Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Episode 349: "Regalo" 23.10.2023

Masakit mabigo sa pag-ibig pero sinubukan pa rin ni Riyan na bigyan ng second chance ang sarili niyang magmahal muli at mahalin din ni Aries. Pero takot talaga si Riyan na maiwan ulit lalo pa't hindi niya masabi-sabi kay Aries na hirap siyang makabuo ng bata. Pakinggan ang kwento ni Riyan sa Barangay Love Stories.

Episode 348: "Unit 505" 16.10.2023

Minsan sa sobrang kasabikan mong makahanap ng kasiyahan, sa maling tao ka tuloy napupunta. Nang unang makita ni Doniel si Iya, talagang nabighani siya sa dalaga. Masaya si Doniel dahil sinusuklian ni Iya ang panlalandi niya pero si Iya, mukhang ayaw seryosohin ang relasyon nila. Pakinggan ang kwento ni Doniel sa Barangay Love Stories.

Episode 347: "Dahil sa Takot" 09.10.2023

Masarap makasama ang taong mahal mo at mahal ka. Pero kung nais niyo talagang makabuo ng isang pamilya at walang kakayanan ang isa sa inyo, baka mauwi ito sa hiwalayan. Pakinggan ang kwento ni Leo sa Barangay Love Stories.

Episode 346: "Pizza" 02.10.2023

Ang tamad kahit asawahin ng masipag ay hindi magbabago kung wala talaga itong plano. Matapos magkaanak ni Biboy sa kanyang nobya, hindi pa rin nagamot ang sakit niyang katamaran. Buti na lang ay talagang mahal siya ni Libbie kaya kahit hirap na hirap magtrabaho ay patuloy na kumakayod si Libie para sa munti nilang pamilya. Pero ang pagmamahal ni Libbie ay masusubukan nang makahanap ng iba si Biboy...

Episode 345: "Paurong" 25.09.2023

Araw-araw nag-aaway at nananakit kapag lasing, ganyan ang mga magulang ni Chona. Hanggang sa nakipagtanan sa iba ang kanyang ina. Ang dati nilang wasak na pamilya ay gumuho na nga. Wala namang ibang hiling si Chona kun'di ang magkaroon ng mapayapa at maayos na kinabukasan ang kanyang nakababatang kapatid pero mahirap ata iyun dahil nag-uwi ng bagong 'nanay' ang kanilang ama. Pakinggan...

Episode 344: "Awit ng Pag-Ibig" 18.09.2023

Matagal nang gusto ni Bogs na makaahon sa buhay. Simula nang maulila siya, sa musika at busking siya kumapit. Kaya nang may lumapit sa kanya at sinabing gustong maging manager niya, nasilaw si Bogs sa magagandang posibilidad na pwedeng makamit niya. Naniwala siya sa mga salita ng taong first time niya pa lang makilala. Pakinggan ang kwento ni Bogs sa Barangay Love Stories.

Episode 343: "Ebidensiya" 11.09.2023

Matagal-tagal din ang panahon na hinintay ni Abraham upang mapagbigyan ang sarili niyang kaligayahan. Hindi rin naging madali ang paghahanap niya ng pag-ibig pero tinulungan pa rin siya ng langit nang muli niyang makita ang high school crush niyang si Shane. Nauwi rin sa proposal ang kanilang pagsasama ngunit kung kailan malapit na ang kanilang kasal, saka naman sila pilit sinisira ng taong close...

Episode 342: "Gitnang Silangan" 04.09.2023

Mahirap mamuhay mag-isa at mas mahirap 'yan kung may mga anak ka na at wala pang katuwang. Buti na lang kahit maagang nagkapamilya si May, tinanggap pa rin siya ng kanyang lolo't lola. At habang naghahanap ng work si May, nahanap naman siya ng pag-ibig - pero mas matanda nga lang sa kanya. Pakinggan ang kwento ni May sa Barangay Love Stories.

Episode 341: "Tunay na Babae" 28.08.2023

Maraming mag-asawa ang gusto ng sariling anak, isa na diyan sina Tere at Rowell. Pero nang hindi sila mabiyayaan ng sanggol, nag-decide silang magpatingin na nga sa doktor. Nang malaman ni Rowell na siya pala ang may problema, halos hindi niya ito matanggap hanggang sa mauwi siya sa isang napakabigat na desisyon na pati si Tere ay mahihirapang dalhin. Pakinggan ang kwento ni Tere sa Barangay Love...

Episode 340: "Makapiling Ka" 21.08.2023

Isang desisyon ang pagmamahal. Hindi ito magtatagal kung ibabase lang ito sa pakiramdam. Nang hindi na muling magparamdam ang first love ni Israel, matapos ang maraming taon ay nag-decide siyang pakawalan na ito at ibaling ang atensyon niya sa taong matagal na siyang gusto. 'Di kalaunan'y, natutunan niya ring mahalin si Rose at nakabuo sila ng isang simple at masayang pamilya. Pakinggan an...

Episode 339: "Timbang" 14.08.2023

Ang pag-aampon ay hindi dapat sapilitan dahil sa huli ang bata lang ang mahihirapan. Lumaki si Kate sa pamilyang hindi pala sa kanya ngunit sa kabila nito wala siyang ibang hinangad kun'di ang mahalin din siya ng mama at ate Sharon niya katulad ng pagmamahal ng mag-ina sa isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Kate sa Barangay Love Stories.

Episode 338: "Takwil" 08.08.2023

Hindi alam ni Joji at ng kanyang mga kapatid kung paano pakikisamahan ang kanilang ama na kung ituring sila ay parang hindi mga tunay anak. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin maiwan-iwan ni Joji ang amang malupit sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Joji sa Barangay Love Stories.

