EngotSilog
EngotSilog
EngotSilog is an online platform that aims to provide entertainment, fun and happiness. The EngotSilog was formed due to an increasing number of people who have anxiety, depression, and fears, with this podcast, the show will be able to help people, uplift their spirit and recover from pains and aches. Also, the podcast aims to provide a platform to all the viewers and online community to experience and witness the capacity of everyone to be happy and successful.
Koniecznie odwiedź stronę podcastu i wesprzyj twórcę: podcasters.spotify.com
Autor
EngotSilog
Kategoria
Strona podcastu
Ostatni odcinek
7 wrz 2024
Gdzie słuchać?
Podcasty w aplikacji Replaio Radio Już wkrótcePodcasty trafią do aplikacji już wkrótce. Zainstaluj teraz i jako pierwszy zobacz nowe podejście do podcastów
Odcinki
EngotSilog EP37 - Eternals Flame 20.01.2022 49:00
Mga ka-engot! Isa na namang kwentuhang walang patutunguhan at spoiler ng mga Marvel Movies ang ating ka-engot Kenjo! Halo-halong kwentuhang pang-inuman, walang sawang pagpapaalala ng bakuna at mga pangarap na ating sabay-sabay tutuparin. Salamat ka-engot sa inyong walang sawang pag suporta! Mag-enjoy at manatiling safe!
EngotSilog EP36 - New Year, New Variant 06.01.2022 47:46
Belated Happy New Year mga Ka-engot! Ikaw ba ay sawa na sa buhay? Pwes wag ka mandamay! Distansya ka-engot. Pag usapan natin ang pagsalubong at pagpasok ng bagong taon sa ating mga buhay, manatiling nag iingat sa kapaligiran, mag mask, mag alcohol at mag podcast, manatili sa bahay at magtiktok! Pag medyo humupa na ulit ang cases magpagawa ng salamin sa RMGS Optical wahaha! Keep Safe!
EngotSilog EP35 - MMFF Atbp. 30.12.2021 54:40
Mga ka-engot! Kamusta naman ang pagdiriwang nyo ng pasko? Di malayo na karamihan satin nasa bahay lang at nag nenetflix and chill pero wag natin kalimutan na panahon ngayon ng MMFF kaya di nyo mapanood at di nyo mapakinggan ang last epi natin na spoiler ng gagamboy walang-uuwi! Halina at samahan kaming pag-usapan ang mga pelikulang lokal sa pamamagitan ng usapang lasing at sariling opinyon.
EngotSilog EP34 - Simbang Gabi No Way Home [Spoiler Alert] 22.12.2021 59:26
Mga Ka-engot! Isa na namang kwentuhang puno ng kaengotan at mga walang kwentang bagay maliban sa mga ganap sa buhay ni Spider-man! Samahan mo kaming pasukin ang iba-ibang dimensyon ng buhay ng mga nabanggit na involved sa mga kung ano-anong kaganapan! Disclaimer! Syempre kanya-kanyang opinyon lang tayo dito engot nga kami e. Halina at mag sunog ng oras kasama kami! Ingat palagi!
EngotSilog EP33 - [R18] Mahilig ka, may kopya ka 15.12.2021 1:02:59
Mga ka-engot! Hindi ka pa naman huli sa balita kung malalaman mo lang ito dahil nakinig ka samin, kahit kami di namin to agad nalaman. Haha! Maliban sa nagbabagang balita ay samahan niyo kaming pag usapan ang mga bagay related sa topic na ito. Kaya ka-engot, wag ka ng mag panggap alam naming may kopya ka! Wag ka papahuli kay partner!
EngotSilog EP32 - Post-13th month Syndrome 08.12.2021 1:09:35
Naka kuha na ba ng 13th month pay at Nakapag parebond na ba lahat? Kung oo, IPASA MO NA YANG RESIGNATION LETTER MO!!!! ito na ang episode na magbibigay ng sign sayo para mag resign. Alam namin na matagal ng na-compose yang resignation letter mo kaya iprint, submit, email mo na yan at sabay sabay tayo sumigaw ng FREEEEEDOOOOOOM!
EngotSilog EP31 - Isang Taon ng Kaengotan 30.11.2021 56:27
Mga Ka-engot isang taon na tayo halina't sariwain natin ang mga dumaang episodes na ngpasaya, nagpangiti, nag bigay ng bagong pag-asa sa araw-araw! Muli, buong puso kami nagpapasalamat sa suporta at walang sawang pakikinig nyo sa ka-engotan namin. Happy Anniversary mga ka-engot! Mabuhay kayo!
