Treasuring Christ PH
Baliwag Bible Christian Church [sermons]
Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.
Author
Treasuring Christ PH
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Psalm 119:97-104 • Sweeter than Honey 25.01.2025 57:23
Ang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang salita ay hindi lang natin sinasabi kapag Sunday sa mga prayers at mga songs natin. Ito ay nag-uumapaw sa pang-araw-araw nating buhay as we seek to obey God in all areas of our life. Sabi nga ng Panginoong Jesus, "ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin"(John 114:21 ASD). Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi ang ating ulti...
Psalm 119:89-96 • God's Enduring Word 22.01.2025 50:07
Ipinapaalala sa atin ng Psalm 119 na permanente ang salita ng Diyos, maaasahan ang salita ng Diyos, at perpekto ang salita ng Diyos. Permanente dahil ang Diyos ay walang-hanggan at nananatili ang kanyang katapatan. Maaasahan dahil ang Diyos ay makapangyarihang nagliligtas at nagbibigay-buhay. Perpekto dahil ang Diyos ay perpekto.
Jesus Christ The Lamb on the Throne 18.01.2025 56:39
Isang sermon batay sa Pahayag 5:1-14 na tumatalakay na si Jesus, ang Kordero ng Diyos, ang tanging karapat-dapat na magbukas ng aklat ng plano ng katubusan ng Diyos at tumanggap ng walang hangggang papuri at pagsamba dahil Siya ang Tagapagligtas at Hari ng lahat.
Jesus Christ, the Seed of the Woman 07.01.2025 54:57
Ito ay isa sa mga sermon sa series ng "Name Above All Names" na batay sa Filipos 2:9. Tinalakay rito ang kahalagahan ng pangalan ni Cristo, na ipinapaalala lalo na sa panahon ng Pasko, at ang mensahe ng kaligtasan na nagsimula sa Genesis (the protoevangelium) upang ipakita ang katuparan ng mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo bilang “the seed of the woman,” na siyang dumurog sa ahas. Sa h...
Gospel Blessing: An Overview of Deuteronomy 20.12.2024 1:02:40
Ang Deuteronomy ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng patuloy na kabutihan ni Yahweh sa paglalakbay ng mga Israelita, at pag-uulit sa kanila ng mga mabuting utos ng Diyos upang ihanda sila sa pagpasok sa lupang pangako, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagtitiwala sa Kanya. Ito'y sumasalamin sa paglalakbay natin sa buhay bilang mga Kristiyano at walang l...
Gospel Discipline: An Overview of Numbers 04.12.2024 59:32
Ang Numbers ay isang aklat sa Bibliya na nagkwekwento ng kasaysayan ng Israel, na sumasalamin sa kundisyon ng puso natin bilang mga makasalanan na nangangailangan ng Tagapagligtas. Lahat tayo ay makasalanan, mamamatay rin dahil sa kamandag ng ahas. Meron lang isang paraan—only one way—para tayo’y mabuhay. Si Cristo lang. So we look to Christ para sa ating kapatawaran, kaligtasan, kapahingahan, at...
Gospel Holiness: An Overview of Leviticus 21.11.2024 1:04:23
Ang Leviticus ay isang aklat sa Bibliya na mahalaga sa pagpapahayag ng kabanalan ng Diyos at ng tamang pamumuhay ng mga taong iniligtas ng Diyos. Naglalaman ito ng mga utos na nagtuturo kung paano makakalapit ang isang makasalanan sa banal na Diyos. Sa pag-aaral ng Leviticus, mauunawaan ang kahalagahan ng ginawa ni Cristo para sa atin.
Exodus 1-40 • Gospel Rescue: An Overview of Exodus 16.11.2024 1:00:49
Ang buong Exodus ay nagpapaalala sa atin na hindi lang ito kuwento ng Israel, ito rin ay kuwento ng buhay natin. At bago ito maging kuwento ng buhay natin, dapat nating alalahanin na ito ay kuwento ni Jesus. Siya ang tunay at nakahihigit na Moises. Siya ang tunay at nakahihigit na panganay na Anak ng Diyos. Siya ang tunay at nakahihigit na Passover Lamb. Siya ang tunay at nakahihigit na tinapay at...