Episode 337: "Daddy Drag Queen" 31.07.2023

Simula nang malaman ni Chano na siya ay may pusong babae, suportado na siya ng kanyang pamilya. At kahit pa naging tampulan siya ng tukso sa paaralan at kanilang lugar, lumaki naman siya sa isang mapagmahal na tahanan. Pero naging mas challenging pa ang buhay niya nang mag-decide siyang maging tatay ng anak ng BFF niyang si Rina. Pakinggan ang kwento ni Chano sa Barangay Love Stories.

Episode 336: "Hindi pa Huli" 24.07.2023

Habang inaayos ni Richard ang gusot na iniwan ng kanyang playboy na kapatid, hindi niya inaasahan na matatagpuan niya ang taong kukumpleto sa kanyang buhay. Pakinggan ang kwento ni Richard sa Barangay Love Stories.

Episode 335: "Acceptance is the Key" 17.07.2023

Sa loob ng labindalawang taong, hindi raw nagloko ni nagsinungaling si Jace sa relasyon nila ni Berlyn. Pero paano tatanggapin ni Berlyn ang batang bunga ng pagkalasing ng kanyang soon-to-be husband na si Jace habang nagtatrabaho ito sa ibang bansa. Pakinggan ang kwento ni Berlyn sa Barangay Love Stories.

Episode 334: "Hanggang sa Muli" 10.07.2023

Hindi raw pwedeng pagsabayin ang career at love life. Pero kung oo, siguradong mahihirapan ang isa maliban na lang kung malawak ang understanding ng partner mo. Katulad ni Noemi na sobra kung sumuporta sa pangarap ni Harvey habang sinusuportahan din ang sarili niyang mga pangarap. Pero paano pa tutulong si Noemi kung si Harvey mismo ay panghihinaan ng loob. Pakinggan ang kwento ni Harvey sa Barang...

Episode 333: "Pensyonadong Pulpol" 03.07.2023

Mahirap maulila nang maaga at mahirap din kung maipagkatiwala ka sa taong walang ibang ginawa kun'di ang ipaalala sa iyo na isa kang pabigat. Ganyan ang naging buhay ni Aira sa piling ng kanyang tiyahin. Buti na lang at nakilala niya si TJ, ang taong magiging karamay niya sa lupit ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Aira sa Barangay Love Stories.

Episode 332: "Huling Tibok" 30.06.2023

Pagdating sa pag-ibig, mas gusto ng iba 'yung tipong sa simula pa lang ay may spark na. Katulad ni Laine, kahit matagal nang gusto manligaw ni Manuel - isang mabait, matipuno, mapagkakatiwalaan na lalaki, at financially stable pa, ay never itong binigyan ng chance ni Laine. Pakinggan ang kwento ni Laine sa Barangay Love Stories.

Episode 331: "Instant Noodles" 19.06.2023

Maraming bagay at pagkakataon ang maaaring panghinayangan ng mga tao. At isa sa mga pagkakataong iyun ay ang pag-iwas sa pagtulong kahit na kaya mo lalo pa kung ang taong nangangailangan ay ang kapatid mo. Pakinggan ang kwento ni Jake sa Barangay Love Stories.

Episode 330: "Identity" 13.06.2023

Minsan, nakakakilig isipin na may taong nagkakagusto sa iyo. Pero hindi ganun ang pakiramdam ni Arjo. Focused lang sa pag-aaral ang binata kaya kahit na araw-araw siyang kinukulit ni Arlene, mas gusto niyang iwasan ang dalaga. Pero mahirap layuan ang isang obsessed na taong katulad ni Arlene na may stalker vibe pa. Pakinggan ang kwento ni Arjo sa Barangay Love Stories.

Episode 329: "Right Time" 05.06.2023

Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, lalo na ang pag-ibig. Ngunit nang ma-realize ni Allen na mukhang hindi siya ang tamang lalaki para sa pinakamamahal niyang si Ria, sinukuan niya na lang ito. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories.

Episode 328: "Best Man" 29.05.2023

Hindi madali ang maghintay pero para makasigurado, pinili ni Stacy at Liam na mas kilalanin pa ang isa't-isa upang hindi nila pagsisihan ang pagpapakasal. Totoong sweet ang mga secret proposals, pero minsan naipapahamak nito ang ibang tao. Pakinggan ang kwento ni Stacy at Regie sa Barangay Love Stories.

Episode 327: "Ehemplo" 22.05.2023

Ulirang anak sa kanyang sakiting ina at ama sa batang hindi niya kadugo, iyan si Vincent. Naging masalimuot ang kanyang buhay pag-ibig nang magmahal siya ng babaeng hindi itinadhana ng langit para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Vincent sa Barangay Love Stories.

Episode 326: "Walang Bola" 15.05.2023

May mga taong umiibig nang maaga at may iba naman na sa huli na ito nakikita. Hindi takot umibig si Prince pero matapos ang maraming break-ups, na-realize niya na kailangang paghandaan nang maigi ang pakikipagrelasyon lalo na nang malaman niyang gusto pala siya ng kaibigan niya. Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories.

Episode 325: "Karnal" 08.05.2023

Normal na magkaroon ng tukso sa mundo pero ibang usapan na kapag bumigay ka rito. Katulad na lamang ni Angie na sobrang mahal ang kanyang asawa at anak ngunit bumigay pa rin sa tawag ng laman nang dahil sa pangungulila sa kanyang mister na isang seaman. Pakinggan ang kwento ni Angie sa Barangay Love Stories.

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.