Derick Parfan

Treasuring Christ PH

Religion FIL ↓ 213 episodes

Taglish gospel-centered resources for the Filipino Church

Author

Derick Parfan

Category

Religion

Podcast website

treasuringchristph.org

Latest episode

Nov 3, 2023

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

"Lumapit sa Diyos nang may Buong Tiwala" 03.11.2023

Preached by Ptr. Marlon Santos on Hebrews 10: 19-25. "Ang katiyakan ng pagtanggap ng Diyos sa paglapit natin sa Kanya ay sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung gayon, tayo ay lumapit na may ganitong katiyakan ng pananampalataya, tapat na puso, at malinis na budhi, habang nagsisikap na mahalin ang iba at gumawa ng mabuti."

Greater Works and Answered Prayers 16.10.2023

Preached By: Drin Capili on John 14:12-14 12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. 13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me anything in my name, I will do it.

Part 12: Pananatili at Pag-alis sa Church 09.10.2023

#10: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.

Our special status in Christ and our mission 25.09.2023

Preached by Ptr. Marlon Santos from 1 Peter 2: 9- 10 9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niy...

Part 11: Tulung-tulong sa Misyon 18.09.2023

#9: Patuloy tayong magbibigay nang masaya at naaayon sa pagpapala sa atin ng Diyos para makatulong sa ministeryo ng iglesya at mga gastusin nito, sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa ( Matt. 28:19 ; Acts 2:44-45 ; 4:34-35 ; 1 Cor. 16:1-2 ; 2 Cor. 9:7 ; 1 Pet. 4:10-11 ).

Part 10: Tulung-tulong sa Ministeryo 11.09.2023

#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna ( Gal. 1:6–9 ; 1 Cor. 5:1–13 ; 11:17–34 ; Heb. 13:17 ; 1 Pet. 5:1–5 )

Part 9: Sama-sama sa Paglaban sa Kasalanan 04.09.2023

#7: Sisikapin natin, sa tulong ng biyaya ng Diyos, na mamuhay nang maingat sa mundong ito, tumalikod sa mga makamundong mga hangarin at mga gawain, at ipamuhay ang isang bago at banal na pamumuhay, ayon sa inilalarawan ng bautismo na tayo’y namatay na, inilibing, at muling nabuhay kasama ni Cristo ( Rom. 6:1-4 ; 12:1-2 ; Eph. 5:15-18 ; Col. 3:12-13 ; 1 Pet. 1:14-16 ; 2:11-12 ).

Part 8: Pagmamalasakit sa Isa't Isa 28.08.2023

#6: Makikigalak tayo sa kasiyahan ng bawat isa, at sisikaping makatulong sa pagdadala ng mga kabigatan, at makiramay sa kapighatian ng bawat isa bilang bahagi ng iisang Katawan at sa paraang mararamdaman ang pagpapahalaga natin sa bawat isa ( Rom. 12:15 ; 1 Cor. 15:25-26 )

Part 7: Pagdadala ng Ibang Tao kay Cristo 21.08.2023

#5: Sisikapin nating palakihin sa disiplina at aral ng Panginoon ang sinumang inilagay Niya sa ating pangangalaga, at hahangaring madala sa Panginoon ang ating mga kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita sa kanila ( Eph. 6:4 ; 1 Thess. 2:1-12 ; Col. 4:3-6 ).

Part 6: Sama-samang Panalangin 07.08.2023

Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba (Jas. 5:16).

Part 5: Pagtitipon ng Church 30.07.2023

Hindi natin pababayaan ang ating mga pagtitipon bilang isang pamilya ng Diyos upang sama-samang umawit, manalangin, makinig at mag-aral ng mga salita ng Diyos, at magsalu-salo sa hapag ng Panginoon ( Heb. 10:24-25 ; Eph. 5:19-20 ; Acts 2:42-47 ).

Part 4: Pagmamahalan sa Church 24.07.2023

Sama-sama tayong mamumuhay nang may pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon at bahagi ng iisang Katawan, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagbabantay sa buhay ng bawat isa, at tapat na pagtuturo at pagtutuwid sa bawat isa ayon sa hinihingi ng pagkakataon ( John 13:34-35 ; 1 Cor. 12:12 ; 13:4-6 ; Col. 3:16 ; 1 Thess. 5:14 ; Gal. 6:1-2 ; 2 Tim. 3:16-17 ).

Part 3: Pagkakaisa sa Church 17.07.2023

Pagsisikapan nating manalangin at gawin ang lahat para mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa atin, na may pagpapakumbaba, pagmamalasakit sa kapakanan ng iba, at pagpapatawad sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos ( Eph. 4:1-6 , 31-32 ; Phil. 2:1-4 ).

Part 2: The Grace of Covenant Membership 03.07.2023

Ito ang ibig sabihin na mapabilang sa covenant people of God. Kinikilala natin na napabilang tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Hindi dahil mas karapat-dapat tayo kaysa sa iba. (By grace alone through faith alone in Christ alone). At kasama sa pagiging covenant people of God ang pagtupad ng mga obligasyon na dapat nating gawin para makapamuhay ayon sa nais ng Diyos para sa mga taong kabilang sa...

