Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

EP 471: "Sinturon" with Papa Dudut 28.04.2025

Hindi pa handa si Diony na magkaroon ng sariling pamilya pero dise-otso pa lamang siya ay pinakasal na siya ng mga magulang niya. Imbes na maging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-anak, pinagmalupitan sila ni Diony lalo na kung nalalasing ito. Masipag ang asawa ni Diony pero hindi niya iyon ikinatuwa, naging insecure siya kay Wendy. Hinila ni Diony ang pamilya niya sa kahirapan at pinalaki sa k...

EP 470: "Ang Tatlong Marites" with Papa Dudut 24.04.2025

Ang mga tsismosa ay magaling manghusga kahit hindi alam ang buong istorya. Sila-sila lang din ang nagkakaintindihan kahit hindi naman alam ang buong katotohanan. Pakinggan ang kwento ni Jade sa Barangay Love Stories.

EP 469: "Di Inaasahan" with Papa Dudut 22.04.2025

Ang buhay ay walang kasiguraduhan lalo kung tadhana na ang pumaraan. Asahan na may mga gulat na mararanasan at baka balang araw, tatawanan mo na lang 'yan. Pakinggan ang kwento ni Issa sa Barangay Love Stories. 

EP 468: "Walang Patlang" with Papa Dudut 21.04.2025

Magiging malala ang isang alitan kung ang parehong panig ay nagpapataasan. Thirty years nang hiwalay si Baby at Rogelio, kasal pa rin sila pero hindi na sila nagsasama. Naka move-on na raw si Baby pero nang bigla niyang makita ulit ang kanyang asawa, muling nagbalik ang galit at inis niya kay Rogelio. Pakinggan ang kwento ni Baby sa Barangay Love Stories. 

EP 467: "Supling" with Papa Dudut 18.04.2025

May mga tao na ayaw pa ng anak pero hindi ibig sabihin ay wala silang balak. Marahil ay hindi pa sila handa dahil ang mundong ginagalawan nila ay 'di ligtas para kanyang magiging anak. Pakinggan ang kwento ni Elmi sa Barangay Love Stories. 

EP 466: "Nabuhay na Puso" with Papa Dudut 16.04.2025

Ang wagas na pag-ibig kailanman'y hindi madadaig. Maaaring masanay na wala na siya sa iyong buhay pero ang pagmamahal na tunay ay ‘di mawawalay. Pakinggan ang kwento ni Annie sa Barangay Love Stories. 

EP 465: "Pinaako na Responsibilidad" with Papa Dudut 14.04.2025

Sa Maynila nakikipagsapalaran ang mga taga-probinsya para makahanap ng trabaho, tulad ni Kristel at ng asawa niyang si Abel. Pero dahil lumalaki na ang kanilang mga anak at mas magastos na ang pamumuhay sa Maynila, nagdesisyon silang umuwi na sa probinsya ni Abel sa pag-asang mas gagaan ang pamumuhay nila doon. Sa kasamaang palad, hindi naging madali ang pagsisimula nilang muli sa probinsiya pero...

EP 464: "Break time" with Papa Dudut 11.04.2025

Ang relasyon ay maikukumpara sa trabaho minsan. Kailangan mo din ng break time para mag-recharge at muling sumabak sa laban. Pakinggan ang kwento ni Charlene sa Barangay Love Stories. 

EP 463: "Iginuhit sa Palad" with Papa Dudut 09.04.2025

Hindi nakaguhit sa palad ang ating kapalaran kaya anumang pagsubok ay hindi dapat atrasan. Ang buhay ay isang malaking laban at walang mapapala kung ito'y susukuan. Pakinggan ang kwento ni Leena sa Barangay Love Stories. 

EP 462: "Sampaguita" with Papa Dudut 07.04.2025

Maalagang anak si Anthony, pangarap niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga magulang. Pero naging malungkot ang mundo nang biglang pumanaw ang kanyang ama. Para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay, pinaupahan nila ang opisinang naiwan ng kanyang tatay. Agad namang nakahanap ng uupa ang kanyang ina, walang iba kun’di ang BFF nitong si Bebang. Bakla si Bebang at malalim ang pi...

EP 461: "Kita-Kits" with Papa Dudut 04.04.2025

Mahirap mawalay nang matagal sa taong minamahal. Pero malayo man kayo sa isa't-isa, buo ang pag-asa sa inyong muling pagkikita. Pakinggan ang kwento ni Rowan sa Barangay Love Stories.

EP 460: "Sabay" with Papa Dudut 02.04.2025

Hindi mo madarama na ikaw ay malaya kung sa simula pa lang ng relasyon ay may hindi na tama. Ganyan ang pakiramdam ni Ehra dahil nagpalandi siya sa boyfriend ng empleyado niya. Pakinggan ang kwento ni Ehra sa Barangay Love Stories.

