Treasuring Christ PH

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Religion TL ↓ 313 episodes

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.

Author

Treasuring Christ PH

Category

Religion

Podcast website

www.spreaker.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Ephesians 2:17-22 • Ipinagkasundo sa Isa't isa 22.07.2025

Dito sa Ephesians 2:17–22, ipinakita sa atin ni Pablo ang di-mapaghihiwalay na koneksyon ng Trinity, ng gospel, at ng church. Putting all these together, masasabi nating merong church (universal church man ‘yan o local church) dahil sa gospel, sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at makapagpapatuloy ang church sa pagtupad ng layuning dinisenyo ng Diyos para rito sa pamam...

Hebrew 10:19-25 • Confident and Secure (Drin Capili) 20.07.2025

Sa sermon na 'to, ipinapaliwanag ang paanyaya ng Hebreo 10:19–25 sa mga mananampalataya: na lumapit sa Diyos nang may buong tiwala, magpakatatag sa pag-asa, at mag-udyok sa isa’t isa tungo sa pag-ibig at mabubuting gawa. 🔍 Ilan sa mga temang matatagpuan dito ay ito: ✝️ Tiwala sa dugo ni Cristo — May daan na tayo patungo sa Kabanal-banalan dahil sa Kanyang sakripisyo. 🛡️ Seguridad sa pananampalata...

Ephesians 2:11-16 • Ipinagkasundo sa Diyos 05.07.2025

Sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus, malinaw na ipinapakita na hindi ang pagsunod sa Kautusan ang basis of our acceptance with God, kundi sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo. So, ang point ng lahat ng ito ay para ipaalala sa atin ni Pablo na there is really no other way para ma-reconcile tayo sa Diyos, and there is really no other way para ma-reconcile tayo sa isa’t isa, kundi sa pamamagit...

Hebrews 10:1-18 • Minsan Lamang at Sapat Na 05.07.2025
Ephesians 2:8-10 • Biyaya, Pananampalataya, at Gawa 11.06.2025

Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:8-10 na hindi dahil sa mabuting gawa natin kaya tayo naligtas, kundi dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng mabuting ginawa ni Cristo sa krus. Hindi ang mabuting gawa natin ang dahilan at paraan para tayo ay maligtas; ang mabuting gawa ang resulta ng kaligtasang tinanggap natin. ‘Yan ang good news of our salvation.

Ephesians 2:4-7 • Binuhay ng Diyos 03.06.2025

Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:4–7 na hinding-hindi natin dapat tingnan ang sarili natin na bida sa kaligtasang gawa ng Diyos para sa atin. Ang Salita ng Diyos sa Bibliya—mula Genesis hanggang Revelation—ay Story of God, ang Kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa ating mga makasalanan, ang Kuwentong tanging ang Diyos ang Bida.

Ephesians 2:1-3 • Patay dahil sa Kasalanan 29.05.2025

Paano tayo nasadlak sa ganitong miserableng kalagayan? Kaya halina't pakinggan at basahin ang napakalinaw na pagkakalatag ng sermon na ito patungkol sa pagiging patay sa kasalanan katulad din ng sinasabi sa Heidelberg Catechism Questions 6-8. at ito'y rin ay nag-iiwan ng isang hamon na siyasatin ang ating mga sarili at maaalala natin na ang tanging solusyon sa pinakaproblemang ito ay si Cristo, wa...

Hebrews 9:1-14 • One Blood to Solve All and to Save All 22.05.2025
Galatians 6:1-10 • Ang Kristiyano at ang Kapwa Kristiyano 16.05.2025

Ang bawat isang Kristiyano, mga taong pinapatnubayan ng Espiritu, ay may responsibilidad na dapat gawin para sa ikabubuti ng ibang Kristiyano—ng mga nahulog sa kasalanan, ng mga may dinadalang kabigatan, ng sarili rin natin, ng mga leaders natin, at ng bawat member ng church.

2 Corinto 6:14-7:1 • Ang Kristiyano at ang Di-Kristiyano 07.05.2025

Tama ba na ang isang Kristiyano ay magkaroon ng malalim na relasyon sa isang di-Kristiyano? bakit nga ba? isa lang ba itong opinyon, o preference lang ng pastor, o payong kaibigan? Halina't tuklasin natin ang sinasabi sa Salita ng Diyos patungkol sa pakikipagrelasyon at pananampalataya.

Ephesians 1:15-23 • Kailangang Ipag-pray Natin ang Bawat Isa • Preached by Derick Parfan 30.04.2025

Sa mga panahong sinasabi nating, "Ayoko na. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko," yun nga ang panahong mas kailangan pa nating mag-pray.

John 20:24-29 • Sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos • Preached by Luis Ruiz 22.04.2025

Huwag kang mag-alinlangang sumampalataya, sapagkat mapalad ang mga taong hindi nakakita gayunma’y sumampalataya. Sapat ang Salita ng Diyos upang sumampalataya tayo na si Hesus ay muling nabuhay. Na si Hesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. 

Ephesians 1:11-14 • Tinatakan ng Espiritu • Preached by Derick Parfan 15.04.2025

Ao ba ang "every spiritual blessing", inheritance o mana na tinanggap natin ng tayo ay nakipag-isa kay Cristo? Gaano ba ito kahalaga at paano tayo makakasigurado na ang manang tinutukoy rito ay matatanggap talaga natin nang buong-buo, hindi babawiin, hindi babawasan, at hindi magbabago ang isip ng Diyos?

