Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

The Linya-Linya Show

Comedy TL ↓ 431 episodes

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: www.linyalinya.ph

Author

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

Category

Comedy

Podcast website

www.linyalinya.ph

Latest episode

Nov 13, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 10M+ downloads · 4.7+ rating iOS soon

Episodes

280: Daddy Diaries - Business, parenthood, and the business of parenthood w/ Engr. Rene Sangalang 13.12.2023

Paano nga ba natin mas maa-appreciate at makikilala ang ating mga magulang? Para sa mga taong lumaki na madalas wala ang isang magulang dahil sa pagtatrabaho, isang dillema ang pagbuo ng makabuluhang ugnayan pagdating sa adulthood. Para sa ating Linya-Linya showrunner na si Ali, ang paghahanap ng espasyo at oportunidad kung paano mai-involve ang kaniyang tatay na si Engr. Rene C. Sangalang sa kani...

279: Hinggil sa hiwalayang KathNiel w/ LJ Sanchez 07.12.2023

Nitong nakaraang linggo, nagulantang ang buong sambayanan sa isang mabigat na balita: Naghiwalay na ang KathNiel, ang 11 taong tambalan sa harap ng camera at sa totoong buhay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.  Maraming naging usap-usapin, kaya kinailangan din nating lapitan ang Associate Professor sa College of Mass Communication, University of the Philippines Diliman, at eksperto sa Kultur...

278: Pagbabalik-tanaw at Pagtanaw sa Pagbabalik w/ BLKD Part 2 04.12.2023

Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali.  Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksen...

277: Pagbabalik-tanaw at Pagtanaw sa Pagbabalik w/ BLKD 30.11.2023

Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali.  Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksen...

276: Gets Ka Namin! w/ Krishna and Drew 26.11.2023

Iba talaga ang feeling pag gets ka ng mga tao. Pag kuha nila 'yung humor o kung ano ang sinasabi mo. Kaya sa ating latest effisode, pinagusapan ng trio nila Krishna, Drew, at Ali kung ano nga ba ang kahulugan ng "Gets Ka Namin!" Isang masayang kwentuhan at nakakatuwang usapan na naman sa ating #GetsTogether, kaya listen up 'yo na!

275: Artwork-Life Balance w/ Geloy Concepcion 20.11.2023

Ang kasama natin sa The Linya-Linya Show– isang photographer, videographer, street artist, documentarian, and author ng librong “Things You Wanted to Say But Never Did”– tubong Pandacan, Manila, at mula pa San Francisco Bay Area, California– si Geloy Concepcion. BOOM! Isa na siguro sa pinakaswabeng kwentuhan sa podcast– tungkol sa kinalakhan ni Geloy bilang isang batang artist, sa kanyang mga dina...

274: What's the Big Fuzz? w/ Kyle Quismundo [VIDEO] 14.11.2023

Sa bagong episode ng The Linya-Linya Show, maghahatid kami ng malupit na tawanan at kwentuhan kasama si Kyle Quismundo! Kasama niya sa usapan ang mainit-init na topic: ang bagong negosyo ng barkada, ang "Big Fuzz" kasama ang ating podcast superstar! Tara, makipag-tsikahan tayo tungkol sa mga malalalim na usapan tungkol sa buhay, at syempre, ang mga di malilimutang kwentong inuman! Makaka...

273: Tapang at Katotohanan sa Panahon ng Pagpatay w/ Patricia Evangelista [VIDEO] 09.11.2023

Hindi sikreto ang mga nangyaring patayan at pagpatay noong nakaraang administrasyon. Noong mga panahong iyon, laman ito ng mga balita. Sa harap nito, at sa kabila ng panganib na dala ng pagtatala at paghahayag ng mga nangyari, may matatapang na journalists na on-the-ground kinakalap ang masasaklap pero totoong mga kwentong ito– mula mismo sa mga biktima, pati na ang mga naging bahagi ng mga pagpas...

272: The Lima-Linya Show: Hear for it Live Podcast w/ Ranze & Jed 06.11.2023

Akalain mo ‘yun!?  Limang taon na ang kulitan at kwentuhan, mula sa mga araw-araw na buhay hanggang sa mga pinaka-pinahahalagahan nating mga bagay. Nagkaroon na ng pandemya, bumalik na  sa ating opisina't silid-aralan, na-traffic na ulit, hanggang sa ang dating Zoomustahan online ng Fellow-22s ay naging F2F Christmas Party na rin! Ang dami na nangyari sa loob ng limang taon-- mula sa pagbabasa...

