Jacob Maquiling and the Pod Network
Ganito Kasi 'Yan!
Ganito Kasi ‘Yan is a Gen Z-led podcast by Ateneo Communication student Jacob Maquiling, tackling love, life, and growing pains through fresh, youth-centered conversations. It’s raw, witty, and heartfelt — a platform for young Pinoys to speak their truth and feel heard. Thanks for tuning in! You can help support our podcast by:TAPPING the FOLLOW button and NOTIFICATION BELLRATING this podcast with 5 STAR!If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com.
Author
Jacob Maquiling and the Pod Network
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 8, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
going 2025! 🏃🌟 11.01.2025 39:52
Go, go, go tayo sa 2025 kung saan new year, new journey ang inyong ultimate Gen Z tambayan sa paghahatid ng kwentuhan, tawanan, at bardagulan. Ano nga bang nilolook forward nina Jacob at Lance (na malapit na ring grumaduate!), at bakit nga ba tila rollercoaster rin ang emotion na bumungad sa GKY this episode?
hindi invited si gabby at elijah 🔫 💵 (with Gabby Padilla and Elijah Canlas of Uninvited) 04.01.2025 42:01
Invited ang lahat ngayong Sabado sa pagbisita nina Gabby Padilla at Elijah Canlas sa GKY! kasabay ng patuloy na showing ng hit MMFF 2024 film na Uninvited. Pinag-usapan nila ang kanilang kuwento sa likod ng pelikula, ang reunion nilang dalawa sa isang proyekto, at ang pakikipagsabayan sa talaga namang star-studded ensemble.
GK24 | Ganito Kasi Ang GKY 2024! 28.12.2024 1:04:50
Sa pagtatapos ng isang rollercoaster na taon, samahan sina Jacob at Lance na balikan ang mga tawanan, kwentuhan, at bardagulan ng GKY! ngayong 2024. Alamin rin kung ano ang kanilang top episodes at guests, ang moments nila behind the scenes, at ang mga dapat abangan sa susunod na taon.
GK24 | You Miss My Chismis? The 2024 Pinoy Showbiz Recap (Part 2) 21.12.2024 54:26
Huwag magpahuli sa pangalawang pasok ng chismis! Tinutukan nina Jacob at Lance ang bahay ni Kuya para sa bardagulang Jas-Fyang, ang mga sinehan sa release ng Wicked at Hello Love Again, ang DRPH sa alaws galapap na pagkapanalo ni Maxie, at maraming iba pa dito lang sa ating showbiz recap ng 2024.
GK24 | Sa Ulo ng mga Balita, Tama Ka Na 2024! (Part 2) 18.12.2024 38:26
Timbog kay Quiboloy at Guo, Labanang Kamala Harris-Donald Trump. Bardagulan at hiwalayang Marcos-Duterte. Punong-puno ang second half ng 2024 ng takbuhan at alitang talaga namang nagpasakit pa sa ulo nating lahat. Pero siyempre, ‘yan ang mga balitang babalikan nina Jacob at Lance sa pangalawang bahagi ng pasok ng mga balita.
GK24 | 2024 Wrapped: State of the Nation na Laging Online 14.12.2024 56:42
Brainrot malala na lang talaga para sa ating lahat na laging online. From Diwata, Arman Salon, at kay Boy Dila, hanggang sa bardagulan kay Jen Barangan, Yulo Family, at healing your inner child, walang issue na hindi pinalagpas sina Jacob at Lance sa 2024 wrapped ng mga netizens na laging may pinag-uusapan at pinag-aawayan.
GK24 | You Miss My Chismis? The 2024 Showbiz Recap! (Part 1) 11.12.2024 36:15
Mga marites! It’s our time to shine sa ating pagbabalik-tanaw sa mga pinakang pinag-usapan at gumimbal sa Pinoy showbiz sa first half ng 2024. Mula sa hiwalayang Bea-Dominic, tambalang Kapamilya-Kapuso, balikan ni Kuya Wil sa TV5, at ang pagsikat ng Nation’s Girl Group, walang chismis na pinalagpas sina Jacob at Lance para sa inyo.
