Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

EP 496: "Bida-Bida" with Papa Dudut 25.06.2025

May sarili kang galing at natatangi ka sa iba kaya huwag paapekto sa mga taong bida-bida. Pero kapag si nanay na ang nagkompara, masakit naman iyon talaga. Pakinggan ang kwento ni Kleah sa Barangay Love Stories.

EP 495: "Santo" with Papa Dudut 23.06.2025

Lahat ay malaya sa pagpili ng taong mamahalin pero kung may pamilya ka na, dapat huwag ka nang maghanap ng iba at alagaan mo na lang ang iyong pamilya. Ganyang sitwasyon sana ang gustong iwasan ni Jimmy kaso rumurupok talaga siya kapag sinusuyo na. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories. 

EP 494: "Agawan" with Papa Dudut 20.06.2025

Hindi masama na maghangad ang isang tao. Ang masama ay ang hangarin mong maghirap ang iba dahil akala mo sinaktan ka nila. Pakinggan ang kwento ni Donato sa Barangay Love Stories.

EP 493: "Udlot" with Papa Dudut 18.06.2025

Kapag kulang sa lalim ang pagmamahalan, maaaring maudlot ang nasimulan. At kung hindi na ito mapagbibigyan, ang pag-ibig ay matutuldukan. Pakinggan ang kwento ni Kyla sa Barangay Love Stories.

EP 492: "Dulo" with Papa Dudut 16.06.2025

Isang napakalaking biyaya kapag nakatagpo ka ng kaibigang totoo, maalaga, kwela, at supportive pa. Ganyan ang circle of friends na nahanap ni Mikki kay Trish at Jed. Sanggang-dikit silang tatlo hindi lang pagdating sa kanilang acads kun'di pati na rin sa hamon ng buhay. Kaya nang magtanan sina Jed at Trish, taos-puso pa rin silang tinulungan ng BFF nilang si Mikki. Pero simula pa lang pala iyo...

EP 491: "Talyer" with Papa Dudut 13.06.2025

Nag-iiba ang isang sitwasyon kapag nangigibabaw ang emosyon. Ang nararamdaman ay nagiging kabaliktaran kapag kasali na ang puso sa usapan. Pakinggan ang kwento ni Minet sa Barangay Love Stories.

EP 490: "Baliktaran" with Papa Dudut 11.06.2025

Nag-iiba ang isang sitwasyon kapag nangigibabaw ang emosyon. Ang nararamdaman ay nagiging kabaliktaran kapag kasali na ang puso sa usapan. Pakinggan ang kwento ni Minet sa Barangay Love Stories.

EP 489: "Board Exam" with Papa Dudut 09.06.2025

Dahil sa pabayang ate ni Shiela, kinailangan niyang magpaka-nanay para sa pamangkin niya. Mahirap ito para sa dalagang katulad niya pero nakaraos naman sila. Kaya nang nasa tamang edad na si Jared, hindi niya nakalimutang paalalahanan ang unico hijo niya na dapat ingatan niya ang kanyang nobya dahil mahirap maging magulang nang hindi handa.  Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories. 

EP 488: "Pakiusap" with Papa Dudut 06.06.2025

Ang imposible ay maaaring maging posible basta may pananampalataya. Lahat ng bagay ay magagawa kapag may kasamang dasal at sapat na tiwala. Pakinggan ang kwento ni Junnie sa Barangay Love Stories.

EP 487: "Itinagong Patawad" with Papa Dudut 04.06.2025

Tao lamang tayo na minsan'y nagagalit at nagtatampo. Pero hindi dapat ipinagdaramot ang kapatawaran dahil ang oras ay tumatakbo at baka ikaw'y iwan nito. Pakinggan ang kwento ni Lime sa Barangay Love Stories.

EP 486: "Tsinelas" with Papa Dudut 02.06.2025

Masarap lumaki sa isang masayang pamilya, yung may tamang kulit at disiplina - sa ganyang mag-anak namulat ang kambal na sina Borge at Kulot. Kahit mag-isa lang ang nanay Ida nila sa pagtataguyod sa kanilang dalawa, naging maayos at masaya naman sila. Pero dumating na ang panahon na kailangan na rin nilang bumukod para sa trabaho kaso mukhang hindi ata nila kayang iwan mag-isa ang kanilang mama. P...

EP 485: "Segue" with Papa Dudut 30.05.2025

May mga katotohanang magtutulak dapat sa iyo sa kabutihan. Pero kung hindi ka kikilos para umunlad, baka nasa iyo ang mali at hindi sa iyong paligid. Pakinggan ang kwento ni Franco sa Barangay Love Stories. 

EP 484: "Katuwang" with Papa Dudut 28.05.2025

Kapag ang katuwang sa buhay ay iyong natagpuan, meron ka nang kapareha, may karamay at kaibigan pa. Lahat ng pagsubok ay kayang lampasan basta’t gampanan mo lang ang iyong katungkulan. Pakinggan ang kwento ni Gido sa Barangay Love Stories. 