Part 1: The Story of the Church as the People of God 26.06.2023

Tama ang sinabi ni Edmund Clowney, “The story of the church begins with Israel, the Old Testament people of God” (The Church, p. 28). So ang church ay hindi lang New Testament reality. Hindi rin ito bagong plano ng Diyos, o plan B ng Diyos. Ito ay nasa isip na ng Diyos mula sa Old Testament. Sabi ni apostle Peter sa church, “You are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for hi...

Part 13 - Awit para sa Haring Tagapagligtas (Ex. 15:1-21) 12.06.2023

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang pagkanta ay bahagi ng ating pagsamba? Every Sunday, tuwing nagsasama-sama tayo sa pagsamba, hindi kailanman nawalan tayo ng kantahan. Hindi ito for cultural reasons lang, dahil mahilig kumanta ang mga Pilipino. Inutos ng Diyos na tayo ay kumanta nang sama-sama. “Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalal...

Part 12 - "Ipaglalaban Kayo ni Yahweh" (Ex. 13:17-14:31) 05.06.2023

Sa wakas, naranasan na rin natin ang kaligtasan. Pero hindi ibig sabihin na ie-expect na natin na pagkatapos nun ay magiging maayos o smooth na ang lahat hanggang sa araw na kuhanin na tayo ng Panginoon. Hindi ibig sabihin na yung buhay ninyo ngayong nakay Cristo na—sa pamilya, sa marriage, sa finances, sa health, atpb.—ay magiging better compared sa buhay ninyo nung wala pa kayo kay Cristo. Alam...

Part 11 - Pag-alala sa Pagliligtas ng Diyos (Ex. 12:1-13:16) 22.05.2023

Mahalagang maunawaan ang gospel. Kung ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—at sa buhay natin—mahalagang palaging marinig, mahalagang palaging alalahanin, mahalagang balik-balikan, mahalagang tiyakin natin na hindi natin ‘to makakalimutan. Meron kasi tayong sakit na tinatawag na “gospel amnesia.”

Part 10 - Iniligtas ng Dugo ng Tupa (Ex. 11-12) 15.05.2023

Heto ang dulo ng chapter 12, “Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang lahat ng lipi ng bayan ni Yahweh. Nang gabing iyon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto...Nang araw na iyon, inilabas ni Yahweh sa Egipto ang mga Israelita na nakahanay ayon sa kani-kanilang lipi” (vv. 41-42, 51). Matagal na panahong alipin sila. Kailangan nila ng tagapagligtas. Sino? Si Yahweh ang naglig...

Part 9 - Yahweh vs Pharaoh (Rounds 5 to 9) (Ex. 9-10) 17.04.2023

We must realize, as followers of Christ, na hindi lang ito kuwento ng Israel. Nakakonekta tayo rito dahil kay Cristo na siyang fulfillment ng lahat ng ito. So, this is also our story as God’s people. Kaya mahalaga na hindi lang natin marinig, mapanood, ma-imagine, maramdaman yung “drama” ng kuwentong ito. Mahalaga yung tamang “doktrina” na nanggagaling sa kuwentong ito. Ano ang itinuturo nito tung...

Part 8 - Yahweh vs Pharaoh (Rounds 1 to 4) (Ex. 7:8-8:32) 10.04.2023

Sapat na ang pruweba na ibinigay sa atin ng Diyos. Gumawa sila Moises ng himala para patunayang si Yahweh lang ang nag-iisang Diyos at ang kanyang salita ay makapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngayon, hindi na natin kailangang makakita ng himala o gumawa ng himala para patunayang makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang “huling himala” na kailangan natin para makum...

Part 7 - "Makikita Mo ang Gagawin Ko" (Ex. 6:1-7:7) 27.03.2023

Mas madali kasi sa atin na tumingin sa tao at sa gagawin ng tao—sa responses ng mga unbelievers kapag nag-share tayo ng gospel sa kanila, sa responses ng mga members ng church kapag tinutulungan natin sila sa discipleship, at pati sa sarili nating magagawa lalo pa kung nakita natin yung mga failures natin o yung hindi magandang resulta ng ginawa natin. So, ang dapat nating tingnan ay kung ano ang...

Part 6 - Parang Lalo pang Napasamâ (Ex. 5:1-6:1) 20.03.2023

Preached by Derick Parfan on March 19, 2023 at Baliwag Bible Christian Church

Part 5 - Sino ang May Hawak ng Buhay Mo? (Ex. 4:18-31) 15.03.2023

Preached by Derick Parfan on March 12, 2023 at Baliwag Bible Christian Church

Part 4 - Pwede bang Iba na Lang? (Ex. 3:16-4:17) 28.02.2023

Preached by Derick Parfan on Feb. 26, 2023 at Baliwag Bible Christian Church.

Listen to the Treasuring Christ PH podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.