GK24 | Sa Ulo ng mga Balita, Tama Ka Na 2024! (Part 1) 07.12.2024 34:30
Nagbabalik ang GKY para balikan ang mga pinaka-trending, latest, at eksplosibong kaganapan ng 2024! Sa unang pasok ng mga balita, hatid nina Jacob at Lance ang eksena sa Bagong Pilipinas, Bamban, West Philippine Sea, at Gaza. Bakit nga ba bad shot na si VP Sara kay FL Liza? At lumaki nga ba talaga sa farm si Alice Guo?
HOY! SIGA AKO SA BUHAY!!! with one click straight 🤜😤🤛 30.11.2024 39:36
SIGA KA RIN BA?!?! ‘Yan ang sasagutin natin this episode kasabay ng pagbisita ng indie band na ONE CLICK STRAIGHT para ibahagi ang kanilang latest single. Alamin natin ang kwento ng mga magkakapatid din sa kanilang pagiging isang banda, at kung paano ka rin papalag sa mga hamon ng buhay.
para saan ba talaga ‘yang college orgs? 💻🤙 23.11.2024 36:14
Balik muna tayo sa usapang college, at samahan niyo kaming sagutin kung ano nga ba talagang value ng pagsali sa mga student orgs? ‘Yan lang naman ang pinagusapan ng mga certified BS Org na sina Jacob at Lance na nagsisimula nang malugmok sa finals season.
bakit ba ang daming (pa) sikat na gustong tumakbo? ✨🤮 16.11.2024 49:47
Hindi ito Star Magic o Sparkle, pero bakit nga ba tila ang daming gustong mag-audition na mga celebrity at influencer sa darating na halalan? Mula sa senador hanggang konsehal, inisa-isa nina Jacob at Lance ang mga celebrity na gusto ata ng side gig para sa iba at ang estado ng showbiz at pulitika sa bansa.
paano gawing malamig ang bf kong in heat? 🥵🥶 09.11.2024 34:06
Sa init ng panahon ngayon, mas malala pa ang in heat na boyfriend na pinoproblema ng letter sender natin. Kapag tila wala nang kontrol sa katawan ang partner mo, paano ba dapat palamigin ang problemang ito para marespeto rin ang boundaries and preferences mo?
what if hindi ka pasado sa friends ng jowa mo? 😱🙅 02.11.2024 32:06
Oh no, oh no! Magluluksa ka na ba agad ngayong Undas kung nalaman mong hindi ka pala gusto ng mga kaibigan ng partner mo? ‘Yan lang naman ang susubukang sagutin nina Jacob at Lance ngayong Sabado sa letter sender nating tinatawag daw siyang toxic. Alamin nga natin, gaano ba talaga kahalaga ang approval ng barkada sa relationships ng isa’t isa?
ang alamat ng sad girl with jayda 🥹🤦♀️ 26.10.2024 57:57
Sa pagbisita ng rising artist na si Jayda, alamin natin kung bakit nga ba naging sad girl ang letter sender natin sa pagmove on sa kanyang ex na nakahanap na ng iba. Bukod dito, mas kilalanin pa natin si Jayda at ang kanyang kwento kung bakit nga ba sad girl din siya sa kanyang album na “Sad Girl Hours.”
may singil ba ang pangarap? 🤔⚖️ with the cast of bar boys: a new musical 19.10.2024 1:01:30
Never ready, always prepared na sina Jerom Canlas, Omar Uddin, Benedix Ramos, at Alex Diaz mula sa Bar Boys: A New Musical para magbahagi ng kanilang journeys and experiences kasama sina Jacob at Lance sa pagkamit ng kanilang sariling pangarap. Nagbabago nga ba talaga ang ating mga pangarap, at paano nga ba ang mangarap?
bakit kailangan kong bumoto sa 2025 elections? 🗳️🇵🇭 12.10.2024 52:15
Talaga naman it’s the season na naman ng mga pulitiko! Sa unang edisyon ng ating “Bakit?” series, kilalanin at usisain natin ang mga kandidatong tatakbo sa upcoming 2025 Elections. Puro bagong Pilipinas, lumang mukha na lang ba ang ating aasahan? May pag-asa pa ba talaga tayo? At bakit ba mahalaga ang pagboto natin sa darating na eleksyon?