EP 459: "Jumper" with Papa Dudut 31.03.2025

Walang masama kung gugustuhin mong magkaroon ng mayamang karelasyon. Pero kung plano mo lang gamitin ang pera ng jowa mo at hindi mo talaga siya mamahalin nang totoo, iyon ang mali. Gusto rin ni Madie ng maperang boyfriend at nahanap niya nga iyon. Maayos naman sanang girlfriend si Madie kaso si Larry, masakit magsalita, ayaw na ayaw nitong nag-aayos siya at madalas niyang insultuhin si Madie. Kay...

EP 458: "Kasosyo" with Papa Dudut 28.03.2025

Ang pamilya ay parang negosyo at ang asawa ang kasyoso. Kaya kapag mayroong nanloko, siguradong mayroong malulugi at matatalo. Pakinggan ang kwento ni Aikee sa Barangay Love Stories.

EP 457: "Baby Mama" with Papa Dudut 26.03.2025

Ang magpalaya ay hindi madali lalo't siya ang sanhi ng iyong mga ngiti. Pero kung para sa ikabubuti ng marami, nararapat mo itong gawin para sa ikatatahimik ng sarili. Pakinggan ang kwento ni Jill sa Barangay Love Stories.

EP 456: "Manila Girl" with Papa Dudut 24.03.2025

Nagkaroon ng anak sa labas ang tatay ni Kayla. Nagtago ang tatay niya sa mga tsismoso at tsismosa ng probinsiya nila pero ang kabit at ang anak nito, araw-araw pa rin nilang nakikita. Never pinatawad ni Kayla ang kapatid niya sa labas pero nang lumuwas siya sa Maynila para magsimula ulit, doon siya nakahanap ng lalaking nagpabago ng pananaw niya sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Kayla sa Barangay...

EP 455: "3 AM" with Papa Dudut 21.03.2025

Ang lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon. Maaaring ang akala mong sa'yo kahapon ay hindi na pala iyo ngayon. Pakinggan ang kwento ni Eron sa Barangay Love Stories.

EP 454: "Magiting" with Papa Dudut 19.03.2025

Ang kagitingan ay hindi lang tungkol sa pagharap sa kalaban. Isa itong mahalagang katangian pero dapat may takot ka pa ring gumawa ng kamalian, hindi 'yong sugod nang sugod ka lang. Pakinggan ang kwento ni Felix sa Barangay Love Stories.

EP 453: "Pares" with Papa Dudut 17.03.2025

Matagal nang nawawala ang nanay ni Roselie. Perokahit matagal nang panahon nang huli silang magkasama, ramdam niya na buhay pa ang kanyang nanay at naghihintay lang ito na mahanap siya ng kanyang anak. Pakinggan ang kwento ni Roselie sa Barangay Love Stories. 

EP 452: "Band-Aid" with Papa Dudut 14.03.2025

Ang sugat ay pwedeng takpan para ang sakit ay mabawasan. Pero huwag gawing panakip-butas ang isang tao dahil madudurog ang kanyang puso kung ang iyong pag-ibig ay hindi naman pala totoo. Pakinggan ang kwento ni Raiza sa Barangay Love Stories.

EP 451: "Mystery Caller" with Papa Dudut 12.03.2025

Mananatiling misteryo ang mga bagay na isinisikreto. Kaya kung ayaw masira ang iniingatang relasyon, huwag pumasok sa katago-tagong sitwasyon. Pakinggan ang kwento ni Aurora sa Barangay Love Stories. 

EP 450: "Eskandalosong Puso" with Papa Dudut 10.03.2025

May mga pagnanasa na hindi nakakaapekto sa iba pero mayroon din namang pwedeng makasira at makapanakit sa kanila. Ganyan ang gawain ni Eros, alam na nga niyang mali pero nasisiyahan pa rin siya habang nagpapakasarap sa paggawa ng mga bagay na makasalanan. Pakinggan ang kwento ni Eros sa Barangay Love Stories.

EP 449: "Kambal" with Papa Dudut 07.03.2025

Bago ka pumili ng iibigin, baka mas mainam kung ang relasyon sa pamilya ang iyong unahin. Ngunit may mga pamilya din naman talaga na hindi ka pasasayahin pero sana maging sandalan mo pa rin sila lalo kung nahihirapan ka na. Pakinggan ang kwento ni JP sa Barangay Love Stories. 

EP 448: "Ikalawang Pagdating" with Papa Dudut 05.03.2025

Laging bigyang halaga yung mga tao na ang nais lang ay mapabuti ka. Pambihira ang mga ganyan lalo na sa mundong makasarili ang karamihan. Pakinggan ang kwento ni Samara sa Barangay Love Stories.

EP 447: "Almusal" with Papa Dudut 03.03.2025

Sabik nang bumuo ng sariling pamilya si Aika. Excited na rin naman ang asawa niya kaso habang nag-iipon pa, nakitira muna sila sa family house ng mister niya. Mabait naman ang mommy ni Ponsi kaso hindi mapigilang ma-frustrate ni Aika sa tuwing gumagawa ng desisyon si Ponsi. Dahil imbes na ipaalam muna sa ito kanya, nagiging final na ang usapan basta ang nag-suggest ay ang kaniyang byenan. Pakingga...

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.