Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

The Linya-Linya Show

Comedy TL ↓ 431 episodes

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: www.linyalinya.ph

Author

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

Category

Comedy

Podcast website

www.linyalinya.ph

Latest episode

Nov 13, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 10M+ downloads · 4.7+ rating iOS soon

Episodes

205: Sabayang Love Life w/ Victor Anastacio & Chi Estrada 28.10.2022

”Thug life o hug life, wala kaming love life” … But that is all in the past now. Dahil sa wakas, nakasama na natin muli ang comedian, actor, “hunk,” at kaibigan kong si Victor Anastacio – B… kasama ang multi-talented comedienne, ½ of Sari and Chi, at girlfriend niyang si Chi Estrada – BOOOOOOOOM!!! Mga 22,222 times talaga kayong mapapa-boom sa episode na ‘tong solid at napakasayang catch-up kwentu...

204: Mental Health matters and why it matters w/ Dr. RJ Naguit 22.10.2022

Ngayong World Mental Health Month, masaya akong nakasama natin ang medical doctor, activist, community development student, colleague and friend na si Dr. RJ Naguit – BOOM! Tungkol sa advocacy, lagay ng mental health services sa Pilipinas, mental health in the workplace, at kung paano pa natin mas mapapakalas at masusuportahan ang kampanya para sa ikabubuti ng mental health nating lahat. Reach out...

203: HONEYFEST 2022 w/ Pam Pastor 17.10.2022

May manifest. May moneyfest. At syempre, may honeyfest. Kwentuhang law of attraction at matatamis na tagumpay sa buhay pag-ibig with the one and only, writer and warrior of love, Pam Pastor. Just open your heart and listen up, yo!

202: 22 w/ a Fellow-22 ft. Jed Violeta 14.10.2022

Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin (in around 22 mins hehe). Iba’t ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, kasama natin ang isa sa mga pinakabibo pero pinakamalalim na Fellow-22 out there, isang IT at financial advisor na wagas magmahal, si Jed Vio...

201: Muni-muni inom-inom w/ Charles Tuvilla 11.10.2022

Nakasama ulit natin sa pod ang isa sa mga pinakamalapit kong tropa na si Charles Tuvilla – BOOM! Napa-throwback lang kami to all things inom: Mga anti-drinking pacts, inumang pinaikot-ikutan ng tatay na nakamotor, Cali Shandy, gin, sari-sari store shots, at ang joy & essence ng pag-inom kasama ng mabuting magkakaibigan. Just shoot your shot and listen up, yo!

200: Building habits & overcoming “Saabits” w/ Saab Magalona 07.10.2022

This is The Linya-Linya Show's 200th episode, at bilang milestone ito for us, kasama natin as special guest:ang unqualified life coach and Podmom, Saab Magalona-Bacarro! Swabe ang first-time recording sa bagong office (na nabuo rin dahil sa magic ng isang Coach Saab)! Masayang kwentuhan tungkol sa aming pinakamamahal na shared spouse, fear of "Saabits" and how to overcome them, and having an atmos...

199: Sa kapangyarihan ng salita at ng katotohanan w/ Kael Co 03.10.2022

Sa wakas, nakausap ko na nang solo sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakahinahangaan kong manunulat sa balat ng lupa, ang aking mentor, kainuman, at kaibigan: si Mikael de Lara Co – BOOM! Talagang nagpaka-BeReal lang kami sa episode na ‘to: tungkol sa mga karanasan sa pagtira sa iba’t ibang lugar, sa kapangyarihan at hatak ng magagandang akda, sa complexity ng pagiging manunulat, sa sanhi a...

198: Daddy Diaries - Pamilyarization: Family Reunions, Gatherings & Traditions 26.09.2022

Isang mabuti at definitely ma-beauty na episode kasama ang nag-iisa kong superdad, si Engr. Rene Sangalang – BOOM! As usual, sobrang chill na kwentuhan lang sa bahay namin isang hapon. Usapang #Pamilyarization: Memories that heighten your senses, family traditions, importance at difference ng pagkikita sa totoong buhay (vs. online), at ultimately, kung paano’ng ang pamilya ang lagi nating masasand...

197: BASA TRIP - Commencement Speech of Ricky Lee for the 2019 Graduating Class of PUP 23.09.2022

Basa trip, ‘wag basag trip. Sa pangatlong episode ng bagong segment nating Basa Trip, kung saan magbabasa tayo ng ilang mga akdang Pinoy, ang napiling akda: Talumpati ng National Artist and renowned screenwriter na si Ricky Lee para sa graduating class ng Polytechnic University of the Philippines noong 2019. Isang karangalan ang maibahagi ito sa inyo – Banayad, sincere, at puno ng pag-asa. Makisan...

