Dean Mel Sta Maria
Dean Mel On AIR (Advice, Interview, Reaction)
Matapang na diskusyon sa maiinit na isyu ng bayan! Samahan sina Dean Mel Sta Maria, Atty. Jen Reyes, at Andrew para sa malalimang pagsusuri at talakayan sa mga pinakamahalagang legal at politikal na isyu na humuhubog sa ating bayan. Makinig at makiisa sa mga usaping napapanahon at may malaking epekto sa ating lipunan!
Koniecznie odwiedź stronę podcastu i wesprzyj twórcę: podcasters.spotify.com
Autor
Dean Mel Sta Maria
Kategoria
Strona podcastu
Ostatni odcinek
27 wrz 2026
Gdzie słuchać?
Podcasty w aplikacji Replaio Radio Już wkrótcePodcasty trafią do aplikacji już wkrótce. Zainstaluj teraz i jako pierwszy zobacz nowe podejście do podcastów
Odcinki
Reaction | 2025 National Budget, Pagtanggal kay VP Sara sa NSC, SSS Contribution 05.01.2025 1:36:20
Ating pag-usapan ang 2025 National Budget, ano nga ba ang epekto sa pagtanggal kay VP Sara Duterte sa National Security Council, Effectivity ng mga pinirmahang batas ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng mga contribution sa SSS ngayong 2025, at ang ika-apat na impeachment case laban kay VP Sara.
Reaction | 2024 Year End Special 29.12.2024 1:38:11
Samahan nyo kaming magbalik tanaw sa mga maiinit na iyung bumalot sa ating lipunan ngayong 2024!
Reaction | VP Sara Impeachment, PhilHealth Event Issue 27.12.2024 2:16:25
Panawagang i-impeach si Vice President Sara Duterte, ano nga ba ang mga grounds para dito? Php 138 Million na event para sa anniversary ng PhilHealth, makatarungan nga ba?
Reaction | 'DEATH SQUAD' CONFIRMED: DUTERTE 03.11.2024 1:57:15
Inamin ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon syang "Death Squad." Sinabi rin ni FPRRD na inutusan nya ang mga kapulisan na "i-encourage" ang mga inaarestong suspek na lumaban para sila ay mapatay.
Reaction | Mga Naramdaman at Nag-Paramdam nitong Bagyong #KristinePH 27.10.2024 1:35:00
Matinding hagupit ng Bagyong Kristine ang naranasan ng ating mga kababayan nitong #KristinePH. Maraming personalidad ang di inaasahang mararamdaman at marami ring pulitiko ang NAGPARAMDAM. #DMOAPodcast
Reaction | Sen Bato, gustong imbestigahan ang War on Drugs, Duterte vs Marcos 20.10.2024 1:49:10
Senator Ronald 'Bato" Dela Rosa, gustong imbestigahan ang War on Drugs ng nakaraang Duterte administrasyon. Ayon kay VP Sara Duterte, “Kung ‘di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea” Cristy Fermin, natalo sa Cyber Libel case na isinampa ni Sharon Cuneta at ng dating Senador Kiko Pangilinan.
Reaction | Garma at Espinosa, Kumanta na! Nuisance Candidates para sa Eleksyon 2025 13.10.2024 1:33:25
Tumestigo na si Retired Police Colonel Royina Garma ukol diumano sa 'Rewards System' ng Duterte Administration sa kampanya nito kontra droga o 'Drug War' Alleged drug lord na si Kerwin Espinosa, sinasabing si dating PNP Chief at ngayo'y Senador Ronald "Bato" Dela Rosa ang pumilit sa kanyang idawit si dating senador Leila De Lima sa ilegal na droga. Atin ring pag-usapan ang mga Nuisance Candidates...
Reaction | VP Sara, bumisita kay FVP Leni sa Naga, VP Sara, Hindi nag-take ng oath sa Hearing 22.09.2024 2:06:25
Vice President Sara Duterte, bumisita kay Former Vice President Leni Robredo. Hindi pagte-take ng oath ni VP Sara sa hearing, binatikos!
