702 DZAS Agapay ng Sambayanan

702 DZAS FEBC RADYOTV

Religion FIL ↓ 740 episodes

Communicating Christ in our World until all have heard.

Author

702 DZAS Agapay ng Sambayanan

Category

Religion

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Reflections: May Kaibigan ka 09.06.2025

Jesus isn’t just Lord, He’s your friend. The kind who stays when others leave, listens when no one gets it, and loves without condition. Hindi Siya ‘yung kaibigang kailangan mo pang i-please. He’s the friend who knows you fully… and still chooses you daily.

Reflections: Ibigay Mo kay Lord ang Bigat 08.06.2025

Minsan, akala natin kailangan natin tiisin lahat, kayanin mag-isa. Pero 1 Peter 5:7 reminds us: may Diyos na handang makinig, umalalay, at magpasan ng bigat mo. Pwede kang huminga. Pwede kang magpahinga. Dahil may nagmamalasakit.

Legit: Bea Elisha - 'Taking Things Slow is also a Step of Faith' 08.06.2025

"Ang tagal ko nang naghihintay. Kailan ba sasagot si Lord?" Sa mundong fast-paced, ang hirap hindi mag-compare. Nandyan ang social media at iba pang mga influences na tutulak sayong mag-overthink patungkol sa hinihintay mo. Pero as you wait, hindi binabago ng Lord ang sitwasyon. Binabago niya ang ating puso. Pakinggan sa episode na ito ang kuwento ni Bea Elisha - isang servant na matiyagang naghih...

Ehemplo: Rizza Mae Duro (Philippine Smoke-Free Movement) 07.06.2025

Na-imagine mo na ba kung ano ang hitsura ng lipunan kung walang naninigarilyo o nagve-vape? Bagamat maraming tumatangkilik at tumatanggap dito, iginigiit ng mga medical professionals na delikado ang smoking sa kalusugan! Isa ang Philippine Smoke-Free Movement , sa pangunguna ni Rizza Mae Duro , sa mga nagsusulong na magkaroon ng stronger laws against smoking at awareness sa mga mamamayan na ito ay...

Reflections: Hindi Ka Nag-iisa sa Laban 05.06.2025

Kapag feeling mo wala nang kakampi, tandaan mo 'to: God rescues those who trust in Him. Psalm 37:40 isn't just poetry—it's a promise. May kaagapay ka. May tagapagtanggol ka. May Diyos na kailanman, di ka iiwan sa gitna ng laban.

Reflections: May Purpose ang Lahat 05.06.2025

Romans 8:28 reminds us: 'All things work together for good.' Oo, kahit ‘yung masakit, hindi mo maintindihan, o parang walang kwenta. God doesn’t waste pain. Bawat luha, delay, at failure may layunin. Hindi mo man makita ngayon, pero gumagalaw Siya. Para sa ikabubuti mo.

Reflections: Walang Sayang sa Pagbangon 03.06.2025

Failure isn’t final. Lahat tayo nadadapa. Pero ang mahalaga? Bumangon. Muli. At muli. Dahil sa bawat pagbangon, may natutunan ka. May ginagawa si Lord. And that alone is victory.

Legit: Cherry Cainoy - 'Letting Go Is Not Giving Up' 03.06.2025

Tama na. Bitaw na. Let go na. Ang daling sabihin, pero ang hirap gawin diba? Isa sa mga pinaka-komplikadong gawin talaga sa buhay ay ang 'Letting Go' o ang pagbitaw sa mga bagay na hindi na mabuti o nakakatulong sa atin. Let's hear today from Cherry Cainoy - isang youth na nakaranas ng maraming beses na pagbitaw mula sa mga pagkakaibigan, pangarap, at relasyon na hindi nakakabuti sa ka...

Reflections: Pinapahinga Ka Ni Lord 03.06.2025

Pagod ka na? Psalm 23:2-3 reminds us: God makes us lie down in green pastures. Minsan, kailangan talaga nating ihinto ang sarili para Siya ang manguna. Kapag Siya ang Shepherd mo, hindi lang ginhawa ang meron ka—kundi bagong sigla para tumuloy.

Reflections: Kahit Hindi Mo Naiintindihan 02.06.2025

‘Trust in the Lord with all your heart…’ ang hirap, ‘di ba? Lalo na kapag ang gulo na ng paligid at parang walang sense ang nangyayari. Pero sabi sa Proverbs 3:5-6, huwag kang umasa lang sa sarili mong understanding. Sa bawat desisyon, invite mo si Lord at Siya na ang maglilinaw ng landas mo.

Ehemplo: Eloisa Eleanor Aguinaldo (Rheumatoid Arthritis Patient) 31.05.2025

Ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng pisikal na limitasyon? Posible pa ba ang magpatuloy? Tampok sa episode na ito ang buhay ni Eloisa Eleanor Aguinaldo , isang rheumatoid arthritis patient sa loob ng 30 taon at miyembro ng People Empowerment for Arthritis & Lupus (PEARL) . Pakinggan ang kanyang kuwentong puno ng pag-asa, pagpapatuloy, at pagbibigay inspirasyon. Mayroon pa ring kayang gawin...