EngotSilog EP30 Elite Cheerlearder in the New Normal 17.10.2021 52:39
Ang pagbabalik ng ating love surgeon na ngayon ay isa ng cheerleader! Samahan nyo kami tuklasin ang napakalaking transition sa buhay ng ka engot na si Dwn at mga pagsubok na hinarap nya nitong mg nakalipas na buwan. Napag kwentuhan din dito mga adjustment at diskarte sa pagpapakasal at ang pagbabalik face to face learning ng mga estudyante ngayong pandemic. Halina't makisali sa kwentuhan namin dah...
EngotSilog EP29 Presidential Candy-date! 10.10.2021 1:13:24
Sa ikalawang episode ng ating season 2 ay nagbabalik ang ating long lost brother na si Keyt Garcia! Samahan kaming pag usapan ang mainit pa sa matigas na pandesal ang mga sumusubok maging pinaka mataas na posisyon ng politiko sa ating bansa. At syempre lahat ng inyong maririnig ay pawang mga sariling opinyon lamang ng ating mga host at muling tumingin sa aming Title na EngotSilog! Maari kayong mag...
EngotSilog EP28 Kinalawang na Kabanata (Season II) 03.10.2021 41:38
Sa sunod sunod na pagiging abala ng bawat Host ng EngotSilog ay muling nagbabalik ang inyong lingkod na si Kenjotero at Memonyo na nagsisimula ng Season 2 ng ating podcast! Halina at samahan kaming magkamustahan at makumpleto muli, magkaroon ng Guest sa mga susunod na linggo! Pabakuna kana! Parehistro kana rin para bumoto! Salamat at ingat, mabuhay!
EngotSilog EP27 Axie Infinity and Beyond!!! 01.08.2021 1:13:14
Dahil sa taas ng hype ng crypto trading nabuhay ang isa sa mga blockchain game na Axie infinity na pinag kakaguluhan ng mga Pinoy ngayong panahon ng pandemya dahil ito ay nagbibigay ng instant kabuhayan sa pamamagitan lamang ng iyong phone at game app! Halina at pagusapan at tuklasin paano magsimula sa larong ito kasama ang aming dalawang Axie Manager Guest na itatago natin sa pangalang Wendybell...
EngotSilog EP26 Father's day special 22.06.2021 1:07:13
Maligayang araw ng mga TATAY mga ka-engot!!! isang episode na napag-usapan ang mga ala-ala namin habang kasama ang aming mga tatay. Mga ka-engotang pinalampas ng mga tatay natin at ang mga hindi malilimutan na payo na tumatak at nag mantsa sa aming kaisipan. Isang episode na magbibigay pugay sa mga haligi ng tahanan. Halina't makinig, maki-tawa at makarelate sa mga kwento namin. Muli Happy Father'...
EngotSilog EP25 We Survived and we will survive 15.06.2021 1:48:01
Isang episode na magbibigay ng importansya sa sarili at pamilya, pag uusapan ntin ang mga challenges lalo ngayon pandemic, esp ang epekto ng hinayupak ng Covid19!!! Biruin mo pati ang mga engot nasampulan ng virus na yon!!! Kaya halika, pag chismisan natin ang mga pinag-daanan ng nag-iisang pambansayang kenjotero at Coach Gabay Forlales, na gagabay satin sa journey ng survival! PS: hindi kami mga...
EngotSilog EP23 Pambansang Kolokoy & Mother's Day Special 12.05.2021 1:09:11
Mga Ka-engot! halina't pakinggang ang napaka gandang episode kasama ang nag-iisang pambansang kolokoy na si Sir Joel Mondina. Tuklasin pano nagsimula ang social media sensation at mainspire sa mga kwento nya sa amin. Syempre dahil Mothers day special din to, pakinggan ang mga di malilimutang kwento naming mga engot kasama ang aming mga minamahal na Nanay. So ano pa hinihintay mo? arat na! makinig...
EngotSilog EP22 Home Budols 04.05.2021 1:36:15
Mga ka-engot! Sa episode na to napag-usapan namin ang mga nabudol samin ng FB group na Home buddies. Napag-usapan din namin yung mga pangarap na set-up ng aming kanya-kanyang batcave. Pinag-usapan din namin dito yung mga pwede namin iambag sa Home buddies hampaslupa edition tulad ng mga nauwing gamit sa mga paboritong restaurant at kung ano anong kadugyutan sa bahay. Ikaw? ano ang pangarap mo sa d...
EngotSilog EP21 Attack on TitanGel 27.04.2021 1:36:33
Mga ka-engot! isa na namang episode kasama ang gossip boys na napagusapan ang mga hot issues tulad ng "motivational speaker, community pantry, at ang never ending ika-anim na utos". At syempre ito ang first episode ng Social Media drama ng engotsilog na pinamagatang "Attack on Titangel" so pano? halika at makichismis samin at pakinggan ang kwentong aantig at kikiliti sa mataba mong kili-kili. Sigu...
