Dean Mel Sta Maria
Dean Mel On AIR (Advice, Interview, Reaction)
Matapang na diskusyon sa maiinit na isyu ng bayan! Samahan sina Dean Mel Sta Maria, Atty. Jen Reyes, at Andrew para sa malalimang pagsusuri at talakayan sa mga pinakamahalagang legal at politikal na isyu na humuhubog sa ating bayan. Makinig at makiisa sa mga usaping napapanahon at may malaking epekto sa ating lipunan!
Author
Dean Mel Sta Maria
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 5, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Reaction | Articles of Impeachment ni VP Sara Duterte 25.06.2025 1:47:15
Nitong nakaraang araw, natanggap na ng Senado ang formal response ni VP Sara Duterte tungkol sa kanyang impeachment complaint. Ayon sa kampo ni Duterte, dapat nang i-dismiss ang impeachment. Ating pag-usapan ang mga Articles of Impeachment na ihinain ng Kongreso.
Reaction | Impeachment kay VP Sara Duterte, Yes or No? 06.06.2025 1:20:49
Nitong Linggo, umalingawngaw ang kabilaang komento ng mga eksperto sa mga pahayag ng mga ilang mga senador tungkol sa hindi pagtuloy ng impeachment. Ating siyasatin ang mga ito.
Reaction | Proseso ng Senado sa Impeachment Trial 01.06.2025 1:26:18
Muling ibinalita ng Senado na iuurong muli ang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte mula June 2, magiging June 11 na. Ano nga ba ang mga proseso ng senado sa mga ganitong Impeachment Trial?
Reaction | PBBM, Inutusan ang lahat ng Cabinet Secretaires na mag-resign! 25.05.2025 1:45:44
Matapos ang May 12 Elections, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos sa lahat ng Cabinet Secretaries na magsubmit ng courtesy resignation. Ito ay sa kagustuhan na "i-calibrate" ang gobyerno. Ano nga ba ang epekto nito at ang mga kapangyarihan ng pangulo sa ganitong pagkakataon?
Reaction | Acquittal ni De Lima, Pinawalang Bisa ng Court of Appeals 25.05.2025 1:43:02
Biglang bumulaga ang balita nitong nakaraang Linggo na pinawalang bisa ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court sa kaso ni Dating Senador Atty. Leila De Lima na may kaugnayan sa iligal na droga. Para saan nga ba ito at ano ang epekto nito sa kaso ni De Lima?
SPECIAL COVERAGE: MIDTERM ELECTION 2025 | DMOA Podcast 18.05.2025 2:53:26
Ngayong Midterm Election 2025, samahan nyo kami sa ating special coverage at sabay-sabay nating abangan ang mga kaganapan at bilangan ng boto! Makakasama natin ang ating Special guest na si Atty. Jennifer Arlene J. Reyes!
Reaction | 10% Tax Increase - Binawi ni Recto, Isang Linggo bago ang Eleksyon 04.05.2025 1:52:43
Naging trending issue nitong nakaraang linggo ang balitang itataas ang ilang mga taxes mula 6%, gagawing 10%. Matapos ang matinding panawagan ng mga tao, sa isang pahayag, sinabi ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na hindi na muna itutuloy ang planong itaas ang tax. Ngayong isang linggo nalang bago ang Eleksyon 2025, ating pag-usapan kung sino ang ating mga dapat iboto!
Reaction | Posible ba ang Pinoy na Santo Papa? Comment na kung sino ang Senador mo! 27.04.2025 2:07:14
Kamakailan pumanaw na ang tinaguriang "People's Pope" na si Pope Francis. Ngayon, usap-usapan na kung sino ang susunod na Pope at isa sa pinakamatunog na pangalan ay si Cardinal Luis Antonio Tagle. Posible nga ba na Pinoy ang susunod na Santo Papa? Comment na kung sino ang Senador na iboboto mo at bakit!
Reaction | DECLINED - ICC, hindi pumayag sa request ng kampo ni FPRRD na ilimit ang verification 21.04.2025 2:14:10
Kampo ng Dating Pangulong Rodrigo Duterte, nag-hain ng request sa International Criminal Court na i-restrict o limitahan ang pag-verify ng mga dokumento sa victim identification. ICC, hindi pumayag sa kanilang request. Ngayong napapalapit ang eleksyon, ating pag-usapan kung ano nga ba ang dapat mga qualifications ng matinong pagboto.
Reaction | Padilla - Naiyak sa Speech ni Go, Marcos - Gumamit ng "fake", Escudero - Nanita! 13.04.2025 2:13:19
Senator Robinhood Padilla, naiyak at nag-walk out sa speech ni Senator Bong Go sa hearing ni Senator Imee Marcos tungkol sa paghuli kay Dating Pangulong Duterte. Senator Imee, gumamit din di umano ng 'bogus' na dokumento. Senate President Chiz Escudero, sinita ang mga senador na ginagamit ang senado sa pamumulitika.
Reaction | U.S. magpapataw ng 17% Tarrif sa Pilipinas, Roque - nag-apply ng Asylum sa the Netherlands 06.04.2025 1:54:16
United States of America President Donald Trump, isinama ang Pilipinas sa pagpapataw ng mas mataas na Tariff sa iba't ibang mga bansa. Ilang mga kandidato para sa Eleksyon 2025, na-call out ng mga netizens dahil sa kanilang mga di magandang sinsasabi sa kanilang kampanya. Former Spokesperson ni Former President Rodrigo Duterte na si Harry Roque, nasa The Netherlands ngayon at mag-aaply di uman...