Ephesians 1:7-10 • Tinubos ng Anak 08.04.2025

Napakahalaga ng paalala sa atin ng sermong ito upang makita ang glorious and immeasurable riches of his grace na tinanggap natin mula sa Diyos na nakakabit kay Cristo. Kung wala si Cristo, kung hiwalay ka kay Cristo, walang redemption, walang salvation. Kaya ‘Wag na ‘wag nating tatangkaing hanapin ang anuman sa mga pagpapalang ito nang hiwalay kay Cristo. Outside of Christ, hindi mo mahahanap ang...

Hebrews 8 • Jesus, High Priest of a Better Covenant 31.03.2025
Ephesians 1:4-6 • Pinili ng Ama 26.03.2025

Sa kabila ng kalungkutan, ang mga Kristiyano ay dapat magsaya at purihin ang Diyos dahil sa mga pagpapalang espirituwal na ibinigay Niya sa pamamagitan ni Cristo. Ito ang doctrine of election, ang pagpili ng Diyos, "Even as he chose us in him..." Sino ang pumili? Ang Diyos. Sino ang pinili? Tayo. At sino yung "tayo" na yan? Sila na mga nakay Cristo, malinaw 'yan mula sa verse 1-3. Ang Diyos ang pu...

Ephesians 1:3 • Lubos na Pinagpala 17.03.2025

Dito sa verse three ng Ephesians 1 ay nakita natin na inilahad sa atin ni Pablo ang pagpupuri sa likas na kabutihan at mabuting ginawa ng Diyos para sa atin. Wala tayong mabuting bagay na ibinibigay sa kanya. Wala rin naman talaga tayong maibibigay sa kanya na hindi sa kanya nagmula. Kaya marapat lang na Siya'y ating sambahin, pasalamatan, papurihan at parangalan ng lahat-lahat sa Buhay natin.

Ephesians 1:1-2 • Ang Biyaya ng Pagtawag ng Diyos 15.03.2025

Dito sa first two verses ng Ephesians ay nakita natin na inihahatid ito ni Pablo sa atin with authority na galing mismo kay Cristo, and with humility na merong pagkilala sa kalooban ng Diyos. Tatanggapin naman natin ang salitang ito as God’s holy people (mga taong ibinukod ng Diyos para sa kanya) and as faithful people (bilang mga tagasunod ni Cristo). At tatanggapin natin ito dahil ito ay salita...

Hebrew 7 • A Better Hope From a New Covenant and a Superior High Priest 14.03.2025
2 Corinthians 4:16-18 • Do Not Lose Heart (Part 3) 04.03.2025
2 Corinthians 4:7-15 • Do Not Lose Heart (Part 2) 04.03.2025

Isang sermon mula sa 2 Corinthians 4:7-15 na tumatalakay sa mga difficulties sa buhay natin, kung saan mas nae-expose ang mga kahinaan natin. At sa mga panahong yun, mas nagliliwanag ang layunin ng Diyos kung bakit sa atin pa na mga marupok ipinagkatiwala ng Diyos itong gospel message. Tulad ng sinabi ni Paul, “upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin” (2 Co...

Hebrews 5:11-6:8 • Ang Seryosong Kahalagahan ng Paglagong Kristiyano 13.02.2025

Gaano man ka-tempting sa atin na umayaw na kapag hirap na hirap na sa buhay Kristiyano, nawa’y hindi natin masabi, “Ayaw ko na kay Cristo!” and walk away from the faith. Gaano man ka-attractive ang mga kayamanan at kasiyahan na inaalok ng mundong ito, nawa’y hindi natin ipagpalit si Cristo sa mga bagay na iyan. At nawa’y ‘wag din tayong maging kumpiyansa sa sarili natin na tinatawag nga natin ang...

2 Corinthians 4:1-6 • Do Not Lose Heart (Part 1) 12.02.2025

Isang sermon mula sa sulat ni apostol pablo na nagpapahayag ng pananampalataya niya sa Diyos, tapat na pangangaral, mga paalala at encouragement sa gitna ng mga pagsubok. Pinagtuunan rin ng pansin dito ang kahalagahan ng pag-encourage sa isa't isa lalo na sa panahon ng panghihina ng loob. Tinalakay at binigyang-diin din ang doktrina ng human depravity, sovereignty ng Diyos, at awa ng Diyos bilang...

2 Timoteo 1:6-12 • Biyaya ng katapangan at katapatan kay Cristo 11.02.2025

Isang sermon sa ikalawang-Timoteo 1:6-12, na nagpapahayag na panatilihin nating buhay at maalab ang kaloob ng Diyos sa ating mga puso at huwag ikahiya si Cristo at ang kanyang ebanghelyo sapagkat ang biyaya at layunin ng Diyos ay ipinahayag sa ebanghelyo ni Cristo, kaya magtiwala tayo sa biyayang kaloob ng ating Diyos.

John 6:60-71 • Anong Klase kang Alagad? 29.01.2025

Ito ay isang sermon mula sa Juan 6:60-71 ni Ptr. Jabez Jezreel Galman, na tumatalakay kung anong klase kang alagad. Hinihimok nito ang mga nakikinig na siyasatin ang ating mga puso kung tayo ba ay pekeng alagad o mga tunay na alagad. Binigyang diin sa sermon na ito ang pagbabago sa buhay ng mga tunay na alagad kabilang ang pagmamahal sa Salita ng Diyos, pagsampalataya at pananatili hanggang wakas...

Listen to the Baliwag Bible Christian Church [sermons] podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.