Treasuring Christ PH

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Religion TL ↓ 313 episodes

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.

Author

Treasuring Christ PH

Category

Religion

Podcast website

www.spreaker.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Mateo 19:3–6 • Usapang Pamilya: Pag-aasawa 10.07.2024

Ang usaping pamilya patungkol sa pag-aasawa ay isang bagay na dapat maunawaan nating mabuti dahil sa kagandahan at hiwaga ng disenyo ng Diyos sa pag-aasawa, kung paano ito sumasalamin sa Diyos na meron tayo, kung paano nito sinasalamin ang mabuting balita ni Cristo at kung paanong ang gospel ay bumabago at dapat na bumago sa relasyon natin sa pamilya. Let us bring the gospel home.

Hebrews 2:1–4 • Babala sa Pagpapabaya 06.07.2024

Makinig ka at maniwala ka sa pahayag ng Diyos, itabi mo ang lahat ng kabigatan at kasalanang bumibitag sayo, remember that you are forgiven, tumakbo ka at magtiis knowing  that Jesus is for you, and with your local church remind each other na sapat si Cristo. Patuloy nating pagmasdan si Jesus for His infinite glory and for our eternal good.

Exodus 24 • Paano Makakalapit sa Diyos 25.06.2024

Ang Diyos ang lumikha sa atin, nag-imbita at tumawag sa atin para lumapit sa kanya. Siya rin ang bumaba at nagligtas sa atin, para ilapit ang sarili niya sa atin. Patuloy din tayong binabago ng Espiritu for God himself. Ang Diyos ang punto ng lahat. Siya ang ending ng kuwento ng buhay natin. He is our highest good, our greatest joy, our everlasting treasure.   

Exodus 23:20–33 • Paano Makakarating sa Destinasyon 18.06.2024

Sino ang dapat mong pakinggan kung saan ka pupunta o kung paano tayo dapat mamuhay? Kung ano dapat ang misyon at ambisyon mo sa buhay? Hindi ikaw siyempre. Kundi si Cristo. Ang makita natin siya nang mukhaan ang pinaka-destinasyon na patutunguhan nating lahat na nakay Cristo. Si Cristo ang pinakapunto ng lahat ng paglilingkod at pagpapagal na ginagawa natin. Christ alone—hindi ang mga idols sa pus...

Hebrews 1:4–14 • Ang Dakilang Anak at mga Anghel 13.06.2024

Dito sa Hebrews chapter 1 nakita natin yung assurance sa ginawa ng Panginoong Hesus at pinatibay nito ang katagaumpayan kanyang sakripisyo, ang kanyang pagkamatay para sa ikapag-papatawad ng ating mga kasalanan at yung pagiging Diyos ni Cristo na may kakayahan at authority na gawin lahat ng iyon, dahil Siya ay higit sa lahat, at higit maging sa mga anghel.

Psalm 139:1-24 • Ang Kadakilaan at Kapangyarihan ng Diyos 06.06.2024

God knows all things, God is everywhere at all time, and God is supremely powerful. Sama-sama natin itong pagbulayan sa ating puso, pagtiwalaan ang mga katotohanang ito at patuloy nawang maitanghal ang Diyos sa ating buhay bilang mga taong tinubos ni Cristo not individually but as a church. 

Hebrews 1:1-6 • Ang Walang Katulad na Kadakilaan ni Cristo 05.06.2024

Si Cristo ay higit sa lahat. Sobrang laking katotohanan nito, na ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang katuparan ng lumang tipan. Si Cristo ang anak ng Diyos ay dakila sa lahat, ang kapahayagan ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos. 

Exodus 22:21-23:19 • Katarungan, Kapahingahan, at Pagdiriwang 30.05.2024

Remember the two greatest commandments, love God and love your neighbor. ‘Yan ang summary ng mga utos ng Diyos. Hindi natin pwedeng paghiwalayin ang relasyon natin sa Diyos sa relasyon sa ibang tao na nilikha rin sa larawan ng Diyos. Hindi natin pwedeng paghiwalayin ang ginagawa natin kapag Linggo sa ginagawa natin mula Lunes hanggang Sabado. Ang mga utos ng Diyos na nakapaloob dito ay may kinalam...

