Treasuring Christ PH
Baliwag Bible Christian Church [sermons]
Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.
Be sure to visit the podcast's website and support the creator: www.spreaker.com
Author
Treasuring Christ PH
Category
Podcast website
Latest episode
Oct 11, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Genesis 1:26-31 • Ang Tao 05.04.2026 46:58
Ang paglikha ng Diyos sa Genesis 1 ay nagkaroon ng greater fulfillment sa new creation na isinilang sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus. Anumang kaguluhan o disorder o chaos o hindi pa ayos sa buhay natin ngayon, we look forward to that day na tayo rin ay muling bubuhayin na tulad ni Cristo.
Genesis 1:3-25 • Ang Nilikha 29.03.2026 51:49
Ito ang mga maoobserbahan natin sa Genesis 1: (1) Maayos ang paglikha ng Diyos; (2) Makapangyarihan ang salita ng Diyos; (3) Malawak ang kaharian ng Diyos; at (4) Mabuti ang lahat ng gawa ng Diyos. O ayon sa sagot ng New City Catechism sa ikalimang tanong tungkol sa nilikha ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang Salita, at ang lahat ng nilikha niya...
Genesis 1:1-2 • Ang Diyos 22.03.2026 55:29
Merong simula ang lahat. Merong Diyos bago pa ang simula. Merong Diyos na lumikha sa lahat. Merong hindi pa tapos, oo, pero merong Diyos na kumikilos. So? Makakaasa tayo na ang Diyos—na walang simula at walang katapusan at lumikha ng lahat—ang siyang tatapos ng sinimulan niya.
1 Corinthians 15:58 • Steadfast Together 15.03.2026 51:30
Itinuturo sa atin ng 1 Corinthians 15:58 na hindi lang basta to be steadfast individually, but to be steadfast together as a church. Sama-sama, hindi kanya-kanya. Sasagutin natin ang tatlong tanong: (1) Who needs to be steadfast together?; (2) What does it mean to be steadfast together?; (3) How will we remain steadfast together?
Psalm 119:113-120 • I Hope in Your Word 11.01.2026 51:12
Paano nakakaapekto ang mga kasamaang nasa paligid natin sa damdamin natin sa salita ng Diyos? Magiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga. Nababawasan ang tiwala sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. Kaya dito sa Psalm 119:113–120 matututunan natin kung paano magkaroon ng mas malalim na pagmamahal, pag...
Psalm 119:105-112 • The Joy of My Heart 04.01.2026 56:11
Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag ng psalmist sa Psalm 119:105–112 tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya.
Acts 1:8; 2:42-47 • Pinuspos ng Espiritu, Pinag-isa kay Cristo (Marlon Santos) 28.12.2025 1:05:04
Ang Iglesya na “Pinuspos ng Espiritu at Pinag-isa kay Cristo” ay nakikilala sa pananatili at tapat na pagtatalaga sa Salita ng Diyos, tunay na pakikisama at pagmamalasakit sa isa’t isa, pagsamba na may kagalakan at paggalang, pamumuhay na may pagkamangha sa kapangyarihan ng Diyos, at paglago sa ebanghelyo na Siya mismo ang nagbibigay. Kaya bilang mga churches, tayo’y patuloy na hinahamon at pinaaa...
Ephesians 5:22-33 • Si Cristo at ang Iglesia 21.12.2025 52:59
“Ang pag-aasawa ay hindi lamang gawa ng tao, na pwedeng baguhin ayon sa kaugalian ng lipunan. Ito ay likha ng Diyos, na nilikha upang ipakita sa ating isipan ang kagandahan ng Tagapagligtas na kusang nag-alay ng sarili para sa kanyang kasintahan (bride), at ng kasintahan na buong pasasalamat na ibinabalik ang sarili sa kanya” (Ray Ortlund).
Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag 18.12.2025 52:18
Heto ang gusto ng Diyos na matutunan natin ngayon sa pamamagitan ng bahaging ito ng sulat ni apostol Pablo: Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application...
Ephesians 5:22-33 • Si Cristo at ang Mag-asawa 14.12.2025 1:00:44
Sa halip na maging “cultural” yung view natin sa pag-aasawa (masyadong naimpluwensiyahan ng nakasanayan ng mga tao sa paligid natin), prayer ko na ito ay maging “biblical” (hinuhubog kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos). Sa halip na maging “transactional” (yung trato natin sa asawa natin na nakadepende sa trato nila sa atin, magiging faithful tayo kung faithful sila sa atin, pero kung hindi,...
Ephesians 5:1-6 • Paglakad sa Pag-ibig 11.12.2025 58:12
Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili...
Hebrews 11:32-40 • Dahil sa Pananampalataya Part 4 (Marlon Santos) 11.12.2025 59:25
Ang pananampalataya ay hindi lang para sa mga victories, kundi para rin sa pagtitiis sa gitna ng hirap. Sina Gideon, Barak, Samson, Jephthah, David, Samuel, at ang mga propeta ay ginamit ng Diyos para sa extraordinary victories dahil sa pananampalataya. Marami ring dumanas ng torture, pagkakulong, at kamatayan, ngunit nanatiling tapat sa Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabase sa imm...
1 Timothy 3:14-16 • Ang Haligi at Saligan ng Katotohanan 11.12.2025 57:10
Ang iglesia ay tinawag na haligi at saligan ng katotohanan (1 Timoteo 3:14–16). Bilang haligi at saligan ng katotothanan, ang iglesia ang nagbabantay at nagtataguyod ng katotohanan ng ebanghelyo. Si Cristo mismo at ang kanyang ginawa sa krus para sa ating kaligtasan ang sentro ng katotohanang ito. Dahil ang pananampalataya ng iglesia ay nakaugat sa katotohanan ni Cristo, dapat natin itong ipahayag...
Hebrews 11:23-31 • Dahil sa Pananampalataya Part 3 (Ralph Blanes) 10.12.2025 1:04:00
Sa sermon na ito, tinutukan ang pananampalataya bilang driving force ng mga desisyon at tagumpay ng mga lingkod ng Diyos. Faith empowers believers to make bold choices, endure trials, and experience God’s deliverance. Kahit mahirap o risky, ang pananampalataya ay nagbubunga ng pagsunod at tagumpay.
Hebrews 11:8-22 • Faith that Works (Aldrin Capili) 10.12.2025 1:15:48
Sa sermon na ito, binigyang-diin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang paniniwala, kundi may kasamang pagsunod at pagtitiis. Ginamit ang Hebrews 11:8–22 para ipakita ang journey ng mga patriarchs na nagtiwala sa Diyos kahit hindi nila nakita agad ang katuparan ng kanyang mga pangako. Faith works when it obeys, endures, and looks forward to God’s promises. Kahit uncertain ang future, ang pa...
Ephesians 5:15-21 • Paglakad sa Karunungan 30.11.2025 51:09
Sa kasamaan ng panahong kinalalagyan nating mga Kristiyano ngayon, mas lalo nating kailangang maging wais at hindi foolish, na mangyayari kung inuunawa nating mabuti at maingat na sinusunod ang kalooban ng Panginoon ayon sa pangunguna ng Banal na Espiritu.
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.