Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network
The Linya-Linya Show
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com
Be sure to visit the podcast's website and support the creator: www.linyalinya.ph
Author
Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network
Category
Podcast website
Latest episode
Nov 13, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 81: SPOKEN WORD POETRY with Cheyenne Lasam Part 1 17.06.2020 1:27:31
Ano nga ba ang spoken word poetry? Ano'ng pinagkaiba nito sa written poetry? Ano'ng papel ng art form na ito sa artist, sa ibang tao, at sa kalakhang lipunan? All the way from Auckland, New Zealand, nakasama natin si Cheyenne Lasam, isang 20-year old Filipina studying a conjoint Bachelor’s degree in Art and Science, majoring in Computer Science and Philosophy sa University of Auckland. Isa siyang...
Episode 80: Ang Natututuhan Ko Sa Pagtuturo - On Education and the Teaching Profession with Teacher Sab Ongkiko 10.06.2020 1:19:33
"Good mooorning, Ma'am!" Kapag usapang skwela, nako, maghanda-handa ka na-- siguradong puno 'yan ng iba't ibang kwento at alaala. Ano'ng paborito mong subject? Sino'ng paborito mong teacher? Ano'ng mga kalokohan ang ginagawa niyo sa classroom noon? Sa episode na ito, pumasok si Ali sa klase ni Teacher Sab Ongkiko-- isa sa pinakamahusay at pinaka-inspirational na guro ng henerasyong ito-- para paki...
Episode 79: From Bahay to Buhay: Battling Uncertainty & Building Hope - Speech for the Closing Ceremony of St. Mary's Senior High School Batch '20 06.06.2020 25:58
May 31, 2020-- naimbitahan si Ali bilang graduation speaker ng St. Mary's Senior High School Batch 2020. Originally, gaganapin dapat ito sa school campus sa Mandumol, Masasandig, Cagayan de Oro City. Pero dahil sa Covid-19 outbreak, isinagawa ito online, sa kauna-unahang virtual graduation ng skwela. Sa isang recorded video sa kanilang bahay sa Quezon City, ibinahagi ni Ali ang kanyang personal na...
Episode 78: Citizen's Budget Tracker & the Importance of Active Citizenship w/ Ken Abante & Smile Indias 03.06.2020 1:30:12
Saan nga ba napupunta emergency fund ng gobyerno para tugunan ang Covid-19 crisis? Bakit mahalaga ang pagbabantay ng mamamayan sa kaban ng bayan? How do we #HoldPowerToAccount? Sa episode na ito ng #TheLinyaLinyaShow, kasama natin sina Ken Abante at Smile Indias, magigiting na volunteers na kabilang sa nagbuo ng "Citizen's Budget Tracker" (covidbudget.ph), isang initiative para bantayan at mas mai...
Episode 77: #LingkodKapaLinya Lockdown with Doc Gia Sison 27.05.2020 1:04:50
Laugh trip? O love trip? Pwedeng both! Muling nagbabalik ang #LingkodKapaLinya para sagutin ang inyong mga makabagbag-damdaming katanungan, ngayon, tungkol sa pag-ibig sa konteksto ng quarantine at lockdown. Samahan niyo sina Ali at Doc Gia Sison, ang ating resident love and relationship guru, para sa isa na namang kwentuhan at tawanang may kabuluhan at may matututuhan. Share your thoughts @linyal...
Episode 76: LOVE LOCKDOWN - Love in the time of Quarantine with Doc Gia Sison 20.05.2020 1:01:35
Sabi ni Kanye West sa kanta nyang "Love Lockdown," "Now keep ya love lockdown, ya love lockdown/ Now keep ya love lockdown, you lose." Ngayong under ECQ pa rin tayo dulot ng Covid-19 pandemic, paano nga ba apektado ang iba't iba nating mga relasyon? How do we deal with singlehood and loneliness during this period? What will be the "new normal" for romantic relationships? Ang mga ito, kasama...
