Young Critics Circle

The Young Critics Circle Podcast

Tv FIL ↓ 9 episodes

Itinatag noong 1991, ang Young Critics Circle ay binubuo ng mga miyembro ng akademya na sa loob ng matagal-tagal na ring panahon ay naging mga matalas na tagamasid ng pelikulang Filipino. Galing sa iba’t ibang disiplina, nilalapat nila sa pagsuri ng pelikula ang interdisiplinaryong lapit, at sa gayon isinasakatawan ang pangangahas para sa bago at sa giting na sumalungat.

Author

Young Critics Circle

Category

Tv

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Feb 5, 2025

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

YCC Podcast Episode 9: Hinggil sa Reflexivity 05.02.2025

Sa episodyong ito ng The Young Critics Circle Podcast, pinag-usapan ng mga miyembrong sina Christian Benitez, Ian Claros, at Anne Trinidad ang mga pelikulang Filipino mula sa taong 2023 na kakikitaan ng reflexivity. Kabilang ang mga pelikulang Gitling, Huling Palabas, Erotica Manila: Foursome, National Anarchist: Lino Brocka, As If It’s True, at Iti Mapukpukaw, inusisa ang puwang na inilalaan ng p...

Episode 8: Hinggil sa Realismo at Dahas 19.01.2025

Para sa ikawalong episode ng Young Critics Circle Podcast, pag-uusapan nina Em Flaviano Manlapaz, Skilty Labastilla, Tito Quiling Jr., at John Bengan ang ugnayan ng realismo at pagtalakay ng dahas sa mga piling pelikula mula sa taong 2023: Gomburza, Divine Factory, About Us and Not About Us, Ang Duyan ng Magiting, Erotica Manila: Foursome, Essential Truths of the Lake, Third World Romance. Alin sa...

Episode 7: Hinggil sa mga Nagsipagwagi sa Taong 2022 13.08.2023

Para sa ikapitong episode ng Young Critics Circle Podcast, pag-uusapan nina Andrea Anne Trinidad, Skilty Labastilla, John Bengan, at Aristotle Atienza ang tatlong pelikulang nagkamit ng mga parangal mula Film Desk ng Young Critics Circle sa taong 2022: Bula sa Langit, Leonor Will Never Die, at 12 Weeks. Babalikan ang isinagawang deliberasyon sa pagpili ng mga pinarangalan, ang pagbali ng minsang p...

Episode 6: Hinggil sa mga Nominado sa Taong 2022 11.07.2023

Sa episode na ito ng Young Critics Circle Podcast, pag-uusapan nina John Bengan, Andrea Trinidad, JC Rosete, Ian Harvey Claros, at Christian Jil Benitez ang pitong pelikula mula taong 2022 na nagkamit ng mga nominasyon: 12 Weeks (dir. Anna Isabelle Matutina), Batsoy (dir. Ronald Espinosa Batallones), Leonor Will Never Die (dir. Martika Ramirez Escobar), Topografia (dir. Gutierrez Mangsakan II), Ka...

Episode 5: Hinggil sa mga Nagsipagwagi sa Taong 2021 03.10.2022

Sa episode na ito ng Young Critics Circle Podcast, pag-uusapan nina John Bengan, Emerald Manlapaz, Andrea Trinidad,, at Christian Jil Benitez ang tatlong pelikula na nagkamit nga iba't ibang parangal mula sa Film Desk ng Young Critics Circle sa taong 2021: ang Gensan Punch , On the Job: The Missing 8 , at Historya ni Ha.  

Episode 4: Hinggil sa mga Nominado sa Taong 2021 10.09.2022

Sa episode na ito ng Young Critics Circle Podcast, pag-uusapan nina John Bengan, Emerald Manlapaz, Andrea Trinidad,, at Christian Jil Benitez ang tatlong pelikula mula taong 2021 na nominado para sa kategoryang Pinakamahusay na Lunsarang Pelikula: Kun Maupay Man It Panahon (dir. Carlo Francisco Manatad), Last Days at Sea (dir. Venice Atienza), at Tao Po (dir. Mae Paner).

Episode 3: Hinggil sa mga Nagsipagwagi 13.12.2021

Para sa ikatlong episode ng Young Critics Circle Podcast, tatalakayin nina Christian Benitez, Janus Nolasco, John Bengan, Cristian Tablazon, at Dr. Patrick Flores ang mga hinirang na pinakamahusay na pelikula para sa taong 2020. Pag-uusapan ang naging proseso ng mga kasapi ng YCC sa pagpili ng mga nanalo sa anim na kategorya, at dahilan sa pagkakapanalo ng dalawang pelikula para sa pinakamataas na...

Episode 1: Hinggil sa Paghanga 01.12.2021

Sa online edition ng Metro Manila Film Festival noong nakaraang Disyembre, parehong naging matagumpay ang mga pelikulang Fan Girl ni Antoinette Jadaone at The Boy Foretold By The Stars ni Dolly Dulu. Bukod sa nakamit na parangal ng mga ito, pinag-usapan din ang mga nasabing pelikula sa social media sa magkaugnay na dahilan—ang Fan Girl, sa tangka nitong pagpapaksa sa paghanga, hinahangaan, at taga...

Episode 2: Hinggil sa mga Nominado 06.05.2021

Bilang paghahanda sa napipintong anunsiyo ng taunang pagkilala sa kahusayan sa pelikula, matutunghayan sa ikalawang episode ng Young Critics Circle Podcast ang talakayan sa mga pelikulang nominado sa sinematograpiya at disenyong biswal, editing, at tunog sa pelikulang taon ng 2020. Titimbangin nina Aristotle Atienza, Emerald Manlapaz, Tito Quiling Jr., at Skilty Labastilla ang kalidad ng gamit at...

Listen to the The Young Critics Circle Podcast podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.