Jacob Maquiling and the Pod Network

Ganito Kasi 'Yan!

Society TL ↓ 254 episodes

Ganito Kasi ‘Yan is a Gen Z-led podcast by Ateneo Communication student Jacob Maquiling, tackling love, life, and growing pains through fresh, youth-centered conversations. It’s raw, witty, and heartfelt — a platform for young Pinoys to speak their truth and feel heard. Thanks for tuning in! You can help support our podcast by:TAPPING the FOLLOW button and NOTIFICATION BELLRATING this podcast with 5 STAR!If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com.

Author

Jacob Maquiling and the Pod Network

Category

Society

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Jul 8, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

ganito kasi ang game night 4! the elyu getaway extravaganza 🌊🥂 05.07.2025

PUKSAAN NA!!! Sa pagbabalik ng ating Game Night, ito na ang pinaka-special na episode nina Jacob at Lance sa kanilang paglalaro at pagharap sa pinakapasabog na questions all the way from San Fernando, La Union. Humarap din sila sa most requested na aktingan mula sa request ng podmates at one-on-one debates na pang-Mr. Q&A. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e...

ako lang ba yung pet peeve ang grammar perfectionists? 🤨📖 28.06.2025

Sigurado kaming hindi lang ikaw ang may mga rant at kinaiinisan sa buhay. Kaya naman this episode, pag-uusapan nina Jacob at Lance ang mga taong tila may doctoral in grammar kung makapagcorrect at impose ng tamang English when speaking and writing. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.

things we wish we knew before graduating 2: jacob and lance’s grad day special 🎓🎉 21.06.2025

Finally, graduate na talaga ang besties nating sina Jacob at Lance from their college era in Ateneo. Kaya naman to celebrate this historic day, nagbahagi sila ng tips and tricks and lessons in college para sa ating mga estudyanteng podmates.

my ex-boyfriend has a boyfriend now: a gky pride special 🌈❤️‍🩹 14.06.2025

Paano kung nalaman mong ang ex-boyfriend mo noon ay may boyfriend na rin ngayon? In our Pride special, sama-sama nating alamin ang situation na hinarap ng letter-sender nating nag-iisip kung nagamit lang ba siya ng kanyang ex for character development, at kung gaano ba talaga nagiging fluid ang love beyond genders.

podmates, it’s your time to shine! ganito kasi ang 200th episode special 🌟🩵 07.06.2025

Bukod-tanging sakses ang icecelebrate natin tonight dahil ganito kasi ang may 200th episode special! As we achieve this milestone, give na give nina Jacob at Lance ang airtime sa lahat ng podmates na nagpaabot ng kanilang comments and messages. So ang tanong ng bayan: kailan ka ba ulit magsasando, Lance? For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepod...

bare minimum enjoyer, matatauhan ka pa ba? 😪❤️‍🩹 31.05.2025

Self-confessed bare minimum enjoyer ang lumapit sa atin, na alam niyang nagsesettle siya for less sa kanyang partner na tira-tira lang kung magbigay. Pero bakit ba nagtitiyaga pa rin siya kahit alam niyang wala na siyang self-worth, at worth it pa nga bang magstay? For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.

how to uncling sa partner mong clingy? 🙅‍♂️🧑‍🤝‍🧑 24.05.2025

Common tendency sa mga relationship na ginagawa na lang nilang mundo ang isa’t isa, pero paano kung nakakamiss rin maging single? Alamin natin kung paano pa rin magkaroon ng life outside your jowa, at ang importance ng me time. At si Lance, may promise fulfilled ngayong episode? For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.

bakit may pag-asa tayo sa 2028? 🌸🇵🇭 17.05.2025

Not disappointed, and definitely surprised nga naman tayo sa resulta ng kakatapos lang na 2025 Midterm Elections. Kaya naman sa pagbabalik ng sagot sa ating bakit, inisa-isa nina Jacob at Lance ang ating mga tagumpay at ang laban ng alternative movement sa 2028. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.