Hebrews 4:14-16 • Confidence in Christ - Our Great High Priest 12.11.2024 50:03
Therefore, since we have a great high priest who has ascended into heaven, Jesus the Son of God, let us hold firmly to the faith we profess. For we do not have a high priest who is unable to empathize with our weaknesses, but we have one who has been tempted in every way, just as we are—yet he did not sin. Let us then approach God’s throne of grace with confidence, so that we may receive mercy and...
Exodus 35-40 • Ang Pagtapos ng Gawain ng Diyos 30.10.2024 1:02:04
Mahalaga ang iniuutos ng Diyos, kaya mahalaga na sundin at gawin ang lahat ng kanyang iniuutos. Tayo ay walang kalayaang gawin kung ano ang preference natin o i-modify ang instructions ng Diyos bilang Owner at Designer nito. kaya all of us must Trust and Obey, there is no other way, to be happy in Jesus, but to Trust and Obey.‘Yan ang buhay Kristiyano, ‘yan ang buhay na in relationship with God, i...
Hebrews 3:15-4:13 • Ang Tunay na Kapahingahan kay Cristo 30.10.2024 1:00:07
Ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan lamang kay Cristo, at ang bawat mananampalataya ay pinaaalalahanang mag-ingat laban sa kawalan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga babala ng Espiritu Santo, ng Kasulatan, at ng pangako ng lubos na kapahingahan, tayo ay hinihikayat na manatiling tapat at pumasok sa kapahingahang inaalok ng Diyos.
Exodus 34 • Ang Liwanag ng Mukha ng Diyos 23.10.2024 57:48
Nakikita mo ba ang liwanag ng mukha ni Cristo every time you hear the preaching of the Word? Nagtitiwala ka ba sa kanya? Kung oo, nababakas ba sa mukha mo ang liwanag ni Cristo? Kung nakatitig ka palagi kay Cristo, mangyayari ‘yan. Isa sa paborito kong verse sa Christian life, 2 Corinthians 3:18, “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same...
Exodus 33 • Ang Walang Katumbas na Halaga ng Presensya ng Diyos 19.10.2024 1:03:20
Malaya ang Diyos na piliin kung sino ang kaaawaan niya at ililigtas. Bilang sovereign Lord and Ruler of all, hindi siya obligado na iligtas ang sinumang tao na nararapat lamang tumanggap ng makatarungang paghatol at parusa ng Diyos. Ang biyaya ng Diyos-mula simula hanggang katapusan- ang angkla ng kumpiyansa na kailangan natin para harapin ang mga hamon sa bawat araw.
Romans 10:1-4 • Renewed Minds, Zealous Hearts 04.10.2024 56:52
A devotion that is passionate & sincere yet without the knowledge of Christ is dangerous to God's people. Baliwag Bible Christian Church 38th Anniversary Preached by Ptr. Ramen Caliwag
Hebrews 3:7-14 • Ang Tunay na Kapahingahan Kay Cristo 26.09.2024 58:19
Ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan lamang kay Cristo, at ang bawat mananampalataya ay pinaaaalalahanang mag-ingat laban sa kawalan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga babala ng Espiritu Santo, ng Kasulatan, at ng pangako ng lubos na kapahingahan, tayo ay hinihikayat na manatiling tapat at pumasok sa kapahingahang inaalok ng Diyos.
Exodus 32 • Ang Gintong Baka 19.09.2024 1:01:21
Ang Diyos ng Exodus 32 ay ang Diyos nating mga Kristiyano. At ang Diyos na ito, si Yahweh, ay committed at zealous para sa kanyang sariling karangalan. Hindi niya hahayaang ang puso natin ay magpatuloy na tumingin sa mga bagay na higit na mababa ang halaga kung ikukumpara sa Diyos. God is committed in exposing our idols—hangga’t meron pang natitirang diyos-diyosan sa puso natin. At ‘wag tayong mat...
Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan 12.09.2024 59:06
Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nar...
Hebrews 3:1-6 • Worthy of Greater Glory 07.09.2024 1:01:09
Sa pagharap sa mga pagsubok at tukso, palagi tayong tumingin kay Cristo at mas mahigpit na kumapit sa kanyang mga pangako. Consider Jesus: with a desire, concentration, time, with other believers, and with confident hope. Fix your thoughts and turn your eyes to the one who is worthy of greater glory. Preached by Jowinik Bautista
Exodus 28-29 • Ang Kahalagahan ng Tungkulin ng mga Pari 28.08.2024 1:03:13
Jesus Christ is our great high priest. Sa sermon na ito ay muling ipinapakita sa atin ng Diyos ang kanyang kaningningan, kabanalan at kadakilaan mula sa exodus hanggang sa matupad ito kay Cristo, bilang Diyos na nagkatawang-tao, namuhay nang matuwid at walang kasalanan, namatay bilang kabayaran sa kasalanan ng sanlibutan, muling nabuhay, nananatiling tagapamagitan at representative ng tao sa Diyos...
Exodus 25–27 • Ang Tirahan ni Yahweh 23.08.2024 1:05:45
Kung ang glorious presence ng Diyos ang end goal ng gospel, ang layunin ng existence ng church, ito rin ang end goal ng history. Kung diyan pala patungo lahat ang kasaysayan ng mundo, ‘yan din dapat ang nasa sentro ng buhay mo ngayon. Hindi pera, hindi trabaho, hindi pamilya, hindi sarili mong ambisyon, hindi ang misyon na baguhin ang mundo. Kundi ang makapiling ang Diyos, manirahan sa bahay ng Di...
Hebrews 2:10–18 • Ang Paghihirap ni Cristo ay Isang Regalo para Sa 'Yo 15.08.2024 1:00:44
Ang paghihirap ni Cristo ay isang regalo para sa'yo. Christ gift of salvation is not just a one time gift but an active participation of God sa buhay ng bawat isang sumasampalataya sa kanya. Preached by Aldrin Capili
Mateo 19:13–15 • Usapang Pamilya: Mga Anak 07.08.2024 1:04:25
Tandaan nating ang success ng parenting ay hindi nakasalalay sa gawa at sipag natin. Oo, may gagawin tayo. At gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para mailapit sila sa Panginoon. Magpatuloy tayo sa pagsunod kay Jesus at akayin silang sumunod kay Jesus. Mangarap ka para sa kanila. Ituro mo sila patungo kay Jesus. Ipaglaban mo sila. Ipanalangin mo sila, at kasama ng church ay sama-sama tayong...
Mateo 19:10–12 • Usapang Pamilya: Walang Asawa 01.08.2024 1:00:03
Umaasa ako sa Panginoon na gagamitin niya ang sermon series nating ito ng usapang pamilya —para magkaroon ka ng bagong pananaw at gawing pinakalayunin ng buhay mo ang maituring na yaman si Cristo—treasuring Christ—at tulungan ang iba na ituring na yaman si Cristo.
Mateo 19:7–9 • Usapang Pamilya: Paghihiwalay 17.07.2024 55:53
May ilang mga pagkakataon sa relasyon ng mag-asawa na talagang nasusubok ang commitment sa isa’t isa. walang perfect marriage. Ang kumpiyansa dapat ng bawat kristiyano ay sa Diyos sa pagpreserve ng relasyon, wala sayo, wala sa asawa mo, kundi nasa Diyos. Kaya mas kumapit pa tayo sa Diyos at humingi ng tulong sa kanya para panatilihing kapit-kamay ang mga mag-asawa, lalo na ang mga nasa bingit ng p...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.