Reflections: May Tagapagtaguyod Ka 30.05.2025

Sa panahong parang wala nang sumusuporta, alalahanin mo: hindi ka iniwan. Hindi ka basta-basta. Anak ka ng Hari ng langit. Hindi ka lang sinusustentuhan kundi pinoprotektahan at minamahal ka nang buo.

Reflections: Everyday Miracles 29.05.2025

Not all miracles are loud. Some come quietly in healing, in provision, in peace when you least expect it. Baka kasi ang tagal mo na ring humihingi ng sign, pero nakalimutan mo nang tumingin sa paligid. Miracles don’t always look magical, but they always carry God’s fingerprints.

Reflections: Peace in the Chaos 28.05.2025

Sa gitna ng ingay ng deadlines, expectations, at damdaming 'di maipaliwanag minsan, pahinga ang pinaka-spiritual na bagay na pwede mong gawin. Hindi mo kailangang lutasin lahat ngayon. Huminto. Huminga. Makinig sa katahimikan.

Reflections: Tigilan ang Pagiging Self-Centered 26.05.2025

Sa mundong #MeFirst at ‘Ako Muna,’ nakakalimutan natin minsan: hindi lang tayo ang bida. Ang buhay ay hindi solo flight—designed ‘to para magmahal, mag-share, at magbigay. Kapag tumingin ka sa paligid, mas makikita mo kung gaano ka din ka-blessed

Reflections: Hindi lang Dapat Marinig, Dapat Nakikita 25.05.2025

Ang tunay na pananampalataya, hindi lang puro salita—nakikita sa gawa. Kapag totoo ang paniniwala mo, lalabas ‘yan sa kung paano ka magmahal, tumulong, at mabuhay araw-araw. Faith that moves hearts moves hands, too.

Legit: Erwin Barcelona Joya - 'Paglilingkod Hanggang Sa Huling Paghinga' 25.05.2025

Bakit ako pa ang dumaranas ng ganitong uri ng paghihirap? Minsan mo na rin bang natanong sa sarili mo ito? Mabait naman, matapat sa paglilingkod, at masigasig sa mga gawain... Pero, bakit dumadaan sa matinding problema? Sa episode na ito, ibinahagi ni Erwin "Darius" Barcelona Joya - isang missionary na diagnosed ng chronic kidney disease, kung paano niya hinaharap ang malaking dagok sa k...

Ehemplo: Eunice Jean Patron (Kita Kita Philippines) 24.05.2025

May lugar para sa iyo dito dahil kasama ka at tanggap ka. 'Yan ang pinaparamdam ng 'Kita Kita Philippines' sa mga young adults na neurodivergent o 'yung mga na-diagnose ng autism o attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD). Layon ng non-government organization na iparamdam sa sektor na ito na sila ay mahalaga. Sa pamamagitan ng mga programa, aktibidad, at seminars, kinukuha n...

Reflections: Your Story Matters 23.05.2025

Hindi mo kailangang maging preacher para makapagbahagi ng pag-asa. Romans 10:14 reminds us—bawat isa sa atin may papel. Sa simpleng kwentuhan, post, o pagdamay… you could be the reason someone believes.

Reflections: Stay in Your Lane 21.05.2025

Ang buhay ay hindi karera. ‘Wag mong i-compare ang chapter 3 mo sa chapter 10 ng iba. You’re on your own journey. Be faithful where you are, be content with what you have.

Reflections: Wag Kang Bibitaw 19.05.2025

Pagod ka na? Parang walang katapusan ang laban? Pero sabi sa James 1:12, may reward sa mga nagpapatuloy. Hindi mo kailangang maging perpekto pero wag kang bibitaw. There's blessing in endurance.

Ehemplo: Carla Paras-Sison (ICanServe Foundation) 17.05.2025

Mahirap ang magkasakit. Pero, mas mahirap kung wala kang kasama at kasangga sa proseso ng paggaling mula sa karamdaman. Layon ng 'ICanServe Foundation' na abutin ang mga breast cancer patients mula sa early detection hanggang sa mga malalang stage ng sakit upang maiparamdam na hindi sila nag-iisa. Mula sa mga referrals, counseling, at maging educational/awareness initiative, binibigyang pa...

Reflections: Masterpiece in Progress 16.05.2025

You’re God’s handiwork. Oo, may flaws ka, pero may purpose ka. May dahilan kung bakit ka narito—at may magagawa ka na ikaw lang ang pwedeng gumawa. Keep showing up. You're walking in purpose.

Reflections: Hindi Sayang ang Araw 15.05.2025

‘Wag hayaang masayang ang araw sa stress o comparison. Live fully, love deeply, and follow God’s lead. One day at a time, one step in faith. Kasi kung kasama si Lord, bawat araw may saysay.

Reflections: When Failure Feels Final 14.05.2025

Akala mo tapos na, pero si Lord pala nagsisimula pa lang. Romans 8:28 reminds us—kahit yung mga palpak, sakit, o pagkatalo, kaya Niyang i-weave into something good. Hindi sayang ang pain kung si God ang gumagawa ng ending.

Listen to the 702 DZAS FEBC RADYOTV podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.