at least we had this love 📸🏙️ 10.05.2025

Baka magkita tayo sa Escolta tonight sa pagbisita ng cast ng “At Least We Had This Moment” and rising actors na sina Andre Miguel and Raven Rigor! Alamin natin kung ano ba talaga ang yearning na ‘yan, at paano makakarelate ang ating guests at letter sender sa ganitong feeling na makikita rin sa latest release ng SBSG Pictures. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e...

jacob at lance, sumakses na! 🏅🌟 30.04.2025

Sa hinaba-haba ng kanilang pinagdaanan, sumakses na talaga ang ating ultimate besties dahil ngayong araw na ang kanilang last day sa Ateneo. Kaya naman, binalikan nila ang kanilang core memories at learning experiences ngayong grad-waiting na talaga sila. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com. Enjoy a good game of BingoPlus! Licen...

is my partner cheating or delulu lang ba ako? 🕵️💔 26.04.2025

Tamang hinala nga lang ba kung may pinaparating ang instincts mo, kahit wala naman talagang ginagawa ang partner mo? Sasagutin ng mga imbestigador ng bayan natin kung valid ba ang nakikitang signs ni Paranoia Agent na baka nagloloko na ang boyfriend niya, at kung ano bang dapat niyang gawin sa mga hindi makapagpatahimik sa kanya.

academic validation, where na you? 🤓🙏 16.04.2025

Ang hirap mong makuha, pero lagi kang hinahanap lalo ng mga nagsisimula sa college life. Nasaan ka ba talaga, academic validation? ‘Yan ang susubukang matagpuan at paguusapan ng ating mga seniors na malapit nang sumakses sa college, pati na rin ang kanilang mga success stories sa acads na makakakuha kayo ng aral! For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at in...

student leader, lalandi ng member? 😲⁉️ 12.04.2025

Paano kung student leader ka, at nalaman mong type ka pala ng isa sa mga member mo sa org? Grabe namang sitwasyon ang na-unpack ng org besties din natin ngayong Sabado, kung saan tinalakay nila ang power dynamics at pagsunod sa code of ethics sa mga ganitong sitwasyon. If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an...

what’s alter like nga ulit? 🤔💦 05.04.2025

Talaga namang reimagined din ang ating mga Tugon Po sa pagsisimula ng bagong kabanata ng GKY! Dahil nga naman marami na silang nalalamang bagong lesson, binalikan nina Jacob at Lance ang first Tugon Po letter na kanilang sinagot about finding your friend’s account in the alter world. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.

ganito kasi ang 5 years! ask us anything special with jacob and lance 🌟🩵 29.03.2025

Limang taon na tayo sa kwentuhan, tawanan, at bardagulan, Podmates! Kaya naman sa 5th anniversary celebration ng ating ultimate Gen Z tambayan, sinagot nina Jacob at Lance ang ilan sa pinakamainit at eksplosibong katanungan tungkol sa inyong besties at sa GKY!.

confessions of an (ex) dds 👊✌️ 22.03.2025

March pa lang, pero entry na agad sa Ganito Kasi Ang 2025 na ang istorya ng paghuli kay ex-Pres. Duterte sa ICC. Kaya naman, hindi pinalagpas nina Jacob at Lance na himayin ang isyu at balikan kung ano bang buhay growing up sa panahon ng War on Drugs. At sino at anong aaminin ng isang podmate nating minsan nang naging Duterte supporter? For any collaboration, brand partnership, and campaign run in...

thesis, thesis, paano ka ba tatapusin? 💻😭 15.03.2025

Tatapusin ba nina Jacob at Lance ang thesis? O ang thesis nila ang tatapusin sa kanila? ‘Yan ang aalamin natin sa ating kumustahan sa ating favorite besties ngayong less than 100 days na lang ang graduation nila. Sa bilis ng panahon nila, binahagi rin nila ang kanilang reflections on the past few months.

