapag nagduda ka sa taong mahal mo, baka manghina ang buo mong pagkatao. Pakinggan ang kwento ni Shauna sa Barangay Lov...

EP 440: "Damay" with Papa Dudut 14.02.2025

Kung hindi makausad mula sa anino ng kahapon, siguradong damay sa pagdurusa ang kasalukuyang relasyon. Pakinggan ang kwento ni Drew sa Barangay Love Stories.

EP 439: "Sawadee Ka" with Papa Dudut 12.02.2025

Maaabot ang pangarap 'pag sinabayan ng tiyaga at sikap. Dahil ang mga bagay na pinaghirapan ay sulit kapag nahawakan. Pakinggan ang kwento ni Hubert sa Barangay Love Stories.

EP 438: "Keychain" with Papa Dudut 10.02.2025

Bago pa ipinanganak ang pamangkin ni Rina, excited na siya sa mga gagawin nilang mag-tita. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naunang namaalam ang kanyang hipag at kinailangan namang mag-abroad ng kuya niya para magtrabaho. Masayang tinanggap ni Rina ang obligasyon na alagaan ang pamangkin niyang si Joy. At nang ibalita ng kuya niyang babalik na siya ng Pilipinas, hindi na makapaghintay ang mag-...

EP 437: "Studio Type" with Papa Dudut 07.02.2025

Kapag kulang ang paninindigan, maaaring gumuho ang isang relasyon kahit gaano pa ito pinagtibay ng panahon. Walang magagawa ang tagal ng pagsasama kung ang isa ay gusto nang lumaya. Pakinggan ang kwento ni Lyza sa Barangay Love Stories.

EP 436: "Arinola" with Papa Dudut 05.02.2025

Minsan, ang direksyon ng mga pangarap ay nag-iiba kapag mayroon kang kasama. Maaaring ito'y matupad niyong dalawa o makakamit mo lang kung ikaw ay mag-isa na. Pakinggan ang kwento ni PJ sa Barangay Love Stories.

EP 435: "Pasa-Pasa" with Papa Dudut 03.02.2025

Ang pag-aampon ay isang dakilang bagay, minsan maituturing din itong biyaya sa batang nangungulila. Pero sa tulad ni Clarissa, imbes na magkaroon ng mga magulang na aalagaan siya hanggang sa huli, maagang nawasak ang munting pangarap niya. Kaya wala siyang choice kun'di itaguyod ang kanyang sarili. Pakinggan ang kwento ni Clarissa sa Barangay Love Stories. 

EP 434: "Recovery" with Papa Dudut 31.01.2025

Ang ikot ng mundo ay hindi naman hihinto kahit gaano pa kawasak ang iyong puso. Maghihilom din 'yan sa tamang panahon kaya sana piliin mo pa ring magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Thel sa Barangay Love Stories. 

EP 433: "Malasakit" with Papa Dudut 30.01.2025

Kung may malasakit lang sana ang mga tao sa lahat ng uri ng buhay sa mundo, siguradong malaya ang bawat isa sa anumang uri ng gulo.  Pakinggan ang kwento ni Cedes sa Barangay Love Stories. 

EP 432: "Puzzle Piece" with Papa Dudut 27.01.2025

Ang pagiging magulang ay dapat talagang pinaghahandaan. Pero sa tulad ni Adela na nagulat sa balitang buntis siya, malaking bagay na may kaibigan at tatay siyang umalalay sa kanya. Mahirap maging single mother para kay Adela na lumaking walang ina pero ginawa niya ang makakaya niya para alagaan ang anak niyang may Autism Spectrum Disorder din pala. Pakinggan ang kwento ni Adela sa Barangay Love St...

EP 431: "Resulta" with Papa Dudut 24.01.2025

Handa na sanang magpakasal si Randy sa kanyang girlfriend na si Jaya pero para makapag-ipon, nag-abroad muna siya. May mga tuksong lumapit pero naging matapat si Randy dahil ganun din ang inaasahan niyang ginagawa ni Jaya sa Pilipinas. Pakinggan ang kwento ni Randy sa Barangay Love Stories. 