Exodus 20:22-22:20 • Ang Kabayaran ng Pagsuway 22.05.2024

Mahalaga ang Old Testament law para sa ating mga Christians ngayon, hindi by way of direct application. Siyempre hindi ganun. Kundi dapat makita natin na ito ay tungkol unang-una sa relasyon ng Diyos sa kanyang redeemed people, kung ano ang gusto niyang gawin nila in response sa pagliligtas na ginawa sa kanila ng Diyos, kung paano sila mamumuhay para sila’y maging “kingdom of priests” at “holy nat...

Exodus 20:17 • You Shall Not Covet 18.05.2024

Ang ika-10 utos ang huli sa sampung utos ng Diyos—last, but not the least. Mabigat. Bakit? Dahil ito ay kasalanan laban sa Diyos, kasalanan laban sa ibang tao na nilikha rin tulad natin sa larawan ng Diyos, nagbubunga ng marami pang kasalanan, at may parusang kamatayan. So, ang kasunod na tanong, paanong ang ika-10 utos ay nagtuturo sa atin patungo kay Cristo?  Christ is our Savior, and…he is also...

1 John 4:7-12 • Beloved, Let Us Love One Another 06.05.2024

Heto ang tatlong dahilan kung bakit hindi lang tayo inaanyayahang magmahalan kundi obligado tayong magmahalan: una, ang pagmamahalan ay nagpapatunay na tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos; ikalawa, ang pagmamahalan ay bunga ng magandang balita ng kaligtasang tinanggap natin; ikatlo, ang pagmamahalan ay nagpapatotoo na ang presensiya ng Diyos ay nasa church natin. At lahat ng ito ay may kinalama...

Psalm 42 • Looking Up, When Feeling Down 03.05.2024

Kahit ang Diyos na ang nangako kadalasan naiinip pa din tayo at nag dududa. Madalas nakakahiya tayo. Nakakahiya yung pag awit natin, nakakahiya yung pagsamba natin, nakakahiya sa Diyos kung makikita niya yung laman ng puso natin habang nagpupuri tayo sa kanya, nakakahiya na nga yung pagpupuri natin, nakakahiya pa yung pamumuhay natin na katulad na tayo ng mundo. God deserves more than empty songs,...

Psalm 34 • Taste And See that the LORD is Good 27.04.2024

“ Oh, taste and see that the LORD is good! ”. Sa MBB ang sinabi ay, “Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh .” Pero ano nga ba ang ibig-sabihin para sa atin ng mga salitang ito? Paano ba natin magagawa na matingnan at malasap ang kabutihan ng Panginoon? Well for one, hindi natin magagawa ‘yun kung wala tayo sa Panginoon. At pangalawa, ang buong awit na ito ay tinuturuan tayo kung paano maka...

Psalm 2 • Ang Paghaharing Walang Katapusan At Hindi Matitinag 13.04.2024

Ang anumang masamang pagbabalak ng mga tao o kahit ang ginagawa na mismo ng tao para kalabanin ang nag-iisang hari na si Jesus, kailanman ay hindi magtatagumpay. Maaaring parang oo sa ngayon, pero kalaunan ay mauuwi sa balewala. At kung ang Panginoong Jesu-Cristo ang syang hari natin, walang duda, nasa tamang kampo tayo ng pinaka-makapangyarihang Hari.

John 10:10-11 • I Came That They May Have Life 08.04.2024

Jesus said, “I came”. Kahit alam kong people will reject me. I came, kahit alam kong people will disrespect me. I came, kahit alam kong humanity doesn’t deserve me, we don’t deserve the gift, we don’t deserve salvation… we don’t deserve Jesus. Still, Jesus came that we may have life

Psalm 32 • Repent, Restored, Rejoice 20.03.2024

Hindi appropriate na sabihin natin na bine-blessed ng Diyos yung isang tao, kung nakukuha ng isang tao ang mga gusto nya. Ang blessedness or true happiness ay hindi maibibigay ng mundo, it's a gift from the Lord na mararanasan lamang ng isang taong may tamang relasyon at pagkakilala sa Panginoon. At ang araw na ito ay araw ng pagsisisi at panunumbalik sa Diyos, kaya huwag mo nang ipag-pabukas kapa...