face to face! jacob vs. tristan vs. lance edition 🥊💣 08.03.2025

Eto na ang most awaited face-to-face sa GKY universe! Sa simula ng ating anniversary celebration, finally ay nagharap na sina Jacob at Tristan Angelo para pag-usapan ang kanilang napagsamahan at pinagdaanan sa history ng podcast. Iniisa-isa rin nila kasama si Lance ang pinakang pasabog na comments na dinudulo sa GKY. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us a...

bakit ba may binoboto tayong party-list? 🗳️🏛️ (with Atty. Chel Diokno) 01.03.2025

Sa pagbabalik ng pagsagot sa ating mga bakit, sinamahan tayo ng kilalang lawyer and human rights advocate na si Atty. Chel Diokno para ipaliwanag ang pagpili natin sa isang party-list para sa Halalan 2025. Ano nga bang kahalagahan ng pagkakaroon nito at talaga bang may silbi ito sa ating mga mamamayan?

tuloy niyo na ‘yang queer relationships na ‘yan!🧑‍🤝‍🧑🫶 (with Albert and Aikee) 24.02.2025

Mother Ricky Reyes, hindi matitigilan ang pagmamahalan ng kabaklaan ngayong Sabado! Dahil sa pagbisita ng queer artist couple na sina Albert and Aikee, alamin natin ang naging kuwento ng kanilang pagsasama at ang kanilang pag-debunk sa usual misconceptions sa queer relationships. Totoo ba talagang complicated ito, at bakit nga ba himala na lang ang magtagal ng 1 year sa mga bakla?

na-ghost kita before… okay ka lang? 💑❤️‍🔥 (with Marvin Agustin and Jolina Magdangal of Ex Ex Lovers) 15.02.2025

It’s our biggest Valentine’s special tonight sa GKY! Sa pagbisita ng OG love team nating sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, sama-sama tayong tumugon kay Crinkles at sa nagbabalik niyang ex-kalandian online in the same workplace. Mag-chuva choo choo na rin tayo sa hatid ng MarJo tungkol sa Ex Ex Lovers, at paano ba tayo makakarelate sa ating mga ka-love team!

nakakain ba ‘yang healthy relationships? 08.02.2025

Sana all na lang talaga may ka-bebe time… dahil this episode, bumisita ang Tiktok parents nating sina Bea and Kenshin para ibahagi ang kanilang kwento as a couple. Ipapaliwanag rin nila kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng healthy relationship for them, and paano ito subukang i-achieve para sa mag-jowa at sa magkakaroon pa lang

anong hindi mo gagawin for love? 🙅❤️‍🔥 01.02.2025

Valentine’s na naman… kaya bago kami maghatid ng kwento ng kilig, alamin nga muna natin kung ano bang mga bagay ang hindi mo kayang i-compromise kapag hiniling sayo ng partner mo. ‘Yan ang iisa-isahin nina Jacob at Lance ngayong Sabado, kasabay ng teaser sa pangmalakasan nating mga pasabog sa mga susunod pang episode!

pinagod na kami 😪🚶‍♂️‍➡️ 25.01.2025

Hay, January pa lang pero parang isang buong taon na ang pagod ng besties niyong part-time estudyante, full-time student leader at podcaster sa dami ng mga ganap. Sa mga pinagod na diyan, mag-debriefing muna tayo kasama sina Jacob at Lance at harapin ang nakakapagod na burnout, at ano pa bang magagawa natin para diyan.

boy best friend, who u na lang ako? 🤦‍♀️⁉️ 18.01.2025

Gasgas na ang mga boy best friend na nakakalimot sa mga kaibigan pag nagkajowa na, pero to the next level ang pambabalewala ng kaibigan ng letter sender natin tonight! Paano ba naman, gagawa lang ng excuse sa tropa niyang nangangailangan ng malalapitan para lang sa tinawag pang best f*ck niya?

Listen to the Ganito Kasi 'Yan! podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.