Reaction | Pagkahuli kay Quiboloy - Arrest o Surrender? At Birthday Bash ni PBBM 15.09.2024 1:44:49
Success nga ba ng gobyerno ang pagkakahuli kay Pastor Apollo Quiboloy? Ano ang pinagkaiba ng arrest at surrender? At viral ngayon ang Birthday Bash ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang special guest na Duran Duran!
Reaction | Alice Guo, nasa Pilipinas na! 08.09.2024 1:41:23
Sa tulong ng Indonesia, naibalik si Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pilipinas matapos ang ilang buwan na paghahanap sa kanya ng NBI. Tutok na sa Dean Mel On AIR Podcast!
Reaction | GOMA: Buksan ang Bus Lane, Obstruction of Justice o Freedom of Expression kay Quiboloy 01.09.2024 2:14:22
Ayon kay Rep. Richard Gomez, dahil sa sobrang traffic sa EDSA, dapat buksan ang Bus Lane para sa ibang sasakyan. Supporters at followers ni Pastor Apolo Quiboloy, nagko-commit nga ba ng Obstruction of Justice o ito ay pag-practice ng kanilang Freedom of Expression?
Reaction | P10M Para Sa Libro ni VP Sara, Viral Video ni Sen Jinggoy, at Atty Roque, Cited in Contempt 25.08.2024 2:00:36
P10 Million ang hinihingi sa budget ng Office of the Vice President para sa distribusyon ng libro ni Vice President Sara Duterte. Viral ngayon ang video ni Senator Jinggoy Estrada kung saan siya ay nakitang nakikipagtalo sa isang babae. Atty. Harry Roque, cited in contempt sa House of Representatives matapos mapag-alamang nagsinungaling siya tungkol sa hindi pag-attend ng hearing. Tutok na sa Dean...
Reaction | ₱64/day na Pagkain, 'IN HEAT' remarks ni Sen Padilla, Political Harassment sa VP Sara 18.08.2024 1:47:57
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), sapat na ang ₱64 kada araw, o roughly ₱21 kada meal, para hindi ka ituring na "Food Poor." 'PAANO KUNG IN HEAT?' Viral ngayon ang naging linya ng pagtatanong ni Senator Robinhood Padilla sa kanyang Senate hearing tungkol sa mga polisiya ng mga TV network sa 'Sexual Abuse.' Matapos ang social media backlash, nagli...
Reaction | Mga Holiday sa Pilipinas, Uniform sa Olympics, Rappler is Filipino 11.08.2024 1:37:05
Ayon kay Senator Chiz Escudero, gusto nyang pag aralan ang mga Holiday sa Pilipinas. Ang ating mga atleta ng Olympics, wala nga bang uniform na maayos ang ating mga atleta? Ayon kay Senator Robin Padilla, bakit daw hindi nag imbestiga ang NBI kahit walang complaint. At Rappler, 100% Filipino!
Reaction | ICC sa Pilipinas, Paris Olympics 2024, Roque vs. Hontiveros 04.08.2024 1:54:04
Ayon sa ating Gobyerno, hindi raw sila makikialam kapag nagsagawa ng imbestigasyon ang Internation Criminal Court tungkol sa nangyaring Drug War ng Duterte Administration. Hindi nga ba labag sa kasunduan ang hindi pakikialam ng Pilipinas at hindi pag suporta sa imbestigasyon na ito? Yan ang ating pag uusapan ngayon sa Dean Mel On AIR!
Reaction | Post SONA Analysis, VP sa Germany, #CarinaPH Efforts 28.07.2024 1:49:20
Samahan nyo kaming i-analyze ang naging SONA ng Pangulong Bongbong Marcos, ang paglipad ni Vice President Sara Duterte sa Germany sa gitna ng paghagupit ng Bagyong Caring, at iba pa! Dito lang sa Dean Mel On AIR Podcast!
SONA 2024 | Dean Mel On AIR Special Coverage 22.07.2024 1:47:19
Ngayong July 22, 2024, muling humarap sa sambayanang Pilipino si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. upang ihatid ang State of the Nation Address 2024. Ito'y mahalagang pagkakataon upang masusing pakinggan at suriin ang mga nagawa ng administrasyon sa nakaraang taon at ang mga plano para sa hinaharap. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng isang makasaysayang...