EP 430: "Magpakailanman" with Papa Dudut 22.01.2025

Normal na sa mga kabataan ang magligawan pero paano kung ang tulad ni lola Tasing naman ang ligawan ng bagong tenant sa kanyang paupahan? Kaso imbes na kilig, perwisyo ata ang ramdam ng lola mo. Pakinggan ang kwento ni Tasing sa Barangay Love Stories. 

EP 429: "Salubong" with Papa Dudut (Trigger Warning) 20.01.2025

Tuwing bagong taon, kasiyahan at kaligtasan ang nais ng lahat, lalo na si Wenggay! Alam niyang salat ang kanilang pamilya kaya simple lang ang pangarap niya, ang makaranas ng isang payapa at masayang bagong taon kasama ang mga mahal niya sa buhay. Kaso iba ang nararanasan niya sa kanilang tahanan taon-taon. Pakinggan ang kwento ni Wenggay sa Barangay Love Stories. 

Episode 428: "Secret Spot" 17.01.2025

Bago ikasal si Vanessa, naisipan niyang magpahula. Medyo nag-alala siya dahil 'death' ang una niyang nabunot na tarot card. Natawa na lang din siya nang sabihin sa kanya na ma me-meet niya ang kanyang soul mate dahil mayroon na siyang boyfriend. Pero nagbago ang ihip ng hangin nang makilala niya ang lalaking parang hawig nga sa sinasabi ng manghuhula. Pakinggan ang kwento ni Vanessa sa Barangay Lo...

Episode 427: "Sixty Six" 15.01.2025

Kahit ano pang edad mo ay maari mo pa ring gustuhin na magkaroon ng payapang puso at isipan. Lalo na si aling Marsha na kahit pa mahigit sisenta anyos na ay naghahanap pa rin ng kapayapaan dahil gulo ang madalas na dinadala ng palikero niyang asawa. Pakinggan ang kwento ni Marsha sa Barangay Love Stories.

Episode 426: "Samahan" 13.01.2025

Sanggang-dikit sina Rooky, Tommy, Robi at Aliyah, magkakapatid na rin ang turing nila sa isa't-isa. Simula pagkabata hanggang sa paghahanap ng trabaho, hindi nila iniwan ang isa't-isa lalo pa nung mapagbintangan si Robi na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Pakinggan ang kwento ni Rooky sa Barangay Love Stories.

Episode 425: "Pangatlo" 10.01.2025

Hindi naman kailangan ng kompetensiya lalo na sa isang pamilya. Tanggalin sa puso ang inggitan at huwag ituring ang kapatid na kalaban. Pakinggan ang kwento ni Michelle sa Barangay Love Stories. 

Episode 424: "Natagpuang Iniwan" 08.01.2025

Kapag binalewala ang isang tao o bagay, siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa buhay. Kaya 'wag ipagpaliban ang maliit na problema dahil ang maliit na butas ay maaaring lumala. Pakinggan ang kwento ni Joanne sa Barangay Love Stories.

Episode 423: "Upuan" 06.01.2025

Iba talaga ang Pasko ng mga Pilipino kaya naman halos lahat ay inaabangan ang pagdiriwang na ito lalo na si Sam. Maayos na ang buhay niya at may masayahin din siyang asawa. Lalo pang nagalak ang pamilya nila nang biniyayaan sila ng cute na baby pero sa hindi inaasahang pagkakataon, binawi rin ito agad sa kanila. Paano na ang Pasko ng inaabangan sana ng kanilang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Sam...

Episode 422: "Pariwara" 03.01.2025

Sa away ng mga magulang, madalas ang mga anak ang mas nahihirapan. Bunsong anak si Cynthia at sa murang edad, kitang-kita at rinig niya ang sakitan ng kanyang mommy at daddy. Hindi man naghiwalay ang kanyang parents, hindi na rin naging mapayapa ang kanilang tahanan. Hanggang sa isang araw, hindi na siya umuwi. Pakinggan ang kwento ni Cynthia sa Barangay Love Stories. 

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.