EP 483: "Wedding Planner" with Papa Dudut 26.05.2025

Wedding Planner ang kinukuha ng mga ikakasal para maibsan ang hirap nila sa pagpaplano. Pero imbes na magbigay linaw sa kasal, nagulo pa nga ata ni Jaime ang isip ng kanyang kliyente, dahil si groom, na-fall sa kanya. Napilitan lang na magpakasal si Ron kaya hindi talaga buo ang loob niya, sinubukan naman siyang kumbinsihin sana ni Jaime na baka wedding jitters lang iyon. Kaso imbes na malinawan,...

EP 482: "Tambay" with Papa Dudut 23.05.2025

Kung ang tao na walang direksyon sa buhay ay makakatagpo ng pag-ibig na tunay, maaaring mag-iba ang ihip ng hangin at magkakaroon ng tuwid na layunin. Pakinggan ang kwento ni Chestnut sa Barangay Love Stories.

EP 481: "Lipstick" with Papa Dudut 21.05.2025

Huli na nang malaman ni George na pusong babae pala siya pero imbes na ikagalit ito ng asawa niya, tinawanan na lamang nila ito ni Mila. Kaso si George hindi na talaga kayang makiisa sa babae kaya pinalaya na siya ni misis. Hanggang sa isang araw, sinabi ni Mila na may bago na siyang jowa at mukhang ikakasal na siya ulit. Pakinggan ang kwento ni George sa Barangay Love Stories.

EP 480: "Pandemic" with Papa Dudut 19.05.2025

Katulad ng iba, may tinatagong pagtingin si Acela sa kanyang kababata kaso kapatid lang talaga ang turing sa kanya ni Greg. Ayos lang kay Acela iyon, tinutulungan niya pa nga si Greg sa tuwing kailangan nitong i-surprise ang girlfriend niya. Hanggang sa nagkaroon ng pandemic, napadalas ang pag-aaway ni Greg at ng kanyang gf. Bilang kapitbahay ni Acela si Greg, madalas itong nasa bahay nila. At nan...

EP 479: "Namamangka" with Papa Dudut 15.05.2025

Ang pamamangka ay isang paraan para marating ang gustong lokasyon. Pero kapag sa dalawang ilog ito ginawa, siguradong malilito at 'di aabot sa tamang destinasyon. Pakinggan ang kwento ni Gianna sa Barangay Love Stories.

EP 478 : " Takdang Panahon" with Papa Dudut 13.05.2025

Huwag habulin ang tao na lagi kang nilalayuan. Dahil kung siya ang itinakda ng panahon, hindi na kailangan pa ng habulan. Pakinggan ang kwento ni Brenda sa Barangay Love Stories.

EP 477: "Kumare Goals" with Papa Dudut 12.05.2025

Kung may mga mag-BFF, may super mega BFF din tulad nina Sharon at Glenda. Bilang magkaibigan marami na silang pinagsamahan kaya nang maging mag jowa ang mga pinakamamahal nilang anak, super na-excite talaga ang mga nanay na ito. Pero hindi sa lahat ng oras ay masaya ang relationship ng mga mag-jowa. At dahil babae ang anak ni Sharon, ayaw niya talagang dehado ang kanyang unica hija kaya ang away n...

EP 476: "Kinalabit ng Tadhana" with Papa Dudut 08.05.2025

Huwag pakasigurado sa kinatatayuan ngayon dahil kapag tadhana ang nangalabit, magbabago ang sitwasyon. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories. 

EP 475: "Takbuhan" with Papa Dudut 06.05.2025

Ang mga taong takbuhan, sa huli kadalasan ay naiiwan dahil karaniwan nilang binabaliktad ang silbi ng puso sa isipan. Pakinggan ang kwento ni Justin sa Barangay Love Stories.

EP 474: "Pet Peeve" with Papa Dudut 05.05.2025

Matalik na kaibigan ni Raya si Albie, nagtayo sila ng milk tea shop together at magkasama rin sila sa pagma-manage ng shop na iyon. Maayos ang business nila, maganda ang kita pero noon hanggang ngayon, issue kay Raya ang isa pang best friend ni Albie na si Gino. Chef si Gino at pet peeve siya ni Raya. Lahat ng ayaw ni Raya, ginagawa ni Gino para magpapansin, at ito namang si Albie medyo support di...

EP 473: "Nega" with Papa Dudut 01.05.2025

Buksan ang puso't isipan para maunawaan ang hindi maintindihan. Marami nang problema sa mundo kaya 'wag nang dumagdag sa mga negatibo. Pakinggan ang kwento ni Mariel sa Barangay Love Stories. 

EP 472: "Santan" with Papa Dudut 29.04.2025

Itinatanim sa tahanan ang binhi ng pagmamahalan. Samahan pa ng sapat na alaga at dilig, magiging mayabong ang bunga ng pag-ibig. Pakinggan ang kwento ni Ahvi sa Barangay Love Stories. 

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.