Reaction | P20M Budget Sa SONA, Identity Theft 14.07.2024 2:03:46
Engrandeng budget ng SONA 2024 at Identity Theft ang ating topic para sa episode ng Dean Mel On AIR Podcast!
Reaction | VP Sara - Nagresign sa DEPED, Mutual Defense Treaty - Dapat na nga bang ipatupad, De Lima - Acquitted sa mga kaso 24.06.2024 59:33
Ngayong episode, ating pinag usapan ang ang naging pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa kanyang posisyon bilang Secretary ng Department of Education. Pinagusapan rin natin kung dapat na nga bang itrigger na ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty sa United States of Amerika, at ang pagkadismiss ng ikatlo at huling drug case ni former Senator Atty. Leila De Lima.
Advice | FREE LEGAL ADVICE Special Episode 17.06.2024 1:59:54
FREE LEGAL ADVICE Special Episode
Reaction | Quiboloy, "Overkill" daw ang Paghuli, Bagong Pilipinas Hymn - Mali ba? 15.06.2024 1:46:45
Mali nga ba ang pag pag-recite ng "Bagong Pilipinas Hymn at Plegde?" Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mandatory recitation ng Bagong Pilipinas Hymn pagkatapos ng Flag Ceremony sa lahat ng government agencies, state-run companies, at educational institutions. Bakit nga ba mali ito ayon sa ating batas? Atin ring pinag-usapan ang pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa a...
Reaction | Grounds for Divorce 09.06.2024 1:49:24
Sa episode ng Dean Mel on AIR Podcast ngayong linggo, ating pag uusapan ang iba't ibang mga grounds para maipaputol ang kasal gamit ang panukalang batas na Absolute Divorce Bill. Atin ring sasagutin ang inyong mga katanungan tungkol dito.
Reaction | DIVORCE, Panahon na! Bagong Senate President, at Maria Ressa sa Harvard 25.05.2024 1:31:40
Sa episode ng Dean Mel On AIR ngayong Sabado, May 25, maiinit na isyu muli ang ating pag uusapan! - ABSOLUTE DIVORCE BILL. Sa botong 131 sa Affirmative Votes, 109 Negative Votes, and 20 Abstentions, pasado na sa Third and Final Reading ang Absolute Divorce Bill sa Kongreso. Ano nga ba ang epekto nito sa ating bayan? - PAGBABAGO SA LEADERSHIP SA SENADO. Senator Chiz Escudero, inihalal bilang bagong...
Reaction | Imaginary Poverty, PDEA Leaks, No More Substitutions due to Withdrawal 19.05.2024 1:52:58
! Narito ang ating mga pag-uusapan sa episode ng Dean Mel On AIR Podcast: - ‘WALA NANG SUBSTITUTION KUNG ANG GROUND AY WITHDRAWAL NG CANDIDACY’. Aprubado na ng Commission En Banc ang proposal ni Comelec Chairman George Garcia na i-ban ang Substitution kung ang ground ay withdrawal of candidacy. - 'SANA RESPETUHIN RIN NILA 'YUNG PAGIGING CHAIRMAN KO'. Hiling ni Senate Committee on Publi...
Reaction | Cyber Libel laban kay Cristy Fermin, Bato Vs. Trillanes, Navarro Vs. Lee at Cornejo 12.05.2024 2:16:12
Sa ating episode ng Dean Mel On AIR Podcast bukas, live nating pag-uusapan ang iba't ibang mga kasong legal na bumabalot sa ating lipunan! - CYBER LIBEL, ano nga ba ang proteksyon ng mga mamamahayag laban sa cyber libel? Kaugnay ito sa mga kasong Cyber Libel na isinampa ng iba't ibang personalidad laban sa batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin. - MAYOR NG BAMBAN TOWN, KINUWESTYON...
Podobne podcasty
Replaio nie jest wydawcą podcastów; nazwy audycji, okładki i audio należą do ich autorów i są rozpowszechniane przez publiczne kanały RSS