Episode 75: Pagkilala at Pagtiwala sa Sarili, Kapwa, at Bansa with Jaton Zulueta 13.05.2020 1:22:04
Maraming nang nangyari, nangyayari, at mangyayari pa sa ating bansa. Sa episode na ito, nakausap ni Ali sa Jaton Zulueta, isang champion ng education at community development, at isa ring kaibigan. He's the founder and Executive Director of AHA Learning Center (a free after-school program for kids), an awardee of The Outstanding Young Men (TOYM) 2016, and an Obama Leader. Sa tangkang maintindihan...
Episode 74: CHRISTIANA DIMAUNAHAN Part 2 - Women in Sports, Women Empowerment, and having a Millennial Mindset 06.05.2020 1:20:59
Paano nga ba tinitingnan ng lipunan ang mga atletang kababaihan? Bakit kailangan silang mas bigyang-pansin? Ano'ng masasabi at magagawa ng millennials sa mga nangyayari sa paligid at bansa? Tapos na ang warmup sa Part 1-- nandito na ang part 2 at finale ng makabuluhang (na may halong bolahang) pag-uusap nina Ali at Christiana Dimaunahan, student-athlete at player ng National University Lady Bulldo...
Episode 73: CHRISTIANA DIMAUNAHAN - On Basketball, Academics, and the Challenges of Being a Student Athlete 29.04.2020 1:05:30
Ball is life, but there's also life outside the court. Sa 2-part episode na 'to, nakakwentuhan ni Ali si Christiana Dimaunahan, shooting guard of the historic National University Lady Bulldogs basketball team (currently on their 96th win-streak sa UAAP!) via Zoom. Kwentuhang basketball, school life, at kung papaano nagagawang balansehin ni Dandalet ang sports at academics. Pwera bola: Isa ito sa p...
Episode 72: #CREATEDONATE for our Frontliners - Rap Verse by Ali and Beat Produced by Juss Rye 25.04.2020 3:41
Subok lang: 16 bars na naisulat gamit ang beat ni Juss Rye para sa #CREATEDONATE initiative/fund drive to help out our frontliners. Salamat sa pagkakataong makasulat ulit ng rap, kasabay pa ng pagtulong kontra-#Covid19PH, Ryan M. Armamento! 🙏🏼 Ingat tayong lahat! Sa mga nais tumulong, pwedeng mag-donate dito: 🚨TEAM MANILA: https://www.facebook.com/teammanila/photos/a.91992297659/1015796...
Episode 71: The Ordinary #StoryOfMyLife - Speech for the Closing Ceremony of the Ateneo Junior High School Batch '17 22.04.2020 27:32
March 30, 2017-- first time umakyat ni Ali sa stage sa school. Hindi para masabitan ng medalya o tumanggap ng award, pero bilang "special" guest speaker para sa graduation at closing ceremony ng Ateneo Junior Highschool Batch '17. Sa episode na ito, muling binalikan ni Ali ang pambihirang pagkakataong iyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang isinulat na talumpati-- ang kakaibang kwento ng kanya...
Episode 70: RIO ALMA #TulaSomebody 15.04.2020 51:28
Tampok natin sa #TulaSomebody si Ginoong Virgilio Almario, National Artist for Literature, na kilala rin sa kanyang pen name na Rio Alma. Sampu sa kanyang mga tula ang binasa natin dito, mula sa iba't iba nyang libro, pati na sa kanyang Facebook page ngayon. Mula pag-ibig at paglisan, fake news at masasakit na katotohanan, hanggang sa mga karanasan ngayong nahaharap tayo sa pagsubok na dulot ng #C...
