JJ Pine

Madaling Araw Chronicles

Comedy EN ↓ 21 episodes

Pinagsama-samang tula na nabasa ko kung saan at mga saloobin na niluwal ng kape at katahimikan ng madaling araw. O pwede rin ng mga agam agam—mga bagay na pinapanganak natin tuwing akala natin ay walang tengang handang makinig. Kapag masaya o malungkot. Kapag mag-isa. Tara, samahan mo ko.

Be sure to visit the podcast's website and support the creator: podcasters.spotify.com

Author

JJ Pine

Category

Comedy

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Sep 30, 2024

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android almost 10M downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

What the soul needs 30.09.2024

Sorry, I cant come to the phone right now. **kuha ang litrato sanitaas ng Mt Gulugod Baboy, sa bayan ng Mabini, Batangas**

From Bangkok with love 24.05.2024

Sinulat sa loob ng eroplano. Nirecord sa isang maliit na hotel sa Tani Road. **kuha ang litrato sa highway ng Sathon Rd, Thailand**

Paborito 10.04.2024

Hango sa isang post sa isang fb page na may ngalan na: Sa Eskinita ni Inday. Binago nang kaunti para umakma sa pag aalayan.

Uwian na 20.08.2023

Para sa mga tumatayong bituin at bumbilya sa ating buhay. Sa pagbibigay ng kislap sa walang kasiguraduhang bukas. Salamat! **kuha ang litrato sa himpapawid ng Maynila

But That's Life! 20.08.2023

Mula sa librong Tagos ni TPC. Para satin na madalas na kinukwestyon ang buhay. Ito ang mumunting paalala na minsan, isa kang naging magiting na... *kuha ang litrato sa dalampasigan ng Sta Fe, Bantayan Island*

Sa Ating Muling Pagkikita 16.04.2023

Nilingon kita ngayong madaling araw. Akda ni Reinne Villasanta na natagpuan sa pahina ni Rod Marmol—na Utot Catalog—nung taon 2016. Nilapatan ng kantang Burnout ng Sugarfree. **kuha ang litrato sa itaas ng Maligcong Rice Terraces, Mt Province.

Maliwanag ang Langit, Malamig ang Gabi 01.04.2023

Mula sa librong Habang Wala Pa Sila ni JMS. **kuha ang litrato sa isang sulok ng Quezon City

untitled 23.10.2022

paalala: wag mo kalimutang mabuhay sa ngayon.

Liham sa Anak 15.09.2022

Nandito tayo sa panahong ang mga gutom na magsasaka na humihingi ng bigas, kinukulong. Samantalang yung nagnakaw ng milyon-milyon, andun sa Malacañan may pwesto’t nakatungtong. Ito’y alay kina Valentina 78 at Jovita 65, mga magsasakang nanghingi lang ng bigas—kinulong sa kasong direct assault sa Kidapawan. **ang litrato ay kuha sa isang kalye sa Bontoc, Mountain Province

Malinaw na Malabo 10.09.2022

Sa patlang, sapat lang. Akda ni DMR mula sa Wag Mo Akong Bitawan podcast dito rin sa spotify. **kuha ang litrato sa isang kwarto sa Bantayan Island, Cebu

; 30.07.2022

hanggang sa muli **kuha ang litrato sa pampang ng Sabang, sa Baler.

Kuwitis 30.07.2022

Sa panulat ni Allan Popa.

Kapag Umiibig 30.07.2022

Kailan mo huling naranasang lumingon nang nakangiti sa kawalan? Umalagwa panandalian at samahan si Jett Gomez kung paano ba kapag umiibig.

45 28.07.2022

Sa mga maliliit na bagay na nagpapaalala satin.

Hindi Tulad Ng Dati 24.07.2022

Magkaiba kami ni Bryan Bracero. Di ako totally nag aagree sa mga sinabi niya (o baka tapos na ako sa stage na yun) pero gusto ko ‘tong akda niya. Pwede pala yun no? Ang sakin kasi, hinahayaan kong dalawin ako ng gunita. Kung sakaling kakatok ito sa ‘king pinto para ako’y bisitahin. Maayos kong sasalubungin at tatanungin kung gusto niyang maupo muna saglit. Aalukin ng kape at kakausapin. Mas mainam...

Kape at Madaling Araw 19.06.2022

Oh, ba’t gising ka pa? Sakto may tirang kape diyan. Lika at saluhan mo ko rito.

Mangyari Lamang 19.06.2022

Isang tula na malapit sa puso ko. Nadiskubre ko nung pandemic. Tunghayan ang Mangyari Lamang ni Rico Abelardo.

Ang Mga Walang Pangalan 19.06.2022

Gamit ang tula ni Jose F Lacaba, samahan niyo ako magbalik tanaw para alalahanin ang mga taong nakipaglaban sa ating laya mula sa panahon ng diktador. Silang mga walang pangalan.

Ito Ang Gabing Babalikan Kita Pagkatapos ng Tatlong Taon Nang Hindi Na Maiiyak at Masasaktan 08.05.2022

Sakto ang timpla ng gabi. Panahon na para balikan kita.

Sanayan Lang Ang Pagpatay 07.05.2022

Paano nga ba tayo nasanay sa mga ganitong eksena? Na tila normal lang na may bumabalandrang bangkay sa mga eskinita? Pawang mga piping saksi sa mga walang pangalan at nagiging numero na lang sa napakahabang listahan ng mga biktima ng EJK. Halika’t pakinggan ang tula ni Fr. Albert Alejo.

Pagpapalipas-oras 01.05.2022

Totoong may pag-ibig sa walang katiyakang paghihintay. Inilarawan ito ni Jerry B. Gracio sa kanyang mumunting tula.

Listen to the Madaling Araw Chronicles podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.