Reaction | Ano nga ba ang mga nilabag na batas sa pag-aresto ng ICC kay Dating Pangulong Duterte? 23.03.2025 2:20:39
Himayin natin ang bawat pangyayari mula sa simula hanggang sa pag aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Mayroon nga bang mga nilabag na batas sa proseso pag aresto ng International Criminal Court (ICC)?
Reaction | Unang Hearing ni Duterte sa ICC 16.03.2025 1:57:32
Ating siyasatin ang unang hearing ng Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court
Reaction | Posibleng Pag-Issue ng Warrant of Arrest ng ICC - Tama ba ito? 09.03.2025 1:44:35
Usap-usapan kamakailan na mag-iisyu na ng Warrant of Arrest ang International Criminal Court laban kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Tama ba ito o nakapaloob ba ito sa mga agreement at batas ng Pilipinas?
Reaction | Impeachment Laban Kay VP Sara, Trump VS Zelensky - Anong Epekto nito sa Pilipinas? 02.03.2025 1:55:16
Mabagal na pag-usad ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte, ano nga ba ang dahilan at ito nga ba ang itinakda ng Konstitusyon? US President Donald Trump at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, nagkasagutan sa loob ng Oval Office. Sa pangyayaring ito, ano nga ba ang epekto nito sa Pilipinas?
Reaction | Vic Sotto VS Darryl Yap: Pasok nga ba sa CYBERLIBEL? 12.01.2025 1:57:40
Kinasuhan ng TV Host at Actor na si Vic Sotto ang kontrobersyal na Direktor na si Darryl Yap tungkol sa ini-release na teaser ng kanyang bagong pelikula na "The Rapists of Pepsi Paloma." Pasok nga ba ang kaso na ito sa Cyberlibel?
Reaction | 2025 National Budget, Pagtanggal kay VP Sara sa NSC, SSS Contribution 05.01.2025 1:36:20
Ating pag-usapan ang 2025 National Budget, ano nga ba ang epekto sa pagtanggal kay VP Sara Duterte sa National Security Council, Effectivity ng mga pinirmahang batas ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng mga contribution sa SSS ngayong 2025, at ang ika-apat na impeachment case laban kay VP Sara.
Reaction | 2024 Year End Special 29.12.2024 1:38:11
Samahan nyo kaming magbalik tanaw sa mga maiinit na iyung bumalot sa ating lipunan ngayong 2024!
Reaction | VP Sara Impeachment, PhilHealth Event Issue 27.12.2024 2:16:25
Panawagang i-impeach si Vice President Sara Duterte, ano nga ba ang mga grounds para dito? Php 138 Million na event para sa anniversary ng PhilHealth, makatarungan nga ba?
Reaction | 'DEATH SQUAD' CONFIRMED: DUTERTE 03.11.2024 1:57:15
Inamin ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon syang "Death Squad." Sinabi rin ni FPRRD na inutusan nya ang mga kapulisan na "i-encourage" ang mga inaarestong suspek na lumaban para sila ay mapatay.
Reaction | Mga Naramdaman at Nag-Paramdam nitong Bagyong #KristinePH 27.10.2024 1:35:00
Matinding hagupit ng Bagyong Kristine ang naranasan ng ating mga kababayan nitong #KristinePH. Maraming personalidad ang di inaasahang mararamdaman at marami ring pulitiko ang NAGPARAMDAM. #DMOAPodcast
Reaction | Sen Bato, gustong imbestigahan ang War on Drugs, Duterte vs Marcos 20.10.2024 1:49:10
Senator Ronald 'Bato" Dela Rosa, gustong imbestigahan ang War on Drugs ng nakaraang Duterte administrasyon. Ayon kay VP Sara Duterte, “Kung ‘di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea” Cristy Fermin, natalo sa Cyber Libel case na isinampa ni Sharon Cuneta at ng dating Senador Kiko Pangilinan.
Reaction | Garma at Espinosa, Kumanta na! Nuisance Candidates para sa Eleksyon 2025 13.10.2024 1:33:25
Tumestigo na si Retired Police Colonel Royina Garma ukol diumano sa 'Rewards System' ng Duterte Administration sa kampanya nito kontra droga o 'Drug War' Alleged drug lord na si Kerwin Espinosa, sinasabing si dating PNP Chief at ngayo'y Senador Ronald "Bato" Dela Rosa ang pumilit sa kanyang idawit si dating senador Leila De Lima sa ilegal na droga. Atin ring pag-usapan ang mga Nuisance Candidates...
Reaction | VP Sara, bumisita kay FVP Leni sa Naga, VP Sara, Hindi nag-take ng oath sa Hearing 22.09.2024 2:06:25
Vice President Sara Duterte, bumisita kay Former Vice President Leni Robredo. Hindi pagte-take ng oath ni VP Sara sa hearing, binatikos!
Reaction | Pagkahuli kay Quiboloy - Arrest o Surrender? At Birthday Bash ni PBBM 15.09.2024 1:44:49
Success nga ba ng gobyerno ang pagkakahuli kay Pastor Apollo Quiboloy? Ano ang pinagkaiba ng arrest at surrender? At viral ngayon ang Birthday Bash ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang special guest na Duran Duran!
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.