EPISODE 69: JODILLY PENDRE (Asia's Next Top Model S2 1st Runner-Up) - On Modelling, Working Abroad, and Overcoming Early Life Struggles 08.04.2020 1:29:29
Paano nga ba maging supermodel, o kaya naman super role model? Almost 5 years na since huling nagkita, nag-usap, at nagkwentuhan sina Ali at Jodilly. Habang may lockdown at nasa kanya-kanyang bahay (si Ali sa Manila, si Jodi sa Melbourne), nag-throwback at nag-catch up sila via video conference sa mga karanasan ni Jodilly-- ang early life challenges nya at ng kanyang pamilya sa Mandaluyong, ang pa...
Episode 68: 24-OLATS Flush Report #1 with KapaLinya Mike N. Ricketts 03.04.2020 8:20
Huli ka na ba sa balita? Nandito na ang 24-Olats kasama si KapaLinyang Mike N. Ricketts at hatid niya ang mga balitang walang pinanggalingan, walang patutunguhan-- serbisyong tutong lamang. Sa uling ng mga nagbabagang balita: - Senador Kuko Pinentel, nag-shopping sa X&R, huli sa SISI-TV! - Mayor Biko, nagpatikim ng mabuting liderato; ibang Mayor, nagmaasim! - Stress-Con ng Pang-gulo, inabot ng...
Episode 67: KJAH - Sa Pag-rap, sa Pagtula, at sa Pagharap sa mga Hamon ng Buhay 01.04.2020 1:42:20
Ngayong naka-Enhanced Community Quarantine tayo, sinubok nating mag-guest while practicing social distancing. Sa pamamagitan ng web-based video conferencing, nakakwentuhan natin ang dating FlipTop Battle MC at ngayo'y full-time rap artist at makatang si KJah sa #TheLinyaLinyaShow! Napag-usapan namin ang buhay-rapper, ang pagkatha ng mga kanta, ang patula, at ang papel ng musika at literatura sa pa...
Episode 66: JERRY B. GRACIO #TulaSomebody 28.03.2020 19:10
Ito na ang #TulaSomebody-- ang segment nating may sarili nang episode ngayon! Ang layon natin: makapagbasa at makapagbahagi ng mga tula’t akda mula sa ilang mga Pilipinong manunulat at makata. Sa paraang ito, sama-sama tayong mga KapaLinya, mga forever-22, na matututo, maaaliw, maiiyak, kikiligin, kikilabutan... makakaramdam. Ang pinaka-una nating feature: si Sir Jerry B. Gracio at ang kanyang mga...
Episode 65: Wake Up With Jim and Ali - On Work-Life Balance, Creative Pursuits & Self-Improvement w/ Jim Bacarro 25.03.2020 56:22
Habang nasa Cebu for a business trip, Ali recorded an episode with his Linya-Linya business partner and good friend Jim Bacarro. Over hot tea, they talked about work-life balance, creative pursuits, and self-improvement. Ito na nga ang semi #WakeUpWithJimAndSaab x #TheLinyaLinyaShow podcast crossover (we missed you, Saab!) we've been waiting for. Podkids & fellow-22's unite and listen, listen...
Episode 64: Kumain ka na ba talaga? Lingkod KapaLinya with Prof. Yol Jamendang 18.03.2020 38:48
Sa panahong ito, mayroon tayong isang napakahalagang tanong: "Kumain ka na ba?"Mga KapaLinya, sadyang may mga bagay sa buhay na anumang pilit isipin, pag-aralan, at pagnilayan, ay hindi natin lubos na maintindihan. Halimbawa: pag-ibig. Bakit, sa tuwing...
Episode 63: Kumain Ka Na Ba? Kwentuhang Pagkaing Pinoy bilang Kulturang Popular Kasama si Prof. Yol Jamendang 11.03.2020 1:07:02
"Kumain ka na ba?" Ito ang tanong ng nanay mo sa'yo pagkagaling mo sa school o sa opisina, ang tanong mo sa jowa mo (kung may jowa ka) para malaman kung magte-take out ka ba sa paboritong fastfood chain o sapat na 'yung binili mong milk tea, ang tanong mo sa dumating na bisita bilang pambungad kasi ayaw mo pang itanong kung bakit bigla siyang napadaan. Ito ang tanong ni Sir Yol, propesor ng Popula...