196: LOLs and LULs w/ Alex Calleja 19.09.2022

Long time coming, at sa wakas, nakasama na rin natin ang isa sa dream guests ko: Host, writer, radio TV personality, director, podcaster, IT programmer, standup comedian, Alex Calleja! BOOM! Tungkol sa naging journey so far ng isang Alex Calleja: mula sa humble beginnings with otso-pesos Pancit Canton, kung pa’no siya nagsumikap at nakaahon, sa’n siya humuhugot ng inspirasyon, perspective tungkol...

195: 22 w/ a Fellow-22 ft. Steve Cardona 16.09.2022

Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin (in around 22 mins hehe). Iba’t ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, nakasama natin ang isa sa mga OG Fellow-22’s na si Steve Cardona. Sobrang bait, talented, at punny guy, dating prof sa De La Salle Lipa, mabu...

194: Catch-up w/ Jim and Saab 12.09.2022

Sobrang saya-- nakabalik na sa wakas sa The Linya-Linya Show ang pinakamamahal nating Wake Up podparents, Jim Bacarro and Saab Magalona – BOOOOOM! Mabilisang catch-up lang tungkol sa mga bagong tagumpay sa buhay at puso, na lagi’t laging masarap i-share kasama ang mga tunay na kaibigan. Listen up, yo! #ICYMI mapapakinggan niyo ang side A ng episode na ‘to sa Wake Up With Jim and Saab podcast!

193: Mabuting Makinig w/ CarlJoe Javier 02.09.2022

Makinig nang mabuti: #MabutingMakinig sa episode na ‘to, dahil nagbabalik ang writer, musician, podcaster, ½ of Chino and Carl’s Guitar Picks, CEO of PumaPodcast, and good friend, CarlJoe Javier – BOOM! Masaya at swabeng kwentuhan lang may mutual na pakikinig from both sides. Tungkol sa halaga ng paggamit ng tenga: Mula sa Metallica, gigs at music scene, The Joy of Radio Discovery, hanggang sa mai...

192: Mahalaga Ang Alaga w/ Malou Perez of Pawssion Project 24.08.2022

Nag-uumapaw sa passion ang episode na ‘to. ‘Di rin naman nakakapagtaka, bilang ang nakasama natin ay si Malou Perez –  licensed financial advisor, environmentalist, animal welfare advocate, and founder of Pawssion Project – BOOM! On passion, volunteerism and advocacy: Pinagkwentuhan namin ang pinakamamahal nating animals, responding to the call, how passion and compassion can be spread so eas...

191: Bulagaan w/ Manny Tanglao 18.08.2022

Bulagaan episode with the man with many friends, my best friend, Manny. Bilang bulagaan episode, pakinggan niyo na lang para mabulaga rin kayo. Listen up, yo! BOOM!

190: Sa totoo lang, kumusta ang love at life mo? 02.08.2022

Tough questions. True Stories. Real Talk. Long overdue na pagbabalik ng isa sa mga puso ng Linya-Linya at ultimate Fellow-22 favorite, Doc Gia Sison– BOOM! Sa totoo lang, nag-simpleng catch-up kwentuhan lang kami tungkol sa life and love, at sa pag-manifest ng mga bagay na inaasam-asam at deserve natin sa buhay. Pero kakaibang Ali at Doc G tandem ang matutunghayan niyo: Mas palaban, demanding, at...

189: BASA TRIP - Lahat ng Nag-aangas ay Inaagnas ni Paolo Tiausas 21.07.2022

Basa trip, ‘wag basag trip. Sa pangalawang episode ng bagong segment nating Basa Trip, kung saan magbabasa tayo ng ilang mga akdang Pinoy, ang napili nating libro: Lahat ng Nag-aangas ay Inaagnas, isang koleksyon ng mga tula ni Paolo Tiausas. Deep dive sa karagatan ng kaisipan ng lalake na sinisisid ang nature ng pagkalalake. Mga tula: Pambungad sa Angas (0:00) Isang Pakikipagtuos sa Bungo ng Pusa...