271: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 2) 31.10.2023

Para sa Round 2, mag-ingay para kay Anygma! Kasama pa rin natin ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– si Alaric Yuson! Ito na ang last part ng ating no-holds-barred kwentuhan. Samahan niyo kami sa isa pang solid na oras ng real talk at deep dive sa mundo ng hiphop at iba pang mga pananaw sa buhay! Listen up ‘yo!w #Th...

270: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 1) [VIDEO] 29.10.2023

Yo! Sa tapat ko, mula pa Mandaluyong City para sa inyo, isang emcee, ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– mag-ingay para kay ANYGMA! Dalawang oras na no-holds-barred kwentuhan– mula sa pang-araw-araw na buhay at ebolusyon ng eksena sa local hiphop, sa karanansan bilang itinuturing na ama ng FlipTop at UPRISING, hang...

269: Scary Relationship Stories w/ Krishna Amar & Drew Beso 24.10.2023

Panahon na naman ng katatakutan, pero para sa ating mga Fellow-22s, parang hindi multo ang nakakatakot? Bukod sa mga utility bills na due date na, ano pa nga ba? Kasama natin ang mga OG Fellow-22s, at close friends natin, na sila Krishna Amar at Drew Beso para sa isang effisode na puno ng kwentong katatakutan tungkol sa dating and relationships! BOOOOM! 'Wag palagpasin ang #GetsTogether ng tat...

268: Creative Entrepreneurship w/ Ceej Tantengco - Malolos 18.10.2023

Paano nga magmi-meet halfway ang pagiging creative at pagiging business-minded? Saan ba nagkakatugma ang kulit at pagiging seryoso? At ano nga ba ang Creative Entrepreneurship?  Pinag-usapan lahat nang ‘yan sa ating latest effisode kasama ang award-winning writer, podcaster, and now the head of Partnerships and Business Development ng PumaPodcast – Ceej Tantengco-Malolos! BOOOOOM! Listen up ‘yo!

267: DADDY DIARIES: Managing Pressure w/ Engr. Rene Sangalang 13.10.2023

Stressed? Sobrang pressured na sa buhay? Normal lahat ng nararamdaman natin about pressure, ang kailangan natin ay kung paano ba ito i-manage. Umuwi ulit ang ating podcast superstar sa bahay nila at muling nagkaroon ng kwentuhan sa kanyang daddy at daddy na rin ng lahat ng Fellow-22s - Engr. Rene Sangalang! BOOOOM! Isang buong effisode na naman ng masterclass about managing pressure and stress mul...

266: HIKE, NAKO! 5 types of hikers sa gabundok na stress w/ Reich Carlos 06.10.2023

Sa harap ng dambuhalang tasks at gabundok na trabaho araw-araw, mapapasigaw na lang talaga tayo ng… HIKE, NAKO! Sa special effisode na ‘to, samahan niyong maglakbay ang partners-in-climb na sina Ali at Reich sa pagtukoy nila sa iba’t ibang klase ng hikers, sa pag-akyat at paglampas nila sa iba’t ibang bundok ng challenges sa everyday work and life. Mula sa literal na weekend climbers, pinakilala r...

265: Tunay lamang ang mananatili w/ KJah 01.10.2023

Muling nagbabalik sa #TheLinyaLinyaShow-- ang isa sa pinakamalupit na lyrcist at isa sa pinakamatinik na makata sa mundo ng Pinoy rap-- si KJAH!  Mula Camarin, tawid ng Novaliches-- nagkwentuhan kami ni KJah tungkol sa kanyang simulain sa mundo ng musika, sa pagbalanse ng kanyang career sa rap at sa kanyang day job, sa pananaw tungkol sa "hustle culture" at sa halaga ng edukasyon, at kun...

264: SMALL, SLOW, & STEADY: On queer empowerment and dreams w/ Mela Habijan [VIDEO] 23.09.2023

Masaya at makabuluhan ang usapan tungkol sa queer visibility and representation on media, sa passion, sa pagkakapantay-pantay, sa pagtanggap, at sa pagmamahal-- kasama ang writer, host, actress, content creator, ang Miss Trans Global 2020 at matalik na kaibigan– Miss Mela Habijan! BOOOOOM! Isang paalala sa mga bagay na kahit tingin natin ay maliit, mabagal, at hindi pa ganap, pero ipinaglalaban na...