Episode 62: Women in Sports and Women Empowerment with Ms. Ceej Tantengco 04.03.2020 1:26:42
Paano tinitingnan ng lipunan ang kababaihan sa larangan ng sports sa Pilipinas? Sino-sino ang mga tinitingala nating women athletes noon at ngayon? Kwentuhang sports at kababaihan ngayong #WomensMonth sa #TheLinyaLinyaShow with writer, gender equality advocate, and #GoHardGirls podcast host and creator, Ms. Ceej Tantengco. Share your thoughts @linyalinya on Instagram!
Episode 61: Teleserye at Iba Pang Mukha ng Pinoy Drama w/ Louie Jon Sanchez 25.02.2020 1:23:08
Nanonood ka ba ng teleserye o telenobela? Saan at paano ba nagsimula ang phenomenon na ito? Ano'ng klaseng aso nga ba is Fulgoso at ano namang nilalang si Kokey? Mula Marimar, Mara Clara, at Mula sa Puso, hanggang Daisy Siete, May Bukas Pa, at Ang Probinsyano-- samahan niyo sina Ali at ang propesor at makatang si Louie Jon Sanchez magpalipat-lipat ng channel sa special episode na ito tungkol sa Pi...
Episode 60: How to Identify a Toxic Relationship w/ Doc Gia Sison 19.02.2020 1:05:12
People tell us to avoid toxic relationships. Pero paano nga ba natin masasabing toxic ang isang relasyon? Paano ba tayo makakaiwas dito, o paano ito lalatagan ng solusyon? Sa hindi masyadong inaasahang pagkakataon, muling nagkasama at nagkakwentuhan sina Ali at Doc Gia, this time, sa isang foot spa sa mall. Pakinggan ang kanilang mga #FootForThought on this one-of-a-kind #SpaTalks kasama na ang is...
Episode 59: NANLILIGAW O NALILIGAW? Usapang Self-Love this Valentine’s Season w/ Doc Gia Sison 12.02.2020 1:08:11
It's Valentine's season, at ang lamig na ng panahon. Sa isa na namang pambihirang pagkakataon: Nagkasalubong ang landas nina Ali at Doc Gia Sison! Makisabay sa kanilang #WisdomWalk sa mall habang tinatalakay ang usapin ng self-love. Tara na't makitambay at nandito na ang first-ever live-recording podcast episode ng The Linya-Linya Show sa Linya-Linya Store SM Megamall! Share your thoughts and feel...
Episode 58: Kung Paano Kakapit sa Pag-asa sa kabila ng Pagkawasak kasama si Sir Ediboy Calasanz 05.02.2020 29:13
Dumaan ka na rin ba sa patong-patong na problema, at makagunaw-mundong pagkawasak? Sa panahong ito, saan tayo huhugot ng pag-asa at lakas na magpatuloy? Muling nagbabalik ang premyadong propesor ng Pilosopiya na si Sir Ediboy Calasanz para magpaliwanag, at magbigay ng liwanag. Follow us @thelinyalinyashow, use the hashtag #TheLinyaLinyaShow and share us your thoughts.
Episode 57: "Pilosopo ka talaga!" PHILOSOPHY 101 at Usapang Tao at Pagpapakatao kasama si Sir Ediboy Calasanz 28.01.2020 54:13
Ano ba ang Pilosopiya? Ano ba ang pamimilosopiya? Bakit mahalaga ang pamimilosopiya? Marami tayong nalalaman, subalit mas marami pang hindi nalalaman. Ano ba itong "talaga"? Talaga bang walang-hanggan itong "talaga"? Talaga? Ano'ng naaalala mo sa karakter ni Rizal na si Pilosopong Tasyo? Ano ang ibig-sabihin kapag sinabihan tayo ng matatanda noon ng "Pilosopo ka talaga!"? Sa bilis at gulo ng mundo...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.