188: INAH EVANS a.k.a. Ate Dick - Kwentuhang Kalasingan 08.07.2022

Pakinggan ang reincarnation ng tinig ni Kuya Dick sa katawan ng nag-iisang pambansang baklang kanal na si Inah Evans, also known as Ate Dick, isang influencer, content creator, at social activist. Sa episode na ‘to, mabibigyan ng panibagong kahulugan ang salitang baklang kanal at kung gaano ito kahalaga para kay Inah, bilang isang influencer na kinalakhan ang Maynila (at estero). Samahan niyo kami...

187: MACOY AVERILLA - Kwentuhang Kotse 30.06.2022

BOOM! VROOM! Nakasama ulit natin ang isa sa mga pinakanakakatuwa at nakakatawang content creators of our generation, si Macoydubs! Ang kwentuhan namin sa episode na ‘to? Sasakyan. Bilang huge car enthusiast (na lingid sa kaalaman ng iba), humingi tayo ng advice kay Macoy: Ano’ng kailangang mga paghahanda at considerations ng isang first-time car buyer? Praktikal pa bang mag-kotse sa Pilipinas ngay...

186: Daddy Diaries - Buhay Tatay 21.06.2022

Sa episode na ‘to, alamin natin: What did it take to raise a Podcast Superstar? WIW! Nagbabalik sa pod, by popular demand, si Engr. Rene Sangalang a.k.a. Daddy! Sinakto namin sa Father’s Day na pagkwentuhan ang Buhay Tatay bilang magiging tatay tayo... I mean, ang marami sa atin, balang-araw. BOOM! Tungkol sa mainam na paghahanda at tamang mindset for fatherhood, happiest and saddest moments, pag-...

185: The Yani Experience w/ Yani Villarosa 11.06.2022

Pasabog kung pasabog ang out-of-this-world episode, kasama ang model student, content creator, and child wonder na si Yani Villarosa. In fact, kung saan-saan umabot ang usapang Gen-Z namin: Atay at Corazon. Stupid Luv. Science High Schools. Get That Ball by Viva Hot Babes. UPLB. College Life. Work-Aral Balance. The Elephant In The Room. The Linya-Linya Experience. Kayo na’ng bahalang makinig para...

184: BASA TRIP - Ang Pasipiko sa Loob ng Aking Maleta ni Alwynn C. Javier 04.06.2022

Basa trip, ‘wag basag trip. Sa bagong segment na ‘to, magbabasa lang ako ng ilan sa mga akdang nagustuhan ko at gusto kong ibahagi sa inyo (tula man, short story, article, essay, speech o kung ano pang other forms of literature or writing). Ang nabunot kong libro sa shelf ko, isang koleksyon ng mga tula: Ang Pasipiko Sa Loob ng Aking Maleta ni Alwynn C. Javier. Mga Tula: Bachelor’s Pad How I Spent...

183: NICA DEL ROSARIO - Ang Tinig at Himig na Mananaig 27.05.2022

‘Wag kang mabahala… dahil nakasama natin ang award-winning singer-songwriter, composer, and lyricist, at isa sa mga nangingibabaw na tinig at himig ng ating henerasyon– si Nica del Rosario. BOOM! Masayang kwentuhang musicians, este, magkaibigan– mula Jamaican Pattie bias at strategy sa pag-grocery; sa pagpasok nya sa mundo ng musiika at sa proseso nya sa songwriting; sa kung sino’ng kamukha ni Ali...

182: AG SAÑO - The Moral of the Mural 19.05.2022

“Pwedeng mapagod. Bawal Sumuko.” At hindi nga tayo sumukong ma-guest ang world-renowned mural artist, environmentalist, at social activist, at ito na nga sa wakas sa The Linya-Linya Show: Sir AG Saño – BOOM! Isang malaking karangalang maka-collaborate ang isang artist na inilaan ang buhay sa sining, sa kalikasan, at sa lansangan. Sa episode na ‘to, pinagmunihan namin ang tunay na power at impact n...

181: Sa totoo lang, paano magtutuloy pagkatapos ng halalan? 13.05.2022

May mga nagsasabi-- this is the election of our lives. Maraming tumindig, ipinarinig ang tinig, tumaya; nagbuhos ng oras, enerhiya, talino, talento, at kahit sariling resources. Ngayon tapos na ang halalan, paano nga ba ipoproseso ang nararamdaman? Samahan niyo kami ni Doc Gia Sison na harapin at i-acknowledge, anuman itong samu't sari at naghalo-halo nang emosyon. Isang mahigpit na mahigpit na ya...

Listen to the The Linya-Linya Show podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.