263: The Power of Collaboration w/ Syke 18.09.2023

Listen up ‘yo! It’s the Linya-Linya Show! BOOOOOM! Sa lahat ng fellow-22s, isa sa pinaka-pamilyar na linya ang intro sa rap song na lagi nating napapakinggan. Ngayon, sa ating pinakabagong effisode, kasama natin ang isa sa pinakamtinding rapper, makata, at spoken word artist ng bansa, at ang boses sa likod ng pamilyar na intro ng rap ng #TheLinyaLinyaShow– si SYKE! Tutuklasin natin kung paano nags...

262: Paano ba maging mabuting tao sa isang malupit na mundo? w/ Bianca Gonzalez-Intal 09.09.2023

Marami akong naiisip na mahihirap na tanong tungkol sa buhay. Isa na rito ang: Paano ba maging mabuti, o mananatiling maging mabuti, sa mundong tila tinutulak tayong maging malupit at masama, para lang maka-survive o mag-succeed in life? Sama-sama nating itanong: PAANO BA ‘TO?! Buti na lang, ang kasama natin today, award-winning television host, model, podcaster, mother, Filipina– si Super Bianca...

261: How to have self-control over budols w/ Salve Duplito 31.08.2023

Da save? O Dasurv? I-add-to-heart na ang bagong effisode natin, kasama ang TV and News personality, registered financial planner, journalist, development worker, good governance activist, education & reading advocate, content creator, superwoman at superfriend, SALVE DUPLITO! BOOM! Dalawang taon na ang lumipas mula noong unang guesting ng financial guru na si Salve sa #TheLinyaLinyaShow at nga...

260: Music and Guitar Picks w/ Chino Singson & Carljoe Javier 24.08.2023

Music lover? Yes? Sakto! Pinag-usapan, pinagkwentuhan, at muntik nang maging Music 101 ang ating bagong effisode kasama ang lead guitarist ng The Itchyworms na si Chino Singson (all the way from Canada!) at ang semi-regular guest at CEO ng PumaPodcast na si CarlJoe Javier!  Iba’t ibang kwento ng musika– mula music influences, joy ng pagtugtog, hanggang sa effect ng technology sa music! Makinig at...

259: Ganito kasi ang Gen-Z w/ Jacob & Lance of Ganito Kasi ‘Yan Podcast 11.08.2023

Paninindigan natin ang pagiging Fellow-22 sa bago nating effisode! As a fellow-Gen Z and young millennial, kasama natin ang isa sa Mr. Q and A Grand Finalist, isang striving scholar from Rizal, hosts ng Ganito Kasi ‘Yan podcast-- sina Jacob Maquiling and Lance Arevada! BOOOOOOOM! Tungkol sa cancel culture, sa workplace, at sa iba pang kulturang ginagalawan ng young adults ngayon sa perspektibo ng...

258: Reigning in Manila w/ Pio and Raymond of Lola Amour 03.08.2023

Maulan pa rin at hindi pa tumitigil hanggang ngayon! Kaya naman, sa panibagong effisode natin, kasama natin ang dalawang members ng Filipino band that dabbles in the genres of modern rock, funk, and pop, at ang “dahilan” ng pag-ulan sa mga nakaraang araw - Pio and Raymond ng Lola Amour! BOOOOOOOM! Alamin ang ibang side nila Pio and Raymond bukod sa pagbabanda at alamin ang kwento sa likod ng viral...

257: GABI NA NAMAN w/ Ian, Milley, and Pau of GNN Productions 27.07.2023

Maraming pangarap talaga ang nabubuo sa likod ng FX at Jolibee. Isa na doon ang pangarap nina Ian, Milley, at Pau– ang tatlong magigiting na nilalang sa likod ng Gabi Na Naman Productions! Kwentuhan tungkol sa pagsisimula at pangangarap, sa musika at pagkakaibigan, at higit sa lahat, tungkol sa pinaka-hihintay na event ngayong taon– ang #LinyaLinyaLand2023! BOOM! Makinig at samahan kaming tumawa,...

256: Minsan parang gusto ko na lang maging cactus w/ Doc Gia Sison [VIDEO] 20.07.2023

Maulan na, pero habang nagdidilig si Ali ng cactus, may bisita ulit tayo sa ating #TheLinyaLinyaShow stud-yo!  Ano pa nga bang aasahan kundi isang nakaka-inspire at nakakapagbigay-pahinga na effisode ng #SaTotooLang with Doc Gia Sison! BOOOOOOOM! Kwentuhan tungkol sa quiet quitting, honing, boundaries, at kung anu-ano pang lessons from a cactus. Kaya listen up ‘yo na!

Listen to the The Linya-Linya Show podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.