702 DZAS Agapay ng Sambayanan

702 DZAS FEBC RADYOTV

Religion FIL ↓ 740 episodes

Communicating Christ in our World until all have heard.

Author

702 DZAS Agapay ng Sambayanan

Category

Religion

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Reflections: One Day at a Time 11.07.2025

Overthinker ka ba? Iniisip mo na agad ang mga ‘di mo pa napagdadaanan? Hinay-hinay lang. Sapat na ang biyaya ni Lord para sa araw na ‘to. Ipaubaya ang bukas sa Panginoon.

Reflections: Second Wind 10.07.2025

Pagod ka na? Parang wala nang matatakbuhan? Pero biglang may dumarating na lakas na hindi galing sa’yo, kundi galing sa Kanya. That’s your second wind. Baka hindi mo na kaya, pero si Lord, kaya ka pa Niyang buhatin. Kaya laban lang!

Reflections: Isang Tanong Para Kay Lord 08.07.2025

Isang tanong. Isang sagot. Pero sa totoo lang, baka ang hinahanap natin ay hindi lang sagot, kundi ang mismong presensya Niya. Sometimes, the right question draws us closer than the right answer ever could.

Reflections: Peace of Mind 07.07.2025

Kung saan mo dinadala ang isip mo, doon ka rin dadalhin ng buhay mo. So the next time you're overwhelmed, pause and ask: "Lord, Ikaw pa ba ang guide ng isip ko ngayon?" Kasi kung Siya, tiyak na may buhay at kapayapaan sa dulo.

Legit: Jhanelle Belila - 'Adulting Is Real' 06.07.2025

Parang kailan lang, ang iniisip ay puro laro at aral... Ngayon, unti-unti nang minumulat sa real world! 'Yan ang katotohanan ng ADULTING . You will go through the most difficult of situations and test kung paano ka makaka-survive! If in case you think na hindi mo pa nafifigure out ang lahat, here's Jhanelle Belila who shares about how she manages to live life as a young adult. Ang kanyang...

Ehemplo: Mr. Alvin Santiago (Businessman & Awarded CEO of the Year 2017) 05.07.2025

May pag-asa bang umasenso kung ipinanganak kang walang masyadong privilege? Ang tampok nating Ehemplo dito ay si Mr. Alvin Santiago . Sa likod ng naglalakihang achievements at affiliations ay ang kuwento ng isang lalaking mula sa walang-wala. Nangarap, nag-sipag, at nagtiyaga.... Ngayon, ibang-iba na ang estado ng buhay. Bukod sa gift at grit, ibinahagi niya sa episode na ito kung paano naging pos...

Reflections: Waiting is the Best Thing 04.07.2025

Naranasan mo na bang maghintay sa sagot, sa tao, sa breakthrough? Mahirap, totoo. Pero sa paghihintay, doon tayo hinuhubog. Hindi sayang ang delay kapag kasama mo si Lord. May ginagawa Siya, kahit di mo pa nakikita.

Reflections: Live the Life You Were Made For 03.07.2025

Tanong lang: ikaw ba talaga 'yan? O nabubuhay ka para lang i-please ang iba? Minsan, ang ingay ng mundo, nakakalimutan natin kung sino talaga tayo at kung anong tinawag tayo para gawin. Don't trade your God-given purpose for someone else's expectations.

Reflections: His Will, His Bill 02.07.2025

Kung si Lord ang nagpadala, Siya rin ang bahala. ‘Where God guides, He provides’ isn’t just a quote it’s a promise. Hindi ka Niya tatawagin sa isang bagay na di rin Niya susuportahan. So if it’s His will, trust that He’ll foot the bill.

Reflections: Walang Maliit sa Mata ng Diyos 01.07.2025

'Di mo kailangan ng spotlight para maging significant. Sa langit, walang 'small job' kapag puso mo ay tapat. So, keep showing up, keep serving kasi sa mataas na Diyos, lahat ng tapat, mahalaga.

Reflections: Run with Purpose 30.06.2025

Pagod ka na ba? Naiisip mo bang huminto? Bago ka sumuko, balikan mo ang dahilan kung bakit ka nagsimula. Hindi ka tinawag ni Lord para sumuko sa kalagitnaan. Tinawag ka para tapusin ang takbuhin with purpose, with faith, with Him.

Ehemplo: Dr. Joyce Piap-Go (Author, Counselor and Life Coach) 29.06.2025

Kailan ang huling beses na nag-pray ka kay Lord na gamitin ka niya sa iba pang paraan? When you pray, God moves. Sa episode na ito, ibinahagi ni Dr. Joyce Piap-Go kung paano niya nahanap ang kanyang life purpose sa mga fields she never expected to be in. From a different story in the past, she now serves as an award-winning author of children's books, a counselor , and a life coach . Let's...