Philippians 1:28-30 • Para sa Gospel ang Laban na ito 06.03.2024

Ang buhay ng isang Kristiyano ay parang boxing. Sa boxing, oras na tumunog na yung bell, ito ay suntukan na or away na. Parang tayo, simula nung araw na tayo ay tumanggap sa ating Panginoong Hesu-Kristo at nag declare ng allegiance sa Panginoong Hesus, tumunog na ang bell nang ating pakikipaglaban sa mga kaaway ng mabuting balita ni Kristo. -Ptr. Robin

Psalm 103 • Bless the Lord, O My Soul 28.02.2024

Isa itong kakaibang uri ng panalangin habang kinakausap din niya ang sarili niyang kaluluwa. Kasi posible na sa pagkakataong ito, gusto mang magpuri ng kanyang katawan, pero hindi mahanap ng kanyang puso o kaluluwa ang mga dahilan para magpuri. dahil ang totoo ay walang silbi ang papuri ng ating mga labi, ng ating mga bibig, ‘yung ating mga awitin, kung ang mga puso natin ay malayo sa Panginoon.

Psalm 46 • Be Still and Know that I am God 16.02.2024

Maaaring dumaranas ka ngayon ng pagsubok o bagyo ng buhay, maaaring marami kang pinoproblema, maaaring dumaranas ka ng pagluha at kabigatan, maaaring nahihirapan ka sa pakikipaglaban against sa kasalanan, para bang kahit paanong gawin mong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still kapatid, sapagkat sinabi ni Yahweh "Be still and know that...

Psalm 1 • Ang Landas ng Matuwid at ng Masama 31.01.2024

Purihin ka o Dios sa katotohanan na mapalad ang taong binubulay, isinasapuso at ipinamumuhay ang Inyong Salita at mga kautusan. Hindi katulad ng taong masama, na walang pagpapahalaga sa iyong Salita. Kung kaya’t ang dulo ng kanyang buhay ay kapahamakan. Mapalad kami dahil ang Salita mo ay patuloy na mag reremind sa amin and the same time magbibigay warning sa amin, ito ay means of grace, at kung g...

Romans 8 • An offering for sin 25.01.2024

Alam nating walang nakasunod ng perpekto sa kautusan at wala ring maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o paggawa ng mabuti. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan at ginawa ng Diyos ang hindi natin kayang gawin. Christ came down to earth in the likeness of sinful flesh, as an offering for your sin, as an offering for my sin, as an offering for the sin of the world. Preache...

Psalm 119:81-88 • Kapag Nanlulupaypay sa Paghihintay 04.01.2024

Isang pagbubulay sa bawat isang linya sa Psalm 119:81–88 bilang isang panalangin at pakikipag-usap sa Diyos na nagpapakita na anuman ang kalagayan mo sa buhay ngayon, gaano man kahirap, makakaasa ka na tapat ang salita ng Diyos, makakapitan ang tulong na galing sa Diyos, at sigurado ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Exodus 20:8-11 • Pahinga at Pag-asa para sa mga Anak ng Diyos 20.12.2023

Nasaan ang Kapahingahan at Pag-asang Kailangan Natin? ‌ Lahat tayo ay napapagod at naghahanap ng kapahingahan. Physically, yes. Pero ang puso rin natin ay napapagod. Pinanghihinaan tayo ng loob. Kaya kailangan natin ang kapahingahan at pag-asang kay Cristo lang matatagpuan. Bawat isa sa atin ay kailangan nating tanungin ang sarili natin kung nasaan nga ba ang kapahingahan at pag-asang kailangan na...

Exodus 20:1-21 • Ang Sampung Utos 20.12.2023

As we take a look at Exodus 20 , ang prayer ko ay mabago itong mga karaniwang attitude na meron tayo tungkol sa mga utos ng Diyos, particularly itong Sampung Utos. Mangyayari ito kung hindi lang tayo nakafocus sa bawat isa sa sampung utos (law) kundi maging sa konteksto o sa kuwentong kinapapalooban nito (narrative context). Hindi lang ito tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin, kundi tungkol...

Exodus 19:1-25 • Ang Pagharap sa Diyos na Banal 03.12.2023

Ang isang Kristiyano ay isang anak ng Diyos. Meron tayong relasyon sa Diyos. Nagsasalita ang Diyos. Nakikinig tayo. Nag-uutos ang Diyos. Sumusunod tayo. Nilikha at iniligtas tayo ng Diyos. Sumasamba tayo. Meron tayong ugnayan sa Diyos. Pero naiintindihan ba talaga natin kung anong klaseng relasyon meron tayo sa Diyos? Take for example itong ginagawa natin every Sunday morning. Hindi lang ito pagti...

Listen to the Baliwag Bible Christian Church [sermons] podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.