let’s talk (or not talk) about sex 🤫👀 05.10.2024 37:23
Aminin niyo na, ang hirap maging open sa isang topic na hindi naman talaga tinuro nang maayos sa school or bahay. Kaya naman ngayong Sabado, pag-uusapin natin lahat ng tungkol sa sex, lalo na ang value and importance ng consent and saying no.
may bagong alas si elijah canlas ♣️👌 28.09.2024 40:34
Oh yes, kilala na namin ‘yang si Elijah Canlas sa pelikula at telebisyon – pero sino naman ba si elijah with a lowercase? Sa kanyang kwentuhan kasama sina Jacob at Lance, lalo nating kilalanin ang award-winning actor na pumapasok ngayon sa mundo ng rap at musika.
she's just janine berdin!!! 🤟💁♀️ 21.09.2024 36:48
Simple pero rock ang eksena ng rising singer-songwriter na si Janine Berdin sa kanyang pagbisita sa GKY. Mula sa kanyang audition hustle sa pagkabata, alamin kung paano gumagawa si Janine ng kanyang marka sa industriya in her own style and signature Jacob Maquiling Instagram | Facebook | X Lance Arevada Instagram Ganito Kasi 'Yan! Instagram | X Tugon Po Form: https://tinyurl.com/GKYTugonMo
sa may sabit or sa medyo di ko bet? 🤷♂️😭 14.09.2024 27:45
Tugon Po is back sa letter sender nating may malaking problemang kailangang tugunan nina Jacob at Lance. Pipiliin niya bang lumandi pa sa ideal guy for them pero taken na, o magsettle siya sa hindi niya masyadong bet kahit may potential naman?
tara, fun? (self love version) ✨⛺️ 08.09.2024 53:05
Hindi man pinalad sina Ejay, Miggy, Pipoy at Universe sa queer dating reality show na Sparks Camp Season 2, binahagi naman nila ang kanilang mga learnings sa kanilang karanasan. Kumusta na kaya sila after the camp?
tara, fun? ✨⛺️ 07.09.2024 59:13
Sa pagbabalik nina Jacob at Lance, pasabog ang kanilang naging usapan kasama sina Allan, Kyle, at Martin – ang mga campers na nag-uwi ng mutual sparks sa queer dating reality show na Sparks Camp Season 2. Talaga bang nauwi sa happy ending ang kanilang sparks?
Welcome to Adulting, You’re On Your Own Kid with Anica Neri and Elijah De Guzman of ANIMA Podcasts 01.08.2024 1:27:06
Sa haba ng takbo at sa dami ng guests natin this Season 6, it’s chapter closed na para sa isang one-of-a-kind season. Kaya naman sa ating pagtatapos, sasamahan tayo ng ating producers from ANIMA Podcasts na sina Anica Neri at Elijah De Guzman kung saan pinagusapan natin ang realities and struggles of facing the adulting world and paving your own path. Mayroon ring mga big announcements sina Jacob...
Tugon Po: Cheating Ba Ang Chatting Behind Your Partner’s Back? 27.07.2024 33:40
May balak magpa-loyalty test ang ating letter sender, pero para sa boyfriend niyang nahuli nang nakikipagchat sa ibang babae? ‘Yan ang tinugunan nina Jacob at Lance this Saturday, kung saan pinagusapan nila kung considered nga ba itong cheating at ano pa nga ba ang considered na microcheating. Deserve pa ba ng second chance at loyalty test para sa boyfriend? O wala na nga bang pag-ibig sa kanilang...
Dealing With Detractions and New Directions with Raven Rigor 20.07.2024 59:03
He’s back in GKY and it feels so right! Pasabog ang pagbabalik ng rising Kapamilya actor na si Raven Rigor para sa isang tell-all interview kasama sina Jacob at Lance. Binahagi ni Raven ang kanyang humble beginnings sa Tarlac, learnings mula sa kanyang karera at sa mga nakukuhang comments online, and plans for his bright future ahead. Handa ka na bang sumama sa pangmalakasang kumustahan? 📲 Follow...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.