EngotSilog EP20 Strengthening our mental health (Survival tips 101) 20.04.2021 1:37:58
Isang makabuluhang gabi kasama ang isa sa mga mkakatulong para mapangalagaan ang ating Mental Health, walang iba kundi si Ms Chairmaine Almasen, isang Mental Health Advocate and Registered Guidance Counselor. Tulungan natin ang kapwa at sarili para ma-overcome ang ating mga takot, anxiety, at stress. Arat na ka-engot, ayain ang tropa at pamilya!
EngotSilog EP19 Gossip Boys 13.04.2021 1:46:38
Chismiso din ba kayo mga ka-Engot? Sa Episode nato pinagusapan ng Gossip Guys ang mga topic tulad ng is Lugaw essential, Kasalang Luis at Jessy (kasama ang mga nagkalat na memes na nagpa good vibes satin), engagement Ellen at Derek, covid vaccine, change oil, are all men cheaters? At syempre kwentuhan with the viewers. So ano pang hinihintay mo?? Arat na mga ka-engot at makichismis sa episode na t...
EngotSilog EP18 Kaya din namin! 24.03.2021 1:24:53
Arat, mga Ka-Engot! Isang gabi na naman puno ng kwentuhan kasama ang mga nag-gagandahang bisita na sina Raycia Garcia at Franchezca Khaila Franco! Isang gabi na puno ng chikahan at kulitan patungkol sa mga kababaihan, sa kanilang mga kakayahan at bilang inspirasyon! Sumama na kayo! Let us all empower woman! Isa sila bayani ng ating makabagong lipunan!
EngotSilog EP17 The return of the comeback, Kuya Jobert 17.03.2021 1:27:16
Eto na mga ka-Engot!!! The Return of the Comeback ng isang makulit, kwela at natural na komedyante, walang iba, kundi si Kuya Joberrrt!!!!! Halika at sumama para masaksihan natin ang isang kapana-panabik na kwentuhan, kumustahan at walang humpay na tawanan!!! Magsasama na naman tayo sa isang AMAZING kulitan, wag nang magpatumpik tumpik pa. Samahan kaming tumawa at lumigaya para sa isang gabi ng wa...
EngotSilog EP16 Rock & Roll kulitan with Tanya Markova 09.03.2021 1:36:41
Hello, Mga Ka-Engot! Isang mala-ROCK and ROLL na episode ang ating pag sasamahan kasama ang mga tanyag na bokalista ng Tanya Markova na sina Mr. Iwa Motors and Mr. Norma Love. Unkatin natin ang mga kwento sa likod ng mga katang kanilang pinasikat. Tara na at makipag kulitan at kwentuhan! Sumabay sa amin sa pagpapasaya at pagpapaligaya. It is a rock and roll night with Tanya Markova!!!!
EngotSilog EP15 Young Entrepreneur 08.03.2021 1:37:47
Mga Ka-engot! halina't makipag kwentuhan at kulitan, kasama ang isang "Young Entrepreneur", na si Ms. Jean Grey Santos, na magbibigay ng mga business tips and magtuturo ng entrepreneurship strategies sa lahat. Halika na at makipag-chikahan samin, isang episode na puno ng saya at learnings!
EngotSilog EP14 Spike it!, Dig it! 08.03.2021 1:27:52
Tara na mga ka-Engot! Makakasama natin ang isa sa mga kilalang Coach sa larangan ng Volleyball, walang ibang kundi si Coach George Pascua ng FEU Womens Volleyball. Makipagsabayan sa paghampas at hagis ng saya at tuwa!
EngotSilog EP13 LOVE is in the AIR 08.03.2021 1:16:27
Halika kaengot, ayain ang inyong pamilya at makisaya sa aming bisita na sina Ms. Kiesha KC Ancheta, Barangay kagawad and Secretary of SABAK (Samahan ng Barangay Kagawad) Valenzuela chapter at Mr. Rey Chan Nambatac, Professional Basketball Player of Rain or Shine Elasto Painters, para sa isang espesyal at malapag-ibig na episode para sa Valentine's day!
EngotSilog EP12 O VICTOR 08.03.2021 1:40:49
Hello, mga Ke-Engot! May panibago na naman tayong pagsasamahan, isang bisita na naman ang magpapasaya ng gabi natin! Hindi lang basta, "a, e, i but O Victor, ang makakasama natin na maghahatid ng ligaya at saya! Samahan nyo kami makipag-sabayan at kwentuhan kay Victor Anastacio! Isang episode na naman na puno ng saya at galak!
Podobne podcasty
Replaio nie jest wydawcą podcastów; nazwy audycji, okładki i audio należą do ich autorów i są rozpowszechniane przez publiczne kanały RSS