Legit: Ariabelle Espina - 'From Broken To Blessed' 29.06.2025

Lahat tayo ay nakaranas na ng mga kabigatan sa buhay. It leads us to struggle with anxious thoughts, sleepless nights, at maging self-harm . Sabi sa Good Book, God is near to those who are hurting. He never wastes a problem in our life. Isang LEGIT story ng kabataang dumaan sa physical abuse at brokenness ang highlight ng episode na ito. Ariabelle Espina shares how she survived trauma through the...

Reflections: Empty but ready 27.06.2025

Feeling mo ba kulang ka? Mahina? Lost? That’s actually the perfect place for grace. Kasi kapag walang-wala ka na, doon kumikilos si God. Sa kahinaan mo, doon lumalakas ang purpose Niya.

Reflections: Dream Again, Begin Again 24.06.2025

Don’t let time or age limit what God can still do through you. Bawat season ng buhay mo may saysay. Whether you're 25 or 65, may bagong pinto, may bagong assignment. Trust that He will sustain you to finish strong.

Reflections: Masterpiece Ka Ni Lord 23.06.2025

Your body isn’t just a body, it’s a masterpiece. Carefully crafted, purposefully designed. Hindi aksidente ang pagkakabuo sa’yo. At sa bawat pintig ng puso mo, paalala ‘yan ng kabutihan ng Diyos. So when you're tempted to doubt your worth, remember His works.

Legit: Jamaica Manano - 'God's Silence Is Not His Absence' 22.06.2025

"Lord, nandyan ka pa ba? Bakit parang ang tahimik po? Sinasamahan mo pa rin po ba ako?" When God is silent, it's hard to continue. Hindi mo alam kung tama pa ba ang direction mo o kung nag-iisa ka na lang. Pero alam mo ba na sa silent moments ay may ginagawa palang something better si Lord para ikaw ay mag-come out as 'gold'? This episode's guest, Jamaica Manano , shares...

Ehemplo: Roy Gilbert Maceda (Beseekleta For EveryJuan) 21.06.2025

Hindi kailangang maging glamoroso ang paraan ng pagtulong sa iba. Maaari itong gawin sa mga simpleng ways sa pang-araw-araw upang masolusyonan ang mga problemang pinagdaraanan rin ng lipunan. Gaya na lamang ng initiatives ng organisasyong Beesekleta For EveryJuan na pinangungunahan ni Roy Gilbert Maceda . Sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng mga spare parts ng bisikleta at pagbibigay ng mga bikes sa...

Reflections: The Table is Set 20.06.2025

May mga laban ka bang kinakaharap ngayon? Huwag kang matakot. Psalm 23:5 says, “He prepares a table before you in the presence of your enemies.” Hindi lang Siya kasama mo kundi Siya ang nag-aayos ng tagumpay mo, kahit may naninira, kahit may humahadlang.

Reflections: Cry Now, Rejoice Later 16.06.2025

Normal lang mapagod, umiyak, at hindi maintindihan ang nangyayari. Pero huwag mong akalaing doon natatapos ang kwento mo. Darating ang panahon—yung dating luha, mapapalitan ng ngiti. May saysay ang bawat iyak, kasi may tagumpay sa dulo.

Legit: Therese Gabriel - 'This Healing is a New Beginning' 15.06.2025

"Healing is messy. Magulo, masakit, malabo. Pero the pain gives us an opportunity to be closer to the Lord." Kapag nagkaroon talaga ng sugat, hindi biro ang proseso ng pagpapagaling - lalo na kung ang wound ay sa heart. It will take time and courage, but then ang resulta naman as you recover ay hindi maihahalintulad sa kahit anong bagay sa mundo. Sa episode na ito, ibinahagi ni Therese G...

Reflections: Beyond Wants, Towards His Will 13.06.2025

Okay lang mangarap. Okay lang may goals. Pero sa dulo, ang tanong: ‘Will this lead me closer to God’s will?’ Hindi sapat na gusto lang natin—kailangan kumikilos tayo, sumusunod, at laging handang isuko ang personal desires sa mas maganda Niyang plano.

Reflections: May Kasama ka sa Laban 12.06.2025

Kahit gaano kalaki ang tawag ni Lord sa’yo, di mo kailangang kayanin mag-isa. Sa bawat ‘mission impossible,’ may binibigay Siya na katuwang na taong makikinig, mananalangin, o simpleng tutulong. Tandaan mo, even heroes have sidekicks.

Reflections: Silent Service, Loud Impact 10.06.2025

Hindi kailangan nasa spotlight ka para maging mahalaga. Serving behind the scenes doesn’t make your work less meaningful. In fact, minsan, ‘yung tahimik na paglilingkod ang may pinakamatibay na epekto. Keep showing up, even when no one sees, God does

Reflections: Miski simple at maliit, may impact yan! 10.06.2025

Sa mundong laging naghahanap ng ‘malaki’ at ‘bongga,’ paalala lang: the small, quiet moments matter. 'Yung hangin, 'yung ngiti, 'yung oras na may tumigil para makinig sa’yo. Huwag mong balewalain. Baka ‘yan na ang sagot sa dasal mo.

Listen to the 702 DZAS FEBC RADYOTV podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.